Chapter 37
CHAPTER THIRTY-SEVEN
HABANG naglilibot kami sa Mall ay kausap ko si Hunter sa text. Kanina pa siya nagtatanong kung nasaan ako dahil gusto niya raw sumama sa'min.
Me: I told you. NO.
Hunter: Please *insert puppy eyes*
Me: No, let just meet some other time. Not now.
Hunter: Sure?
Me: Yes.
After I send him my last message I put back my phone in my bag and hold my sister's hand. She stopped in front of a well-known fast food chain. Jollibee.
"Dito tayo kumain!" parang batang yaya niya habang nakaturo pa do'n.
Kumunot ang noo ko. "Are you sure?"
"Yes! Hundred percent sure!"
"Okay then," sabi ko, hinila ko siya papasok. Naghanap kami ng mauupuan dahil lahat yata ay okupado na. Today is Monday and there's a lot of people here. Saktong hapon, nagu-uwian na ang mga students and other people.
"Madaming tao," malungkot na turan ni Blue.
"Yeah. Do you want to eat somewhere else?" tanong ko while still searching for a table for us.
She pouted. "No. I want Jollibee."
She still sounded sad and nanghihinayang dahil wala kaming maupuan.
"Gusto mo magpa-deliver na lang tayo or take out then mag-movie night tayo sa bahay. Pero habang hindi pa naman tayo umuuwi mag-libot na lang muna tayo. Maybe may gusto kang bilhin," pags-suggest ko.
Her eyes twinkled.
"Really?!"
"Yes, why not."
"OKAY!" masiglang sabi niya at naunang maglakad palabas ng Jollibee, napa-iling na lang ako saka naglakad palabas at sinundan si Blue.
Nagpunta ako sa NBS dahil alam kong nando'n si Blue, pumasok ako sa loob at hinanap ng mata ko ang kapatid ko. Una kong pinuntahan ang lugar kung saan matatagpuan ang mga stationaries. And I am right dahil nandoon siya namimili ng mga bibilhing highlighters.
May push cart sa tabi nito na wala pang laman, mag-uumpisa pa lang yata siya sa pamimili niya. Lumapit ako sa kanya.
"Hindi ba't marami ka ng ganiyan?" puna ko habang tumitingin rin ng mga bilihin.
"Para sa'kin ay kaunti pa lang 'yon. I wanted more! Kung pwede lang bilhin ko lahat ng andito gagawin ko," aniya.
Hindi na ako nagsalita at naglakad papunta sa may books section. Napangiti ako ng makakita ng librong patungkol sa mga vampire, it's not a romance story. It's a theory about vampires. Kinuha ko ang libro at inilagay sa push cart ni Blue.
ILANG oras rin ang ginugol namin sa pagm-malling bago napagpasyahang umuwi. It's seven pm already.
"Manong, daan po tayo sa drive thru Jollibee," ani Blue sa driver naming nagmamaneho pauwi.
"Sige po, mam," ani Driver.
Tahimik lang ako habang tinitingnan ang binili kong mga libro. May madadagdag na naman sa mga libro ko. This is so nice. Like what my sister wanted, dumaan kami sa drive thru and bought our snacks tonight.
"Anong papanuorin natin?" tanong ni Blue habang naglalakad kami papasok ng bahay. May sumalubong saming kasambahay kaya inabot ko sa kanya ang hawak kong plastic.
Tumingin ako sa kanya. "Horror? Let's watch the conjuring the devil made me do it," suggest ko.
Bumilog ang mga niya saka ngumiti ng malapad. Napangiti na lang din ako. Paakyat na kami ng hagdan ng magsalita ang nasa likod namin. Sabay kaming napatingin ni Blue sa taong 'yon. Nakita namin si Dad na seryoso ang mukha habang nakatingin sa'kin. Oo, sa'kin.
"Hindi ko akalaing isasama mo sa pagwawala mo si Zia, Klyzene," malamig na saad niya, tumingin si Dad kay Blue. "Go upstairs, Klyzia, we'll talk later."
Tiningnan ako ni Blue nagtatanong ang mga mata niya kung iiwan ko siya. Tumango ako at binigyan siya maliit na ngiti. Umakyat na si Blue sa taas samantalang ako ay bumaba sa pinakadulo ng hagdan.
"I don't want you teaching my daughter to be stubborn like you. Huwag mo siyang sinasama sa gala mo," madiin niyang sabi.
It pained me saying Blue is his daughter. How about me?! I am your daughter too! I'm your daughter too! I want to shout those words to him but I saw myself nodding at him before I go upstairs.
Napasandal ako sa pinto ng kwarto ko pagkasarado nito. Kinagat ko ang lower lip ko para pigilin ang hikbing gustong kumawala sa'kin pero wala. Hindi ko nagawa, kusang tumulo ang mga luha ko. Hinampas ko ang dibdib ko dahil baka sakaling mawala 'yung sakit. Parang may milyong-milyong kutsilyo ang paulit-ulit na humihiwa sa puso ko.
Pinukpok ko ng mahina ang ulo ko sa pinto bago ko ibinaba ang bag ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kama ko, namalayan ko na lang na lihim akong umiiyak. Naninikip ang dibdib ko. Nakakuyom ang mga kamao ko, nagpanggap akong tulog ng pumasok si Blue sa kwarto ko.
Naramdaman ko ang paglundo ng kama ko sa kabilang bahagi.
"Hey? Are you sleeping?" tanong nito.
Hindi ako kumibo. Nagbuntong hininga si Blue saka ako niyakap ng ilang minuto, pagkatapos ay tumayo na rin 'to at umalis na sa kwarto ko. Hindi ako gumalaw pagkaalis ni Blue, I stay in that position hanggang sa makatulog ako kaka-iyak.
Nang magising ako ay sobrang dilim sa labas ng bintana kaya sigurado akong wala ng tao sa labas dahil tulog na silang lahat, bumangon ako at kinuha ang phone ko. Bumungad sa'kin ang napakadaming-text at tawag na galing lang sa isang tao.
Hunter...
Hunter: Where are you?
You didn't answer my call, Klyzene.
Busy?
Hey?
Let's dine tomorrow. I'll cook?
I'll call again, please answer.
And you didn't...
What you two doing right now?
Do I need to call a police?
Hey
Don't ignore me...
Madami pa siyang text but ang huli ang pinaka-pumukas sa atensyon ko.
Hunter: Okay, I think you're really busy. Don't worry, I'll wait for your response. Take care...
Hindi na ako nagdalawang isip at tinawagan ang number ni Hunter. Nakaka-ilang ring na ng sagutin niya.
"Hello?" aniya with his bedroom voice. I gulped.
Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng kama ko. It's three in the morning. Should I asked him to find a place to eat with me?
"Who is this?" tanong nito sa inaantok pang tono. I feel guilty.
"This... is... me..." mahinang turan ko. Nakarinig ako ng kalabog sa kabilang linya.
"Klyzene?" he asked.
"Yes," sagot ko at sumandal sa headboard ng kama ko.
"Why did you call? Hmm? Three am pa lang," aniya pero mukha namang medyo nagising na ito.
Ngumuso ako. Dapat ko pa bang sabihin sa kanya? Mukhang nakaka-istorbo naman ako kung sakali.
"Hey, baby girl? Are you okay? Do you want to talk?" malambing niyang tanong.
Huminga ako ng malalim saka sunod-sunod na tumango kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita.
"Okay. I will go there. Just wait me—"
"NO!" nanlaki ang mata ko sa inasal ko, "I mean... I'm the one who will come to you. Huwang pumunta they might wake up, wait me outside the subdivision okay?" ani ko.
"Alright," pagkasabi niya no'n ay nawala na siya sa kabilang linya. Ako naman ay bumangon pagkatapos lumapit sa cabinet ko. I choose to wear a sweat pants and a hoodie. After kong makapagpalit ay kinuha ko ang phone ko saka dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko.
Lumabas ako at dahan-dahan ding sinarado ang pinto. Marahan lang ang paghakbang ko para 'di magising ang mga tao dito. Nang makalabas ako ng bahay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Lumabas ako ng gate at sinuot ang hood ng hoodie ko pagkatapos naglakad ako palabas ng subdivision.
Malamig ang simoy ng hangin, mabuti na lang at ang suot ko 'tong hoodie. Madilim na rin. I use my phone as a flashlight dahil walang masyadong ilaw dito sa subdivision, lalo na sa mga bakanteng lote.
NAKARATING ako sa may gate ng subdivion halos kalatahing oras lang din. Nakita ko sa labas ang kotse ni Hunter na mukhang kanina pa naghihintay sa'kin. Lumakad ako palapit sa kanya, ng mapansin niya ako ay tumingin siya sa'kin at nagtama ang mga mata namin.
I don't why but again... my heart beat faster than before.
Hindi na ako nag-alinlangan at dinamba ko siya ng yakap ng makalapit ako. Pinabayaan kong mahulog sa mga mata ko ang aking mga luha. Hindi pa rin pala sila nauubos. Gumanti ng yakap si Hunter, hinaplos niya ang mahaba kong buhok.
"Anong nangyari? Hmm?" tanong niya. Umiling ako at mas idiniin pa ang ulo ko sa dibdib niya.
Iyak lang ako ng iyak, hindi namin alintana na nakatingin ang mangilan-ngilang taong dumadaan. Nang kumalma ako ay pinasakay niya ako sa kotse pagkatapos umalis kami do'n. Nagpunta kami sa isang roof top ng condominium.
May dala-dalang blanket si Hunter na hinihigaan namin ngayon. Nakatingin kami sa langit na puno ng liwanag galing sa buwan at mga bitwin. Walang nagsasalita saming dalawa. Sa palagay ko'y pinapakiramdaman lang ni Hunter kung magk-kwento ba ako o hindi.
"Do you want to eat?" biglang tanong niya.
Tumango ako. "Yes, I'm famished. I didn't have my dinner," ani ko.
Nilingon niya ako, kunot ang noo nito habang seryosong nakatingin sa'kin.
"Why? Magkwento ka lang, I'm all ears," malambing niyang turan.
Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka nag-umpisang magsalita.
"Nag-mall kami kanina 'di ba? Then... seven pm umuwi na kami nakarating kami sa bahay malapit nang mag-eight. My father told me ayaw niya daw magaya sa'kin ang anak niya kaya huwag kong ipagsasama sa paggagala ko..." tumulo ang mga luha ko.
"He say my daughter. Daughter, Hunter... a-anong ibig niyang sabihin? H-hindi niya ako anak? Huh?" mapait kong sabi.
Bakas ang awa, lungkot at sakit sa mukha ni Hunter, hindi siya nagsalita, hinila lang niya ako papasok sa mga bisig niya. Nakapatong ang ulo ko sa malapad at matigas niyang dibdib. Umiyak lang ulit ako ng umiyak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro