Chapter 36
CHAPTER THIRTY-SIX
MY heart beats aggressively when he say those words. Jesus! Do I already have heart disease?! Am I going to die?!
"I'm starting to eat right now. Kaka-uwi ko lang galing Bar," aniya sa kabilang linya.
Bumangon ako sa kama at kinuha ang notebook ko then nagpunta sa may study table ko. Inilagay ko sa lamesa ang mga hawak ko at umupo sa upuan ko.
"Ah okay," tugon ko.
"Hindi mo man lang tatanungin kung anong kinakain ko?" aniya sa nagtatampong tono.
Napahinga ako ng malalim saka umirap. "Bakit ko kaylangan tanungin kung anong kinakain mo? Physician mo ba ako?" mataray kong tanong.
Tumawa si Hunter sa kabilang linya. "I didn't know na marunong kang mag-joke, Klyzene," aniya.
"I'm not a clown so stop laughing."
"Okay.... So... how's your day?"
"Okay? I mean, normal."
Narinig ko siyang nagmura sa kabilang linya at dumadaing na nasasaktan. Nakaramdam ako ng pag-aalala para sa kanya na hindi ko alam kung saan nagmula.
"Are you okay?" I asked.
"N-no! Yes!! Just wait me! I need to clean this up, argh!" he hissed, I heard another curse and another again, and again, again, again. Lahat ba ng mura babanggitin na niya?
Sunod kong narinig ang lagaslas ng tubig na mula siguro sa lababo. Hula ko ay natapon niya ang kinakain niya. I put it on a loud speaker, ipinatong ko sa cellphone holder ko and binuksan ang libro ko para magbasa. I need to study because I'll have another entrance exam in a school I want.
Hindi pa man ako nakaka-tatlong page ay nagsalita na si Hunter.
"Still there?" tanong niya.
"Yes," ani ko habang sinusuri ng tingin ang libro. I'm holding a high lighter to highlight important things I need to remember.
"Sorry for that, natapon 'yung kinakain ko," nasa boses niya ang panghihinayang. Nakaka-awa naman siya.
"Hmm..."
Mahabang katahimikan ang namagitan saming dalawa. Walang nagsasalita, ang pag-hinga lang ng isa't isa ang naririnig namin. Kumunot ang noo ko ng marinig ang lagaslas ng tubig sa background ni Hunter. I face palmed. Don't fucking tell me that he's taking a shower?!
Naiinis na kinuha ko ang phone ko at papatayin na sana ang tawag ng may marinig akong kung ano. Inilapit ko sa tenga ko ang phone at lumaki ang mata ko ng marinig si Hunter. Is he....
MORNING! It should be a peaceful start for me but universe doesn't want me to have it. Blue is in my room asking me questions about last night. She heard me shouting and talking to someone that's why.
"Black, sabihin mo na kasi kung sino 'yung kausap mo. Hindi ko naman sasabihin kina Mom," panungulit niyang tanong.
Tiningnan ko siya mula sa salamin ng banyo ko. I'm putting my lipstick on.
"How many times I should tell you it's nothing. You shouldn't ask anymore." Tamad kong sagot saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
She pouted her lips. "B-But... narinig kita last night!" parang batang sabi niya.
"Don't push it, Klyzia Blue. Stop it now," strict kong sabi.
Wala namang siyang nagawa kundi ang mag-pout lang sa harap ko and humalukipkip. I roll my eyes. Inaayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin. I smile. I feel so free, I don't need to hide something. I wasn't wearing my contact lenses now and it feel so right.
I take my phone and I took a mirror shot selfie. Nang makita ako ni Blue na nagp-picture ay ngumiti siya at lumapit sa'kin. I took another shot, the first one is fierce, the second one is she's smiling and I'm not, the last is we're both smiling. She's hugging me from behind.
"You're beautiful, Black... you remind me of someone," aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Who?" I curiously asked.
"Someone I know... I still remember how she smile, she bring fresh air," puri niya sa kung sino man 'yon. Nagkibit balikat na lang ako at lumabas ng banyo. Kinuha ko ang bag ko sa ibabaw ng kama at lumabas na ng kwarto. Nakasunod sa'kin si Blue.
Sabay kaming bumaba at naglakad papunta sa kusina. I heard my mother's voice talking to my Dad. Damn, since my brother's wedding palagi na silang nag-aaway. Kapag tinatanong naman namin they will say nothing. I mean, when my sister asking them. Hindi pa rin naman nila ako kinakausap.
It's fine with me. I already used to it. Kay Dad ako umiiwas ng husto. Kung pwede lang na umalis na ako sa bahay na 'to, matagal ko ng ginawa. Ayoko ng masaktan nila ulit ako. That slap is enough.
Umupo ako sa pinaka-dulo ng lamesa at nag-iisa lang ako do'n dahil magkakatabi silang tatlo. Ganito ang hitsura namin araw-araw, tuwing sabay-sabay kaming kumakain. Nakalayo ako at wala naman silang sinasabi tungkol do'n. Si Blue ay nasa pwesto niya na katapat si Mom.
Kumuha ako ng rice at ng ulam then nag-umpisa ng kumain. Tahimik lang akong kumakain, silang tatlo ay nag-uusap na parang wala ako dito. May kirot sa puso ko. Wala talaga silang pakialam sa'kin.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Uminom ako ng tubig saka lumakad palabas ng kusina, hindi naman nila ako napapansin so okay lang. Lumabas ako ng bahay at pagkatapos ay nagpunta sa kotseng maghahatid samin sa school. Sumakay ako at sinuot ang earphone ko. Nakikinig ako sa music habang naghihintay kay Blue.
"Bakit ka umalis na lang agad? Did you finish your food?" tanong ni Blue pagkapasok niya sa loob ng kotse. Inalis nito ang earphone ko.
"Yes, Mother. There's no need to scold me," mapang-asar kong sagot sa kanya.
She hissed at me. I rolled my eyes.
"Ewan ko sa'yo, Klyzene Black Anderson!"
NANG nasa school na kami ay naunang nagpunta si Blue sa classroom dahil may nakita akong figure na nakatayo sa may gate. Kilala ko kung sino 'yon. Nilingon ko ang driver naming nakalayo na bago naglakad palapit sa kanya.
"What are you doing here, Sir?" I asked Sir Nat. "Don't you have a class to teach?"
He smiled at me. "My first subject is your section. I saw your car kaya naghintay na ako dito," aniya.
"Why?" tanong ko, "I mean... you should come early to your class before your time to see who's late, right?"
He laugh a bit and led me a box of cake. I look at him.
"For...?"
He held my hand to hold the box. "Nothing. I want to see you smiling so I try to give you a cake. Hope you like it. I gotta go," pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya palayo sa'kin.
Nang wala na si Sir Nat sa paningin ko ay bumaba naman ang tingin ko sa hawak kong cake. Anong gagawin ko dito? I don't like cakes. I bit my lips. It will be rude if I will just throw it away. Sayang rin 'yung perang pinambili.
Naglakad ako palapit sa guard house at sumilip do'n. They look at me like asking what I need. Itinaas ko ang hawak kong cake at inabot sa isa sa kanila.
"Sa inyo na po," sabi ko, tinalikuran ko sila at naglakad papunta sa building namin. I wear my earphones and listen to music.
Umakyat ako sa hagdan papunta sa room namin. Nang makarating ako ay nagpunta ako sa pwesto ko sa likod at yumukyuk. Nagkakagulo ang mga classmate ko, madaming papel na nagkalat sa lapag nung pumasok ko. Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher namin.
After a long day sitting in one place, looking and listening to my Prof Scolding me... finally! It's done. Our class for today is done! Uwian na! Hindi ko na kaylangan pakinggan ang sinasabi nilang wala akong mararating dahil sa ugali ko, na dahil lang sa apilido ko at sa mga magulang ko kaya ako nandito.
My fist turned into ball. I will prove them wrong. I will. Not now but someday.
"Anong gusto mong gawin natin, Black? Ayoko pang umuwi," tinatamad na tanong ni Blue. Sabay kaming naglalakad pababa ng hagdan.
"Hmm... let's eat?" pags-suggest ko.
She nod. "Where?"
"Let's go to Mall then maghanap na lang tayo do'n," ani ko na sinang-ayunan naman niya.
We're here at the parking lot, hinihintay naming dumating ang driver naming na-stuck daw sa traffic. Halos wala ng tao sa school. Nagsi-uwian na ang iba. Tiningnan ko si Blue na naka-upo sa may waiting shed at bored na nag-aabang.
Lumakad ako palapit sa kanya, tiningnan niya ako.
"I will take a cab. Let's go?" yaya ko sa kanya.
She let a sigh then nod. Kinuha niya ang mga gamit niya at hinawakan bago kami naglakad palabas.
"You should message our driver to wait us in the Mall's parking lot, then sabihan mo na rin sila Mom dahil baka mamaya ay mapagalitan tayo," utos ko habang pinapanood ang guard na maghanap ng taxi for us. Hindi ko siya inutusan, kusang loob niyang ginawa. He said he's thankful for what I gave to them.
"Okay!" masiglang sabi niya.
"Ma'am ayun na ho 'yung taxi," ani Kuyang Guard then tinuro 'yung taxi sa may gilid.
"Thank you," pasasalamat ko bago hinawakan si Blue papunta sa taxi. Before ko buksan ang pinto at sumakay ay naglakad ako sa likod ng taxi at kinuhanan ng picture ang plate number nito.
Binuksan ko ang pinto sa backseat at pina-unang pumasok si Blue at saka ako sumunod. Busy kasi ang dalaga sa pagdu-dutdut sa phone nito.
"Mam, saan tayo?" tanong ng driver.
"Nearest Mall," sagot ko saka hinawakan ang kamay ni Blue, nakatingin ako sa labas ng bintana. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang lalaking naka-usap ko nung nasa resort kami. Nakalagpas na kami't lahat pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga tingin niya.
What is that?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro