Chapter 50
CHAPTER FIFTY
LUMAPIT ako sa may cabinet at binuksan 'yon. Kinuha ko mula sa taas ang maleta ko at inilagay sa ibabaw ng kama. I'm starting to remove my clothes from my closet and putting it in my bag. The door opened, Kuya entered there and closed the door. He looked at my suitcase on the bed.
"What are you doing?" tanong niya at inalis ang damit sa maleta ko. Tumalim ang tingin ko sa kanya. Naglakad ako papunta sa may kama at ibinalik ang mga damit sa maleta ko.
"I'm leaving," walang kagatol-gatol kong sabi.
"Why?! Klyzene, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Saan ka nagpunta? Anong nangyari sa'yo?" Inilabas nito lahat ng damit na inilagay ko sa maleta at hinawakan ako sa magkabilang braso para iharap sa kanya. "Are you serious right now?! Ganiyan ka na ba talaga—"
Galit kong inalis ang kamay niya sa braso ko at tinulak siya ng mahina. Lumayo ako at inilagay lahat ng gamit ko sa maleta. Bumukas naman ang pinto at sumilip do'n si Zia with her teary eyes. Damn! Bakit lahat kaylangan idaan sa iyak?! Sila ang nagsinungaling sa'kin pero bakit sila pa 'yung galit?
Bakit parang kasalanan ko pa?! Kasalanan ko pang gusto kong malaman 'yung totoo?!
"Saan ka pupunta?!" nag-aalalang tanong ni Zia habang nakatingin sa maleta ko.
"Aalis," sagot ko at kinuha ang maleta ko. sinarado ko ang zipper at binuhat pababa ng kama. Tiningnan ko silang dalawa ng puno ng lamig bago ako dumaan sa gitna nila. Lumabas ako ng kwarto at hinabol ako ni Zia, buhat-buhat ko ang maleta ko habang pababa ako ng hagdan.
"Black pag-usapan natin 'to. Huwag ka ng umalis. Wala kang mapupuntahan if ever!"
"Klyzene!"
Napatingin sa'kin ang mga magulang ko, and their faces is expressionless like mine. Nang tuluyan na akong makababa ay nahawakan ako ni Zia at hinarap niya ako sa kanya. Nakasunod naman agad sa 'min si Kuya at kinuha ang maleta ko na hindi ko binibitawan.
Her eyes and nose are already swollen because of too much crying.
"Hayaan niyo siyang umalis kung 'yan ang gusto niya," ani Dad na parang walang pake kung aalis ako.
Si Mom naman ay nakayuko lang at nag-iwas ng tingin sa'kin. Mapait akong ngumiti sa kanila. Anong klaseng magulang kayo?!
"Dad! Walang pupuntahan si Black!" ani Blue.
"Dad, we should talk this as a family. Hindi pwedeng baliwalain ang issue na 'to," gatong pa ni Kuya.
Malamig akong tiningnan ni Dad pagkatapos ay nginisihan. "Kusa siyang aalis, Jake. Walang nagtulak sa kanya na umalis. Ginusto niya 'yan. It's her choice so be it! Kung marunong siyang umalis dapat ay marunong rin siyang bumalik."
Umiling si Kuya sa sinabi ni Dad. Tumingin it okay Mommy. "Mom, wala kang gagawin? Hindi mo ba siya pipigilan?! For fuck's sake! Kakauwi lang niya at lalayas na naman siya!" naiinis nitong sigaw.
Napalunok si Mom. "What do you want me to do, Jake? Magmakaawa sa kanya katulad ng ginagawa ni Klyzia? Jake, anak ko lang siya. Kung ayaw niyang magpapigil edi huwag," anito.
"Isa pa, baka nag-iinarte lang 'yan at masyadong nagpapapansin. She thinks she's special na lahat ng tao iintindihin siya," ani Dad.
"What the fuck, Dad?!!!" galit na sigaw ni Kuya Jake at lumapit kay Dad.
"Don't shout at me, Jake!"
"Stop it you too!"
"Huwag kang makisali dito, Mom!"
Lumapit na si Zia sa kanila para pigilin ang mga nag-aaway. "Kuya, Mom! Dad! Enough!"
Nagsisigawan silang apat. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko sa mga mata ko. Mapait akong tumawa at pagkatapos tumango. Pinunasan ko ang luha ko. Now I understand... they don't love me.
Kinuha ko ang pagkakataong busy sila sa pag-aaway para umalis. Tahimik akong tumalikod at lumabas ng bahay namin. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-book sa pinaka malapit na Grab sa subdivision.
Nasa labas na ako ng gate ng maramdaman ko ang marahas na paghila sa braso ko. Nakita ko si Blue na umiiyak at mahigpit ang kapit sa'kin.
"B-black... wag ka ng umalis... akala ko hindi mo ako iiwan," umiiyak niyang ani.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Ngayon ko lang napansin ang dark circle sa ilalim ng mga mata nito na tanda na hindi nakakatulog ng maayos.
"Y-you promised not to leave me..." niyakap niya ako pero hindi ako gumanti. Sumiksik lang siya sa leeg ko. "B-black... you're hurting me right now... please... let's talk," aniya pa.
Natawa ako sa sinabi niya. Itinaas ko ang kamay ko at hiniwalay siya sa'kin. Ngumiti ako ng malungkot sa kanya bago nagsalita. Tiningnan ko siya sa mata.
"You know what hurts more, Klyzia? Seeing someone you trust so much lying to you... You're hurting? How about me?!" tinuro ko ang sarili ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. "I'm also in pain! Eighteen years! I'm just your shadow! For eighteen years, I'm hiding behind your name! For eighteen years! I'm hurting! For eighteen years I'm in pain!! Kaya huwag kang ipokrita na nasasaktan kita dahil hindi mo alam kung gaano ako sinaktan!!" tinulak-tulak ko siya sa balikat.
"Nagtanong ako sa'yo! Alam mong nahihirapan ako dahil sa mga tanong sa isip ko pero hindi ka nagsalita!! Hindi mo sinabi 'yung alam mo!" galit kong sigaw sa kanya.
"I'm protecting you from pain!!" balik na sigaw niya sa'kin.
"WOW! You were protecting me from pain?!" nag-broke ang boses ko. "Ano sa tingin mo 'yung nararamdam ko ngayon?! Masaya ba ako?! MASAYA BA AKO?!!!" umiling si Zia at yumuko. "Hindi ako ang prino-protektahan mo, Zia! Kundi 'yang sarili mo! You're selfish!! Selfish kayong lahat! Klyzia! Binasag mo ako!"
"Akala ko kakampi kita! Ikaw lang 'yung meron ako! Ikaw lang! Pero nagawa mong magsinungaling sa'kin! Iyang sakit na nararamdaman mo? Wala pa 'yan sa kalahati ng sakit na nararamdaman ko... walang wala 'yan." Nagpunas ako ng luha, may paparating na kulay itim na sasakyan na siguradong Grab driver ko na. Inilingan ko siya bago naglakad papunta sa kotse.
Huminto ang kotse sa tapat ko. Pinasok ko sa passenger seat ang gamit ko bago sumakay. Sinarado ko ang pinto at tumingin ng derecho sa harap.
"A-ah... ma'am... alis na ho tayo?" tanong ng Driver. Tumango lang ako sa kanya.
Hindi ako tumingin sa bintana dahil ramdam ko ang tingin ni Zia sa'kin. Umandar na ang sinasakyan kong kotse paalis. Nang malayo na ako sa bahay namin ay napansandal ako sa upuan. I feel so exhausted.
I RANG the doorbell to Hunter's unit while no one answered. I'm going straight here because Zia is right. I have nowhere to go, so I'm taking a chance here but it looks like there's no one there yet. Will he help me?
Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asang may sasagot sa'kin. Baka nga walang tao dahil kung nasa loob siya ay siguro kanina pa niya ako pinagbuksan. Napabuntonghininga ako at hinawakan ang maleta ko. Tiningnan ko ulit 'yung pinto ng isang beses kung may magbubukas ba pero wala talaga.
Bagsak ang balikat na tumalikod ako paalis habang hila-hila ko ang maleta ko. naglakad ako papunta sa may elevator at huminto sa tapat no'n. Tiningnan ko ang mga floors sa itaas kung nasaan ang elevator at nakita ko namang paakyat. Naghintay ako.
Nang bumukas ang elevator ay papasok na dapat ako ng makasalubong ang papalabas ring si Hunter. Pareho pa kaming nagkagulatan.
"Klyzene! Where have you fucking been?!" bulalas niya sa'kin at lumabas ng elevator.
Imbis na sagutin ay niyakap ko siya at nagsumiksik sa dibdib niya. Para akong batang nagsusumbong at nag-iiiyak sa Nanay niya dahil inaway ng mga kalaro. Gumanti siya ng yakap at hinaplos ang buhok para patahanin.
"What happened?" tanong niya at bahagya akong inilayo.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya at lumabi. "L-lumayas na ako sa 'min," ani ko at tumingin sa maleta ko na sinundan naman niya ng tingin.
"B-bakit?" tanong niya at ibinalik na ang tingin sa'kin. Pinunasan niya ang luha ko.
"K-kasi a-ayoko na do'n... ayaw nila sa'kin Hunter. Walang nagmamahal sa'kin do'n. A-alam nilang lahat 'yung totoo at inilihim nila sa'kin 'yon."
Kumunot ang noo niya na nawala rin pagkalipas ng ilang sandali. Huminga siya ng malalim saka tumango at nginitian ako ng maliit.
"Okay. Dito ka muna sa'kin. Buti naman dito ka nagpunta, mas mapapanatag ang loob ko." Hinawakan niya ang maleta ko at inakbayan ako papunta sa may unit nito. Inabot niya sa'kin ang susi ng kwarto na kinuha ko naman. Ipinasok ko 'to sa keyhole at binuksan ang pintuan.
Una akong pumasok sa kany. Nagtuloy ako sa sala at umupo sa couch niya. Malungkot akong nakatingin kay Hunter, I don't know but when I'm with him I can be myself. Kaya kong ilabas lahat ng mga emotions ko na pakiramdam ko ay hindi ko kayang ilabas sa harap ng ibang tao.
Itinabi ni Hunter 'yung maleta ko sa gilid at saka tumabi ng upo sa'kin, sumandal ako sa kanya at pumikit. I feel so tired, not physically but mentally.
"Where have you been, Klyzene? Nag-alala ako sa'yo," malambing na tanong ni Hunter sa'kin.
"I was in a hospital," tipid kong sagot.
"Hospital?!" gulat niyang tanong at tiningnan ako. "What happened? Are you hurt?!" tanong pa niya habang nakatingin sa mga mata ko.
I shook my head. "Hindi na ngayon. I'm okay. Muntik na daw akong mamatay dahil sa hypothermia dahil nababad ako sa ulan, and sorry for your files. Nabasa sa ulan kaya natunaw na," ani ko saka siya nginitian ang maliit.
Umiling siya sa'kin at inilayo ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Klyzene, I don't care about those damn paper! I only care about you! Bakit ka kasi nagpapa-ulan?! Damn girl!"
"Sorry for making you worried about me but you can chill now. As you can see I'm alive and kicking..." ani ko.
Wala na lang nagawa si Hunter kundi ang magbuntonghininga at ang napahilot sa ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro