Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54


CHAPTER FIFTY-FOUR

NAGISING akong may ngiti sa labi. Mataas na ang sikat ng araw at mag-isa na lang ako sa unit ni Hunter. Sa tingin ko'y umalis ang binata at nagpunta sa trabaho nito. Kagabi bago kami umuwi ay sinabi niyang aalis siya ngayon at baka mga gabi na maka-uwi.

Okay lang naman sa'kin 'yon. Actually pabor pa dahil mas gusto kong mag-isa ngayon. Ilang araw na akong absent sa school. Siguradong nagtataka na sila Sir Ivan at Sir Nat kung bakit wala pa ako. Napabuntonghininga ako. Tiningnan ko ang phone kong nakapatong sa may side table na naka-charge.

Sa ilang araw ko dito kay Hunter ay hindi ko pa nabubuksan ang cellphone ko. Ayokong i-charge nung na-lobatt para walang makatawag or text na kahit sino.

Napagpasyahang kong lumabas ng kwarto para magluto ng brunch ko. Hindi ako sanay na sanay magluto pero kaya ko naman. Sa kusina na ako nagtuloy, habang nag-iisip ng kung anong pwedeng lutuin ay pinusod ko ng messy bun ang buhok ko.

Lumapit ako sa ref, binuksan ko 'yon at tumingin ng pwedeng kainin. Kumuha ako ng pack ng sausage and sinarado na ang pinto. Kumuha rin ako ng spam sa cabinet nito para iluto. Binuksan ko ang spam pagkatapos ay hiniwa ko 'to sa hindi naman sobrang kapal na size.

Binuksan ko ang kalan at kinuha ang pan na nasa gilid. Nilagyan ko ng kaunting oil ang pan bago hinintay na uminit. I wash the sausage to remove the coldness inside it. Nang matapos ako ay inilagay ko 'yon sa isang platito and lumapit na sa may kalan.

Inihagis ko ang spam sa may mantika and I didn't know na tumatalsik pala ang bwisit na mantika.

"Oh shit!" mura ko habang hinihinaan ang kalan. Tiningnan ko ang braso ko kung saan tumama ang mantika. Naiinis akong tiningnan ang spam na dikit-dikit at may ilang pang patong patong. "Yes, I can definitely cook," sarcastic kong sabi.

Tumalikod ako sa kalan at kumuha ng isang shen-shie. Sinubukan kong ibaliktad ang spam pero nakadikit 'to sa kawali. Napanguso ako. Bakit? Sa bahay naman kapag nagluluto si Mom— kinuyom ko ang kamao ko. Hindi mo na dapat sila iniisip, Klyzene Black.

Sinubukan kong baliktarin ang spam ng hindi siya nadudurog, nagawa ko naman sa iba kaya lang sa iba... huwag na lang nating alamin, sobrang sakit na ng braso ko dahil sa talsik ng mantika. Nang sa tingin ko ay luto na, inilagay ko sa plato ang spam. Sinunod ko namang niluto ang sausages, I like sausage na pinirito. Hindi ko gusto ang steam lang dahil pakiramdam ko hindi pa siya lutong-luto.

Like the spam, the oil from pan spit out to me again.

"DAMN!"

Lumayo ako sa may kakalanan at tiningnan ang braso ko. Umiling na lang ako at muling lumapit sa kalan, nilakasan ko ang apoy para mabilis maluto ang sausage. Nang ayos na ay inilagay ko sa plato kung nasaan ang spam, after no'n ay naglakad ako papunta sa sala.

Ibinaba ko sa center table ang platong may laman ng pagkain at pati na rin ang platong kakainan ko kasama na ang spoon and fork. Bumalik ako sa kitchen at kumuha ng gatas sa ref, nagsalin ako sa malaking baso at nilagyan 'yon. Bumalik na ako sa sala. Binuksan ko ang malaking TV at umupo sa sofa. Nanuod ako ng Netflix dahil sabi ni Hunter ay meron dito.

Pinapanood ko ang Guardian of the Galaxy, matagal-tagal na rin akong hindi nakakanood ng marvel movies. Habang kumakain ay nanunuod lang ako. Natutuwa ako habang pinapanood si Gamora at Star Lord. Nakakakilig sila minsan.

After kong kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan ko. Pinatay ko ang TV at naglakad papuntang kusina. Inilagay ko 'to sa sink naghugas ako ng kamay at pumanik na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko na full charge na.

Hindi ko alam kung bubuksan ko ang phone ko, dahil kapag binuksan ko 'to hindi ko alam kung anong sasalubong sa'kin.

Let's give it a try ani ng isang bahagi ngutak ko.

Binuksan ko ang phone ko. Ibinaba ko muna 'to sa kama at tumingin ako sa kisame. Napaka-boring naman kung buong sem akong ganito dahil sa hindi pagpasok sa school. Wala naman akong gagawin dito. Nakakahiya rink ay Hunter, nakikitira na lang ako.

If magw-work ako, saan naman? Kanino? What kind of work? Baka mamaya ay hindi sila tumatanggap ng graduate sa Senior high school. Hindi pa rin naman ako tapos ng high school. Tsk, bakit naman kasi gano'n dito sa Pilipinas. May mga trabahong kaylangan pang magkaroon ka ng diploma kahit hindi naman professional. Tsk.

Ilang sandali pa ay sunod-sunod na ang pagtunog ng message alert tone ng phone ko. Tumagilid ako ng higa at pinanood ang pag-galaw ng cellphone. Nang tumigil ito saka ko lang dinampot at tiningnan kung kani-kanino galing lahat ng 'yon.

Two-hundred messages? Wow....

Karamihan ay galing kay Zia at Kuya, yung iba ay galing kay Sir Nat at Sir Ivan.

Una kong binuksan ang message na galing kay Sir Ivan.

Sir Ivan:

Hey, are you okay?

Are you already at home?

You're not answering me. Are you okay?

Klyzene don't scared me like this!

Where are you?!

Hey

Hindi ko na binasa ang ibang message nito dahil paulit-ulit lang naman 'yon. Nag-type na lang ako ng reply sa kanya.

To Sir Ivan:

I'm okay, sorry for making you worried. I left our house. I'm now with my friend.

Pagka-send ko ng message na 'yon ay nilipat ko naman kay Sir Nat halos gano'n rin ang message nito katulad ng kay Sir Ivan.

Sir Nathaniel:

You're not in school. Are you okay?

Your sister is here. Where are you?

Call me back when you have this. ASAP.

To Sir Nathaniel:

I will go tomorrow. Still healing from what happened. I'm in my friend's house. Don't worry.

Klyzia:

Where are you?

I'm sorry come back home.

Black, I'm really sorry....

Black. Believe me. I did it because I love you.

I don't want to lose my sister, Black.

Please, call me.

I'm worried. We're all worried here.

I heard mom, she's crying.

Please come home.

Black.

Where are you? Tell me.

Black please, reply.

You hate me that much? You really wont talk to me?

Black....

Please.

Hindi ko na binasa pa ang ibang messag ni Zia, sinarado ko na message nito. 'Yung kay Kuya hindi ko na rin binasa dahil papauwiin lang naman niya ako. Ibababa ko pa lang ang phone ko ng mag-ring 'to. Pangalan ni Sir Ivan. Sinagot ko naman.

"Yes?"

"WHERE THE HELL ARE YOU?! ARE YOU OKAY?! FUCK!!" nakasigaw nitong tanong sa kabilang linya. Nasa tono naman nito ang pinaghalong pag-aalala at galit.

Umayos ako ng higa at ini-loud speaker ang phone ko.

"First, don't shout. Second, I'm okay. Third I'm with a friend," sagot ko sa mga tanong niya. Rinig ko galing sa kabilang linya ang boses ng mga students. Nasa school ang binata. Of course, he's a professor there.

"Damn! Please, tell me whose friend you're with. I will go there and pick you up," nag-aalalang turan nito.

Napabuntonghininga ako. "I'm with a friend and you doesn't need to know who that is. I'm fine. Tomorrow I'll go to school," pagpapakalma ko pa sa kanya.

"I-I cant... wait until tomorrow. I need to make sure you're okay first."

Napatigil ako sandali at nag-isip kung papaya ba ako. Umupo ako sabay tingin sa orasan sa gilid ng kama ko. It's now, one o'clock in the afternoon. I can still go.

"Let's meet today. Gonna text you my location," pagkasabi ko no'n ay ibinaba ko na ang tawag. Bumangon ako, lumakad ako papunta sa may closet at namili ng isusuot kong damit. Pare-pareho lang sila ng kulay. Puro itim. Iba-iba nga lang ng design.

Kumuha ako ng black crop top at isang high waste jean pagkatapos pumasok na sa banyo at naligo ng mabilis. Nang mayari ako ay lumabas na ako ng banyo, nagbihis ako. Humarap ako sa salamin at naglagay ng eyeliner sa mata pagkatapos ay dark lipstick.

Okay na sa'kin ang hitsura ko kaya napagpasyahan ko ng umalis. Kinuha ko ang phone ko at nag-text kay Sir Ivan na magkita kami sa isang malapit na coffee shop dito sa may condo ni Hunter, ayoko namang masyadong lumayo dahil uuwi rin ako kaagad.

Bumaba ako ng ground floor at binati pa ako ng guard, I just nod then walk away. Nilakad ko lang ang coffee shop na sinasabi ko.

Nauna akong dumating. I ordered box of cookies at habang naghihintay dito ay kumakain ako. Mga thirty minutes lang ang hinintay ko para makarating si Sir Ivan dito. Nakita ko siyang humahangos na pumasok sa loob ng coffee shop, palinga-linga na mukhang may hinahanap.

I raise my hand and wave at him. He looked at my direction, the confusion on his face was replaced by relief when he saw me. I smiled at him. He walked towards me and sit in the chair in front of me. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro