Chapter 45
CHAPTER FORTY-FIVE
"ZIA, I heard there's a new Professor here," ani Abby na kasama naming kumakain ng lunch ngayon. Tiningnan ko si Abby, kumakain ito ng baong pagkain.
"What's her name?" tanong ko at uminom ng juice.
Bumaling sa'kin si Abby sabay pagkikibit balikat. "Narinig ko sa mga tsismosa sa banyo kanina, lalaki daw kaya lang walang sinabing pangalan."
"Okay," kinuha ko ang cellphone ko at nag-check ng messages do'n. Naka-ugalian ko na dahil panay ang text ni Hunter, kapag 'di ko nasasagot minsan ay nagtatampo.
"Black, why don't you study in France too para magkasama tayo," ani Blue habang nakatingin sa cellphone nito.
Umiling ako. "I have my own plans, Blue. Ano namang gagawin ko sa France if ever? I want to study in NY," sagot ko.
Nagtaas siya ng tingin sa'kin. "New York?" paninigurado niya.
Tumango ako. "Yes, there's a university there for Mechanical Engineering. I want to study there," sabi ko.
"Why na lang hindi sa Harvard?"
"Ayoko. Gusto ko sa NY."
"Edi lipat na rin me ng NY?" anito na kinatigil ko.
"For what?" taking tanong ko.
She smiled at me, "Para magkasama tayo," aniya sunod-sunod akong umiling na kinasimangot niya. "Why?!" parang batang tanong niya.
Bored ko siyang tiningnan, "Blue, we need to separate. Hindi pwedeng palagi tayong magkasama. Kaylangan nating mag-grow na hindi magkasama. Explore the world without each other," pagpapaliwanag ko.
Magsasalita pa sana siya ng unahan ko na. "Let's ask Abby here kung saan siya magc-college," ani ko at tumingin dito. "Saan ka papasok ng college?" tanong ko.
Tumingin siya sa'kin na para bang hindi alam ang isasagot. I face palmed when I remember what were talking about a while ago.
"You can answer, huwag kang mahiya."
She smiled at me, "Hindi ko kasi alam kung pagkatapos nito pag-aaralin pa ako ni Ate Alex, pero kung oo sa public lang ako para makatipid rin," sagot niya.
Sabay kaming tumango ni Blue.
"You know what, magiging successful ka sa life mo. You have cooking skills," ani Blue.
I can agree with that. Actually what we're eating now is made by her and it's good.
"I'm sure, Ate Alex will," puno ng pag-asang sabi ni Blue habang nakatingin kay Abby. Inipon ko naman ang mga gamit ko pagkatapos ay tumingin kay Blue. "Aalis ka na?" tanong nito.
"Yes. Need to do something," ani ko pagkatapos ay lumakad na paalis.
"Okay, take care!" pahabol niya. Itinaas ko lang ang kamay ko pagkatapos ay lumabas ng tuluyan sa Canteen.
Tahimik ang hallway habang naglalakad ako, wala kasing masyadong tao dahil 'yung iba ay nasa klase na nila and nasa canteen. Liliko na dapat ako ng may mapansing kausap si Sir Nat. Kumunot ang noo ko. Who is that? Tanong ko sa isip ko.
Matangkad ang lalaki kaya lang ay hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod siya sa'kin pero kung pagbabasehan mo ang katawan ay malaki ito, mukhang palaging nag-gym. Aalis na dapat ako ng tumalikod ang lalaki at lumingon sa gawi ko.
Iniliit ko ang mata ko para makita kung sino 'yon. Umawang ang labi ko ng makita siya!
Yung lalaki sa resort!
Tumaas ang kilay ko ng makitang ngumiti siya, pasimple akong lumingon sa paligid upang tingnan kung may iba ba siyang nginingitian o ako ba talaga. I don't want to assume. Nang makitang wala ay mariin kong ikinuyom ang kamao ko pagkatapos ay tumalikod na paalis.
Nagtuloy ako sa classroom namin for our Entrepreneurship subject. Umupo ako sa pinaka-dulo. Yumukyuk ako sa mesa ko at sinubukang matulog. Wala pa namang mga students' kaya pwede pa. Hindi pa man ako nakakalimang-minuto sa pagyukyuk ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.
Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino 'yon. He smiled at me.
"Good afternoon," he greet me and turn around to write something on the board. Hindi ko siya pinansin ay yumukyuk ulit.
"You're too early, what are you doing here?" tanong nito.
"Kapag late ang students nagagalit kayo, kapag naman maaga nagtataka kayo. Saan kami lulugar?" malamig kong saad sa kanya.
Kumunot ang noo nito na para bang iniisip kung ano ang sinabi ko.
"Don't tell me you're not speaking Tagalog?" hindi makapaniwalang tanong ko, awkward niya akong nginitian.
"Yes... I came from Spain and I just know two language. English and Spanish, I'm still studying speaking in Tagalog," kinamot nito ang batok bago tumingin sa libro na hawak.
"Where did the lesson stopped? I'm your new Teacher in Entrepreneur, by the way. I'm Ivan Christopher Law," pagpapakilala niya. Tiningnan ko siyang mabuti at inaral ang mukha niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at medyo makapal ang labi. Nagtama ang mga mata namin. He also have green eyes like mine. Strange coincidence? Tatlo na kaming may green eyes dito sa school.
Tiningnan ko lang siya bago yumuko at pumikit. Matutulog na sana ako ng maalala ko ang deal namin ni Hunter. Umayos ako ng upo. Yes! My deal with Hunter! How stupid I am nakalimutan ko na naman. Tumayo ako at mabilis na lumakad palabas ng classroom.
I hear my Professor is calling me but I didn't look back. Mabilis lang akong naglakad na nauwi na rin sa pagtakbo. Pinagtitingnan ako ng ibang students' dahil sa pagtakbo ko. Saktong pagkalabas ko sa gate ay may taxi sa harapan.
Lumapit ako do'n at sumakay. Tumingin sa'kin ang Driver.
"Saan po tayo, ma'm?" tanong nito.
"Sa ECO Condominium po," sagot ko.
"Okay po," masiglang sabi ng Driver bago nito pinaandar ang sasakyan paalis.
Kinakabahan ako at excited sa kung anong malalaman ko ngayon. Matagal-tagal na rin simula nung magpa-imbestiga ako sa kanya.
DUMATING ako sa ECO ay nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa harap mismo ng unit ni Hunter, namalayan ko na lang kasing andito ako sa harap ng pintuan niya. Nakatitig lang ako sa pinto.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay itinas ang kamay ko, ikinuyom ko ang kamao ko at kumatok na. nakaka-tatlong katok pa lang ako ng makarinig na ako ng yabag mula sa loob ng unit. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto.
Tumambad sa'kin ang kagigising lang na si Hunter. Kinukusot pa nito ang mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin.
"Klyzene?" tawag niya.
"Gusto kong malaman kung ano ng nangyari sa deal natin? Anong napag-alaman mo tungkol sa pamilya ko?" sunod-sunod kong sabi, hindi ko na hinintay na imbitahin niya ako papasok dahil kusa ko ng ginawa. Nauna akong pumasok sa condo nito.
Nagtuloy ako sa sala at umupo sa couch nito. Nakasunod naman sa'kin si Hunter na mukhang wala pa sa sarili. Tiningnan niya ako.
"What?" maang kong tanong. Umiling siya.
"Don't you have classes to day? Sana tinawagan mo na lang ako." Lumakad siya palapit sa'kin at umupo sa tabi ko.
Lumingon ako sa kanya. "I have classes but I need to know more about my family background. Kung anong nalaman mo," matigas kong sagot sa kanya.
"Hindi ka na magpapapigil tama ba?" aniya.
"Yes," final kong sabi.
Nagpakawala siya ng buntonghininga bago tumayo at lumakad paakyat ng hagdan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya. Humawak ako sa tapat ng dibdib ko. It beating so fast. Tumayo ako dahil hindi ako mapakali, I walk back and forth.
"Mahihilo ka sa ginagawa mo," ani mula sa likuran ko.
Humarap ako sa kanya, nag-cross arm ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong makapal na folder. Lumakad siya palapit sa'kin at inabot ang folder.
Mabilis ko namang kinuha at tiningnan. Umupo ako bago binuklat ang folder. Lumakad naman si Hunter papunta yatang kusina.
Binuksan ko ito at binasa ang umpisa.
Name: Aila Erin Velasquez
Gender: Female
Status: Married
Birthday: September 24, ****
Lahat ng nabasa ko ay Personal Information ni Mommy. Ang ganda talaga ni Mom nung kabataan niya. May lahi kasing kastila, nagbasa pa ako ng tungkol kay Mommy, lahat ng tungkol dito, wala sa sariling napangiti ako ng makita ang picture niya kasama si Dad. They look so in-love with each other.
"Zene, what do you want to eat?!" pasigaw na tanong mula sa kitchen.
Tumingin ako sa may pinto ng kitchen, "I want corn and crab soup and fried chicken!" I shouted back.
Pero ang nakapukaw ng atensyon ko ng ilipat ko na sa kabilang pahina, may picture ito kasama ang ibang lalaki. Kinuha ko 'yon at tiningnang mabuti. I frowned. "Who is this guy?" tanong ko sa sarili ko.
Tumingin muna ako sa may pintuan ng kusina pagkatapos ay kinuha ko ang picture at inipit sa binder ko para hindi malukot. Mabilis ko lang ding ibinalik ang binder sa bag upang hindi makahalata si Hunter. Tiningnan ko ang nakasulat sa papel.
Aila Erin's ex-boyfriend... Jude Law.
They broke up because Aila is having a secret affair with Jerome Anderson... and months after that they drop the bomb saying they're in an arrange marriage. After a year they get married.
"What the.... Fuck?" muli kong binasa ang nakasulat sa papel pero pauli-ulit lang siya. Hindi nagbabago at gano'n pa rin. "S-She ch-cheated with Dad?"
Umuling ako....
"No-No-No. She can't do that.... Sh-she... O God!"
--------------
Hi guys! sorry kung 'di ako nakakapag-UD na everyday, may pinagsasabay po kasi akong gawin na hindi talaga keri, sumasabay pa 'yung writer's block ko kaya sana maintindihan niyo.
Enjoy reading and Keep safe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro