Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35


CHAPTER THIRTY-FIVE

HUNTER'S P.O.V.

IT'S been a while since I last saw Klyzene. After the Island hopping she start avoiding me and I don't know her reasons. It makes me frustrated thinking if I did something bad or wrong when were there.

"Iisipin ko talagang may kinakabaliwan na naman 'yang si Hunter kung 'di ko lang alam na mahal na mahal niya si Divine," ani Henry habang umiinom ng alak.

Tiningnan ko siya ng masama saka kinuha ang beer at tumungga. Hindi ko siya kinakabaliwan. Si Dev lang ang mahal ko.

"Chill, apaka-init mo naman," natatawag sabi pa nito.

Akma kong ibabato sa kanya 'yung boteng hawak ko ng umiwas ito habang tumatawa. Napailing na lang ako. Bakit pa ako nagkaroon ng ganitong mga kaybigan? Mga sira-ulo. Tss.

Nandito kami sa Bar ngayon, pag-aari ni Henry ang Bar na 'to. Tambayan na naming magkakaybigan kapag bored, stress o kaya naman gusto naming mag-celebrate. Pero ngayon ay nagyayang uminom si Jake, siguradong problema sa asawa niya 'yon. Nasanay na rin sigurong andito kami. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang mga babaeng halos kita na ang kaluluwa.

Tumabi ang ibang babae kina Benjamin at Henry, nang may tatabi sa'kin ay inilingan ko siya. Dati-rati naman ay kaya kong makipag-siping sa babae para mailabas ang init ng katawan ko... pero ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Pakiramdam ko ay nagkakasala ako.

"Hi, I'm Emily." Naglahad ng kamay ang babae sa harap ko.

Tiningnan ko lang 'yon at tumingin sa mukha nito. Nang hindi ko kunin ang kamay niya ay napapahiya siyang ngumiti at tumabi kina Benj. Tsk. Napaka-ulit kasi.

"Miss, huwag mo kasing guluhin 'yang si Hunter," panimula ni Henry at nginisihan ako. "Broken hearted kasi." Tumawa ng malakas si Henry. Tiningnan ko siya ng masama saka hindi na pinansin.

NAKAKARAMI na kami ng bumukas ang pinto at pumasok si Jake. Mukhang wala sa mood at pabagsak na umupo sa tabi ko. Kumuha ako ng isang bote ng beer at inabot sa kanya. Kinuha naman nito at uminom.

Women problem, for sure.

"Nandito na pala ang married boy natin eh," pang-aasar ni Henry dito. "Baby, you can go now. Mamaya na lang," malanding pagpapa-alis nito sa mga kasamang babae, tumayo naman at umalis. Pati ang mga nakalingkis kay Benj ay lumabas rin ng VIP room.

"What's your problem dude? Ngayon ka lang ata nag-yayang uminom," tanong ni Benj habang umiinom ng alak. Tumingin si Jake dito na inisang lagok ang iniinom.

"Nagkaroon kami ng away ng asawa ko," aniya habang nagsasalin ng Jack Daniels sa bagong baso.

Napatawa kami dahil sa sinabi niya.

"WOOO?! Wait?! Si Jake ka ba talaga? Baka naman masamang espiritong sumanib sa kaybigan namin?" pang-aalaska ni Henry dito.

Tiningnan ng masama ni Jake si Henry. "I'm not joking here assholes. Nasabihan ko ng 'di maganda ang asawa ko, ayon, nagtatakbo sa kwarto at di na ako hinarap," naiinis na sabi ni Jake.

Sumeryoso ang mukha nila Benj at Henry. Ako naman ay nakikinig lang sa usapan nila at 'di nagsasalita. Pumasok kasi sa isip ko ang isang tanong. May alam ba si Jake kung bakit kulay berde ang mata ni Klyzene?

"Ano ba'y sinabi mo?" tanong ko dito at tiningnan siya.

Guilt is written in his face before he answer me. "Nasabi kong nakikipag-landian siya sa kaybigan niya. Masisisi niyo ba ako? I saw them. I saw her. She hugged her friend in public place! Mall! Bro! PDA!" naiinis niyang sabi.

"Tsk, bro, sure ka bang siya 'yon?" tanong ni Benj.

"Yes! Hundred percent sure! I knew my wife, kahit sa malayo ay makikilala ko siya," ani 'to.

Tumayo si Henry at tumabi kay Jake. "Dalawa na pala ang broken hearted dito eh," tumatawang sabi ni Hunter. Tinapik pa ang balikat ni Jake. "Pero dude, makipag-bati ka na sa asawa mo. Say sorry, hindi mo kamo sinasadya, gano'n." Sumandal sa couch si Henry.

"Anong dalawang broken hearted?" tanong ni Jake.

Tiningnan ako ni Benj at nginuso ako, tumingin ako kay Jake.

"I saw this girl in your wedding, Jake," panimula ko. Matiim niya akong tiningnan.

"Who?" he asked.

Inubos ko ang laman ng iniinom ko at binaba ko sa mesa. "Naalala ko sa kanya si Divine, she have Divine's eyes." Pumasok sa isip ko ang mukha ni Klyzene, she's wearing her resting bitch face. Her eyes are cold and her aura is black. It's so powerful. Authority is shouting when you look at her.

Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin. "Who is it?"

"What happened to you sister, Jake? Bakit iba ang kulay ng mga mata niya sa inyo?" malamig kong tanong.

He frowned. "My sister? Klyzene?" paninigurado niya. I nod.

"I don't know what exactly happened dahil nandito ako sa Pilipinas nang may mangyaring aksidente sa kapatid ko," sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Black is right.

"Anong klaseng aksidente?"

"Bakit ka ba interesado sa kanya? Bro, walang kinalaman sa inyo ni Divine ang kapatid ko. Huwag mong isali, bata pa 'yon," seryosong sabi ni Jake.

Tsk! Iniisip ba niyang magkakagusto ako sa kapatid niya? Damn. Hindi ako papatol sa gano'n kabata.

"I'm just asking, Jake. Chill your ass," malamig kong sabi saka tumayo. "I will go now." Lumakad ako palabas ng VIP room. Maingay sa labas at puno ng usok. Nagkakagulo at puno na ng hiyawan.

Madaming nagm-make out sa tabi-tabi at 'yung iba nags-sex na. Umiling na lang ako. Mga hindi takot eh. Lumabas ako ng Bar at nagtuloy sa parking area. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Vain, isa sa mga dati kong kasamahan sa trabaho bago ako tumiwalag.

Halos isang minuto rin bago nito sinagot ang tawag. Humihingal ito sa kabilang linya.

"What do you fucking want fucker?!" galit na may kasamang hingal na tanong nito sa kabilang linya.

"I need your help," ani ko.

"Ahhh.... F-for what?" tanong nito.

Natampal ko ang noo ko ng marinig ang ungol ng babae sa kabilang linya. Umiling ako at huminga ng malalim.

"Tangina, I'll tell you later. Call me once you're done," naiinis kong sabi.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at pumasok sa driver seat. Pinaandar ko sabay alis. Nagtuloy ako sa condo unit ko. Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong ako ng isang malamig na bahay. Walang tao. Sarado ang bawat ilaw, ang nagsisilbing liwanag lang sa loob ay ang galing sa buwan.

Sinarado ko ang pinto gamit ang paa ko at naglakad papunta sa sofa. Umupo ako do'n, isinandal ko ang ulo ko sa head rest. Mariin akong pumikit. Hindi ko maintindihan kung paanong naaksidente si Klyzene. Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari.

Umupo ako ng maayos at tumingin sa kawalan.

Tunay bang Anderson si Klyzene? Of course, yes, you dumbass! She has a twin, but they have different eye color.

How it happened?! Green and Blue, damn! Ano 'yon? Hindi nagtutugma sa lahat. Hindi talaga. Lahat sa family ni Jake ay blue eyes, except Klyzene.

Kinuha ko ang phone ko dahil nag-ring ito. Kay Vain naka-register ang number kaya sinagot ko.

"What help do you need?" tanong niya at ang tono pa ay masaya.

"Good mood huh," pang-aasar ko.

He chuckle. "Well, what can I do? Women can't resist me."

Umiling ako sa kahambugan nito. "Yeah, Yeah macho man. Let's get serious now."

"Okay, what is it?"

"Do magic, Vain. I need you to dig more information about Anderson family." Tumayo ako at naglakad papuntang kusina.

"Anderson Family—"

"Yes, Family nila Jake. Dig more information. Gusto kong malaman lahat ng sikreto ng pamilya nila. Lahat-lahat." Madiing utos ko.

"Hm... okay. Wait until next week, I will give you what you want," pagkasabi niya no'n ay binaba na ang tawag. Binaba ko ang phone ko sa mesa at lumapit sa ref. Binuksan ko ang ref, naghanap ako ng kung anong pwedeng kainin.

Kumuha ako ng isang cup noodles. Sinarado ko ang pinto ng ref at lumapit sa Electric Kettle. I-on ko 'yon at naghintay na uminit ang tubig, habang naghihintay ay binuksan ko na ang cup noodles saka inalis ang spoon sa loob pagkatapos ay inilagay ko na ang pampalasa.

I remember Kylzene, all of a sudden. Napangiti ako ng pumasok sa isipan ko ang nakangiting mukha ng dalaga habang nagi-island hopping kami. I still remember those islands, Isla Pag-Ibig, Isla Asul at Isla Pula. We really have fun.

Dinalawang hakbang ko ang lamesa kung saan nakalagay ang phone ko. Kinuha ko at tinawagan ang number ni Klyzene. Nakakatatlong ring na ng sumagot ito.

"What do you want?" cold niyang tanong.

Wala sa sariling napangiti ako. "Nothing. Masama bang tawagan ka?" tanong ko dito. Nai-imagine ko na ang pag-ikot ng maganda nitong mata.

"Tsk. Tell me what you need already. I don't have time to play right now," dagdag pa nito.

"Well, I just want ask you if you're busy."

"I am."

"Why are you still up?"

"Hm..."

"I'm asking you Klyzene," ani ko.

I heard her letting a sigh before she answer me. I bit my lips.

"I'm doing my homeworks," matipid niyang sagot.

Napatango ako. At least masipag siya 'di nagpupuyat para lang sa walang katuturan. Nang mapansin kong mainit na ang tubig ay lumapit ako do'n. Sinalinan ko ng mainit na tubig ang cup noodles.

"Hmm. Good."

"You... what are you doing?" she lazily ask.

I stopped. What?! She asked me?! Are you kidding me?!

Inilipat ko sa kabilang tenga ang phone ko. Sumandal ako sa sink.

"Did you just asked me?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Uhmm... yes? Ewan ko na lang kung ano para sa'yo 'yon." Mataray niyang tanong.

"Damn! You... are... really... different from other girls," ani ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro