Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39


CHAPTER THIRTY-NINE

I HEARD something clicked. I gasped as I looked at my seatbelt it is no longer locked. Hunter's eyes met mine as I looked at him.

"A-andito na tayo," mahinang sabi niya. Mula sa pwesto namin ngayon na hangin na lang ang makakadaan ay amoy na amoy ko ang pabango niyang panlalaki. Ilang beses akong lumunok dahil kakaiba na naman ang tibok ng puso ko... nakakapagtaka pa dahil may panghihinayang akong nararamdaman.

Tumingin ako sa labas. Tama nga, nandito na kami. Nasa tapat na ng subdivision. Sa medyo malayo kami nakahinto kaya hindi kami magdudulot ng traffic. Huminga ako at kinalma ang sarili ko. Lahat yata ng init ko sa katawan ay umakyat na sa mukha ko para ako maging tomato.

Nag-iwas at mabilis na lumayo sa'kin si Hunter. Bumaba ang mata ko sa tenga niyang namumula.

"Y-you can go... ahmm... t-take care."

"T-thank you," ani ko sabay bukas ng pinto at bumaba, pagkasarado ko ay tumakbo ako papasok ng subdivision at hindi na lumingon.

Nang maka-uwi ako sa bahay ay para akong tumakbo sa marathon dahil sa pawis ko sa katawan. Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni Blue na nakataas ang kilay at cross arm pa. nakabihis na 'to ng pampasok.

"At saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" she strictly asked me like a mother caught her daughter sneaking out at night.

"I run," sagot ko saka pumasok sa loob at pinunasan ang pawis ko. Nanunuri siyang tumingin sa'kin. "Stop it. Nag-jogging ako, Blue. Stop being malicious." Iniwan ko siya sa sala saka tumakbo papunta sa kwarto ko sa second floor.

Ini-lock ko ang pinto saka nagtuloy sa banyo. Lumapit ako sa may salamin. Tiningnan ko ang sarili ko dito at hanggang ngayon ay namumula pa rin ang buong mukha ko. Para akong nakipag-inuman.

Napangiti ako dahil naalala ko ang namumulang tenga ni Hunter, ibig bang sabihin kinikilig siya?

Mabilis akong natauhan at sinampal ng mahina ang sarili. "Ano 'yang iniisip mo Klyzene? Nasisiraan ka na ba talaga?" naiinis kong tanong sa sarili. Sinabunutan ko ang sarili ko saka mariing kinuyom ang kamao ko. "Remind yourself, Klyzene. You need to see a doctor. A psychiatrist and cardiologist."

Hinubad ko ang suot kong damit at inilagay sa basket na nasa may gilid. Lumakad ako papunta sa may shower. Tumapat ako sa ilalim no'n at binuksan, bumuhos sa'kin ang malamig na tubig. Tumikit ako't dinama ang malamig na tubig na tumatama sa mukha ko.

Water helps me to calm down.

NAKATAPIS lang ako ng towel ng lumabas ako ng banyo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok ko. I startle when I saw Blue sitting in the middle of my bed. Holding my bag, checking something. It annoys me.

"What the hell are you doing?" mataray kong tanong.

She look at me without any expression in her face. She's holding my phone.

"Why your phone is locked?" she asked the throw my bag.

"To have my privacy," malamig kong sagot saka naglakad palapit sa kanya. Inagaw ko sa kanya ang phone ko, tinalikuran ko siya at akmang lalapit sa cabinet ko ng magsalita siya.

Naningkit ang mata niya. "You change your password. Why?!" galit niyang tanong.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "Are you fucking kidding me, Klyzia Blue? You asking me something about my phone? This is mine! Mine! So wala kang karapatang tanungin ako kung bakit ko pinalitan ang password ng phone ko dahil it's mine!" madiin at naiinis kong sabi sa kanya.

"I'm just asking why! May tinatago ka ba?!" inis na inis niyang pasigaw na tanong.

My face become stoic. "I don't have anything to hide, Klyzia Blue. Stop meddling with my business, Klyzia," seryosong turan ko.

"I will find out soon kung anong tinatago mo sa'kin, Black. Nagiging malihim ka," dagdag pa niya.

I smirked at her. "Hindi lahat ng nangyayari sa buhay ko ay sasabihin ko sa'yo, Klyzia. Wala akong tinatago."

Kita ko ang galit sa mata niya at padabog na tumayo at lumabas ng kwarto ko. Malakas pa ang pagkakasarado ng pinto. Dumiin ang pagkakahawak ko sa phone ko. Pinipigilan ko ang sarili kong magalit ng husto dahil kapatid ko siya.

Naiinis akong kumuha ng damit ko at nagbihis. Padabog kong kinuha ang bag kong nasa tabi. Inilagay ko do'n ang mga gamit ko. Matagal na akong nagpalit ng password dahil sa nalaman nga ni Hunter ang password ko. Ayokong mabuksan niya ulit kaya ako nagpalit. Ginagamit rin kasi ni Blue ang cellphone ko kapag bored na ito sa sariling cellphone. Hinahayaan ko lang siya noon pero mukhang masama ang ibigay lahat ng luho ni Klyzia. Nag-iiba ang ugali niya ngayon.

Big deal na ba ang hindi niya pagkaka-alam ng password ng cellphone ko? This is my phone. I have every rights to do whatever I want to. Hindi ko nga pinapakialaman ang phone niya. Tsk.

Lumabas ako ng kwarto. Hindi na ako nagtuloy sa kusina, pumunta na kaagad ako sa kotseng maghahatid samin sa school. Sumakay ako sa backseat at nagsuot ng earphones para kumalma. Nakinig ako ng music.

Padabog na pumasok si Blue sa kotse. Walang nagsasalita saming dalawa. Halatang bwisit sa isa't isa. Magkalayo kami. As in. Parang napaka-laki ng backseat dahil sa layo namin. Nakasiksik kasi si Blue sa dulo. Umirap ako. Mangangalay ka rin. Tss.

Dumating kami sa school ng hindi nagkikibuan. Nauuna ring maglakad si Blue, nasa likuran niya ako. Sabay kaming napahinto ng makasalubong namin si Jessie kasama ang isang babaeng ka-edad lang siguro namin ni Blue.

Ngumiti si Jessie sa'min.

"Hi, Miss Jessie! What are you doing here?" masiglang tanong ni Blue dito.

"Sinamahan ko kasi si Abby mag-enroll, dito na daw siya mag-aaral sabi ni Miss Alex," nakangiting sabi nito at nilingon ako. "Hello."

Tinanguan ko lang siya at binalik ang tingin kay Abby. Tinaasan ko siya ng kilay ng makitang nakatingin siya sa'kin. Mabilis na nag-iwas ang babae. Umikot ang mata ko.

"Sino siya?! Pag-aaralin siya ni Ate?" pag-uulit na tanong ni Klyzia sa secretary ni Kuya.

"Abbigail Bonifacio, seventeenth years old, kasambahay ng Ate Alex niyo," pagpapakilala nito sa babae.

"Hi, I'm Klyzia Blue Anderson, 17 years old!" Inilahad ni Blue ang kamay niya sa harap ni Abby. Ako naman ay nilagpasan na sila at naglakad na. Wala akong narinig na pagtawag sa pangalan ko 'di katulad noon.

Nang nasa classroom na ako ay halos wala pa ang mga classmates namin. Maaga pa kasi. Kinuha ko ang notebook ko saka nagbasa ng notes. Napatigil ako ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko, binuksan at tiningnan kung sino ang nag-message. Tumaas ang kilay ko ng mabasa ang message ni Hunter.

Hunter: Nasaan ka na?

Mabilis akong nag-type ng sagot.

Me: School. Y?

Ibaba ko na dapat ang phone ko ng tumunog ulit ang message alert nito. Kumunot ang noo ko, wala bang trabaho si Hunter?

Hunter: Why ur so cold to me? Btw, do you want to have snack later?

Me: Don't you have a work? Why you're replying?

Hunter: I just finish taking shower. Off to work. Answer me.

Me: I don't know. Blue and I have a fight...

Hunter: want us to talk about it?

Tiningnan ko ang message nito. Do I want to? Magr-reply dapat ako but I suddenly heard Blue's voice. I look at the door where she standing with... Abby. Nice, she have a new friend.

"Hindi ka magsisisi dahil sa strand na kinuha mo. GAS is the safe strand," ani Blue. she look at me but she just rolled her eyes at me.

Really? Are you fucking kidding me? You'll roll your eyes on me? Bitching out, huh.

"Talaga? Sabi nila GAS daw ang pinaka-madaling strand ah," ani Abby.

"What?! No! Mahirap rin ang GAS ah. Alam mo maliit ang tingin nila sa strand namin kasi daw para lang nagtutuloy ng junior high pero hindi ah. Mas mahirap 'yung GAS kasi lahat dito tina-tackle noh."

"Ah okay." Naglibot ng tingin si Abby at mukhang naghahanap ng upuan. "Saan pwedeng umupo dito? Baka mamaya may mga naka-upo na pala sa harap."

"Sa likod siguro meron pa. Gusto mo ba do'n? Pwede naman akong makipag-usap sa mga nasa harap para lumipat sa likod," ani Blue habang tinuturo ang katabing upuan niya.

Naiilang na tumingin sa'kin si Abby. "Pwede bang sa likod na lang ako? A-Ayoko rin kasing nasa harapan eh," aniya.

Tumango si Blue pero halatang hindi nagustuhan ang sagot ni Abby. Inirapan niya ulit ako at umupo na sa upuan niya. Kinuyom ko ang kamao ko. Kapag ako napikon papatulan ko na siya.

Nag-aalangang lumakad palapit sa'kin si Abby. Napansin ko ang ilang beses niyang paglunok, ngumiti siyang nag-aalangan lumapit sa'kin.

"M-may naka-upo dito?" tanong niya habang nakaturo sa katabi kong upuan.

Umiling ako saka umiwas ng tingin. Itinago ko ang phone ko. Tumingin ako sa labas ng bintana kung saan makikita ang field sa ibaba. May mga nagp-practice na ng soccer at 'yung iba ay cheer dance.

Narinig ko ang pag galaw ng upuan sa tabi ko at mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko siyang umupo do'n.

"Ahm... a-ano ng pinag-aaralan niyo?" mahinang tanong niya pero sapat para dumating sa pandinig ko.

Inabot ko sa kanya ang binders ko kung saan nakasulat ang notes ko. Kinuha naman niya 'yon.

"Thank you," aniya.

Yumukyuk ako sa mesa ko at ipinikit ang mga mata ko. Hinayaan kong tangayin ako ng antok.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro