Chapter 41
CHAPTER FORTY-ONE
TININGNAN ko ang kakambal ko na kanina pa panay nakaw ng tingin sa'kin. Kada mapapatingin ako sa kanya ay nag-iiwas siya ng tingin. Ngayon lang kasi kami nagkahiwalay ng pwesto, t'wing lunch ay magkatabi kami at magkasama sa iisang mesa pero iba na ngayon.
Nasa unahan sila ni Abby at kasama ang mga In-girls dito sa school samantalang ako ay nasa pinakadulo ng canteen, mag-isa.
Tiningnan ko ang oras gamit ang cellphone ko. It's twelve-thirty, may isa pa akong klase sa Pre-Calculus. Napanguso ako saka tumayo. Ayokong um-attend. Mas gugustuhin ko pang matulog sa bahay kesa um-attend do'n.
Naglakad ako palabas ng canteen at nagtuloy sa office ni Sir Nat. Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang seruda at binuksan ang pinto. Nakita ko si Sir Nat na naka-upo sa likod ng mesa nito, may binabasang hindi ko alam kung ano.
Nagtaas ng tingin si Sir Nat, salubong ang mga kilay niya na tumingin sa'kin. Ibinaba ang hawak na papel.
"What are you doing here?" tanong niya.
Lumakad ako palapit. "I want to go home, I feel like sick. So I cannot attend your class today," ani ko.
Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi naniniwala sa alibi ko. "Really?"
"Yes," nakatingin ako sa mga mata niya, nakipagsubukan ng titigan sa'kin si Sir bago siya nagtaas ng kamay, tanda na sumusuko na siya.
"Okay. I'll send you your homework. Go home now, huwag ka ng mag-mall. Nahuli kita nung nakaraan," parang wala lang sa kanyang sabi. Bumalik ito sa ginagawa niya kanina.
Inirapan ko siya. Umupo ako sa visitors chair sa harap ng table niya.
"Is that your lesson plan?" I asked.
"No. I finished my lesson plan last night, this is for our company," aniya.
"Company?" kumunot ang noo ko. Company? He owned a company?
Tumingin siya sa'kin na parang nabigla sa sinabi niya. Mukha siyang kinakabahan dahil sa hitsura niya. nagtatanong akong tumingin sa kanya.
"I'm waiting," ani ko.
Tumikhim ito at ngumiti ng asiwa pero seryoso ko siyang tiningnan. Hindi niya ako madadaan sa kakaganiyan niya.
"What?" tumatawa-tawa niyang tanong.
I roll my eyes at him. "You owned a company? What company?" tanong ko saka inuha ang papers na nasa mesa niya. Sinuri ko 'yon.
"That's my Fathers' not mine," sagot niya sa'kin sabay kuha sa kamay ko ng papeles. Ngumiti siya. "May sakit na kasi siya and walang ibang hahawak ng business namin kundi ako lang dahil nag-iisang anak niya ako," dagdag pa niya.
"Where's your Mom?" curious kong tanong.
Sadness cross his face, afterwards he gave me a weak smile.
"S-She died... in an accident." His voice cracked.
"I'm sorry," malungkot kong sabi saka nginitian siya ng maliit. "I shouldn't asked that."
"Okay lang. Matagal na rin naman 'yon," aniya at may kung anong kinukuha sa drawer niya. Pinagkibit balikat ko na lang at saka tumayo.
"I will go na. Thank you for consideration, Sir," ani ko saka tumalikod paalis. Lumabas ako ng office niya at napatigil dahil sinalubong ako nila Blue at Abby. Nagulat pa sila na nakita ako.
Tiningnan ko silang dalawa bago nilagpasan. Hindi ko na napansin ang naging reaction ni Blue sa ginawa ko. Sinuot ko ang earphones ko at nakinig sa music.
KANINA pa ako namimili ng papanuorin ko sa Netflix. Umuwi agad ako pagka-labas ko ng school. Nagpalit ako ng damit. Ang suot ko ay maikling black shorts at isang loose t-shirt. Walang tao dahil mukhang umalis ang mga magulang namin. Binuksan ko muna ang email ko at nanlalaki ang matang ngumiti.
"Is this real?" mahinang tanong ko sa sarili. Binuksan ko ang message at halos maiyak sa nabasa ko. "Accepted...."
"Accepted!" sigaw ko.
I should celebrate! I'm accepted in my dream university. I should... but with whom?
Mapait akong ngumiti at ibinaba ang laptop sa gilid ng kama. Bumaba ang tingin ko sa carpeted floor at pumikit. Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko. Ang sakit naman nung may dapat kayong i-celebrate pero walang nandiyan para sa'yo.
Humiga ako sa kama ko at saka pinipilit ang sariling ngumiti. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili kong maging malungkot. Kaylangan kong maging masaya. Inalis ko ang kung ano mang isippin at kinuha ulit ang laptop ko. Tanggap ako sa University kaya dapat masaya ako. After graduation I'll fly to NY to study.
Nanuod ako ng 'The Conjuring: The Devil Made Me Do It', Ed and Lorraine Warren. Hmmm... real life story. Nice. Pero hindi siya nakakatakot, yes, nakakagulat siya pero hindi nakakatakot. Nakapatay ang mga ilaw ko at ang lamp shade lang ang naiwan para maging liwanag sa buong silid.
Kung hindi kami nag-away ni Blue baka sabay naming pinapanood 'to kaya lang nangyari na.
Madilim na sa labas ng matapos ako sa kakapanood. Natapos ko na rin ang Wanda Vision. Nagre-watch rin ako ng Legacies. Bumangon ako at ibinaba ang laptop ko sa kama. Nag-init ako saka napagpasyahang lumabas ng kwarto.
Madilim ang buong bahay. Mukhang tapos na silang maghapunan at hindi man lang ako niyaya.
Bumaba ako ng hagdan at nagtuloy sa kusina. Lumapit ako sa ref at naghanap ng makakain ko. Kinuha ko ang isang box ng cookies. Pumasok sa isip ko si Hunter at ang ginawa naming cookies sa condo nito. Ano kayang nangyari sa kanya ngayon? Hmm... I decline his offer na mag-snacks kami. Kumuha na rin ako ng juice.
Napaatras ako sa gulat ng bumulaga sa'kin si Blue pagkasarado ko ng pinto ng ref.
Parang maiiyak na ang hitsura nito habang nakatingin sa'kin. Tiningnan ko lang siya saka akmang lalagpasan ng hawakan niya ako sa kamay.
"B-Black... sorry na. Bati na tayo," parang naiiyak niyang sabi. Hindi ko siya nilingon pagkatapos ay binawi ang braso ko.
Lalabas na ako ng kusina kaya lang narinig ko ang paghikbi nito na kinatigil ko sa paglalakad. Kinuyom ko ang kamao ko at saka huminto. Napabuntonghininga ako sabay lingon. Nakayuko si Blue at umaalog ang balikat.
Dinalawang hakbang ko ang pagitan namin at niyakap siya. Nanigas ang katawan nito at para bang nagulat sa ginawa ko pero ilang sandali lang 'yon dahil gumanti ito ng yakap sa'kin. Umiiyak pa rin siya.
"S-Sorry na, Blue... a-ayoko ng magka-away tayo," pasinok-sinok niyang turan.
Hinaplos ko ang likod niya. "Shh... apology accepted," mahina sabi ko habang inaalo si Blue.
"'D-di ko kayang magka-away tayo, Black... m-masakit sa dibdib," dagdag pa niya habang umiiyak.
Namamasa ang mga mata ko, umiwas ako ng tingin upang hindi magtuloy ang mga luha ko. Hinalikan ko ang gilid ng ulo ni Blue.
"Ako rin... let's not fight anymore," mahinang turan ko saka inilayo siya sa'kin. Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha sa pisnge niya. "Stop crying. Hindi bagay," dagdag ko pa.
Suminghot ito at tumango. "Y-You're not mad at me?" tanong niya.
"Nainis, pero hindi ako galit sa'yo," sagot ko habang pinupunasan ang luha niya. Binitawan ko siya pagkatapos. "Let's go upstairs," yaya ko, hinawakan ko siya sa kamay. Hinila ko siya palabas ng kusina. Nagtuloy kami sa kwarto naming dalawa.
Common room.
Umupo si Blue sa lapag ako ginawa ko rin. Tiningnan niya ako.
"Hindi ka na talaga galit sa'kin?" tanong niya ulit.
"No," tipid kong sagot saka siya tiningnan. Inabot ko sa kanya ang cookies. "Want?"
Imbis na sumagot ay kumuha siya ng cookies na lihim kong kinangiti. Tumabi sa'kin ng upo si Blue. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Alam mo ba kanina... nasaktan ako nung dinaanan mo lang ako, pati nung lunch hindi mo ako sinamahan," malungkot niyang sabi.
"You're with Abby."
"Wait!" lumayo at tiningnan niya ako. "Are you jealous with Abby?" hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin.
Natatawa akong tumingin sa kanya, "Why would I be jealous? Of course I'm not. I saw you having fun with her and with other girls so I let you. You need to have social life too," sagot ko saka kumain ulit ng isang cookies.
Ngumuso siya. "I thought you get jealous. Gano'n kasi sa ibang magkambal na close or friends o kahit sinong kapatid mo basta close kayo. You'll get jealous when I have new friends," aniya na kinatawa ko na talaga.
Inilingan ko siya. "You know what? I will not deprive you to have new friends. I understand that we need to have different circle of friends to grow." Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ni Blue ang kamay ko.
"Naiintindihan ko na but promise me one thing," seryosong sabi.
"Hmm?"
"Promise me that you will never leave me. Promise me no matter what happened, we're going to stick around with each other. No one will left behind," seryosong turan niya.
Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti. "Okay. I promise you I'm not going to leave you," madamdamin kong turan sa kanya.
"Promise 'yan ha, baka mamaya ipagpalit mo na lang ako sa makikilala mong new friends mo," akusa niya sa'kin.
"Not gonna happen. You're my best friend, my only bestfriend." Sagot ko.
She smiled at me and hugged me tight na ginatihan ko naman ng yakap. Siguro tama nga sila, when you love someone you'll still forgive her.
And just like that. We are now okay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro