Chapter 38
CHAPTER THIRTY-EIGHT
NAMANGHA ako ng makita ng condo ni Hunter. Lalaking-lalaki ang dating dahil sa pagka-masculine ng design ng bahay niya. Umupo ako sa sofa.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Hunter na nakatayo sa may pinto ng kusina, kung 'di ako nagkakamali.
"Kung ano na lang ang meron ka diyan. I'm not a picky-eater," ani ko, then he nod and smile. Tumalikod na siya at nagpunta sa kusina. Ako naman ay naiwang mag-isa dito sa sala. Huminga ako ng malalim saka sumandal sa sofa.
Dahil sa pagka-bagot ay tumayo at lumapit sa may bintana, kitang-kita mula dito ang city sa labas. May mga kotse ng dumadaan at maya-maya lang mag-uumpisa na naman ang traffic. Tiningnan ko ang hagdan saka tumingin sa itaas. Anong meron do'n?
Papanik sana ako ng marinig ko ang kalabugan galing kusina. Patakbong nagpunta ako do'n para lang maabutang hinahagis ni Hunter sa lababo ang isang kawali. Tumaas ang kilay ko. Mukhang naiinis ang lalaki. What happened?
"What happened?" tanong ko at lumakad palapit sa kanya.
Naka-simangot siyang tumingin sa'kin. "Nasunog 'yung kawali at nakalimutan kong wala pala akong grocery."
Tumingin ako sa kawaling nabababaran na ngayon ng tubig. Lumakad ako palayo at nag-check ng ref nito, wala ngang laman bukod sa beer. May mga veggies pero hindi naman masarap kung 'yun lang 'yung kakainin naming dalawa. May itlog do'n kaya kinuha ko na.
Tiningnan ko rin ang cabinet niya na wala ng laman. Sinuyod ko ang buong kusina niya hanggang sa may makita akong gamit for baking. Nilingon ko si Hunter na naka-sandal sa sink habang naka-cross arm at pinapanood ako.
"Ano 'yan?" tanong niya ng makalapit ako.
"Flour obviously," tamad kong sagot. Sunod kong ibinaba ang baking powder, bumalik ako sa harap ng ref niya at kinuha ang gatas ng alugin ko ay magaan na. God, lalaki nga naman. Bumalik ako sa may sink at kinuha lahat ng kaylangan ko.
"Magb-bake tayo?" parang batang tanong ni Hunter.
"Yes, wala naman tayong ibang makakain, e," sagot ko saka naglagay ng flour sa bowl, "We will make cookies!" masayang turan ko.
Tumango siya at nginitian ako, bago ko pa mahulaan kung anong gagawin niya ay napahiran na niya ako ng harina sa mukha. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya habang tumatawa. Mabilis akong dumakot ng harina saka hinagis sa mukha ni Hunter.
Tawa ako ng tawa dahil nagmukha ng espasol ang binata.
"Kyahhh!" napatili ako ng habulin niya ako habang may hawak na harina sa kamay. Nagpa-ikot—ikot kami sa sa kusina hanggang sa mapagod kami. Nagkakatinginan kami habang gumagawa ng kanya-kanyang cookies, merong mga gamit si Hunter dito like cutter for cookies.
"You really love cookies, huh." Kinuha ni Hunter ang hawak kong tray na naglalaman ng cookies. Nakagawa kami ng two trays of cookies, magkaka-iba ng design and size. Si Hunter ang naglagay ng cookies sa loob ng over dahil baka daw mapaso ako.
Nang mailagay niya ay lumapit siya sa'kin.
"You wanted to watch movie?" tanong niya.
Tumango ako. "I want to watch The Falcon and The Winter Soldier," ani ko saka naglakad palabas ng kusina. Nakasunod sa'kin si Hunter at ng nasa sala na kami ay umupo ako sa sofa.
"Wait here. Kukunin ko lang 'yung laptop ko. Let's watch Netflix," aniya saka naglakad papunta sa hagdan paakyat ng kwarto nito. Naiwan naman akong mag-isa sa sala. Napantingin ako sa may bintana saka ko lang napagtantong sumisikat na ang araw.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. Five am. May sarili yatang buhay ang mga kamay ko at pinindot ang camera ng cellphone ko. I took a selfie.
"Beautiful," ani mula sa likod ko.
Lumingon ako. nakita ko si Hunter na nakatayo sa may hagdan. He's smiling at me while holding his laptop. I smile a bit.
"Bolero," sagot ko saka tinago ang phone ko sa bulsa ko. Lumakad palapit sa'kin si Hunter at umupo sa tabi ko.
"Nagpaalam ka ba sa parents' mo? Baka mamaya ay hanapin ka nila," sabi niya habang binubuksan ang laptop.
Kumirot ang dibdib ko. "I doubt it kung mapapansin nilang wala ako..." may lungkot sa tono ko.
He tap my back and give me a warm smile. "Don't think negative emotions, Klyzene. Your parents' loves you and your twin. Walang magulang ang hindi mapapansin ang pagkawala ng anak niya," dagdag pa niya.
Ibinaba ni Hunter ang laptop sa center table at hinarap ako.
"You should tell them na wala ka do'n."
"Why?"
"Para hindi sila mag-alala."
"They will not. Hanggang si Blue ang hindi nawawala ay hindi sila mag-aalala." I'm sure about it. Matagal ko naman ng ginagawa ang ganito so why do I need to bother? Tsk.
Hinawakan ni Hunter ang kamay ko at seryosong tumingin sa mga mata ko.
"Please, just inform them kung nasaan ka. Respeto na lang dahil mga magulang mo pa rin sila," aniya.
Napabuntong hininga ako saka siya sinunod. I took out my phone again and texted my twin sister na nag-jogging ako. I don't to tell her na nasa unit ako ni Hunter, she will freak out.
"Done," I said dryly before I put down my phone in the center table. Ngumiti siya sa'kin bagi i-play ang palabas. Tumutok ang mata ko sa screen ng laptop at nag-umpisa na.
After 30 minutes ay tumayo kami ay nagpunta ng kusina.
"Do you think na luto siya?" tanong ko kay Hunter habang nakatingin sa cookies na nasa ibabaw ng island counter.
"There's only one way to find out," ani Hunter at naghubad ng gloves. Kumuha ito ng isang cookies at kinagatan.
Nagtatanong akong tumingin sa kanya pero wala siyang sinasabi, wala rin naman siyang sinasabi. Wala ring expression ang mukha niya. Kumuha ko ng isa, kinagatan ko rin at hinahanda na sana ang sarili sa masamang lasa pero hindi.
"It's good," biglang sabi ko at tumingin ako kay Hunter na ngayon ay nakangiti sa'kin.
"Why? Expecting na hindi masarap?" tanong niya.
Tumango ako. "Yes, I mean... never bake cookies. Taga-kain lang ako," turan ko habang inuubos ang hawak kong ccokies.
"At least now you know na marunong kang magluto."
"Uhuh."
Pinisil ni Hunter ang ilong ko saka kinuha ang isang plato para do'n ilagay ang cookies.
"You'll be a great pastry chef." Hawak nito ang plato at hinala ako papunta sa sala. Ako naman ay nakatingin lang sa likod niya dahil sa unang pagkakataon may ibang taong bumati sa'kin. Oh heart!
NATAPOS namin hanggang episode 2 ng The Falcon and The Winter Soldier. Kinain na rin namin ang ginawa naming cookies habang nanunuod.
"Do you want me to drive you hanggang sa bahay niyo?" tanong ni Hunter.
Nasa loob kami ng elevator at pababa na sa parking lot dahil uuwi na ako. Seven am na rin, may klase pa ako ng ten am.
"Hindi na," ani ko, nauna akong lumabas ng elevator. "Hanggang sa labas na lang ng subdivision, magtataka sila if makita nila akong bumaba ng sasakyan mo. I told Blue I go for a jog," pagapaliwanag ko sa kanya.
Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto ng matapatan namin ang kotse niya. Pumasok ako sa loob, sinarado ko ang pinto. Umikot si Hunter para makapunta sa driver seat. Pinaandar nito ang kotse paalis. Habang nasa byahe kami ay nakabukas ang stereo at tumutugtug ang kantang 'Willow' by Taylor Swift.
I started singing because it's Taylor Swift!
I'm like the water when your ship rolled in that night
Rough on the surface but you cut through like a knife
And if it was an open-shut case
I never would've known from that look on your face
Lost in your current like a priceless wine
The more you say
The less I know
Iginalaw ko ang katawan ko at dinama ang kanta ni Taylor, damn I really love her music!
Wherever you stary
I follow
I'm begging for you to take my hand
Wreck my plans
That's my man
Life was a willow and it ben right to your wind (oh)
Head on the pillow, I could feel you sneaking in
As if you were a mythical thing
Like you were a trophy or a champion ring
And there was one prize I'd cheat to win
The more that you say
The less I know
Wherever you stray
I follow
Natigilan ako ng maharap ko si Hunter, nakatingin lang siya sa'kin na para bang nasisiyahan siyang pinapanood ako sa pagkanta't sayaw. Lumabi ako at nakaramdam ng hiya. Umayos ako ng upo at nagsiksik sa gilid. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng hiya.
"Why did you stop?" tanong niya habang nakangisi. "You have a good voice," dagdag pa niya.
Inirapan ko siya. "You're annoying me," naiinis kong ani.
"When? I didn't ha, huwag kang mag-assume." Tumingin sa kaliwa si Hunter para tingnan kung nasaan na kami. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang malapit na kami sa subdivision.
"Ngayon lang. You're mocking me," naiinis kong sabi saka siya inirapan. Tumawa si Hunter at kinagat ang lower lip niya, tiningnan ko siya ng masama ng makitang ganun na ang tingin ko sa kanya ay pinigil na niya ang sarili.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n. Umawang ang labi ko.
"Hindi kita iniinis o inaasar, Klyzene. I really like your voice. Maganda, katulad mo..." malambing niyang turan.
Napalunok ako ng umangat ang isang kamay nito at iipit ang buhok kong nahulog sa likod ng tenga ko. May kung sinong kumikiliti sa sikmura ko. At mas lumakas ang kabog ng dibdib ko ng lumapit siya sa'kin. Mariin kong ipinikit ang mata ko.
Naghintay ako sa susunod niyang gagawin.
And then.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro