Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60


CHAPTER SIXTY

NANUNUOD kami ngayon ng Supernatural... ang bida ay sina Jensen Ackles and Jared Padalecki. Brothers sila na nawalan ng Mother dahil sa isang supernatural being na may yellow eyes, then 'yung Dad nila nagpunta sa isang Hunting Trip at hindi pa nakakabalik.

Magkatabi kami ni Hunter sa may couch. Nasa likod ko siya at naka-unan ako sa dibdib nito. May blanket na nakataklob sa'min dahil malamig ang simoy ng hangin galing sa bukas na bintana. Episode five na kami sa Season One.

Ako lang ba 'yung nag-gwapuhan kay Dean? He have a green eyes too. He's so gwapo. Kumuha ako ng isang takoyaki at sinubo ito. Hindi naman na mainit kaya nakain ko kaagad.

Bloody Mary ang title ng Episode five, and dito, namatay 'yung Father nung batang babaeng tumawag kay Bloody Mary ng hindi sadya. And kakamatay lang din ng girlfriend ni Sam dito and hindi pa siya makapag-move on.

And sa huli, may naisip silang paraan kung paano mapapalabas si Bloody Mary sa salamin nito. Sam has a secret na never pa niyang nasabi kahit kanino, not even with his brother. After Sam said Bloody Mary three times, he saw his reflection in the mirror, crying with blood.

Before Bloody Mary killed Sam, Dean was there to break the mirror. They thought its done but it's not. Bloody Mary got out from the mirror and they try to kill those men again, but Sam have an idea. He took the mirror near him and let Bloody Mary saw her reflection, her own cursed killed her. In the end, Sam said his secret with Dean and before they leave the town he saw Jessica's soul, smiling at him. And it give him peace.

"If magkakaroon ako ng mga anak... I want them to have a bond like Sam and Dean," biglang turan ko.

"Hmm..."

"Mahal na mahal ni Dean si Sam at gano'n din si Sam kay Dean. Alam mo ba, ilang beses na sila namamatay but they still make a way to bring each other back." Napatigil ako sa pagsasalita ng masabi ko na kung anong mangyayari.

Tumingala ako kay Hunter at nakatingin siya sa'kin na may ngisi sa mukha.

"Spoiler," anito.

I pouted my lips. "Sorry. But I really want that."

Tumango si Hunter, "Okay. Ilang anak ba ang gusto mo?" tanong niya sabay kagat sa shawarma.

Napa-isip ako sa tanong ni Hunter. Ilang anak ba ang gusto ko? Gusto ko talagang magkaroon ng madaming anak dahil tatlo lang kaming magkakapatid. Gusto kong mapuno ng halakhak at kakulitan ang magiging bahay namin ng pamilya ko in the future.

Nilingon ko si Hunter. "For or Five, depende syempre sa asawa ko kung ilan rin ang kaya niyang ibigay," sabi ko.

Ngumiti si Hunter.

"Why?" natatanong tanong ko.

Umiling lang siya sa'kin at nagpunas ng bibig. Lumayo ako sa kanya.

"Wala. I'm just curious kung sino ang mapapangasawa mo at anong ugali niya."

"Wala naman akong specific na gusto para sa lalaking mamahalin ko, basta ang gusto ko hindi nananakit ng babae saka hindi pinagsasalitaan ng masakit 'yung babae kahit na sobrang away o galit nila sa isa't isa," turan ko habang nakatitig sa mga mata ni Hunter.

May emosyon sa mata niya na hindi ko mabasa. Hindi ko alam, basta kapag si Hunter ang kasama ko okay lang... kaya kong maging ako. 'Yung hindi ko kaylangang maging malamig palagi, hindi ko kaylangang itago ang emosyon ko.

At kung ang ibang tao ay mabilis kong mabasa. Ibahin mo ang binatang tinititigan ko ngayon. Napakahirap niyang basahin lalo na ang ibang emosyon nito na hindi ko naman mapangalanan.

"Anong gender ang gusto mo para sa first born mo?" tanong nito, hindi niya inaalis ang pagkakatama ng mata namin.

"Gusto ko girl, ikaw?"

"I want it boy."

"Why?"

"So he can protect his younger siblings. I also want to have many kids. They will run inside the house while playing with each other... my wife will cook for us... while me, uuwi galing work, sasalubungin ako ng mga anak ko at asawa," he dreamingly said.

I smiled.

What he said makes me smile.

"You're wife.... She's so lucky," turan ko habang nakatingin dito.

"Mas maswerte ako sa magiging asawa ko. Think of it, she will handle a guy like me... sometimes I'm hard headed and a jerk, masasaktan at masasaktan ko ang asawa ko kahit ayaw ko. Makakaya niya akong tiisin at intindihin dahil sa pagmamahal niya sa'kin," anito.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang eskena kung saan nag-aaway ang mag-asawa dahil sa maliit na bagay. Ang mga anak nila ay nasa labas at naglalaro samantalang sila ay nasa sariling silid, nag-aaway. Nag-babangayan. Pero sa huli, nilapitan ng lalaki ang asawa niya dahil umiiyak na ito. Niyakap ng mahigpit ng lalaki.

Ang nakakaloko pa ay si Hunter ang nakikita kong lalaki do'n...

Ang nakakabaliw ay ako 'yung babaeng asawa.

"Are—"

Hindi pa man tapos ang sasabihin ni Hunter ay nilayasan ko na 'to at nagmamadaling tumakbo papanik ng kwarto ko. Nasa may hagdan ako ng isigaw ang 'goodnight and sleep well,' dito. Nang makapasok ako sa kwarto ko at sinarado ko ng malakas ang pinto at sumandal doon.

Ini-lock ko ang pinto pagkatapos ay sinabunutan ang sarili. Napaupo na rin ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Para akong tumakbo ng sobrang haba. Ang tibok ng puso ko....

"Ano bang nangyayari sa'yo Klyzene?! Bukas na bukas ay pupunta ka na ng hospital!" ani ko sa sarili.

KINABUKASAN ay antok na antok ako habang kumakain ng breakfast mag-isa. Nasa may Jollibee ako at kumakain. Maaga kasi akong gumising, mali. Bumangon pala dahil hindi ko naman ramdam na nakatulog ako. Mula ng pumasok ako sa silid ko kagabi ay nakatitig lang naman ako sa kisame. Iniisip ko 'yung nakita ko.

Para siyang panaginip na hindi. Parang totoo eh. Hindi ko lang alam kung bakit. Tamad na tamad kong sinubo ang kanin sa kutsara ko bago uminom ng hot choco.

Nakaalis na kaya si Hunter sa condo? Nung umalis kasi ako ay tulog pa ang binata. Tinext ko lang 'to at sinabing maaga akong aalis kahit hindi pa ako nag-aalmusal. Hindi pa nga ata sumisikat 'yung araw kanina eh.

Papatayin ko na sana ang phone ko ng mag-beep ito. Akala ko ay galing kay Hunter pero hindi pala... galing siya kay Sir Ivan. Kumunot ang noo ko. It's a picture of someone's back, eating alone—mabilis akong napalingon ng mapagtantong likod ko 'yon. Na ako 'yong nasa picture.

Pagkalingon ko sa likod ay nakita ko kaagad si Sir Ivan na nasa may entrance ng fast food. Naka-suot ito ng muscle shirt at khaki shorts. Pawis na pawis at mukhang kakagaling lang sa pagj-jogging. Ngumiti siya sa'kin bago lumakad palapit.

"What are you doing here?" tanong nito ng makalapit siya.

Humarap ako sa kanya. "Eating."

"Hahaha... I know, but it's still early," puna nito habang nakatingin sa relo.

Napabuntonghininga ako, "Wala naman kasi akong gagawin sa bahay kaya bakit pa ako mags-stay do'n. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"I'm just passing by then I saw you here. Eating alone."

"Hmm... you lived near here?"

"Yap."

"Hmm..."

Inubos ko na ang pagkain ko habang pinapanood ako ni Sir Ivan, yes nakakailang pero, he have his money. He can buy his own food while me? I don't.

Nang matapos ako ay tumingin ako kay Sir Ivan, natiim lang siyang nakatingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Did you know that you look so beautiful?" biglang sabi nito.

Nalagalag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Damn, he look serious tapos 'yon lang.

"Stop," mariin kong sabi sa kanya.

"I will. Don't be mad," natatawang sabi nito saka tumingin sa relos. "I will go now. Do you want to go with me?" tanong niya.

Napaisip ako sandali bago tumango. Ngumiti siya sa'kin. Inabot ko sa may gilid ang bag ko pero inunahan niya ako. Siya na ang nagbitbit no'n habang hawak ako sa braso hila-hila palabas ng Jollibee. Naglakad kami papunta sa condo niya.

Napapalingon ako sa paligid ko dahil pakiramdam ko may nakamasid sa'kin. Binawi ko ang braso ko dahil baka mamaya may makakita sa'ming dalawa at kung ano pang isipin nila. He's a teacher after all and I'm his student. I don't want him to get in trouble because of me.

NASA tapat kami ng isang condominium sa lugar namin and mayayaman lang talaga ang nakaka-afford nito. Lumakad papasok sa loob si Sir Ivan, nakasunod lang naman ako sa kanya. Naglakad kami hanggang sa may elevator. Bumukas naman ang pinto nito kagaad dahil may mga nagbabaan. Pumasok kami sa loob at si Sir ang nagpindot ng floor.

Huminto kami sa may fifteenth floor. Lumabas kami at napatanga ako ng makitang isang pinto lang ang meron do'n pero napaka-laki ng space. Mukhang okupado nila ang buong floor.

Binuksan nito ang pinto at lumingon sa'kin.

"Sorry if my condo is a mess. I forgot to call a cleaner," anito.

"It's okay..."

Nauna akong pumasok sa loob. Unang kita ko pa lang ay namangha na ako dahil sa ganda nito. Napaka-manly ng unit na 'to. May malaking sala at gano'n rin ang kusina. may second floor rin ang bahay at mukhang madaming kwarto.

Umupo ako sa sofa at tumingin kay Sir.

"You can take a shower or breakfast while I'm waiting. I don't want to be late," ani ko.

"Kay... wait my father here. I'll tell him to give you accompany," pagkasabi niya no'n ay bigla na lang 'tong nawalan at nagpunta sa second floor na sinundan ko lang ng tingin.

My phone rang so answered it without looking who's calling.

"Yes?"

"Black?"

I suddenly stop when I heard her voice. I look at my phone screen to checked if my suspicion is right and yes, I am right. Klyzia is in the other line.

"Why did you call?" malamig kong tanong.

Matagal 'tong nanahimik bago nagsalita. "Where are you?" tanong nito.

Kumunot ang noo ko. "Why do you care?"

"Sagutin mo na lang ako. Nasaan ka?" eager nitong tanong.

"Friend's house," ani ko.

"You don't have any friends!" malakas niyang sigaw sa kabilang linya.

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya pero kalaunan ay naningkit ang mga mata ko. Nag-uumpisa na namang uminit ang ulo ko at sumama ang loob dahil sa sinabi nito.

"Anong gusto mong palabasin? Wala akong kakayanan to find new friends?" bwisit kong tanong sa kanya.

"Who's that friend? Boy or girl? Are you living with him—" napatigil ito sa pagsasalita dahil nadulas na.

Ikinuyom ko ang kamao ko. I don't want this feeling that they're manipulating me. She's manipulating me.

And how did she fucking know that it's him?! Don't tell me she's spying at me.

"It's not your business anymore if I'm with a guy, Klyzia. Stop. Calling. Me." madiin kong saad bago ibnaba ang tawag. I decided to put my phone in silent mode.

Nang maibalik ko sa bag ko ang phone sakto namang kabababa lang ng father ni Sir sa may hagdan. Nakatingin lang 'to sa'kin. I smiled at him and stand up.

"Good morning, Sir," I greeted him.

He smiled at me. "Good morning too, young lady. You're early for school. Have you eaten your breakfast?" tanong nito at umupo sa may single sofa sa harapn ko.

Umupo na rin ako. "Yes, I'm done. Thank you for asking Sir, sorry if I'm here early."

"No, don't say sorry. I'm actually glad that you're here. I really thought I would never see you again," he said. "By the way, where you're living right now? My son said y-you left your house."

"To my friends' condo unit Sir," sagot ko.

He nodded. "Would you mind if I asked you why you left?"

When I looked in his eyes I saw something. I saw sadness, betrayal, love. I saw it all... what does it mean?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro