Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57


CHAPTER FIFTY-SEVEN

PAGKADATING ko sa tapat ng condo ni Hunter ay walang kibo akong pumasok sa loob ng building. Dahil kilala na naman ako ng Guard ay nginitian niya lang ako pagkatapos pinapasok na. Naglakad ako papunta sa may elevator. Hinintay kong bumukas 'yon, pumasok ako sa loob at pinindot ang floor ng unit ni Hunter.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay lumabas na ako at naglakad papunta sa may pinto ni Hunter. Napatigil ako sa akmang pagbukas ng pinto. Napahawak ako sa buhok ko. Kinagat ko ang lower lip ko. What if hindi magustuhan ni Hunter?

Kinuha ko ang phone ko ng mag-ring 'yon. Sinagot ko ang tawag.

"Why are you not coming in? Is there something wrong?" marahang tanong ni Hunter sa kabilang linya.

Nagtataka akong tumingin sa may cellphone para masiguradong ang binata nga ang kausap ko. Ibinalik ko sa tenga ko ang phone habang inililibot ang tingin ko.

"Paano mo nalaman? Where are you?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Inside," tipid nitong sagot. Ibinaba ko ang tawag bago binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakapatay ang ilaw sa sala kaya binuksan ko 'to. Nagdikit ang mga kilay ko ng mapansing parang wala pang tao. Sinarado ko ang pinto gamit ang paa ko.

"Hunter?" tawag ko pero walang sumasagot.

Naglakad ako papunta kusina upang tinginan kung nando'n siya pero walang tao. Lumapit ako sa may kalan. Bukas kasi ang isang stove at may pinapakuluang ulam. Inalis ko ang takip ng kaldero at tiningnan 'yon. It's kare-kare.

"Where is he?" mahinang tanong ko sa sarili. Ibanalik ko ang takip pagkatapos ay naglakad na palabas ng kusina. Nagtuloy ako sa may hagdan upang umakyat sa second floor. Nagtuloy ako sa kwarto ni Hunter. Kumatok ako ng tatlong beses, nang walang sumagot ay binuksan ko ng bahagya ang pinto at sumilip sa loob.

Tiningnan ko kung nando'n si Hunter pero mukhang wala namang tao. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng silid. May dalawang pinto sa loob. Sa tingin ko ay banyo ang isa at 'yung isa naman ay papunta sa walk in closet.

Kulay gray and black ang silid. Maamoy ang pabangong panlalaki ni Hunter. May isang king size bed sa gitna ng kama, may dalawang side table na nasa magkabilang gilid. May isang flat screen TV na pinapagitnaan ng dalawang pintong nasabi ko.

May isang table sa kabilang gilid ng kwarto, may computer do'n, sa gilid ay may maliit na bookshelf na may mga libro at kung ano ano pa. Lumapit ako sa may kama. Bumaba ang tingin ko sa may picture frame sa gilid nito.

Inabot ko 'yon at tiningnan. Nakita ko sa larawan ang isang magandang babae. Nakakulay puti siyang damit habang nakatawa, nasa likod nito si Hunter ay nakayakap sa bewang nito habang nakangiting nakatingin sa babae.

This must be Divine.

"Your hair looks good on you," ani ng tinig mula sa likod ko.

Napalingon ako, nakita ko si Hunter na nakasandal sa may pinto habang nakatingin sa'kin. Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you," ani ko. Tinaas ko ang hawak kong larawan.

"That's her," pangunguna niya sa'kin. Pumasok ito sa loob. Nilapitan niya ako. Inabot ko sa kanya ang picture ng magtapat ang katawan naming dalawa.

"She's pretty," puri ko dito.

"She is." Nakatitig lang si Hunter sa picture ni Divine na may halong pagmamahal at pangungulila. Sobrang sakit siguro para sa binata ang mawala agad sa kanya ang dalaga.

Nag-angat ng tingin sa'kin si Hunter at tiningnan ang buhok ko.

"Kaya ka ba umalis dahil nagpagupit ka?" tanong niya, muli nitong ibinalik ang picture sa pinagkakalagyan nito kanina.

"Part of. Nakipag kita ako sa isang professor sa school," sagot ko.

Kumunot ang noo ni Hunter. "Sinong Professor?" tanong niya.

"Sir Ivan. He's the one who helped me nung na-hospital ako."

"Ano daw ang gusto niya?"

"Wala naman, nagtanong lang siya dahil nag-aalala daw sila sa'kin. And you know what, nakilala ko 'yung Dad niya. His father is kind a cool," nakangiting turan ko.

I still remember how good he treated me. I feel like he's treating me like his own daughter. And I want that kind of attention and love. I never feel that to my own father.

Ngumiti si Hunter at ginulo ang buhok ko. "I'm happy that you're happy," sincere niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita at niyakap na lang siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"Do you want go out tomorrow?" tanong nito.

Ngumuso ako. "Where are we going?" Bahagya akong lumayo at tiningnan ang binata.

Tiningnan niya ako sa mata. "EK."

"I will go to school tomorrow. Baka hindi na ako maka-graduate dahil puro na ako absent," nakangusong sabi ko.

Ngumiti ito at pinisil ang ilong ko. "Okay, after class kumain na lang tayo sa labas."

"Okay. Good idea. Kumain ka na?" tanong ko at humiwalay dito.

Umiling siya. "Hindi pa. Hinihintay kita," sabi niya.

Tumango ako. "Okay. Magbibihis lang ako then we'll eat." umalis ako ng kwarto ni Hunter at nagpunta sa kwarto ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nagbihis na.

KINABUKASAN ay maaga akong gumising dahil ihahatid ako ni Hunter sa school, naka-uniform ako ng maayos ngayon at nakasukbit na sa likuran ko ang bag ko. Bumaba ako ng hagdan at nagpunta sa kusina.

Nakatalikod sa'kin si Hunter at walang suot na pang-itaas pero may apron na nagtatago ng harapan nito. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko kung gaano kaganda ang katawan nito. Wala sa loob kong napalunok ako.

"Huwag mo namang ipahalatang patay na patay ka sa katawan ko," nakakalokong sabi ni Hunter.

Tatlong beses akong kumurap bago masamang tumingin dito. Lumapit ako sa may lamesa at umupo sa upuan.

"Amoy ka na daw kasing bangkay," pabalang kong sagot sa kanya.

Natigilan ang binata sa akmang paglapit sa'kin at inamoy ang sariling kili-kili. Napailing na lang ako sabay irap sa hangin. God!

"Damn! Hindi ako amoy patay!" asik nito sa'kin.

"Ay hindi ba? Edi amoy lupa na lang," sabi ko.

Sinimangutan ako ni Hunter at ibinagsak sa harapan ko ang platong may lamang pagkain. Tocino, Hotdog, Ham and rice. Hmm.... It looks so yummy.

"Papasok ka sa work mo?" tanong ko habang naghihiwa ng hotdog.

Tumango si Hunter, inalis nito ang suot na apron kaya ngayon kitang-kita na ang malapad nitong dibdib, may maninipis na balahibo do'n, may six pack abs. Umupo si Hunter sa may kabisera, napasubo ako ng kanin bago nag-iwas ng tingin.

"Oo pero ihahatid muna kita bago ako pumasok. Ako na rin ang susundo sa'yo mamaya," sabi nito at nag-umpisa ng kumain.

Tumango ako. Nag-iwas ako ng tingin sa katawan ni Hunter. Bakit biglang uminit? Wala sa sariling tanong ko. Uminom ako ng juice. Halos maubos ko ang nasa baso ko.

Nagtataka namang tumingin sa'kin ang binata. Inabot nito ang lalagyan ng juice at sinalinan ang baso ko para magkalaman ulit 'yon. Ngumiti siya sa'kin.

"Are you okay? Pinagpapawisan ka," naw-weird-uhang puna nito.

Sunod-sunod akong tumango at pilit siyang binigyan ng ngiti. "Oo naman!" mabilisan kong sagot. Kahit nag-aalangan ay tumango ang binata.

Nang matapos kaming kumain ay si Hunter ang naghugas ng platong kinainan namin. Pero nandito ako sa kusina, malapit sa kanya at pinapanood ko siyang maghugas. Gusto ko kasing matutunan kung paano ang tamang paraan para kapag mag-isa na lang ako ay alam ko na.

"Dapat mong unahin 'yung mga baso, and dapat nalinis mo na siya or naalis mo na 'yung mga tirang ulam at kanin," pagtuturo ni Hunter. Sunod nitong kinuha ang mga spoon and fork, "Next this one, pati handle dapat mong hugasan." Kinuha nito ang isang plato matapos ang mga kutsara and tinidor.

"Why huli ang plato?" tanong ko.

Tumingin siya sa'kin. "Kasi mas madumi or malansa ang plato," pagpapaliwanag niya.

Tumango ako at ngumuso. "Bakit hindi dumudulas sa kamay mo. Nung ako naghugas ng plato nagdudulas siya," ani ko sa kanya na para bang nagsusumbong.

Umiling si Hunter bago nakakalokong tumingin sa'kin. "Kaylangan mo kasing hawakan ng mabuti, saka huwag masyadong mabula dahil talagang dudulas yon."

"Ilang taon ka nung natuto kang maghugas ng plates?"

"Hmm... I think grade school? Mga eleven or twelve ako no'n."

Bumilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Really?! That's too young!"

Tumango siya. "Yap!" he said while popping the 'p'.

"Why?" pangungulit kong tanong sa kanya.

"Because... I have to. Well, I remember my parents always leaving me because of work. Then, ako lang mag-isa sa bahay. Kaylangan kong kumilos dahil magugutom ako kung hindi ako maghahanda ng pagkain ko," sabi niya at binuksan ang gripo. Binanlawan nito ang mga ginamit.

"Nasaan na sila ngayon?"

"Hmm?"

"'Yung family mo. Nasaan na sila ngayon?"

Malungkot siyang tumingin sa'kin. "Wala na eh." Ngumiti ito ng malungkot.

Kumirot ang dibdib ko dahil sa pagpeke ni Hunter sa mga ngiti niya. Hindi ako sanay na ganito siya. Ang akala ko, ako lang 'yung nags-suffer at nasasaktan pero hindi pala. May mga taong mas matindi pa ang pinagdadanan kesa sa akin.

Lumapit ako kay Hunter at niyakap siya. Sinandal ko ang noo ko sa balikat ng binata.

He chuckle a bit. "Stop hugging me. Basa ako ng pawis," anito.

Umiling ako at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Inilayo ko ang ulo ko at tiningnan siya. Nginitian ko siya ng malapad.

"Hindi ka naman mabaho eh. Amoy kang baby," sabi ko pagkatapos tinawanan siya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro