Chapter 53
CHAPTER FIFTY-THREE
WE'RE now heading to Tagaytay! Kakain kami ng Bulalo for dinner na dahil halos kulay kahel na ang kalangitan na may kaunting violet. Tumutugtog anng radio sa sasakyan ni Hunter at sinasabayan ko 'yon.
Si Hunter ay tahimik lang akong pinagmamasdan habang nakangiti. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa ganitong efforts niya para lang mapagaan ang loob ko. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa tanang buhay ko. I feel so special.
"So... hindi ka ba nagugutom? Baka mamaya ay sikmurain ka niyan," tanong niya habang nakatingin sa daan.
Umiling ako. "Gutom pero ayokong kumain dahil sa kakain tayo ng bulalo later. Drive faster," ani ko. Inusad ko ang upuan palikod at humiga ng maayos. Pumikit ako at dinama ang kanta ni Ava Max na Torn. Gumagalaw ang katawan ko at umiindak sa tugtugin.
I'm also humming.
Gano'n lang ang ginawa namin sa loob ng ilang oras na byahe, nang makarating kami sa Tagaytay ay dumrecho kami sa isang kainan do'n.
Umupo kami sa may malapit sa bintana kung saan kitang kita ang Bulkang Taal, may mga maliliit na taong papunta sa crater ng buklan and may mga nags-swimming sa ibaba. Napangiti ako at humarap kay Hunter na nakatingin pala sa'kin. Mukha siyang nasisiyahan.
"Sure ka masarap ang Bulalo nila dito?" tanong ko.
"U-huh, madalas kami dito nila Jake dati para kumain," aniya at ibinaba na ang tingin sa may menu na hawak na nito.
Bigla akong nalungkot dahil nabanggit niya si Kuya, ayoko muna kasi silang makita o miski marinig ang panglan nila. Bumalik sa'kin lahat ng mga masasakit na nangyari sa'kin. How they can lie to me? I mean, how. Paano nila nagawa sa'kin 'to?
Mukhang napansin ni Hunter ang malungkot kong mukha kaya naman nag-angat siya ng tingin sa'kin.
"Are you okay?" tanong ni Hunter.
Tumingin ako sa kanya at tumango. Hindi na ako sumagot dahil sigurado namang alam niyang hindi ako okay.
"Let's order na. I'm famished," ani ko at kinuha ang menu. "I want Bulalo with rice and juice na lang," sabi ko sa kanya at itinalikod ang menu, nakita ko do'n ang mga dessert. Nang ningning naman ang mga mata ko ng makita ang ice creams na sine-serve nila dito. "Cookies and cream, ang dessert ko."
"Okay." Itinaas ni Hunter ang kamay niya para tumawag ng isang waiter at may lumapit nga sa 'min. Nakangiti itong naglabas ng isang notepad at ballpen. Sinabi ni Hunter kung anong order naming dalawa.
"Okay sir, wait na lang po tayo ng ten to fifteen minutes." Tumalikod na sa 'min ang waiter at naiwan kaming dalawa dito.
Mahabang katahimikan ang namayani sa 'ming dalawa bago siya tumikhim. Nagtatanong akong tumingin sa kanya, para siyang may gustong sabihin sa'kin pero hindi niya masabi.
"What is it?" tanong ko sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya. "You look like you want to tell me something, what is it?"
"Gano'n ba ako ka-obvious?" tanong niya at mahinang tumawa.
Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang ng maliit sa kanya. Tumikhim naman 'to bago nagsalita.
"What's your plan now?" tanong niya.
"My plan?"
"Yes. Anong mangyayari after nito? Uuwi ka ba sa inyo? Kakausapin mo ba ulit sila—"
"Stop right there," malamig kong saad sa kanya bago nagpalawala ng malalim na hininga. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang harapin. Masyado pang masakit sa'kin ang lahat," dagdag ko.
"Hindi mo ba hihingin ang explanation nila?" anito.
Mapakla akong natawa. "Hindi nila ibibigay sa'kin 'yon." Umiwas ako ng tingin sa binata bago nagpatuloy. "M-magsisinungaling lang ulit sila sa'kin... dahil 'yun naman ang palagi nilang ginagawa. Ang pagsinungalingan ako." Lumunok ako at tumingin kay Hunter. "Kaya lang 'di mo naman maiintindihan 'tong nararamdaman ko. Wala namang nakakaintindi sa'kin," ani ko pa.
Hinawakan ni Hunter ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Tiningnan niya ako sa mata ng puno ng sinreridad.
"Trust me, Klyzene. Kung may makakaintindi man ng husto sa'yo dito ay ako 'yon," seryosong sabi ni Hunter.
Bumaba ang mata ko sa kamay naming magkapatong. Should I trust him?
"How... Hunter?" mahina kong tanong at tumingin sa kanya. "Paano kita pagkakatiwalaan kung hindi naman kita kilala. Paano kung mali ang una nating pagkikita?"
"Does it matter? First impression doesn't last, Klyzene. You'll know me thru the process. Kilalanin natin ang isa't isa," dagdag pa niya, ngumiti siya sa'kin.
"I'm alone. I don't have any family. Lahat sila namatay na," anito na kinaawang ng labi ko.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes," lumungkot ang boses niya pero agad ring nawala. "I'm an ex-navy seal member," anito na may pagmamalaki sa boses.
Nanlaki ang mga mata ko. "Are you joking? Akala ko nakilala ka ni Kuya sa University kung saan siya nag-collage?"
Tumango siya. "Oo nga. Hindi ko naman itatanggi 'yon. Doon ko sila nakilala. Pero nag-aaral lang ako no'n ng Business Management dahil nag-retire na ako no'n kaya ngayon businessman na lang ako."
"What's your business then?"
"Security Agency."
"Hindi nalalayo sa dati mong work," puna ko.
"Doon kasi ako magaling kaya eto na lang ang ginawa kong business," anito.
Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang order naming Bulalo. Napangiti ako ng ibaba sa harapan ko ang order ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, kinuha ko ang kutsara saka humigop ng sabaw.
"Hmm... Yum!" I moan when I tasted it. Nag-start na akong kumain at gano'n rin si Hunter.
"Kung alam ko lang na ganiyan ka masasarapan sa Bulalo sana kagabi pa kita dinala dito," natatawang sabi ni Hunter. Tumingin ako sa kaya at nginitian siya.
"Hindi ko rin alam na magugustuhan ko 'to eh," sabi ko at kumain ulit.
Pinisil ni Hunter ang pisnge ko na kinasimangot ko pero agad ring natawa dahil nag-make face si Hunter.
UMALIS kami kaagad pagkatapos naming makakain at makapagbayad. Ngayon ay andito kami sa isang mataas na bahagi ng Tagaytay kung saan makikita ang mga ilaw sa ibaba pati na rin ang Bulkan. Naka-upo kami sa hood ng kotse nito at nakatingala sa langit.
Naisipan naming dito na muna para makapag-unwind.
"Nasaktan ka na rin ba?" tanong ko bigla kay Hunter. Tumingin ako dito. Lumingon rin siya sa'kin.
"Oo," sagot niya.
"C-care to tell me how?" marahang tanong ko. Tumango si Hunter at tumingin muli sa langit na puno ng kumikinang na mga bitwin.
"There's a girl who love and loved me all her life. She loves me so much and I love her too. I first saw her in a fiesta, I'm still working as Navy Seal that time and I have a work to do when my world suddenly stopped when she looked at me with a warm smile," anito na nakangiti. Para bang nakikita niya ang mukha ng babaeng sinasabi niya.
"We love each other. I want to marry her. Build a family with her. I'm seeing my future with her already... but my enemies take her and killed her," his voice broke when he said those words.
Napatakip ako sa bibig ko. "I-I'm sorry. I-I didn't—"
Lumingon sa'kin si Hunter, "Don't be. It's okay." Pilit na ngumiti ang binata sa'kin. "Her family is so mad at me dahil namatay siya dahil sa'kin. Ang hindi nila alam... nang mamatay si Divine ay sinama nito ang kalahati ng buhay ko."
"Maybe it's so hard for you," ani ko.
"Yes it is. So much. Alam mo ba, she also have green eyes like you..."
Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Ilang beses akong lumunok. She have an eye color like mine?
"She have a long brown hair, her skin is white as snow, her eyes are emerald, her lips is shaped like heart. She have this aura na kapag kasama mo siya ay mapapasaya ka na lang niya bigla," Hunter said.
The way Hunter describe Divine, he's so in-love. Parang nakabisado na nito lahat ng bagay sa babaeng 'yon.
"Nahanap mo ba ang pumatay sa kanya?" tanong ko.
"Yes."
"What happened to them?"
"I killed them." Tumingin si Hunter sa langit at ngumiti. "They took my life away from me so I take theirs too. Actually, kulang pa 'yon sa lahat ng hirap na dinanas ni Dev sa kamay niya. Kulang pa ang buhay nila sa kinuha nila sa'kin." Tumawa ng mapakla si Hunter.
"Ilang taon na siyang patay?" tanong ko.
"Matagal na. Ilang taon na rin at hindi ko na binibilang dahil masyadong masakit," mapait nitong sagot.
Tumagilid ako ng higa paharap kay Hunter. Nakita ko ang pagkinang ng mata nito na para bang iiyak na siya.
Kinuha ko ang kamay ni Hunter at hinawakan 'yon ng mahigpit. Tumingin sa'kin si Hunter na may pagtataka sa mukha niya. Ngumiti ako sa kanya.
Now I understand kung bakit niya ako nahalikan noon sa may beach, lasing si Hunter no'n at siguro napagkamalan niyang ako ang namatay niyang Girlfriend. 'Yung galit ko dahil sa kanya noon unti-unti ng nawawala dahil sa nalaman ko ngayon.
I can forgive him.
Gumanti si Hunter at pinagsaklop ang mga kamay namin. Ngumiti siya sa'kin bago ibinalik ang tingin sa langit. Ako naman ay umayos ng higa at tumingala rin sa langit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro