Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51


CHAPTER FIFTY-ONE

KATATAPOS lang naming kumain ng dinner ni Hunter at ito na ang naghuhugas ng pinagkainan naming dalawa. Nasa kusina ako at pinapanood siya sa ginagawa niya. Nakatalikod siya sa'kin at kitang-kita ko ang mabato nitong likod.

Hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming babaeng nahuhumaling sa kanya. Gwapo siya, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata, may pagkamanipis ang labi nito, isa pa, mahaba na ang buhok na hanggang leeg niya.

"Sure ka na okay lang sa'yo na dito muna ako?" pang-limang ulit kong tanong sa kanya.

"And for the sixth time, Klyzene, it's okay with me living here with you. Mas panatag ako," mahinahon niyang sagot habang nakalingon sa'kin.

Tumango ako at lumapit sa ref niya. "Can I look in your ref?" tanong ko habang nakahawak na sa pinto.

"Yeah, suit yourself," anito.

I shrugged then open the refrigerator's door. Naghanap ako ng pwedeng gawing minatamis like cookies pero wala. Bagsak ang balikat na naghanap ako sa freezer nito and nakakita ng ice cream, it's coffee crumble. Kinuha ko 'yon at kumuha ng isang spoon then umupo sa may stool sa island counter, hinihintay kong matapos si Hunter.

Binuksan ko ang ice cream at nagumpisa ng kumain. Hmmm.... Yummy. It's cold. Like you.

Hindi ko na namalayang natapos na pala sa paghuhugas ng plato si Hunter at nakatunghay na lang sa'kin. Nagulat pa ako ng makitang malapit na pala ang mukha niya sa'kin. Dahan-dahan kong nalunok ang ice cream sa bibig ko at nag-scope ulit, itinapat ko sa bibig niya ang spoon na kinain naman niya.

Ngumiti lang siya sa'kin at pinisil ang pisnge ko. Imbis na mainis ay na-sweet-an pa ako sa ginawa niya. Inipit nito ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Thank you," ani ko.

"Buti na lang pala, bumili ako ng ice cream. You like that flavor?" tanong niya.

Tumango ako. "Yes, but I love cookies and cream more," sagot ko at tumayo na.

"After you eat dadalhin na kita sa magiging kwarto mo," aniya at akma pang uupo sa katabi kong stool. Ibinalik ko ang takip ng ice cream at inilagay ulit sa ref. Pagkatapos ay ibinaba ko sa lababo ang spoon.

Nakangiti akong humarap sa kanya. "Let's go?" masigla kong tanong.

He chuckle a bit then nod. Nauna itong naglakad at sumunod naman ako sa kanya. Lumabas kami ng kusina at nagtuloy sa hagdan. Umakyat kami sa second floor. Namangha ako ng makita ang kabuuan ng second floor nito. May mini bar sa gilid at isang TV set.

Nasa tatlong pinto ang mayroon. Lumapit kami sa isang pinto na nasa dulo ng pasilyo. Ngumiti siya sa'kin bago binuksan ang pinto. Nauna akong pumasok.

"Wow," tanging nasambit ko ng makita ang loob ng kwarto. It looks aesthetic. Kulay black ang pintura sa wall then may mga LED lights sa kisame. 'Yung bed is queen size na nasa gitna ng kwarto. May whole body mirror, nilapitan ko ito at nang hawakan ko ay bumukas.

Sliding door at drawer ang nasa likod. Nice! Sinarado ko 'to at nilapitan ang isang vanity mirror na nasa may gilid ng pinto, tiningnan ko si Hunter.

"Who owned this room?" tanong ko dahil kumpleto ang make-ups.

Sumandal ito sa may hamba ng pinto habang naka-cross arm. Mukhang natutuwa siya sa kung anong naging reaction ko.

"No one," aniya.

"U-huh. I'm not joking, Hunter. Who owned this room? Baka mamaya may magalit dahil ginagamit ko 'to," may pagdududa kong tanong.

He laugh then walked in. Umupo ito sa gilid ng kama. "Believe it or not, walang may-ari nito. Nung pinaayos ko 'to ay ganito ang ginawa nila dahil akala nila may kapatid akong babae," sagot niya.

Tumango na lang ako sa sagot niya. Sino ba naman ako para mag-imbestiga pa kung kanino ang silid na 'to? Isa lang naman akong pabigat sa kanya.

"Okay, ayun ang pinto ng banyo if you want to take bath, ipapanik ko na lang dito ang maleta mo," sabi niya sabay tayo. Lumakad na ito palabas ng kwarto ko, sumunod ako dito at sinarado ko ang pinto ko at muling inilibot ng tingin ang mga mata ko.

Maganda ang kwarto.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at naglakad papunta sa kwartong tinuturo nito. Binuksan ko 'yon at pumasok ako sa loob. Tumambad sa'kin ang malinis na banyo. May mga pam-babaeng gamit na dito kaya lang ay hindi pa bukas. Sinarado ko patalikod ang pinto at ini-lock 'yon. Lumapit ako sa may lababo at binuksan ang gripo para tumulo ang tubig.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at malungkot na ngumiti. Unti-unting nag-init ang mga mata ko, na sa ilang sandali ay tumulo ang mga luha ko.

This face reminds me of her. Ilang beses akong lumunok. Inaalala ko ang mga nangyari kanina. Nakakatawa lang dahil wala talaga silang pakialam sa'kin. We look so powerful outside but we're broken inside. There's a lot of secret in our family... no. In their family because I never felt like a family.

What went wrong? Before, I have a loving mother, I have a strict but a caring father. I have a sister who loves me so much and a brother who play basketball with me. What went wrong? Did I do something bad? Am I curse?

My chest ached. Bakit ba ganito ang buhay ko? Pinaglalaruan ba talaga ako ng panahon?

Hindi ko napigilan ang pag-iyak. Napayuko ako. Humawak ako sa lababo para kumuha ng suporta dahil babagsak ako sa panghihina ng mga tuhod ko.

Muli akong tumingin sa salamin at tinuro ang sarili ko.

"D-don't cry... p-please... k-kaya mo 'to. Ikaw si Klyzene..." napatakip ako sa bibig upang pigilin ang malalakas pang hikbi. Napaupo ako sa lapag. Itiniklop ko ang mga tuhod ko at nagyukyuk do'n. Umiyak ako ng umiyak.

Sana pagkatapos nito wala ng sakit. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag-iiyak sa loob ng banyo. Basta tumayo lang ako ng makaramdam na ako ng pamamanhid sa mga binti ko. Humarap ako sa salamin. Kalat ang eyeliner ko.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Pinipigilan ko ang hikbi ko. Huminga ako ng malalim at tumingala.

Paulit-ulit ko 'yong ginawa hanggang sa kumalma na ako. Nang okay na ako ay pinatay ko ang tubig at nagpunta sa shower. Tumapat ako sa bukas na shower at hinayaang mabasa ang buong katawan ko kasama ng mga damit kong suot. Umupo ako sa ilalim ng tubig at niyakap muli ng mga tuhod ko.

HINDI ko alam kung gaano ako katagal na nasa loob ng banyo, basta alam ko lang sobrang kulubot na ng mga balat ko dahil sa pagkababad sa tubig.

Lumabas akong nakatapis lang ng towel sa katawan. Nasa kama ko na rin ang maleta ko. Nilapitan ko ang pinto at ini-lock 'yon. Bumalik ako sa may kama at binuksan ang maleta ko. Kumuha ako ng underwear at PJ's.

Nang matapos akong magbihis ay sinampay ko ang towel ko sa may banyo at bumalik sa may kama. Inilabas ko ang mga damit ko. Iilan lang rin ang nadala ko dahil sa pagmamadali ko kanina. Kinuha ko 'yon at lumapit sa may closet. Inilagay ko sa loob ang mga damit ko. After kong mailagay lahat pati na ang maleta ko ay sinarado ko na ang pinto at pinatay ang ilaw.

Naglakad ako papunta sa kama at humiga do'n. Binuksan ko ang AC at pinilit matulog pero wala. Nakatitig lang ako sa kisame at tinatanong kung anong klase ba ako sa past life ko. Malaki ba ang kasalanan ko noon? May niloko ba ako noon?

Anong nagawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganito? Sino ba talaga ako? Nakakatawa, sarili ko hindi ko kilala. Nakakatakot. Ayokong humantong ako sa mapapagod na ako sa lahat ng bagay at hihilingin ko na lang na sana hindi na lang ako nabuhay. Kasi ngayon? Kinukuwestiyon ko na kung bakit...

Tumagilid ako ng higa, mula sa pwesto ko ay nakita ko ang buwan sa labas ng bintana ng kwarto ko. Moon, she's so beautiful, still shining even if it's surrounded by darkness. She have her friends, the stars, who's helping her to brighten the darkness, para hindi maramdaman ng moon na mag-isa lang siya.

Napabuntonghininga ako.

Tumulo na naman ang mga luha ko. Itinaas ko ang kumot hanggang sa leeg ko at kinagat ito. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog, basta ang alam ko nakatulog akong umiiyak. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro