Chapter 27
CHAPTER TWENTY-SEVEN
"MS. ANDERSON!" sigaw ng isang Prof namin na kadarating lang.
Bored ko siyang tiningnan, mas lalong sumingkit ang mata niyang hindi na yata makaaninaw. Tumayo ako.
"What is the meaning of this?!" tanong nito at tinuro sina Fernandez, Del Mundo at Santos na ngayon ay kapwa umiiyak.
I roll my eyes. Bitches and their acting skills. Damn, bakit ba lahat ng mga feeling prinsesa magagaling umarte? Fuck, tapos yung mga lalaki gandang ganda sa katulad nila? Ew.
"They come to my office saying pinagbantaan mo daw sila. Kung ano ano daw ang sinasabi mong kasinungalingan." Striktang sabi pa nito.
Huminga ako ng malalim. "Ms. Minchin, I'm not spreading fake news or kasinungalingan. Second, sino namang pagsasabihan ko ng kasinungalingan na yon? Did you see my sister? No right, she's not here sino kakausapin ko bukod sa kanya?" malamig kong sabi saka tiningnan silang tatlo.
Nag-iiyak naman sila na kinagulat ko. Akala mo may death sentence sila at papatayin na ngayon kung umiyak. Tss.
"Nagdadahilan ka pa?! Alam naman ng lahat dito na isa kang spoiled brat at isang sutil na bata!"
Umirap ako sa hangin at umupo na.
"Sinabi ko bang umupo ka?!" mataray niyang tanong.
"Hindi mo rin naman sinabing tumayo ako kaya wala kang karapatang sabihin kung kaylan ako uupo kasi nagkusa akong tumayo." Sagot ko dito.
"Tingnan niyo?! Napaka-walang galang ng batang yan!" aniya pa sa mga classmates ko. "Hindi ko alam kung bat may mga batang bully na katulad niya."
Ako pa yung bully ngayon? Wow.
"I know, hindi kayo lahat katulad niya and don't be like her. Pupulutin yan sa impiyerno." Ani pa niya.
"H'wag kayong mag-alala, mauuna naman kayo don." Sagot ko na kinatawa ng mga classmates ko.
Pulang pula ang mukha niya at anumang oras ay mukhang sasabog na.
"QUITE!" sigaw niya sa buong klase na mga nagsitigil naman. "Hinihiling mo bang mamatay na ako, Ms. Anderson?!" galit niyang tanong.
"Paalisin mo yan, Klyzene!" sigaw ng isa kong classmate na kaklase.
"Oo nga."
"Booooo!"
"You're the one who said that, not me." ani ko. "You're boring to talk." Sabi ko at tiningan ang tatlong maria clara na ani mo mga babaeng kagalang galang dahil sa hitsura na.
"S-She said.... She's the green eye devil... we should respect her." Ani Del Mundo na sumisinok sinok pa.
Lumapit naman kay Del Mundo si Ms. Minchin, "Oh hija! Sobrang trauma ang tinamo mo." Aniya pa at hinaplos sa ulo si Del Mundo. Masama siyang tumingin sa'kin kaya umirap lang ako.
Kumunot talaga ang noo ko at di makapaniwala sa sinabi nito. Trauma? Talaga?! Trauma?!!
"Did I say that?" tanong ko sa tatlo saka tumingin sa mga classmates ko. "Do I mention that they should respect me?" tanong ko sa kanila. Umiling silang lahat. I smiled. "See, I have a lots of witnesses who have seen and heard everything. And you know me, Ms. Minchin, even though we're not friends and you're angry at me. You know me. I will not touch anyone kung hindi sila ang nauna." Malamig kong saad.
Para naman itong natauhan at tiningan ako saka tumahimik. Wala na itong binaggit patungkol sa issue pagkatapos paupuan ang tres marias. Masama ang tingin nila sa'kin kahit na nasa likod ako at nasa harap sila. Bahala kayo magka-stiff neck.
Nagstart na magturo ang Prof namin at yumuko nalang ulit ako sa desk. Inantok ako.
"STILL SLEEPY?" tanong ni Sir Nat habang inaabot ang isang pack lunch.
Umiling ako at kinuha ang baunan pagkatapos ay kumain na. Kanina pa rin ako nagugutom dahil hindi naman ako nag-almusal sa bahay. Tapos na ang klase ko na pang-umaga at ngayon mag-isa nalang ako dito sa classroom.
Then he came, he asked me if I wanted to eat because he bring extra food that he can't finish alone. I said yes, and now we're here at the roof top. Eating foods with him.
"You should not do this again. What if I'm not here, sinong katulong mong uubos ng lahat ng ito?" tanong ko habang kumakain ng Menudo. Sinubo ko ang nakalagay sa kutsara ko and nginuya iyon.
"Well, ramdam ko talagang papasok ka ngayon kaya dinamihan ko ang dala ko. And I'm right. Andito ka." Aniya at nag-start na rin kumain.
"Hm... okay."
"About last time—"
"Can we forget that? Everything what I say. Everything na napag-usapan natin?" tanong ko sabay tingin sa kanya.
"Why?"
"Because, ayoko ng pag-usapan." Ani ko at nag-focus sa pagkain.
Napansin ko ang pagtigil nito sa pagsubo at tiningnan ng mabuti ang pisnge ko. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.
"What?" tanong ko sabay kuha ng isang mineral water na katabi ng mga pagkain.
Hinawakan niya ang pisnge ko at pinaling sa kabila. Napansin ko ang pag-tiim bagang nito at seryosong tumingin sa'kin.
"What happened to your face? Bakit namumula?" tanong niya at muling sinuri ang pisnge ko.
Hinawi ko ang pagkakahawak niya sa pisnge ko pero hindi ito natinag at nantili doon.
"Tsk! Let go!" naiinis kong sabi. Umiling siya at madilim na tumingin sa'kin.
"Tell me what happened to your face first? Bakit namumula?" galit niyang tanong.
Masama ko siyang tiningnan pagkatapos ay malakas na tinabig ang kamay niya.
"Nothing." Tipid kong sagot.
"That is not nothing, Klyzene. Tell me? Sinong nanakit sayo?" mapilit niyang tanong.
Huminga ako ng malalim at padabog na binitawan ang hawak kong baunan. Inirapan ko siya at muling uminom ng tubig. Bakit kumukulit si Sir Nat? I know na hindi palasalita. Pero ngayon dumadaldal at nagiging matanong na. I don't like it.
"Klyzene."
"I said nothing!" ani ko at tumayo na. "I'm done. Thank you for the food." Tatalikod na ako at aalis ng magsalita siya na kinatigil ko.
"Sinasaktan ka ba sa bahay niyo?" tanong niya.
Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamao ko. Ilang sandali lang ay humarap ako dito.
"How can you say that? They're not hurting me." ani ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Then paano ka nagkaganiyan?! It looks like someone slap you!" akusa niya.
Nagkibit balikat nalang ako sa kanya at tiningnan ang orasan ko. "I don't need to give you an explanations. Again, thank you for the food." Dagdag ko pa.
Binuksan ko ang pinto at lumabas na doon sa roof top. Mabilis akong bumaba ng hagdan. Ilang minute rin ang inabot bago ako makarating sa floor ng next subject ko. I still have two subjects for this afternoon. It's Personal Development and PE.
Nagtuloy ako sa next classroom namin. Pumasok sa loob at pumuwesto sa likod. Kinuha ko ang Binders ko pati na ballpen. Nagtake-notes ako kanina sa isang subject ko kaya iaayos ko ngayon. I'm not artistic like Blue in doing shit like this. Basta yung sa'kin naiintindihan ko.
Ilang minute rin ang ginugul ko sa pagt-take note dahil dumating agad ang kasunod naming Prof. Inilipat ko sa ibang page ang binders ko at naglagay ng subject doon.
After class nagtuloy agad ako sa parking lot. Gusto kong magpunta sa mall. Mabilis ang naging lakad ko pero hindi ko alam kung may galit ba sa'kin ang tadhana dahil sumulpot naman sa harap ko ang Tres Marias. Napairap ako habang nakatingin sa kanila.
"You bitch! Hindi ko pa nakakalimutan kung anong ginawa mo kanina sa'min." ani Del Mundo.
"Yes! You will pay for that!" ani Santos.
"Any last wish?" ani Fernandez.
Nagtataka akong tumingin sa kanila. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa.
"Ano kayo power puff girls?" tanong ko dahil sa hitsura nila ngayon. "Can you please get out of my way? I'm in hurry" sabi ko pa.
Ngumisi si Fernandez, "Really? Busy?"
"Yes, ikaw hindi ka ba busy? Baka mamaya may booking ka kasama nung Sugar daddy mong Senador." Sagot ko dito.
She will slap me ng hawakan ko ang kamay niyang nasa ere at unahan siyang sampalin.
"Don't lay your dirty finger to me." malamig kong saad saka tiningnan ang dalawa pa niyang kasama at dinuro. "Don't test my patience. I told you bitches, I'm not my sister. I can be worst if I am provoked." Dagdag ko pa saka malakas na binitawan ang kamay ni Fernandez, sa gitna nila ako dumaan at binunggo pa ang mga balikat nila.
Narinig ko ang pagmura nila sa'kin pero wala akong pake. Mamatay sila sa galit.
"Ma'am." Bati ng driver namin sa'kin ng makarating ako sa harap ng kotse.
"We'll go to mall." Ani ko at pumasok na sa back seat. Sinarado naman nito ang pinto and umikot pasakay sa driver seat. Nang makapasok ito ay tiningnan ako mula sa rear-view mirror.
"Pasensya na po, ma'am ang bilin po kasi ng Mommy ninyo wala tayong pupuntahang iba kundi sa bahay." Aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Did I asked it?" tanong ko.
Umiling siya. "Then shut up. I need to buy something and I need for school so shut up." Ani ko sa kanya and sumandal sa upuan. "Mall. Or else aalis ako dito and I will take a cab to get there." Banta ko.
Sunod sunod naman ang naging tango nito at pinaandar na ang kotse. Humarap ako sa bintana at nakita ang Tres Marias na nanggagalaiti pa rin sa galit. I gave them a good bye smirked and then laugh in my head. Dang, they're so mad huh.
NANG makarating kami sa Mall ay pinasama ko sa'kin ang driver namin dahil kaylangan ko ng taga bitbit. Nagpunta kaming una sa NBS. I pick what I need for school. Of course, pati na rin ang kaylangan ni Blue.
Mad at her but you still care. Of course, we're sibling. She's the half of me.
Napatingin ako sa mga gamit na pang-journal. Ang sakit nila sa mata for sure, cute kay Blue 'to. Kumuha ako na tig-iisa pagkatapos naglakad na sa cashier. Nagbayad ako at pinadala yon sa driver ko na nakasunod lang sa'kin. Ayoko ng ganitong may nakasunod sa'kin pero kung mabubuwisit nito si Mommy. I will do it.
Sumunod naming pinasukan ay ang isang Boutique ng mga damit. I pick the one I want and of course, binayaran ko and pinadala sa driver namin. Madami pa kaming pinuntahan at binili sa kung ano anong boutique and shops bago ko napagpasyahang umuwi.
Napatingin ako sa driver ko na ngayon ay nauunang maglakad sa'kin. Kanina ko pa napapansin ang pagkapagod nito pero hindi naman nagreklamo. Huminto ako sa isang Shop at pumasok sa loob. I buy something and agad ring lumabas.
Dumating ako sa parking lot ay nag-aalala na ang driver namin.
"Ma'am." Aniya at kinuha ang dala ko.
"Let's go home." Ani ko at pumasok na sa back seat. Andito ang ibang mga paper bags at sure nasa likod ang iba. Pumasok naman agad ang driver at nagdrive na.
"Ma'am... saan ho kayo galing? Akala ko po ay nakasunod kayo sa'kin." Tanong niya at pasimple pang tumingin sa'kin.
"May binili lang sandali." Sagot ko at hindi na muling nagsalita.
DUMATING KAMI SA BAHAY AY nakita ko si Mom na nakaupo sa sala. Tinanguan ko lang siya saka dala ang mga binili ko pumanik na ako sa hagdan at natuloy sa kwarto ko. Ibinaba ko ang mga pinamili ko at pumasok sa banyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro