Chapter 28
CHAPTER TWENTY-EIGHT
I WAS tired yesterday at ngayon lang nagkaroon ng matinong pahinga. Saturday na kasi at pupunta na kami ng Resort para sa kasal nila Kuya and Alex. It's been three weeks since nagkaroon ng invisible harang sa pagitan namin ni Mom.
Kung hindi kami nag-uusap noon mas hindi kami nag-uusap ngayon. Tango lang ang sinasagot ko sa kanya at wala ng iba lalo na kung nag-uumpisa ito ng topic sa pagitan naming dalawa. Maaga kaming aalis mamaya pero andito pa rin ako sa kama at nakahilata.
Andaming gawain sa school. Ngayon ko kasi pinagbubutihan ang pag-aaral ko. I have to passed this year and have a nice grade if I wanted to study abroad. Dahil kapag nandoon na ako, I will be independent. I wont use my parents money.
Nilingon ko ang pinto ng bumukas yon. Sumilip si Mom.
"You're not yet ready?" tanong niya.
Tumayo ako at naglakad papasok ng banyo ko. I will take a quick bath. I thought she will come back after lunch. It's just Ten am.
After kong maligo ng ganun kabilis ay nagsuot ako ng isang long sleeve crop top na ang gitna ay may design. May pa-choker rin ito. Ang suot ko na pang-ibaba ay isang pants and boots. May kadena rin na kulay silver na nakakabit sa may pants ko and sa crop top ko.
I'm all black. Nice.
Nang matuyo ko ang buhok ko ay naglakad na ako palabas ng banyo. Kumuha lang rin ako ng isang malaking back pack and I put there my clothes. I wont bring so much clothes. Hindi rin naman ako magtatagal doon.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakita ko si Mom na naghihintay sa sala. She's wearing a dress na hanggang tuhod and flats. Nauna akong lumabas ng bahay. Nilagay ko sa likod ang gamit ko at pumasok sa may passenger seat.
"Diyan ka uupo?" tanong ni Mom ng makapasok siya sa back seat.
"Yeah." Walang gana kong sagot saka tumingin sa labas ng bintana. I saw our gardener removing the dead flowers.
"Why don't you seat here with me? I want to talk to you." Malambing niyang sabi.
"Nah. I will sleep." Sabi ko at kinuha ang head ban ko, I bought this for only sixty pesos and its black. Itinakip ko yon sa mata ko at nagkunwaring tulog. May pakinabang rin pala 'to. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. Ilang sandali pa ay nag-start na ang kotse at pagkatapos umandar na.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ng tuluyan sa buong byahe.
NAGISING ako dahil sa sunod sunod na katok sa bintana ng pinto ng kotse. Inalis ko ang head ban na nakatakip sa mata ko. Lumingon ako sa bintana sa gawi ko at ilang sandali pa bago nakapag-adjust sa liwanag ang mata ko. Nakatayo si Blue sa labas at nakangiti ng malawak sa'kin.
I smiled at her. Nakakamiss rin pala ang presence niya.
"Open up!" aniya.
Tiningnan ko muna ang loob ng kotse pero wala ng tao. Nasa labas ang driver namin at mukhang hinihintay akong lumabas. Nakabukas rin ang AC ng kotse and mga bintana. Yung nasa gawi ko lang ang hindi bukas. Maybe because dito ako nakasandal.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba. Niyakap agad ako ni Blue na agad ko ring ginantihan.
"I miss you!!!" malakas niyang sabi at mas humigpit ang yakap sa'kin.
I smile. "I miss you too." sagot ko at inilayo ang katawan ko sa kanya. Hindi na ako makahinga.
"Kanina pa kita gustong gising but Mom said don't. Kaya hindi ko ginawa. How are you? Namayat ka." Aniya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I checked her out too. Nahiyang yata siya sa buhay dito sa Resort dahil ang maputi niyang balat ay naging Tan na.
Bumagay dito ang pagiging morena lalo na't kulay asul ang mga mata nito.
"God. Andito na naman po ang madaldal." Kunwari kong pagkainis.
Inungusan niya ako at hinila papasok sa resort. "Tssss... don't you miss me?! Alam mo ba na-miss kita. I thought babalik ka rin agad." Aniya.
"Wait I need to get my things." ani ko pero umiling siya.
"Nakuha na kanina. It's in our house na." sagot niya. "You look sexy sa suot mo pero namayat ka talaga. Hindi ka ba pinapakain ni Mommy don?" tanong niya
Tiningan ko lang siya at hindi na sinagot. Ayokong malaman niyang sinaktan ako ni Mommy. Baka mamaya magkaroon lang ng gulo. Nasa may beach na kami ng mapansin na ang pag-aayos ng mga gagamitin sa reception for the wedding.
"Why you're not answering me?" tanong niya pa.
"Nah. I'm just tired. There is so many activities in school." Sagot ko saka tumingin sa dagat. "I think the water is inviting us to take a dip. Let's swim?" pag-iiba ko ng topic.
I don't want her to asked more questions na alam kong hindi ko naman sasagutin. She smile widely and nod. I smile.
"Then let's have a race." Ani ko at mabilis na inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at mabilis na tumakbo palayo dito.
"BLACK!! WAIT ME! DON'T BE A CHEATER!" sigaw nito habang tumakbo para sundan ako. Mas binilisan ko ang pagtakbo. Tawanan kami ng tawanan habang naghahabulan at nagtatakbuhan na parang mga bata.
Ako ang unang nakarating sa bahay at unti-unting naglaho ang mga ngiti ko ng makitang nasa may pinto ang mga magulang ko at mukhang may hinihintay. Nakasunod naman agad si Blue.
"Madaya ka!" aniya habang humihingal pero may ngiti pa rin. "Let's swim naman and let's race." Aniya. Nahinto lang siya sa pagsasalita ng mapansing hindi ko siya pinapansin. Sinundan ni Blue ang tingin ko at bumagsak ito sa mga magulang namin.
Nawala rin ang mga ngiti ni Blue ng makita kung gaano kaseryoso ang mukha ni Dad.
Well, I'm not scared of him.
Naramdaman ko ang pagkapit ni Blue sa braso ko at ang pagbaba ng kamay nito sa kamay ko. She intertwined our fingers and hinawakan nya ito ng mahigpit.
"Go inside Blue. I need to talk to Klyzene." Malamig na saad ni Dad.
"Why? I want to be with her Dad. She's not here for three weeks. I missed her." Ani Blue at tiningnan ako. Nilingon ko siya at nagtama ang mata namin. Tinanguan niya lang ako na sinasabing hindi niya ako iiwan at hahayang magisa.
"I need to discipline that kid. She's not respecting your mother anymore." Malamig na saad ni Dad.
I bit my lower lip and mentally have a sad smile. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Blue. I don't want her to leave me.
"Huh?" nagtatakang tanong ni Blue.
"Just go inside, Honey. We will just talk Klyzene." Mahinahong saad ni Mom.
Talk? I don't think so. Sa hitsura palang nila at lalo na ni Dad sure na hindi lang basta talk ang mangyayari.
"If you will talk to her. I should be there. I won't leave, Black." Matigas na sabi nito sa mga magulang namin. I will give her a round of applause. What a brave girl she is.
Nakita ko ang pagtiim bagang ni Dad and tumalikod. Si Mom ay sumunod dito.
"Sumunod kayo!" malakas at malamig na sabi ni Dad.
Napairap ako sa hangin. Really? Hindi muna ako papapasukin sa bahay. Tsk. Naglakad ako papasok pero napahinto ng hindi gumalaw si Blue. Nilingon ko siya at nagtatanong na tumingin dito.
"What really happened there?" mahina at puno ng concern na sabi niya.
"Nothing." Sabi ko at hinila na ito papasok sa kabahayan. Nagtuloy kami sa kusina kung nasaan sila Dad. Umupo ako sa pinakadulo at tumabi sa'kin si Blue. Sila Mom at Dad ay nasa kabisera at nasa kanina si Mom.
Mahabang katahimikan ang namayani samin bago tumikhim si Mommy at nagsalita.
"Klyzene... I tell to you father what happen and he wants to talk to you." Mahinahong sabi ni Mommy.
Hindi ako sumagot instead tumingin ako kay Dad. Madilim ang expression nito at anumang oras ay bubuga na ng apoy. Umuusok na panigurado ang ilong nito kanina pa.
"What can you say about leaving the house without permission, Klyzene Black? Ganun ka ba namin pinalaki? And what is this? You're not talking to your mother properly?" pag-uumpisa nito.
Bored ko silang tiningnan nagbuntong hininga.
"Hindi ka magsasalita?" madiing tanong ni Dad.
"Kapag po ba nagsalita ako hindi kayo magagalit at hindi niyo ko sasabihang walang respetong anak?
tanong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Klyzene." Ani Mom.
"Dad... maybe Black is tired. Let her rest muna po." Ani Blue na gusto ng umalis sa kung nasaan kami ngayon.
"No. She have a lots of energy. Hinayaan siyang matulog sa kotse kanina." Sabi ni Dad. "Just answer my question, Klyzene Black. Hindi yung sinasagot mo ako ng tanong rin."
"Fine." I said dryly. "First, I leave because I want to cool down, but I'm so lucky na hinimatay ako dahil sa sakit ng ulo. Nakalimutan ko rin i-take and i-ask yung Doctor kung what happened to me. That's why hindi ako nakauwi." Sagot ko.
"Cool down?" ani Dad.
"Yeah. Nagkaroon kami ng sagutan ni Mommy and she doesn't want to answer why my eyes are different from yours." mahina kong saad saka yumuko. "I ask her why ako lang yung naiiba. Why I'm different but she doesn't answer me so... para hindi na kami mag-away pa. I leave."
Nag-angat ako ng tingin at nakita silang natigilan. Pati rin si Blue ay nanigas sa kinauupuan niya dahil sa sinabi ko.
"So Dad, can you give me the answer?" tanong ko dito pero nag-iwas siya ng tingin.
May isang butil ng luhang tumulo sa mga mata ko pero agad ring nawala. Ngumiti ako sa kanila.
"Why I have this feeling na kahit anong tanong ko sa inyo hindi niyo ako sasagutin? Why don't you just give me the answer I wanted." Mapait kong tanong sa kanila.
"Wala namang dapat sagutin. And you're not wearing your contact lens. Wear it." Malamig na utos ni Daddy. "Don't disappoint me, Klyzene Black. Don't do anything stupid lalo na bukas." Sabi nito.
May kung anong nakabara sa lalamunan ko. Ilang beses akong lumunok para maalis yon. Ngumiti ako sa kanila.
"You're being unfair." Mapait kong sabi saka binitawan ang kamay ni Blue. "I just want answers. Iyun lang naman bakit hindi niyo pa maibigay?" tanong ko.
Si Mom ay hindi nagsasalita pero si Dad ay nilingon ako.
"Wag kang magsalita na para bang agabyado ka dito. Klyzene. Napakaswerte mo na." malamig niyang sabi saka padabog na tumayo.
"PAANO AKO NAGING SWERTE KUNG DI NAMAN AKO MASAYA?!!!" sigaw ko sa kanya bago siya makalabas ng kusina. Si Blue ay nagkatakip ng bibig samantalang si Mom ay napatayo na.
"Babe, umalis ka na." utos ni Mom kay Dad pero hindi nakinig si Daddy at lumapit sa'kin.
Bago pa mang mapigilan ni Mom ang gagawin ni Dad ay mabilis nang nakalapit sa'kin at nasampal na ako. Rinig sa buong kusina ang lakas ng pagkakasampal sa'kin ni Daddy and mas masakit 'to kesa sa sampal ni Mommy. Namanhid yata ang pisnge ko at naramdaman ko ang hapdi sa gilid ng labi ko.
"DAD!"
"BABE!"
Dahan dahan akong humarap kay Daddy ay tumingin dito. Nanlaki ang mata nito at mukhang nagulat sa nagawa pero agad ring naglaho yon at nawalan ng expression. Tumigas ang mukha nito. Unti-unting namuo ang mga luha ko sa mata.
Hindi ko akalaing sasaktan nila ako ng ganito. Not mentally and emotionally pati na rin pala physical masasaktan nila ako. Gamit ang thumb finger dinama ko ang mahapding gilid ng labi ko at hinawakan iyon. May malapot na kung ano.
"Wala kang utang na loob." Madiing sabi ni Daddy.
Lumapit naman agad sa'kin si Mommy at itinago ako sa likod niya. Si Blue ay lumapit kay Dad saka hinila ito sa braso.
"Why did you hurt her?!" galit na sabi ni Mom.
"Daddy let's go po. Alis na tayo." Ani Blue.
Napatawa ako ng malakas na kinatigas nilang lahat. Nilingon nila ako at nagtatakang tumingin sa'kin. Tumawa akong ng malakas saka ang tawa ay puno ng pait.
Kinagat ko ang labi ko at inilingan silang lahat.
"What a family I have. Blue is really lucky." Mahina kong sabi saka lumakad palabas ng kusina.
"Black where are you going?" tanong ni Blue at akmang susundan ako ng tawagin siya ni Dad.
"Let her. Babalik rin yan." Ani Dad.
Hindi ako nagtuloy sa kwarto bagkus lumabas ako ng bahay. Nagtatakbo ako palayo don. Wala akong puwang sa lugar na yon. Pinipigilan kong kumawala ang mga luha sa mata ko. Hindi nila ako dapat makitang mahina. Hindi pwede.
Napahinto lang ako ng bumangga ako sa isang matigas na bagay. Nakayuko ako kaya hindi ko makita kung ano yon. Mabilis akong tumayo at nagtatakbo na mas mabilis pa kanina.
Nang sa tingin ko ay malayo na ako ay nagtuloy ako sa tubig. Nagtatakbo ako don at unti unting bumagal ng lumalalim na ang tubig. Ilang beses akong lumunok. Malamig ang tubig at yung ang kaylangan ko.
Lulubog na sana ako ng may malakas na brasong pumalupot sa bewang ko. Nagpipiglas ako at pilit kumakawala sa kung sinong pangahas na yun pero mas malakas siya. Pinaghahampas ko ang braso nitong nasa bewang ko. Pinagkukukurot ko na rin upang bitawan ako pero matigas. Ayaw nitong bumitaw.
"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM, KLYZENE?!" galit na galit na tanong ni Hunter ng maiharap niya ako sa kanya.
Tiningnan ko siya sa mukha at ng masiguradong si Hunter yon ay mabilis akong yumakap at nagsiksik sa leeg nito. Duon ko lang hinayaang lumabas ang mga luha ko.
Ang galit niyang expression ay napalitan ng pag-aalala ng makitang umiiyak ako.
"What happened?" tanong nito at hinaplos ang likod ko. Nasa boses niya ang pag-aalala.
"H-Hunter..." tawag ko dito at humigpit pa ang yakap.
Hinalikan niya ako sa ulo at hinayaan lang umiyak ng umiyak sa balikat niya. Now, I feel safe. I feel something I don't know. Hindi ko namalayang naiahon na pala ako ni Hunter sa tubig. Nandito na kami ngayon sa may dalampasigan. Nakayakap pa rin siya sa'kin ng mahigpit at mukhang takot na takot na bumalik ako sa tubig.
Giniginaw ako pero hindi ko ramdam dahil sa init ng katawan ni Hunter. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at tiningnan ito.
"D-Don't tell this to anyone please?" pakiusap ko sa kanya habang nakatingin sa mata niya.
"I promise but you need to say what happened first. Bakit ka nagtatakbo sa tubig? Magpapakamatay ka na ba?!" may bahid ng inis ang huling tinuran niya.
Yumakap ulit ako sa kanya at umiling.
"Gusto ko lang magpakalma. Natutulungan ako ng dagat ilabas lahat ng nasa loob ko." mahina kong sabi at pinaglaruan ang nabasa nitong buhok. Ngumuso ako. Bakit ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang buhok ni Hunter?
Pumapantay na sa leeg nito ang haba ng buhok ng binata. Malambot pa. Bakit mas maganda pa ang buhok nito kesa sa buhok niya?
"Hay... don't do that again, baby girl. You scared the hell out of me." Aniya at hinalikan ako sa gilid ng ulo.
Lumayo ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Baby girl?" tanong ko at tiningnan siya sa mata?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro