Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59


CHAPTER FIFTY-NINE

KASALUKUYAN kong tinatawagan si Hunter para magpa-sundo dito sa school. Nasa may parking lot ako at naghihintay. Ang sabi ko kanina ay papasok ako para makapag-aral. Hindi ko naman akalaing hanggang first sub lang pala ang itatagal ko dito.

Napalingon ako ng may bumusina sa likod ko. Paparating ang isang pamilyar na kotse sa gawi ko. Ngumiti ako at hinintay na makahinto sa tapat ko ang kotse ng binata. Ibinaba nito ang salamin sa may gawi ko bago sumilip do'n. He's wearing his killer smile.

"Kanina ka pa? Sorry, traffic," anito sabay bukas ng pinto.

Pumasok ako sa loob at nagsuot ng seatbelt, nilingon ko siya. "Hindi naman. Actually kakagising ko lang nung nag-message ako sa'yo," ani ko.

Tumaas ang kilay niya. "You sleep?"

"Obviously. May gising bang gigising pa?" pambabara ko dito.

"Ha-Ha-Ha," he laugh without humor bago minani-obra ang sasakyan palabas ng parking. Natawa ako dahil sa reaction niya. Ang cute niya asarin.

"How's your day?" tanong nito ng makalabas kami ng University.

Sumandal ako sa upuan. "Not good. Hindi ako nakapasok sa sunod naming subject... and Blue spoke to me, she want me to go home," malungkot akong nagbuntonghininga.

"Ow... what did you say?"

"I decline. I will not go home there anymore. They lied to me! Kung parents namin, okay pa... I will understand but her? Nah, she's selfish!" giit ko sa kanya.

Tumingin sa'kin si Hunter, "Calm down..."

Ngumuso ako at tumingin dito. "I'm calm, Hunter."

"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "What do you mean by that?" mataray kong tanong.

Humalakhak siya bago kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n. Nakatitig lang ako sa kanya habang nasa gano'ng posisyon kami. Ewan ko kung bakit hindi ako nagagalit sa tuwing gumaganito si Hunter... instead of getting mad I feel something is in my chest that I couldn't give a name. I'm scared but... I like this feeling... I really do.

Pagkatapos ay binaba niya. Inabot niya sa'kin ang cellphone niya na kinuha ko naman. Nasa chrome 'yon.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.

"Find a place where you want to eat... pero gusto ko sanang bumalik sa Tagaytay for Bulalo..." anito.

Ngumiwi ako, "Masyadong malayo, Hunter, bukas ay maaga akong papasok para makahingi ng projects sa Profs ko."

"Okay... then ikaw na lang mamili para alam mo kung saan tayo."

"Hmm..." Nag-umpisa na akong mag-type sa screen ng cellphone para makita kung anong pwedeng kainin pero biglang dumaan ang isang ads ng pagkain and may takoyaki do'n at shawarma.

"What if mag-order na lang tayo ng takoyaki and shawarma? Tapos milk tea," ani ko.

Lumingon siya sa'kin. Nakakunot ang noo nito. Mukhang hindi niya alam kung ano 'yung tinutukoy ko. Iti-nype ko sa screen ang mga pagkaing sinabi ko, nang lumabas na ito ay ipinakita ko sa kanya. Bumaba naman do'n at tumingin.

"Okay. Order what you want, baby girl," matigas na English niyang ani.

Napatigil ako sandali bago ako nag-order ng pagkain at pina-deliver sa condo unit nito. Nagpunta ako sa gallery ni Hunter dahil sa boredom na nararamdaman ko. Lahat ay pictures ni Hunter, 'yung iba ay walang suot na pang-itaas, mirror shot na naka-boxer lang na kinapula ng mukha ko. Pakiramdam ko ay naging sobrang mainit sa loob ng sasakyan dahil do'n... m-meron kasing b-bakat... damn! Minsan ay bagong gising. May picture naman 'to na stolen, dagat ang background. Mayroong nasa Bar sila kasama ang madaming mga babae. Madami pang iba.

Dahil sa pagkapahiya ay mabilis kong inilagay sa may dash board ang cellphone. Pasimple akong tumingin kay Hunter at sa hitsura nito mukhang hindi naman niya napansin ang inasal ko. Itinodo ko ang lakas ng aircon ng kotse pagkatapos ay umayos ng upo.

Bakit naman kasi napaka-likot ng kamay ko? Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka pumikit ng mariin. Pumasok sa isip ko ang picture kanina ni Hunter na m-may... shit! Mabilis kong idinilat ang mga mata ko bago nagpakawala ng hangin.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Hunter.

Lumingon ako sa kanya. Nung una ay sa mukha niya ako nakatingin, nang sumunod ay bumaba ng bumaba hanggang don. Mabilis kong iniwas ang mga mata ko bago ako tumango.

"Y-yeah!" ani ko.

"Hmm?"

"Yes! Really! Maybe, nasobrahan lang sa tulog kaya ganitong nahihilo ako," pagdadahilan ko.

Kunot noong lumingon sa'kin si Hunter, nagtataka ang hitsura nito na binahiran rin ng pag-aalala. Hininaan nito ang Aircon.

"Siguro dahil sa AC 'yan. Nahilo ka sa amoy," anito.

"Baka nga."

Wala ng nagsalita sa 'min pagkatapos no'n. Nag-drive na lang ito ng tahimik. Sandali lang ay naka-uwi na kami. Sa parking lot na kami pumunta dahil gusto do'n mag-park ni Hunter. Naunang bumaba si Hunter, umikot siya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pintuan. Bumaba ako at sinarado ang pinto. Pinindot muna ni Hunter ang lock sa cellphone nito bago ako niya ipinatong ang malaking kamay ko sa likod upang alalayan ako. Magtataka sana ako kung bakit niya ginawa 'yon pero naalala kona nagsabi ako kaninang nahihilo ako.

He's helping me siguro para hindi ako matumba or what so ever.

Nagpunta kami sa may elevator at pinindot nito ang button para magbukas ang pinto. Hinintay namin 'yon at nang bumukas ay pumasok kami sa loob. Ako ang nagpindot ng floor kung nasaan ang unit ni Hunter. Bumukas ang pinto at sabay kaming lumabas ni Hunter.

Ang kaninang kamay niya na nasa likod ko ay naka-akbay na sa'kin ngayon. Ako ang nagbukas ng pinto, nauna rin akong pumasok. Binuksan ko ang ilaw sa sala, nagtuloy naman si Hunter sa kusina samantalang ako naupo na sa sofa.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag. Binuksan ko 'to at nagpunta sa IG. Nag-post ako ng pictures ko nung nasa Tagaytay pa kami, pati na rin ang kamay naming dalawa na nakataas at ang background namin ay ang maliwanag na kalangitan.

Kumunot rin ang noo ko ng makitang may nag-follow request. Nang buksan ko 'to ay tumambad sa'kin ang hindi pamilyar na username.

LawIvan1998

Accept-Decline

Ini-stalk ko muna ang account nito. Ti-nap ko ang picture nito sabay labas ng wall nito. Napatango ako. Madami-dami na ring siyang post sa IG. 'Yung iba ay sa New York kinunan. Nalaman ko dahil sa background. 'Yung iba ay sa mga beach, madami pang iba pero hindi ko na natingnan pa. Iaalis ko na sana ng may makakuha ng atensyon ko.

Isang picture na nasa likod nito ang napaka-laking simbahang hindi pa tapos. Then location is ay sa Spain. Hmm... taga-Spain nga talaga siya. Nice.

Inaksep ko ito at finollow back na rin siya.

"Who's that?"

Muntikan na akong mapatalon dahil sa biglang pagsasalita ni Hunter sa may gilid ko. Nilingon ko siya, halos maduling ako sa lapit ng mukha naming dalawa. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa'kin at ibinalik rin sa cellphone ko.

Pinatay ko ang phone ko bago siya tinulak palayo ng kaunti sa'kin. Hindi ako masyadong makahinga kapag sobrang lapit naming dalawa. Itinago ko ang phone sa bag ko bago huminga ng malalim at hinarap ang binatang akala mo inagawan ng laruan.

"What?" pa-inosenteng tanong ko.

Sumeryoso ang mukha nito. "Who's that?"

"Who's who?"

"That!" tinuro nito ang bago ko na para bang tumatagos ang tingin niya sa phone ko.

"Someone you didn't know," sagot ko. Magsasalita pa sana siya ng maunahan ko siya. "By the way, kapag may nag-call sa'yong delivery rider ay papanikin mo dito ha. That's our dinner," turan ko. Lumakad ako sa may hagdan at nilagpasan ito. Pumanik ako sa second floor, nagpunta ako sa kwarto ko at ini-lock ang pinto.

Ibinaba ko ang bag ko sa lapag. Naglakad ako palapit sa may cabinet at kumuha ng damit ko. Isang black panjama at black t-shirt ang kinuha ko. Ibinaba ko sa kama ang mga damit ko. Nagtuloy ako sa banyo para makapaglinis na ng katawan.

KALAHATING oras ang itinagal ko sa banyo. Lumabas akong nakatapis lang ng towel. Tumutulo ang tubig galing sa buhok ko. Kinuha ko ang undies ko at sinuot, gano'n rin ang ginawa ko sa bra ko. Inalis ko ang pagkakapatupot ng towel sa katawan ko at pinunasan ang buhok ko.

Nagsuot ako ng t-shirt at sinunod ang panjama ko. Nang matapos na ako ay nilapitan ko ang isang hanger, kinuha ko 'yon at do'n isinabit ang towel ko para matuyo. After no'n ay naglakad ako palabas ng pinto. Hindi ko na pinansin kung magulo ang buhok ko.

Habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko ang ingay galing yata sa TV, at nang tuluyan na akong makababa ay nakumpirma ko ang hinalang galing nga sa bukas na TV ang ingay. Wala namang nanunuod sa sala kaya pinagpalagay ko ng nasa kusina si Hunter.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Hunter ng makapasok ako sa kitchen.

Nakatalikod kasi siya sa'kin, may ginagawa siya pero hindi ko naman makita. Bumaba ang mata ko sa lamesa. Nandoon na ang mga in-order kong pagkain. Napangiti ako at tiningnan si Hunter.

Nakangiti siya sa'kin at tinaas ang hawak na basong may milk tea. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang kalderong nasa kalan. Its boba pearl or tapioca pearls.

Bigla naman akong nangasim sa nakita ko.

"Wow! Where did you get this?" tanong ko habang hinahalo ang boba pearl.

"While you're in shower, dumating 'yung rider and nakita kong sobra 'yung dala niya with extra boba pearl. Kaya ininit ko and I add some sugar, 'di ko sure if magugustuhan mo 'to," sabi ni Hunter nang ibaba niya sa harapan ko ang milk tea.

Kumuha ako ng kutsara at sumandok ng ilang pirasong boba pearl sa kaldero then tinikman ko. Sandali akong napatigil dahil sa sobrang tamis niya. Nilunok ko ang boba pearl at tumingin sa milk tea. I drink then I try to sip a pearl, tumango ako ng malasahang hindi na gano'ng katamis. Nabalanse na ang lasa.

Ngumiti ako kay Hunter, "Okay na 'to. Tara, I want to watch supernatural this time," yaya ko sa binata.

Dinala ko ang plastic ng pagkain sa sala kasama na ang aking milk tea. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro