Chapter 46
CHAPTER FORTY-SIX
ILANG beses kong sinampal ang sarili ko para lang mapatunayang hindi ako nananaginip. I just fucking cannot believe sa kung anong nabasa ko. Why?! Bakit sila naglihim?! Buong buhay namin ang alam lang namin ay nagkakilala sila sa Spain, they fell in love with each other after their first dance.
Hindi ko na namalayang hindi ko na pala hawak ang folder. Pakiramdam ko'y nawala lahat ng lakas ko.
"Hey... I'll bake cookies--What the hell happened?!" gulat na tanong ni Hunter ng makita niya ako.
Tumingin ako sa kanya. "Y-You know about their... affair? W-why didn't you tell me?" nanghihina kong tanong. Kinuyom ko ang kamao para hindi ako sumabog.
"Dahil alam kong ganiyan ang magiging reaction mo. I don't want to shock you, gusto kong sabihin sa'yo ng paunti-unti—"
"You should tell me about this sooner!" galit kong sigaw sa kanya. Pinulot ko ang folder, "I will keep this. I'm going to fucking read this and know about our family!!" hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit. Lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok ang dibdib nito. "I ask you this fucking favor, Hunter! I thought magiging totoo ka sa'kin because that's what you promised! You promised me!!"
Hinahayaan niya lang akong pag-susuntukin ang dibdib niya. Naawa siyang nakatingin sa'kin.
"Klyzene... let me explain... ikaw lang ang iniisip—"
"Kung talagang iniisip mo ko dapat ay sinabi mo sa'kin 'to! Hindi mo dapat nilihim!" lumayo ako sa kanya tiningnan ko siya sa mukha, "Ano pang alam mo? Lahat ba nasa folder na o baka naman meron pa, hindi mo nga lang sinasabi sa'kin?"
Bumaba ang kamay niya at hinawakan ang akin. "Klyzene, don't be mad... please, understand. I did this for you, ayokong biglain ka like what I said, ipapaalam ko naman sa'yo pero hindi pa lang ngayon pero nagpunta ka na," aniya.
"B-Bakit di mo man lang ako binalaan? Ano ka ba?! Ni hindi mo sinabi na may ganito!!" galit kong sigaw at binawi ang kamay ko. "You're acting cool about it, Hunter. Anong akala mo? Hindi ako magagalit, hindi ako magtataka?!" Wala na akong pake kung gaano man kalakas ang boses ko basta sasabihin ko ang gusto kong sabihin.
"I'll tell you everything you want to know, you can asked. Ibibigay ko sa'yo ang folder, huwag ka ng magalit. I'm sorry," malambing niyang turan pagkatapos ay hinila ako payakap.
Hindi ako gumalaw hinayaan ko lang siyang naka-yakap sa'kin. Naramdaman ko ang isang malambot na bagay na dumampi sa may noo ko. Nakahawak si Hunter sa likod ng ulo ko at tinulak pa lalo sa dibdib niya.
"I-I'm j-just... mad. No confuse.... I'm confuse sa nangyayari. Iba ang kinalakihan naming kwento tungkol sa mga magulang ko at malalaman ko lang din na nag-cheat sila and na-arrange marriage."
"I understand."
"Y-You do?"
"Yes. I do."
Tumango ako at gumanti ng yakap sa kanya, muli niya akong hinalikan sa noo bago inilayo sa kanya. Nakangiti siya sa'kin at hinawakan ako sa pisnge.
"Smile for me, please..." aniya.
Ilang sandali ko siyang tiningnan bago umangat ang dalawang bahagi ng labi ko and it formed a smile. Hinalikan niya ako sa noo na kinapikit ng mata ko. We stayed in that position less than five minutes and that hinila niya ako papuntang kusina.
NAGLULUTO si Hunter samantalang ako ay nagbabasa pa tungkol sa family background namin. How funny, hindi ko pa pala ganuon kakilala ang pamilya ko. Ano pa bang sikreto ang meron sila? Ano pang hindi nila sinasabi sa'kin? Sa'min?
"Do you think alam ni Kuya ang tungkol dito?" tanong ko, ibinaba ko ang hawak kong papel.
"Hindi ko lang alam pero kung titingnan mo, mukhang hindi niya rin alam," sagot nito at ibinaba sa harapan ko ang isang plato ng pagkain. Its fried chicken wings, "Eat now. I know you're hungry."
Inirapan ko siya na tinawanan lang ni Hunter. Umupo ito sa tabi ko.
"Anong nakita mo?" tanong nito habang kumakain na.
"As of now, wala pang nakakakuha ng interest ko katulad kanina," sagot ko at kumagat sa manok.
"Nasabi mo noong naaksidente ka pero wala kang maalala? Tama ba?"
"Yes, 'yun ang sabi nila kaya ako may green na mata. I have an accident when I was a kid pero wala akong maalala. I asked them if may amnesia ba ako pero 'di naman nila sinasagot."
"Do you think why that is?"
Nabitin ang muling pagkagat ko sa pagkain. "I don't know... I really don't know. Kung alam ko 'yung sagot hindi na kita hihingian ng pabor," mataray kong sagot sa kanya na kinatawa niya. Tiningnan ko siya ng masama.
"Damn, hindi pa rin nawawala ang pagiging mataray mo," aniya habang tumatawa.
Akmang ibabato ko sa kanya ang spoon sa tabi ko ng unahan niya akong kunin 'yon. Itinaas niya ang hintuturo niya at sinenyas ang no.
"Tsk."
"Don't be mad anymore. May iba pa akong napag-alaman," sabi iniya na kinatigil ko. tiningnan ko siya.
"What is it?" curious kong tanong.
"Wala kaming mahanap na files tungkol sa accident mo noon."
Ilang beses akong kumurap, "What again?" 'di makapaniwalang tanong ko.
He let a sigh and put down the utensils his holding. He look at me intently in my eyes. "We search and search and search again and again and again, but there's nothing. Wala kaming nakita—nakuha," sagot niya.
Umawang ang bibig ko. "S-sure?"
"Yes."
Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko na alam kung ano 'yung totoo. Wala sa sariling kinuha ko ang folder at lumabas ng kusina.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Hunter na hindi ko na sinagot.
Nang makarating ako sa sala ay kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumabas ng condo nito. Mabilis akong tumakbo papunta sa may elevator at pinindot ang down button, bumukas ang pinto no'n kaya pumasok ako. pinindot ko ang down button at sumandal sa gilid.
We search and search and search again and again and again, but there's nothing. Wala kaming nakita—nakuha.
We search and search and search again and again and again, but there's nothing. Wala kaming nakita—nakuha.
We search and search and search again and again and again, but there's nothing. Wala kaming nakita—nakuha.
Paulit-ulit akong naririnig ang sinabi ni Hunter sa'kin. Sunod-sunod ang mga tanong na pumapasok sa isip ko. Napakaraming bakit sa utak ko.
Bakit sinabi nilang naaksidente ako?
Bakit walang nakita si Hunter tungkol sa aksidente noon?
Bakit naglihim sa'min ang parents namin?
Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko lang namang malaman kung bakit naiiba ang kulay ng mata ko sa pamilya ko pero bakit kung ano-anong baho na ng pamilya namin ang lumalabas?
Nang bumukas ang elevator ay lumabas ako, pumara ako ng taxi. May huminto naman sa harapan ko kaya sumakay ako sa backseat, sinabi ko kung saan ako nakatira. Mabilis lang ang naging byahe ko. Nagbayad agad ako at lumabas na.
SINALUBONG ako ng maingay na sala pagkapasok ko sa bahay. Nando'n si Mom, si Dad at si Blue. They're laughing again like a perfect family. Wow! Perfect family, that's what I think my family before. Perfect. To the point I doubted myself again and again if I'm worthy to be in this family.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nilang lahat. Nilingon nila ako, nagtataka ang mga hitsura nila dahil siguro sa pamumutla at walang expression na mukha ko.
"What is it, Klyzene?" malamig na tanong ni Dad.
I gave him an evil smirk. "Explain who is Jude Law to me," matapang kong tanong dito.
Nag-iba ang hitsura ni Dad, naging madilim ang expression nito at tumiim bagang. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao nito. Si Mommy ay halos hindi nakakilos sa pwesto niya habang si Blue naman ay walang ideya sa kung anong nangyayari saming tatlo.
Tumingin sa isa't isa sina Mom at Dad na para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Namewang ako. Wow!
"Why did you cheat to Jude Law, Mother? I thought being one man is enough?" mapang-uyam kong tanong dito.
"W-who cheated?!" naguguluhang tanong ni Blue habang nagpapalit siya ng tingin sa'ming tatlo.
Pain crossed her face, "K-Klyzene—"
Umiling ako. "No, please. Don't try to divert the topic. Who is Jude Law? Anong nangyari noon? Did you really two cheated on him?"
Nag-iwas ng tingin sa'kin si Mom, pero si Dad nakatingin lang sa'kin. Hindi makapaniwalang nilingon ako ni Blue.
"Where did you get that information? Maybe it's fake. Alam mo naman ang mga tao nakapaligid sa kanila ay masasama and pala-gawa ng fake news," ani Blue.
They didn't answer me. Lumakad ako palapit sa kanila.
"What really happened years ago?" tanong ko. But my Dad shook his head then he look at me like I'm an idiot.
"Klyzene, hindi ko alam na naniniwala ka sa mga fake news," anito.
"Actually no, hindi ako naniniwala ssa fake news pero naloko niyo kaming magkakapatid. Mom has a boyfriend in Spain but you two cheated. How does it feel na kuhanin ang hindi sa'yo?" mapang-uyam kong tanong sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro