Chapter 49
CHAPTER FORTY-NINE
BORED akong nakatingin kina Sir Nat at Sir Ivan habang naglalaro sila ng Lucky Nine sa lapag ng hospital room ko, may blanket naman silang inuupuan para hindi sila lamigin.
"Talo ka!" ani Sir Nat habang pinapakita ang cards na hawak.
"What?!" tanong naman ni Sir Ivan habang nakatingin sa barahang hawak nito.
Kanina pa ako naguguluhan sa kanilang dalawa at I think mali ang nilalaro nila. I heard the lucky nine game in some of my school mates when we doesn't have a Prof they will play this. For you to win you need to get lucky nine or nine in your card. You'll remove jack because it's not needed in a game, aces are ones, then two and so on so forth. Basta need mo lang maka-nine, and you'll win.
But sila, nah, they have nine cards! As in!
"I think you two are playing it wrong..." ani ko sa tonong hindi naman sila mapapahiya. Sabay silang tumingin sa'kin.
"H-how—Why?" tanong ni Sir Ivan.
I gave them an awkward smile then I started explaining to them. "You should remove the jacks because it doesn't needed even the tens," unang sabi ko na sinunod naman nila. Inalis nga nila ang jack and tens. I gulped. "Then, balasahin niyo ulit. Tapos, 'di ba sa card may mga numbers siya na two to nine na lang? Dapat 'yung makukuha niyong amount or equal sa cards niyo is nine lang, if lumagpas or kumulang, you lose," pagpapaliwanag ko.
Mukhang hindi pa rin nila nakukuha kaya naman napa-irap ako. Mukha lang silang matatalino pero scam pala.
Umayos ako at tumayo, kinuha ko kung saan nakasabit ang dextrose ko pagkatapos ay naglakad palapit sa kanila. Umupo ako sa lapag at binalasa ang baraha, pagkatapos ay binigyan sila ng tig-dalawa, kumuha rin ako ng sa'kin. Ibinaba ko sa gitna naming tatlo ng mga natirang baraha.
"Okay, first, tingnan niyo muna 'yung cards niyo. Ano ang nakuha niyo?" tanong ko.
Sumunod naman sila at unang sumagot si Sir Nat. "I got eight. 6 of hearts and two of club," anito at ibinaba ang baraha. Sabay kaming tumingin kay Sir Ivan.
"I-I got... nine. Seven of spades and three of hearts," anito sabay baba rin ng card.
Tumango ako, ibinaba ko ang cards ko. "I got nine too. 6 of diamonds and 3 of clubs. That's how you play it."
They look at me with their amazed gazes. I frowned then smile.
"What?" natatawang tanong ko.
Sir Nat smiled at me too, "Wow. You know how to play this?"
"Yes."
"How?" tanong ni Sir Ivan.
"In school. When break times came or there just no prof. The students there will play lucky nine in classrooms. I saw some of my classmates playing it. I was not playing with them there but I'm watching them how to play it, in that I learned."
"Really? In watching you learn?" Sir Ivan asked.
"Yes," confident kong ani.
They both nod and smile.
"Let's play another round, ang talo maglalagay ng powder or pipitikin," natatawang sabi ni Sir Nat. I nod.
"Okay."
"Game!"
Sir Nat rearrange the cards again then handed out two cards each. While we are playing cards, we laughed heartily because Sir Ivan always loses. Sometimes I win yet, I often lose. The funny thing is these men don't hurt me hard. Seem like giving me special treatment because I'm sick. But when they both lose their flip will be stronger.
Here I am, by watching these two men how they laughed. I realized that it is so good to fit in. I do not know. I can't explain what I'm feeling right now. I haven't realized I was already smiling as I watched them.
"I WANT corn dog," ani ko habang nakatingin sa screen ng laptop. Nanunuod kasi kami ng series dito, 'yung 'Trese'.
Tumingin sa'kin si Sir Ivan pero naunang nagsalita si Sir Nat, "No. Bawal ka pa sa gano'n foods. Veggies muna," strict niyang sabi. Inirapan ko siya at muling nanuod.
Ngayon ang ika-apat na araw ko dito sa hospital. Aalisin na 'yung dextrose ko and I can finally go. The boys are sitting on the mini couch in my room, looking at the poor Nurse who carefully removes my dextrose. Eventually, he's finished. I smiled at him.
"Thank you," ani ko.
"Welcome po. Basta po pagaling ha. Huwag ng paulan," paalala niya. I nod at him.
"You can go now," pantataboy ni Sir Ivan. Ang pobreng Nurse ay mabilis namang sumunod dahil siguro sa takot. Umiling na lang ako.
"Tss." Umupo ako sa gilid ng kama at tiningnan sila. "Will you take me home?" tanong ko.
Sabay silang tumango. Napayuko ako. Ayokong umuwi.
"Are you okay?" Sir Ivan asked.
"I think so," malungkot kong sabi saka tiningala siya. "Let's go?" yaya ko.
Tumayo silang dalawa at kinuha ang gamit ko sa may ibabaw ng kama. Nauna akong lumabas ng kwarto at nakasunod lang sila sa'kin dalawa. Para akong may bodyguard ngayon. Habang nasa hallway ay pinagtitinginan kami ng mga tao, sinong hindi mapapalingon kung may dalawang gwapong nasa likod mo at nakasunod. Pareho pa man ding nakasuot ng shades at naka-porker face.
Lumabas kami ng hospital, hinila ako ni Sir Ivan papunta sa isang Raptor na kulay itim. Binuksan nito ang backseat, pumasok naman ako, ito na rin ang nagsarado ng pinto sa gawi ko. Pumasok si Sir Nat sa may passenger seat at sa driver seat naman si Sir Ivan.
"Do you know where my house is?" tanong ko.
"Yes," ani Sir Ivan.
What? Nagtataka akong tumingin sa kanya. "How did you know?" nagdududa kong tanong.
Para silang nakakita ng multo dahil sa putla ng mga mukha nila habang nakatingin sa isa't isa. Tumaas ang isang kilay ko. Nag-cross arm ako. Tumikhim si Sir Nat at nag-iwas tingin sa'kin. Si Sir Ivan naman ay nakatingin sa'kin pero hindi nagsasalita.
"Hihintayin niyo pa bang mapanisan kayo ng laway?" madiin kong tanong sa kanila. Tumikhim si Sir Ivan bago siya sumagot.
"In your school record," anito.
Kahit hindi gaanong kumbinsido ay 'di na ako umapela pa. Umayos ako ng upo at sumandal. Lihim naman na nagtitingina ang dalawa na para bang hindi ko sila nakikita o napapansin man lang. Para silang nag-uusap sa mata.
NANG makarating kami sa tapat ng bahay namin ay tahimik akong bumaba. Bumukas ang bintana sa gawi ni Sir Nat, pareho silang nakatingin sa'kin. Ngumiti ako ng maliit sa kanila.
"Thank you po sa pag-aalaga at paghahatid," pagpapasalamat ko sa kanila. "Don't worry, I will pay you when I have my allowance," dagdag ko pa.
They smiled at me, "Its okay. Take care." Pagkasabi nito ng mga katagang 'yon ay umandar na paalis ang kotse. Inantay ko na mawala sila sa paningin ko bago ako humarap sa bahay namin.
Tiningnan ko ang labas nito. Maganda at halatang mayaman ang nakatira sa bahay. Pero wala akong maramdaman, hindi ako masaya, hindi rin ako malungkot. I feel so empty by looking in this house. Para na akong namanhid.
Ilang beses akong lumunok. Anong mangyayari kapag nakaharap ko na sila? Magsasabi na ba sila ng totoo? Magagalit ba sila? Magsisigawan ba ulit kami? May kakampi pa ba ako sa bahay na 'yan? Ang tanong na dapat kong sagutin ay kaya ko na ba silang pakiharapan? Paano ko haharapin ang mga taong nanloko sa'kin? Paano ko haharapin ang taong pinagkakatiwalaan ko peo nagsinungaling sa'kin?
Parang may kumo-kontrol yata sa mga paa ko dahil naglalakad na ako papunta sa bahay namin. Binuksan ko ang gate at pumasok ako sa loob. Nagkagulo naman ang mga katulong namin ng makita ako.
"Susko! Tawagin sila Ser!"
"Dalian niyo!!!"
"Saan kaya siya galing?"
"Buti na lang umuwi na siya kundi—"
"Andiyan na naman 'yung bruhilda! Hindi siguro kinaya 'yung buhay mahirap!"
"Ano pa nga ba? Wala kang aasahan diyan. Anak mayaman 'yan."
Madami pa akong ibang narinig pero pinili ko na lang huwag pansinin. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong agad ako ng malalamig at galit na tingin ng mga magulang ko. Nandito rin si Kuya at si Zia na may pag-aalala sa mukha.
I wanted to laugh. Really? Pag-aalala. Nah! That's fake! They don't love me here. No one cares about me in this fucking house.
You should leave now, you'll have a part time job, live in your own, ani ng isang parte ng utak ko. Hm... I think so too. I should leave.
"Where did you go? Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sa'yo?" may bahid na inis na sabi ni Kuya.
Tiningnan ko siya. "May alam ka rin bang hindi mo sinasabi sa'kin?" malamig kong tanong na kinatigil niya. Nag-iwas siya ng tingin na kinatango ko. "No need to answer, alam ko na."
"Black... where have you been? Nag-alala kami sa'yo—what happened to your hand?" tanong niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero mabilis kong iniwas ito na kinatigil niya.
"Don't touch me." rude na kung rude pero I don't care anymore. They made me like this. Binunggo ko ang balikat niya bago ako naglakad papunta sa may hagdan, umakyat ako sa taas papunta sa kwarto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro