Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40


CHAPTER FORTY

HUNTER'S P.O.V.

KANINA pa nakapasok sa loob ng subdivision nila si Klyzene pero nandito pa rin ako sa labas. Pinipigilan kong sapakin ang sarili ko dahil sa inis. Muntikan ko na naman siyang mahalikan kanina. Kung hindi lang ako natauhan kanina nagkasala na naman ako sa kanya. Laking pasasalamat ko sa bumusina sa likod namin kanina.

Sumandal ako sa upuan ko at hinilot ang nose bridge ko. Hindi pa niya ako napapatawad pero muntik na naman. Dapat ay matutunan kong kalmahin ang sarili ko.

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo, Hunter?! Remember why you're doing this. This is for her!" pagalit kong pagpapaalala sa sarili ko.

Tiningnan ko ang phone kong nagri-ring. Kumunot ang noo ko ng makitang si Vain 'yon. Mabilis kong sinagot at inilagay sa speaker.

"What you have?" tanong ko.

I heard him cuss, "Hi to you too," sarcastic niyang sabi.

"Fucker."

"Fuck you."

"I rather use my hand."

"Damn."

Napailing ako saka binuksan ang makina ng kotse ko. Inilagay ko sa phone holder ko ang phone at saka pinaandar ang kotse.

"I already have what you need," turan niya.

Natigilan ako. "That fast?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, you told me to do magic right," mayabang na sabi nito. "Money can do magic," dagdag pa niya.

I nodded. Maasahan talaga ang dating kaybigan. "Good job. Tell me something."

"Jerome Sairon Anderson, a businessman came from America, his mother is Filipina and his father is American, he lived in New York half of his life before they finally settle down in the Philippines. Aila Erin Velasquez, half America one-fourth Spanish and another one-fourth Filipina. She lived her life in Spain before she met her husband, Jerome. I also found out before Jerome she have another man, her ex-boyfriend in Spain. Hindi ko alam 'yung pangalan dahil matagal na rin silang wala and 'yung mga kakilala naman nila is wala na sa Spain," mahabang lintaya niya.

Tumango ako at nag-u turn.

"Okay. How about the accident?" tanong ko.

"Okay... that's what I'm fucking thinking. Wala akong mahanap na tungkol sa accident na 'yon. Ask you friend kung saan nangyari dahil walang record," naiinis na sabi ni Vain.

"Wala? Are you sure?" kunot noong tanong ko.

"Yes! Wala! No! Zero! Maybe they delete all information about it. Ayaw siguro ng baho tungkol sa Family nila."

Nakakapagtaka. Bakit wala? There's something wrong here. Ibinaba ko ang tawag at binilisan ang pagpapatakbo sa kotse ko. Hindi ko alam kung bakit ako dinala dito ng mga paa ko. Nasa harapan ako ng puntod ni Divine.

Bumigay ang mga tuhod ko't napaluhod ako sa damuhan. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Namamasa-masa ang mga mata ko.

"B-babe..." ilang beses akong lumunok para mawala ang nasa lalamunan ko. Hindi pwedeng nakuha nila ang mata mo, babe. Hindi.

Madiin ang pagkaka-kuyom ko sa kamao ko. Umaahon lahat ng galit sa dibdib ko. Nagkikiskisan ang mga ngipin ko sa pagpipigil. Damn them if ever, babe! Damn them!

SOMEONE'S P.O.V.

"Hablé con él papá. Su voz es hermosa, estoy seguro de que heredó tu voz," ani ng isang lalaking nakaharap sa kanyang ama na umiinom ng alak. nakausap ko siya papa. Ang ganda ng boses niya, sigurado akong namana niya ang boses mo.

Ngumiti ang matandang lalaki. "¿En serio?" Talaga?

"Sí"

"No puedo esperar a verla. Quería que supiera la verdad. ¿Cómo la trata su familia?" tanong nito. Nag-iwas ng tingin ang lalaki na dilim ng mukha ng matanda. i can't wait to see her. i wanted her to known the truth. How her family treating her?

"¿Por qué no puedes contestarme? dime hijo, que le paso?" Why can't you answer me? tell me Son, what happened to her?

Mabilis nagbago ang hitsura ng lalaki. "Creo que la están tratando bien, papá. No te preocupes, le pediré a alguien que la cuide para que siempre esté protegida." I think they're treating her right, Papa. Don't worry, i'll ask someone to look after her so she'll always be protected.

Ayaw mang magsinungaling ng lalaki ay ayaw niyang mag-alala ang kanyang ama. Masama para dito magkaroon ng mga alalahanin. Siya na lang ang magdadala ng problema, gagawan niya ng paraan bago pa man nito malaman.

Sa kabilang banda, ang matanda ay binabasa ang anak ngunit wala siyang mabasa. Mukhang gumagaling na sa pagtatago ng totoong saloobin ang anak. Napatingin siya sa picture ng anak sa lamesa. Napaka-ganda niyang bata.

"Quería verla, abrazarla y decirle lo mucho que la amo, hijo," may bahid na lungkot na turan ng matanda. I wanted to see her, hug her and tell her how much i love her, Son.

Kaagad lumapit ang anak dito. "Do not worry, Papa! I will do something so you can meet her," puno ng pag-asang sabi ng binata.

Tumingin sa kanya ang matanda. "¿En serio?"

"Yes. For you, Papa."

Niyakap ng matanda ang anak, gusto na niyang makita ang dalaga. Hindi na niya napigilan at napaluha na siya sa saya. Iniisip na niya ang maari nilang gawin kapag nagkita na sila. Maari silang kumain sa isang mamahaling restaurant o kaya naman ay maga-out of the country trip sila.

HUNTER'S P.O.V.

KANINA ko pa pinagmamasdan ang ibinigay na folder sa'kin ni Vain, naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa pamilya Anderson. I took their photos at dinikit sa isang malaking clear board. Sunod-sunod ang mga larawan, kung kanino nagsimula. Pati mga larawan ng naging sangkot nakadikit na rin dito.

Gusto kong malaman kung bakit walang nailathalang kaso tungkol sa accident ni Klyzene noon, dapat ay meron no'n.

"Mage-enjoy ako sa panonood kung paano mo mahahanap ang totoo, Hunter. Ilang taon na 'yon. Siguro'y wala ka ng mahahanap na ebidensya," natatawang sabi ni Vain habang umiinom ng alak. Nakatayo ito sa likuran ko at pinapanood ako sa ginagawa ko.

Nilingon ko siya at tinuro ko ang mga information sa mesa.

"I need more than that. I want to know the skeleton in their closets. All of it," madiin at seryosong turan ko saka tiningnan ng clear board.

Nagbuntonghininga si Vain. "Tss, okay," tamad na sagot nito dahil ang mata ay nakatutok na sa cell phone.

Inilingan ko siya saka naglakad sa computer set ko na nasa gilid. Makikita dito ang nangyayari sa bahay nila Klyzene. Naglagay ako ng maliliit na camera at audio sa bahay nila nung huling punta ko. Pinindot ko ang video na makikita ang ubong sala nila.

Magkaharap ang mag-asawang Anderson na para bang may kung anong pinag-aawayan. Inalis ko ang pagkaka-mute ng audio.

"Paano kung malaman niya ang totoo, Jerome? Anong gagawin mo?! Hindi habang buhay ay matatago natin ang totoo!" pagalit at may halong pag-aalalang turan ng Mom nila Jake.

Sumeryoso ang mukha ni Tito Jerome, "Huwag kang mag-alala Aila. Walang makakaalam ng totoo!"

"Gusto kong makasigurado, Jerome! A-Ayoko..."

"Nag-iisip ka kasi ng kung ano-ano kaya ganiyan ang pumasok sa isip mo! Tigilan mo 'yan dahil walang makakaalam ng totoo."

Hindi na nakapagsalita ba si Tita Aila dahil umiyak na lang ito. Kinuyom ko ang kamao ko. Tinatarantado ba talaga ako ng panahon?! Nakakagago na! Ano ang dapat hindi namin malaman?! ANO?! 'Yung tungkol ba kay Klyzene? Ano?!

"I'll go now. My baby is waiting for me," malanding pagpapaalam ni Vain. Napansin siguro nitong wala akong reaction kaya umalis na. Ang huling narinig ko na lang ay ang pagbukas at sara ng pintuan ng kwarto ko.

Nakakatangina talaga.

Nag-check ako ng mga last footage sa computer. Nakita ko ang pag-uusap nila Klyzene at ang Dad nito. May kung anong kumirot sa dibdib ko ng makita ang pagdaan ng lungkot sa mata ni Klyzene. Mabilis lang 'yon at nawala kaagad. Bumalik ang matigas nitong expression.

"Anong meron kay Klyzene at gano'n niyo siya kung tratuhin?" wala sa sariling tanong ko. I-pinause ko ang video kung saan naka-close up sa mukha ni Klyzene.

Inilapit ko ang kamay ko sa screen at hinaplos ang pisnge niya. Naiintindihan ko na kung bakit niya sinabing hindi siya hahanapin sa kanila kanina.

Mabilis kong inilabas ang cell phone ko at nag-text kay Klyzene. Nagr-reply pa kanina ang dalaga pero ngayon ay wala na.

Tumayo ako at kinuha ang mga papeles sa mesa. Inilagay ko 'yon sa isang drawer na may lock. Pinatay ko ang ilaw sa kwarto pero buhay pa rin ang computers. Lumabas ako ng kwarto at ini-lock ang pinto. Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa kusina.

Lumapit ako sa ref at ngumiwi dahil wala nga pa lang groceries. Napagpasyahan kong mag-grocery na para may stock ako sa bahay. Baka mamaya ay magpunta ulit si Klyzene wala akong mapakain. Tinahak ko ang daan palabas ng kusina at nagtuloy sa sala. Lumabas ako ng condo.

Sumakay ako sa elevator at bumaba sa parking lot. Ginamit ko ang Malaki-laki kong kotse na kasya ang madaming bilihin dahil maglalagay ako ng stock ko. Pinaadar ko paalis ang kotse ko. Nagtuloy ako sa pinakamalapit na Puregold.

Kumuha ako ng isang push cart at nag-umpisa ng mamili. Nagpunta muna ako sa mga canned foods. Kinuha ko lahat ng magustuhan ko. Sinunod ko ang mga condiments. Snacks ay kumuha na rin ako. Naalala kong kaylangan ko ring bumili ng mga pam-bake. Gusto ni Zene ng cookies.

Chocolate chips, stick-o, gummy worms, junk foods, big check.

Chocolate drinks and soft drinks, orange, apple, zesto, check.

Soap for body, clothes and hands, check.

I also go for fruits, she need to be healthy, I also took vegetables.

Pork, chicken, beef, and any kind of raw foods, kumuha ako. Kinuha ko lahat ng pwedeng magustuhan ni Zene. I saw in internet na mahilig sa pancit canton ang mga bata ngayon so I take what looks pasta to me.

NANG matapos ako ay malaki ang ngiti ko sa labi dahil naka-tatlo lang naman akong push cart. Ang cashier sa harapan ko ay nakasibangot na. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro