Chapter 58
CHAPTER FIFTY-EIGHT
PAGKAHATID sa'kin ni Hunter ay umalis din kaagad ang binata dahil may tumawag dito. Sinundan ko ng tingin ang papalayong kotse nito. Nang hindi ko na makita ang sasakyan ay humarap na ako sa malaking gate ng school kung saan ako nag-aaral. Napabuntonghininga ako.
Ayaw ko mang pumasok pero hindi pwede. Alam kong magkikita at magkikita kami kahit anong iwas ang gawin ko.
Sinuot ko muna ang headphones ko bago naglakad papasok sa loob ng school. Dahil kilala na ako ay hindi na nila ako hiningian ng ID. Tuloy-tuloy lang ako sa loob at hindi pinapansin ang mga mapanuring tingin at mga naninibagong tingin ng mga ka-schoolmates ko.
Naglakad ako papunta sa building kung nasaan ang classroom ko. Naririnig ko ang pagbubulong-bulungan ng mga nasa corridor pagkaliko ko pa lang.
"That's her?"
"She changed!"
"I heard lumayas daw siya sa bahay nila. O god. She's poor na!"
"Hahahaha, itinakwil na dahil sa sama ng ugali!"
"Miski pamilya niya ayaw sa kanya!"
"Sino kasing matutuwa maging anak ang katulad niya? She's a devil!"
"Bagay na bagay ang buhok niya sa kanya. Pwede ng ilibing sa ilalim ng lupa!"
"Alam niyo ba... simula daw umalis siya tumahimik na sa loob ng bahay nila."
"Siya lang pala 'yung problem do'n."
I rolled my eyes at them. Bitches... mga babaeng umaasa sa sugar daddy at pera ng mga magulang. And FYI, hindi ako pinalayas, kusa akong umalis. Mga walang alam sa buhay kundi magpa-ganda tapos wala namang laman ang utak.
Naglakad ako papunta sa classroom namin. Pagkapasok na pagkapasok ko ay sinalubong na agad ako ng ingay ng mga classmates ko. Para silang mga batang pinakawalan sa playground. Naglakad ako papunta sa pwesto ko at umupo doon.
May iilan akong mga classmate na nakatingin sa'kin ng kakaiba.
"New look, huh."
"Bumagay sa kanya, gurl."
"Bess, bakit ang unfair naman ng mundo?"
"Nadala lang sa make-up. Ano aasahan mo? Mayaman."
"Nag-salamat doc 'yan."
"Iww."
Hindi ko pa napapansin si Klyzia, siguro ay hindi pa pumapasok. I don't know. Hindi naman kasi ako nagtatanong sa kanila doon e.
Yumukyuk ako sa upuan ko at pumikit. Bigla akong inantok. Akala ko makaka-idlip ako pero nagkamali ako. Dahil wala pang sampung minuto ay narinig ko na ang pagtawag sa pangalan ko. Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si Zia na humahangos habang nakatingin sa'kin.
Ilang beses 'tong lumunok at sinusuri ang hitsura ko. Gusto yata nitong makapagsalita pero hindi niya magawa. Bumubuka sara ang bibig nito pero walang lumalabas do'n.
Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa labas ng bintana at do'n itinuon ang atensyon ko. May malawak na field sa ibaba. May practice game ang mga soccer player. Meron ding mga nag-p-practice na para sa cheer dance.
Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Bakante ang upuan nando'n dahil walang gustong tumabi sa'kin ng upo. Hinawakan ako ng pangahas na 'yon. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at niyakap ako.
"Black... talk to me," mahina at puno ng lungkot na sabi ni Zia.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa labas.
"Miss na kita. Hindi ka katulad ng dati ang bahay dahil wala ka na," dagdag pa nito.
"Si Mom... nalulungkot siya kasi wala ka. Si Daddy naman ayaw lang aminin pero nag-aalala na siya sa'yo."
"Nasaan ka tumutuloy? Gusto ko doon na lang din ako para hindi ka nag-iisa."
"Isama mo na lang ako Black."
Dahil sa pagka-irita ay inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin. Inilayo ko 'yon at blangko siyang tiningnan.
"Can you please, stop? I don't want to be rude kaya kung pwede lang ay umalis ka na. Umiiwas ako, Klyzia at sana naman napapansin mo 'yon," malamig kong saad.
Bumalagay ang pagkapahiya at sakit sa mukha nito. Binawi nito ang kamay na hawak ko pagkatapos lumayo ng kaunti. Malungkot siyang tumingin sa'kin.
"Black... gusto ko lang naman na magka-ayos na tayo... I want my family to be completed again."
I laughed without humor, "Are you kidding me? You want our fuck up family to be completed again? puh-leeze, Klyzia, magsabi muna kayo ng totoo bago niyo hilingin 'yan. Dahil hinding-hindi ako babalik sa bahay na puno ng kasinungalingan."
Padabog kong kinuha ang bag ko at lumipat ng ibang upuan. 'Yung mas malayo kay Klyzia, alam kong nagtataka ang mga classmate namin ngayon dahil sa ginawa ko sa kakambal ko. Mamaya lang ay may bago na naman silang pag-uusapan.
Nag-suot ako ng earphones at nakinig na lang muna sa music dahil ayoko talagang ma-sress at magalit. Ayokong mapahiya kaming dalawa sa harap ng maraming tao.
Nang mag-umpisa ang klase ay ramdam mo ang kakaibang atmosphere sa classroom namin. Pati ang Prof namin ay kakaiba ang pinupukol na tingin sa'kin at sa kakambal ko. Inirapan ko silang lahat hanggang sa matapos ang unang klase namin.
Ang sunod na klase ay sa laboratory na kaya nagsitayuan kaming lahat para magpunta sa laboratory. Nasa kabilang building ang lab kaya kaylangan pa naming magpunta do'n. Una akong lumabas ng classroom pagkatapos ay naglakad papunta sa may hagdan.
Hindi na lang ako papasok sa susunod na klase at uuwi na lang. I will call Hunter to pick me up here later. Nagpunta ako sa likod ng school, walang masyadong tao do'n dahil may mga klase pa. Naglakad ako papunta sa isang malaking puno, umupo ako sa damuhan at sumandal do'n.
Sinuot ko ang earphones ko bago pumikit. I thought I will have the peace I wanted but someone disturbed me. Hindi ako nagdilat ng mata at pinakiramdaman lang ang susunod niyang gagawin.
Ramdam ko ang mainit niyang titig sa mukha ko. Pati ang pag-upo niya sa tabi ko ay ramdam ko rin. Amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya.
"What do you want?" tanong ko dito.
"A-ahm..."
"Leave if you doesn't have anything to say. I want to be alone," malamig kong saad.
Tumikhim 'to bago ko naramdaman ang paglalagay nito ng kung anong malambot sa kamay ko. Nagdilat ako at tiningnan 'yon. Tumaas ang kilay ko. Humarap ako kay Abby at nagtatanong na tumingin dito.
Ngumiti siya sa'kin. "Ahm... nag-sobra kasi ako ng gawa ng sandwich para sa inyo ni Zia, ikaw 'yung una kong nakita kaya ikaw una kong binigyan," pagpapaliwanag nito.
"Thank you," tipid kong saad dito bago inilagay sa bag 'yung sandwich.
"Bakit nga pala wala ka sa klase niyo?" tanong nito makalipas ang mahabang oras.
"Bakit wala ka sa klase mo?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya ng lingunin ko siya.
Ngumiwi siya sa'kin bago nag-peace sign, "Paano kasi na-late ako ng pasok tapos hindi na ako pinapasok ng Prof namin dahil late na ako kaya naman andito ako, mamaya pang ten 'yung sunod kong klase," sabi niya.
Tumango ako at muling pumikit.
"Ikaw bakit ka nandito?" tanong nitong muli.
"Ayokong pumasok sa klase ko."
"Bakit?"
"Tinatamad ako."
"Bakit ka tinatamad?"
"Anong pakialam mo?"
Dumilat ako at tumingin dito. Walang expression ang mukha ko. Napansin ko ang paglunok nito pati na rin ang pag-iwas niya ng tingin sa'kin. Ngumisi ako sa utak ko.
"S-sorry..." anito.
"Why you saying sorry?" tamad kong tanong.
"Mukhang nainis kita," sabi niya habang naka-iwas ng tingin.
"Hindi pa naman. Malapit na," pagsasabi ko ng totoo.
Hindi na sumagot si Abby at bumaba ang tingin nito sa buhok ko. Tumaas ang isang kamay ko at akmang hahawakan ng maunahan ko siya. Nahawakan ko ang kamay niya bago pa man 'to bumaba sa buhok ko.
Nanlalaki ang mata ni Abby dahil sa ginawa ko.
"S-sorry... nagandahan lang ako sa buhok mo," nakangiting sabi niya at binawi na ang kamay.
Binitawan ko ang kamay niya. "Don't touch my hair again," ani ko.
Tumango siya pero nakatingin pa rin sa mukha ko.
"Alam mo? Mas gumanda ka ngayon... bagay sa'yo 'yung green mong buhok, bumagay rin sa mga mata mo."
"Thank you," sabi ko.
Hindi siya sumagot, umayos ng upo si Abby. Tumabi siya sa'kin at pareho kaming nakatingin ngayon sa field. Unti-unti ay naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ko. Ilang sandali nga lang ay ginupo na ako ng antok.
NAGISING na lang ako sa ingay na naririnig ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Nasa may field pa rin ako dito sa may puno. Madami dami na nga lang kaming kasama. Nagkakaingay sa may parte ng bench dahil nandoon ang mga babaeng tilian ng tilian.
Nangangawit ang braso ko kaya lumingon ako sa gilid para lang makita si Abby na nahihimbing sa balikat ko. Bakas ang pagod sa mukha nito kaya hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang na makatulog siya.
Ilang sandali pa kaming nasa ganoong ayos nang kumilos ng bahagya si Abby. Lumayo 'to at tiningnan ako. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin. Mukhang hindi rin niya inaasahang makakatulog siya.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko pagkatapos ay naglakad na palayo sa kanya. Tiningnan ko ang oras at nakitang ala-una na pala ng hapon. Medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw. Binilisan ko ang paglalakad ko ng mapatigil ako sa may girls bathroom, nakita ko doon si Zia habang nakatingin sa sariling reflection.
Namamaga ang mga mata nito at namumula ang ilong halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Oo nga't galit ako sa kanila pero hindi ko naman matatanggi kakambal ko siya.
Nagbuntonghininga ako bago lumapit sa isang estudyanteng papasok ata ng banyo.
"Can I ask you a favour?" pa-umpisa ko.
Ngumiti siya sa'kin. "Of course, ano 'yon?"
Kinuha ko ang dala kong panyo pati na rin ang binigay na sandwich ni Abby. Inabot ko sa kanya 'yon.
"You will see someone in the bathroom who exactly look like me. I want you to give this to her, don't tell her it's me, okay?" ani ko.
Kinuha niya 'yon at tumango ko. "Okay."
"Thank you," pagkasabi ko no'n at mabilis akong naglakad para makalayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro