Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 66


CHAPTER SIXTY-SIX

I WORE up feeling dizzy and my throat is dry. Sinalubong ako ng puting kisame. Tinambol ng kaba ang dibdib ko dahil naalala ko ang nangyari sa'kin kanina.

Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ng tingin ang mga mata ko sa buong kwarto. Kumirot ang kung ano sa kamay ko kaya tiningnan ko ito. May nakatusok na karayom na sa tingin ko ay isang dextrose. Sininghot ko ang amoy ng kwarto. It smells like medicine.

Am I in the hospital?

Nasagot lang ang tanong ko ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok do'n ang nurse. Lumapit siya sa'kin.

"Anong ginagawa ko dito? Sinong nagdala sa'kin dito?" sunod-sunod kong tanong.

"Good morning po, ma'am, dinala po kayo dito ng mga pulis. And 'yung mga kuya niyo po ay umalis may bibilhin lang daw sila," sabi niya habang chine-check ang IV fluids ko.

Kumunot ang noo ko. My brother? How did he know I'm here? O god?! Is my parents is also here?

"Who's with him? Is my parents are here too?"

"Lalaki rin po, pinsan daw ninyo. Wala po 'yung parents niyo eh," sagot sa'kin ng nurse hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya.

Nang tapos na siya ay pinaaalalahanan niya ako. "Ma'am, huwag po muna kayong maggagalaw, pagdating po ng kapatid ninyo ay babasahin na ni Doc 'yung result sa inyo," pagkasabi niya no'n ay lumakad na siya palabas. Naiwan akong nag-iisa dito sa kwarto ko.

Humiga akong muli sa kama at tumingin sa kisame. Pilit kong inaalala 'yung nangyari kanina. Wala na akong maalala bukod sa—napapikit ako dahil sa pangyayari kanina. Naninikip ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim at pinapakalma ang sarili ko.

Napa-igtad ako ng bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makita si Sir Ivan at Nat na nakatayo do'n, natigil sila sa pag-uusap dahil napatingin sila sa'kin. Nanlalaki ang mga mata ni Sir Ivan at mabilis siyang tumakbo sa'kin. Hinawakan niya ako sa kamay. Umupo ito sa may gilid ng kama.

"Thank God you're awake! What happened to you? We're just came from the Police Station and that fucking men will fucking rot in that fucking place!" galit nitong pagbabalita sa'kin.

I'm happy that they will rot in jail. I'm happy that I'll have a justice.

Pilit akong ngumiti. "Thank you," marahan kong tanong.

He didn't answered me. Sinarado ni Sir Nat ang pinto ng kwarto ko at umupo din 'to sa kabilang gilid ng kama ko. ngumiti siya sa'kin.

"Hi there," bati niya.

"It's been a while since I last saw you," ani ko.

"Yeah."

"This looks like déjà vu, " natatawang sabi ko.

Tumawa ang dalang lalaki bago tumango. "Yes, it does," ani nilang dalawa.

Mahabang katahimikan ang namayani sa'ming tatlo. Walang gustong magsalita o nakikiparamdam lang. Basta tahimik kami dito. Nasa may sofa si Sir Nat at nagbabasa ng magazine. Si Sir Ivan naman ay nasa may gilid ko naka-upo.

Huminga ako ng malalim. The Nurse said my brother is here. Where is he then? Tumingin ako kay Sir Ivan.

"Sir, where's my brother? They said he is outside," marahan kong tanong.

Tumingin siya sa'kin. "Well, I'm that brother. I told them I'm your sibling so the doctor will tell me about you. They will not say a single thing to me if I said I'm just your teacher," dahilan nito.

"Don't worry. If you want to we can call your parents to pick you up here," suggest ni Sir Nat.

"NO!" malakas kong sigaw na kinagulat nila.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki bago tumingin sa'kin si Sir Nat.

"Why? Is there any problem?" tanong niya.

Napalunok ako bago ngumiti ng malungkot sa kanila. "Ipapamukha lang nila sa'kin ang pagkakamali ko imbis na tulungan ako," malungkot kong ani.

Hinawakan ni Sir Ivan ang kamay ko, "Don't worry we will not tell them. So where you livin'? Do you want us to call someone for you who's living there? Or we—"

"I don't have a house anymore. Pinalayas na niya ako," halos mawala ang boses ko ng sinabi ko 'yon. Pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa'kin ni Hunter kanina. Ang ginawa ni Hunter sa cookies na pinaghirapan ko. Kung paano niya ako pinalayas.

Kinagat ko ang lower lip ko, nag-uumpisa ng mag-init ang gilid ng mata ko.

"Are you okay?" Sir Ivan asked.

I didn't answer him, instead I asked them a question.

"Can I asked you another favor? Maybe I'm too much but I don't know where to go anymore, I don't have money. I don't have my phone. I don't have my things. I'm poor."

"You can live with me in our condo. Dad would be glad to know that. And about your things and other stuff you need, I will buy you." ani Sir Ivan.

Napalunok ako bago tumango. "Okay." Pagkasabi ko no'n ay tumagilid ako ng higa kung saan hindi nila makikitang lumuluha ako.

NAGISING ako dahil sa sunod-sunod na ingay galing sa cellphone ng kung sino. Bumangon ako at tiningnan kung kanino 'yon. Nakita kong magkatabing natutulog sina Sir Ivan at Sir Nat sa may sofa. Naka-upo ang dalawa at nakapatong pa ang ulo sa isa't isa. Napangiti ako. Ganito rin kami noon bago ako lumayas sa'min. Masaya kami.

Dahan-dahan akong bumangon. Umupo ako sa gilid ng kama ko at tiningnan sila. Kinuha ko ang IV stand pole palapit sa kanila. May gulong sa ilalim ang IV stand ko kaya naman kaya ko siyang dalhin sa kahit saan ko gusto.

Lumapit ako sa kanila at pinakinggang mabuti kung kaninong cellphone 'yung tumutunog. Huminto ako sa tapat ni Sir Ivan. It's in his pocket.

"Sir Ivan," tawag ko dito at tinapik pa ang braso nito. Tumagilid lang ito at niyakap si Sir Nat. They love cuddling?

Umiling ako at muling inulit ang paggising dito. After a few seconds, he started to open his eyes.

"Morning princess, someone's calling you," mapang-asar kong sabi.

Inaantok nitong kinuha mula sa bulsa ang cellphone at sinagot ang tawag. Ipinatong niya sa tenga ang phone at muling pumikit.

"Hello?" paos nitong kausap sa kabilang linya. "Si, papa. And yes, yeah.... I know. I'll be back home later. I'm with Klyzene. Yes, yes, yes. I have a surprise for you when I get home. Take care. Yes, drink your meds, uhuh..." pagkasabi nito ng mga salitang 'yon ay ibinaba na nito ang phone at muling bumalik sa pagtulog.

Napailing na lang ako. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila pagkatapos ay pumasok sa isang pinto. Tingin ko ay banyo kaya pumasok na ako. Sinarado ko ang pinto at ini-lock ang pinto. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Namamaga ang mga mata ko pati na ang ilong ko. Ang mga labi ko ay namumutla at dry na dry. Magulo rin ang buhok ko. Unti-unti ng naglalaho ang kulay ng buhok ko. Kumukupas na.

Binuksan ko ang gripo at hinayaang tumulo ang tubig. Kasabay ng pagtulo ng tubig ang pagpatak ng mga luha ko. Ngayon ko lang na-realize na ang pangit ko pala. Maybe that's why Hunter didn't like me because I'm just like this. I'm ugly. I'm far from the girls he like...

Pilit akong ngumiti sa sarili ko bago naghilamos. Nang matapos ako ay kumuha ako ng isang face towel sa may cabinet sa itaas. Nagpunas ako ng mukha. Lumakad na ako palabas ng banyo para bumalik sa kama ko. Paglabas ko ay gano'n pa rin ang pwesto ng dalawang lalaki.

Mukha silang puyat na puyat. Nilapitan ko ang lamesa na may pagkain at namili kung anong kakainin ko. Mayroong bread do'n, may fruit at may rice at ulam. Hindi talaga nila gustong nagugutom dahil apaka-daming pagkain ang naririto.

Huminto ang mga mata ko sa isang kahon ng cookies. Biglang bumalik sa alaala ko kung paano itinapon ni Hunter at hindi pinahalagahan ang ginawa kong cookies, bumalik lahat pati na ang mga sinabi niya sa'kin. Kinuha ko ang kahon at naglakad papunta sa may pinto ng kwarto ko.

Binuksan ko ito at inilagay sa isang upuan sa waiting area ang box of cookies. I don't want to eat cookies anymore. I don't like it.

Napabuntonghininga ako at muling bumalik sa kama ko. Humiga ako sa kama. Tumingin ako sa kisame. Ano kayang nangyari sa mga gamit ko? Ibinalita ba nila 'to sa news? Nalaman na ba ng pamilya ko? Are they disappointed with me?

Overthinking is what I'm doing right now.

I should stop because I'm hurting myself.

Every time I overthink, every time I change the scenario, every time I change what I say it will always end up hurting myself. Kahit anong gawin ko palagi akong nasasaktan. Bakit gano'n?

Anong meron sa'kin na hindi ko magawang maging masaya lang. Pakiramdam ko ay mamatay na rin akong malungkot.

Oo nga... what if I die? I mean... there's no one left with me. I'm alone. I don't have a family. If I die, we're all going to be in peace. My thoughts finally be in peace, I will stop overthinking.... There's no pain...They cannot hurt me anymore...

Bumangon ako ulit sa kama at lumapit sa may lamesa. I saw a scissors there. Kinuha ko 'to at dahan-dahang inangat. Nakatuon ang mata ko sa talim ng gunting.

Itinaas ko ang kanan kong pulso. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro