Chapter 52
CHAPTER FIFTY-TWO
I WOKE up just to feel the emptiness inside me. Nakatitig lang ako sa kawalan at tinatanong ang sarili ko kung anong mali sa'kin. Kung bakit kaylangan magsinungaling sa'kin ng mga taong nasa paligid ko?
Hindi ko napigil ang muling pagtulo ng luha ko. Bakit nasasaktan pa rin ako?
Napatigil lang ako ng marinig ko ang pagkatok ni Hunter sa pinto ng kwarto ko. Tiningnan ko muna 'yon bago ako tumayo at nagpasyang buksan. Masaki tang ulo ko dahil sa sobrang pag-iyak at halos madaling araw na rin yata akong nakatulog kagabi. Maaga pa akong nagising ngayon.
Binuksan ko lang ng kaunti ang pinto sakto lang para makasilip ako.
"What?" mahina kong tanong. Sa totoo lang ay wala akong lakas para sa ganito. Gusto kong mapag-isa.
Ngumiti siya sa'kin. "Good morning! Do you want to eat breakfast?" tanong niya.
Umiling ako at tipid na ngumiti. "I'm sorry. I'm still full," pagdadahilan ko.
Kumunot ang noo niya at tiningnan akong mabuti. "Are you sure?"
"Yes," ani ko, akma kong isasarado ang pinto ng iharang niya ang kamay niya do'n. "Sorry," matamlay kong sagot dahil naipit siya.
"You know you can count on me right? You can tell me everything, Zene. Andito lang ako," malambing niyang sabi sa'kin.
Parang may nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mukha ni Hunter. Nandoon ang kaseryosohan sa kung anong sinabi niya. Tumango lang ako at sinarado at sabay lock. Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama. Kinuyom ko ang kamao ko at umiyak ng mahina.
Now, I'm able to realize things.... that I'm a lost soul... finding my way back home... the funny thing is I don't even have a home. I have a house but not a home.
NAKATULUGAN ko na ang pag-iyak ko, nagising na lang ako ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Dali-dali akong tumingin sa may pinto. Nakasilip do'n si Hunter na may pag-aalala sa mukha habang nagtataas baba ang dibdib.
Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa ng lalaki dito? Hindi ba't ini-lock niya ang pinto. Bumangon siya. Mabigat ang yabag ni Hunter ng lumapit ito sa kanya.
"What the hell, Klyzene?! Kanina pa ako tumatawag sa'yo pero hindi ka sumasagot! Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo!" nag-aalala na may bahid na inis na sigaw niya sa'kin ng makatayo 'to sa dulo ng kama ko.
Napakamot ako sa ulo ko. "W-what?" naguguluhan kong tanong. Ang naintindihan ko lang sa sinabi nito ay 'What the hell.'
Medyo kumalma ang hitsura nito ng makitang wala pa ako sa wisyo. Humiga muli ako sa kama. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at niyakap 'yon. Pumikit ulit ako. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Hunter at ang paglubog ng isang bahagi ng kama.
"Damn. Hindi ka pa kumakain tapos matutulog ka ulit?" namamanghang tanong nito.
"Hmm..." ungol lang ang naging sagot ko sa kanya dahil iaantok talaga ako.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa noo ko. "You should wake up now. Baka mamaya hindi ka na makatulog," dagdag pa nito.
Dumilat ako at tiningnan si Hunter na nakatunghay sa'kin ngayon. Ngumuso ako sa kanya.
"Inaantok pa ako," paos kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya ng maliit saka ako inilingan. Kinuha nito ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Nakaramdam ako ng init na humaplos sa dibdib ko na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Kumusta ka?" malambing niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko.
Parang kaya niyang basahin kung anong nasa isip ko dahil sa paraan ng pagtitig niya. Nagpakawala ako ng hininga at bumangon. Binawi ako ang kamay ko. Tiningnan ko siya.
"Anong sagot ba ang gusto mong isagot ko?" tanong ko.
Lumamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Kinakaawaan niya ba ako?
HUNTER'S P.O.V.
AWA 'yan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako ngayon kay Klyzene. Kung noon ay walang buhay ang mata ng dalaga, ngayon ay may mababasa ka na do'n. Makikita mo ang lungkot na parang may pinagdadaanan siyang higit pa sa akala mo.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Hunter. H'wag mo namang mas pababain pa 'yung tingin ko sa sarili ko," malungkot at halos hindi ko na marinig ang boses niya ng banggitin niya ang huling salitang binitawan niya.
Napuno ng galit ang dibdib ko. Bakit kaylangang maranasan ni Klyzene ang ganitong pagtrato? Damn! She's a great woman. Bakit hindi nila makita 'yon.
"I-I'm not—"
"Don't lie, Hunter," mahina't kalmadong pagpuputol niya sa'kin. "Huwag mo na lang ulitin. Alam ko namang nakakaawa ako. Lalo na sa lagay kong 'to."
Lumunok ako ng makitang kuminang dahil sa pinipigilang luha si Klyzene. God! Hindi ko alam na ganito kalala ang pinagdadanan ni Klyzene.
Nung araw na nawawala si Klyzene ay hindi ko nakitang nag-aalala sa kanya ang mga magulang niya. Mas nag-aalala pa si Klyzia at Jake dito na sobrang kinaiinisan ko. Bakit nila gano'ng tratuhin si Klyzene eh, anak lang din naman nila 'to.
Sobra pang dumagdag ang pag-aalala ko ng hindi siya mahanap ng mga tauhan ko sa apat na araw niyang nawawala. Ako na mismo ang naghanap sa kanya dahil hindi ako mapakali. Sobrang relief ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng elevator.
Akala ko ay namamalikmata lang ako pero hindi. Nando'n siya at sobrang saya ko. Napalitan nga lang ng pag-aalala dahil niyakap na lang niya ako bigla. Doon ko lang nalamang lumayas siya sa kanila. Kagabi nang ihatid ko ang maleta niya dito ay naririnig ko siyang umiiyak galing sa banyo.
Gustuhin ko mang kumatok pero mas pinili kong huwag ng gawin dahil respeto na lang sa kanya. Alam kong masakit dito ang pinagdadaanan niya. For fuck sake she's just a teenager. Turning eighteen weeks from now. Sobrang gulo nito para sa kanya.
"Gusto mong kumain tayo sa labas?" tanong ko sa kanya. I'm changing the topic to lessen the pain for her.
Kumunot ang noo niya. "But it's already late. Anong kakainin natin?" tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Three in the afternoon, you didn't eat breakfast and lunch, kung gusto mo ay kumain tayo sa Tagaytay ng bulalo," alok ko.
Hindi makapaniwalang tumingin siya sa'kin. "Seriously Hunter? Tagaytay for Bulalo?" tumawa siya ng malakas at bumangon mula sa pagkakahiga. "But okay! Go out muna. I'll take a quick shower then let's go to Tagaytay," aniya.
Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Tumango ako. Pinisil ko ang ilong niya.
"Okay. Be quick," bilin ko at tumayo na. Lumakad ako palabas ng kwarto niya. Nagtuloy ako sa kusina para ilagay sa ref ang mga niluto ko kanina para sana kay Klyzene. Sayang naman kung itatapon kaya dapat itabi na lang. Pwede pa namang initin ang mga 'yan.
Napatingin ako sa mesa ng tumunog ang phone ko. Mabilis akong lumapit do'n at tiningnan kung sinong tumatawag. Kumunot ang noo ko ng makitang si Jake 'yon. May hula na ako kung anong dahilan ng pagtawag niya sa'kin.
Sinagot ko ang tawag.
"Hello."
"I need your help nawawala ulit si Klyzene—"
"She's with me," pagpuputol ko sa sinasabi niya.
Narinig kong nagmura 'to sa kabilang linya. "O God! Mabuti at diyan siya nagpunta. Can you take care of her for a while? Hindi pa siya pwedeng umuwi sa bahay, I need to clean this mess first," anito na may halong pag-aalala at relief sa tono.
Kumunot ang noo ko. "What mess?" tanong ko.
"Sorry, bud, but I cant tell you for now. But please, take care of my sister. I know she's in pain because of what happened," pagkasabi niya no'n ay mabilis rin nitong ibinaba ang tawag.
Napabuntonghininga na ako. Ang gulo ng nangyayari ngayon. Wala na akong maintindihan. Ikinuyom ko ang kamao ko bago umayos ng tayo. Lumabas ako ng kusina at nagpunta sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at naligo na.
Nang matapos ako ay lumabas ako ng banyo. Nakatapis ang ibabang katawan ko ng towel. Lumapit ako sa cabinet ko at kumuha ng damit. Ang kinuha ko ay isang pants at isang black t-shirt. Mabilisan lang din akong nagbihis dahil malayo pa ang byahe namin.
Lumabas ako ng kwarto nang matapos ako. Kinuha ko ang susi kong nasa may center table sa ibaba bago pumanik at kinatok ang pinto ng kwarto ni Klyzene. Naka ilang beses rin akong katok bago nito binuksan ang pinto. Sumilip do'n si Klyzene na naka-maong pants at crop top na kulay black rin.
Nagkagulatan pa kami dahil parehong kulay ng damit ang suot namin.
"You want me to change?" tanong ni Zene ng hindi ko alisin ang tingin sa kanya.
Umiling ako. "Of course not, it is actually cute. We're matching," nakangiting tugon ko sa kanya. Tinanguan lang niya ako pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.
"Let's go. I want bulalo." Naunang maglakad pababa sa'kin si Zene habang ako ay naiwang pailing-iling dito. Damn! Kundi ka ba naman tanga, ba't ka nag-aya kumain sa Tagaytay pa. Andami-daming nagbebenta ng Bulalo dito! Asik ko sa sarili ko.
Pero agad rin namang nawalang 'yon dahil mapapasaya ko si Zene sa ganitong pagkakataon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mabilis ang naging kilos ko at sumunod ako kay Klyzene sa labas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro