Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 69


CHAPTER SIXTY-NINE

"KAYLAN pa naging sa'yo ang field para tanungin kami ng ganiyan?" tanong ni Klyzia sa'kin habang nakatingin sa pagkain ko na ubos na.

Inirapan ko siya. "Hindi ko inaangkin. Malawak ang buong field bakit dito kayo sa tabi ko umupo?" mataray kong tanong sabay lingon kay Abby. "You still have classes."

Ngumiti silang dalawa sa'kin na para bang nakakatuwa sila at walang nangyaring gulo sa pagitan naming dalawa ni Klyzia. Lumipat si Abby sa tabi ni Zia saka inabot sa'kin ang dala nitong cookies.

"Nag-bake ako ng cookies, eto ang para sa'yo." Inabot niya sa'kin pero hindi ko kinuha ang cookies. Nagtataka silang tumingin sa'kin.

"Ayaw mo na ng cookies?" nagtatakang tanong ni Klyzia.

"No... gusto niya ng cookies. Favorite niyo ang cookies," ani naman ni Abby.

"Yes we do. Kaya nga tinatanong ko siya eh."

Tumayo ako at nilayan silang dalawa do'n. Nagpunta ako sa office ni Sir Nat dahil do'n lang ako makakapunta ng walang manggugulo sa'kin. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob at umupo sa sofa nito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sir habang nakatingin sa laptop nito.

Ngumuso ako at humiga, "wala akong magawa. Mamaya pa ang sunod kong klase kaya dito muna ako," wika ko habang pinaglalaruan ang daliri ko.

Kinuha ko ang isang throw pillow at niyakap ko.

"Did you already eat?" nag-aalalang tanong nito.

"I want pizza," sagot ko sa kanya.

Inalis nito ang tingin sa screen ng laptop at nilingon ako. Nakangisi lang siya sa'kin habang umiiling. Kinuha nito ang cellphone at tumawag sa isang pizza house at nag-order do'n ng pagkain.

"Call me Kuya kapag tayong dalawa lang. Kapag nasa school ay may Sir," aniya sa'kin.

"Okay," sagot ko saka kinuha ang magazine sa may ilalim ng center table. Nag-umpisa akong magbasa habang naghihintay ng pagkain ko. Kinuha ko ang cellphone ko. I take pictures of me and epic pictures of Kuya Nat.

Mahina akong tumawa dahil andami kong nakuhang pictures. Karamihan ay epic pero 'yung iba ay stolen na magaganda. Hot siyang tingnan.

HINDI na ako pumasok sa sumunod kong klase dahil naghanap ako ng trabaho. As of now nandito ako sa tapat ng café malapit sa may school para kapag uwian na ay dito na lang ako dederecho and hindi ko na kaylangang mamasahe, pwedeng lakarin na lang.

Pumasok ako sa loob ng café at inilibot ko ang mata ko para maghanap ng pwede kong maka-usap. Nagpasya akong lumapit sa may counter dahil hindi ko makita ang manager.

"Hello! Good day ma'am, what's your order po?" nakangiting tanong sa'kin ng babaeng nasa harapan ko.

"Hey, can I asked where your manager is? May itatanong lang ako kung may vacant pa bang work," ani ko at ibinaba ko ang tingin ko sa name plate nito. "Jessica."

Tumango 'to, "okay po. Wait niyo na lang po siya dito, I will call him," anito bago kinalabit ang isang kasamahan at kinausap. Pagkatapos lng ilang minuto ang kausap ng babaeng 'yon kanina ay pumasok sa kusina.

Nagpunta muna ako sa may isang gilid at naghintay do'n, pagkaraan ng ilang minuto at lumabas ang dalawang tao mula sa pinto ng kitchen. Itinuro ako ng babae sa lalaki, na tumingin naman sa'kin. Umayos ako ng tayo ng makita kong naglalakad na 'to palapit sa'kin.

"Ikaw 'yung maga-apply?" tanong niya sa'kin.

"Yeah."

"Hmm... do you have your resume?"

"None. I just try if may vacant dito."

Tumango siya sa'kin saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay ko saka nag-cross arm. Tumaas ang tingin niya sa'kin. He smirked.

"Well... I'm Dowell, the owner and manager of this café. You're hired." Tumalikod na 'to at naunang maglakad papuntang kusina.

Kumunot ang noo ko sandali at inintindi ang sinabi niya. What? I'm hired? Namilog ang mga mata ko at sinundan ang lalaki.

"Wait! Can you repeat what you said?"

He look back at me. "I said you're hired. You can start now or tomorrow," wika nito habang nakatingin sa mga stocks.

Umawang ang labi ko. "Seriously?"

"Yes. Or if you doesn't want to work here, you can go now. My door is widely open for you."

"I will work here!" mabilis kong sagot dito.

"Kay."

"I'll start now."

Napatigil naman sa ginagawa niya si Dowell at tiningnan ako. Wala naman akong mabasa sa mukha niya. Tiningnan ko ng mabuti ang mukha nito. Hawig ang lalaki kay Enchong Dee, iba nga lang ang kulay ng buhok nito. It's red.

Mukha siyang Texas chicken.

"Okay." Kinuha nito ang isang apron at hinagis sa'kin na nasalo ko naman kaagad. "Wear it and start now. Linisin mo 'yung tables sa labas," malamig niyang utos.

Umawang ang labi ko dahil sa masamang pag-approached niya pero hindi ko na lang pinansin. Lumapit ako sa kanya.

"Where can I put my things?"

"In the last locker. Walang gumagamit niyan."

"Kay."

Nilapitan ko ang tinuro nitong locker sa may gilid. Binuksan ko 'yon at sinuri kung malinis ba, at ng okay na sa'kin ay inilagay ko ang bag ko sa loob saka sinara 'yon. Sinuot ko naman ang apron saka humarap ulit dito dahil nakita kong may hawak 'tong basahan.

"Eto ang gagamitin mo. Start now, madaming costumer na gustong maka-upo," supladong utos niya sa'kin.

Kinuha ko ang basahan saka naglakad palabas. Totoo nga ang sinabi nito, madami ng tao na gustong magpalipas ng oras. Lumapit ako sa isang table na mayro'n pang mga pinag-inuman ng kape. May nakita akong tray na nandon kaya 'yon ang pinaglagyan ko.

Pinunasan ko ang mesa at saka lumapit ulit sa isang table. Ginawa ko do'n ang ginawa ko sa kabilang table. Nang mapuno na ang tray ay naglakad ako papuntang kusina. Ibinaba ko sa lababo ang mga baso at platito na may tirang cake ang iba.

Nilapitan ako ni Dowell.

"You will wash all of that," tipid niyang wika.

"All?"

"Yes, all around waitress ka muna."

Hindi niya na ako hinintay makasagot dahil lumabas na 'to ng kitchen. Naiwan naman akong mag-isa dito sa loob, nakatingin sa tambak na hugasin. Gaano ba kadami ang mga platito nila at tasa? Napakamot ako sa ulo ko, saan ko ilalagay ang mga tirang pagkain dito?

Tiningnan ko ang isang basurahan sa gilid. May mga basura do'n at tirang pagkain. Muli akong napabuntonghininga ako at kinuha ang isang platito. Inalis ko do'n ang natirang cake at tinapon, gano'n ang ginawa ko sa iba.

Nag-umpisa akong maghugas. Kahit panay dulas ng mga 'to sa kamay ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko. Lahat ay hinugasan ko, akala ko patapos na ako pero hindi pala. Kada matatapos ako ay magdadala sila ng panibagong mga gamit na tasa.

MALALIM na ang gabi ng magsarado ang café pero hindi pa rin ako tapos maghugas. Ang ibang mga tauhan sa café ay naka-uwi na dahil tapos na ang trabaho nila.

"Not yet done?" malokong tanong ni Dowell mula sa likod ko.

Lumingon ako at tiningnan siya ng masama. Kanina ko pa napapansin na pianpahirapan niya ako. Mukhang tuwang-tuwa pa siya.

"If you'll help me mas mapapadali ako," sarcastic kong sabi.

Nginisihan niya ako. "Ako ang Boss."

Inirapan ko siya na tinawanan naman niya. Ilang sandali lang siyang nanuod sa'kin pagkatapos ay iniwan na niya ako dito. Napahinga ako ng malalim saka tiningnan ang mga huhugasan ko pa. Madami-dami pa ang mga 'yon.

Hindi ko akalaing ganito pala kahirap ang mag-trabaho.

Nakakapagod. Ang hirap.

Ginagawa rin 'to ng ibang working students at kung kinaya nila... bakit hindi ko kaya, 'di ba? Kaylangan ko 'to kaya dapat ay kayanin ko.

Nang matapos ako ay agad akong naghugas ng kamay. Lumapit ako sa locker ko at hinubad ang suot kong apron, pagod kong binuksan ang locker ko. Kinuha ko ang isang hanger at sinabit do'n ang apron ko saka inabot ko ang bag ko.

Binuksan ko 'to at kinuha ang phone ko. I-on ko 'to pero ayaw magbukas. God! My phone is dead!

Ibinalik ko sa bag ang phone ko at naglakad palabas ng kusina. Naabutan ko do'n si Dowell na nagc-cellphone. Narinig niya sigurong bumukas ang pinto kaya nag-angat siya ng tingin. Sinalubong niya ang tingin ko.

"Uuwi ka na?" tanong niya sa'kin.

"Hindi. Huhugasan ko ulit lahat ng nahugasan ko na," naiinis kong sagot sa kanya.

Nginisihan niya ako bago tumayo. "I'll take you home," alok niya sa'kin.

"Okay," hindi na ako tumanggi dahil wala na akong masasakyan ngayon. It's around eleven pm na. delikado na.

Bakit? Hindi ba delikado kung magpapahatid ka sa hindi mo naman kakilala.

"Halika na," aya niya sa'kin at naunang maglakad sa'kin si Dowell palabas. Sumunod naman ako sa kanya. Tinuro niya sa'kin ang isang MBW na kulay itim. "That's my car!"

Lumakad ako palapit do'n. Hinintay ko pa siya dahil nagsarado pa 'to ng café. Ilang sandali simula ng ma-sure nitong naka-lock ng maayos ang pinto ay nilapitan na niya ako. Siya ang nagbukas ng pinto ng passenger seat.

Pumasok ako sa loob.

"Thanks."

Nginitian niya ako bago sinarado ang pinto sa gawi ko. Umikot 'to papunta sa driver seat at sumakay.

"Seatbelt," paalala niya,

Kinuh ko ang seatbelt at sinuot. Gano'n rin ang ginawa nito. Nang okay na ay umalis na kami... at mahabang katahimikan ang namayani sa'ming dalawa. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro