Chapter 24
Gooood evening!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
CHAPTER TWENTY-FOUR
MAAGA AKONG nagising kinabukasan kaya maaga rin akong nakapag-ayos para sa school. Gusto ko sanang pumasok kaya lang napigil ako ng mga kasambahay naming kung ano ano na naman ang pinagsasabi sa'kin. Hindi talag sila natatakot. Nice.
"Sweetie, aalis ako ngayon ha." paalam sa'kin ni Mom habang nagsusuklay ako ng buhok ko.
Nilingon ko siya. "Okay."
Ngumiti siya sa'kin at lumapit. "Sweetie, I know we're not that close but you know you can talk to me, right? I'm always here for you." Malambing niyang sabi.
Tinanguan ko ang sinabi niya at saka tumalikod na. hinarap ko ang laptop ko at duon itinuon ang atensyon. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at saka ang yabag ng paa paalis sa kwarto ko. Nang sumarado na ang pinto ay umayos ako ng upo.
If I ask you questions will you answer it?
I have so many questions about myself. There's so many things running inside my head, Mom. Like why I have different eye color? Why do I feel not belong to this family?
Gusto kong isigaw ang mga yon sa kanya dahil baka magsabi na sila ng totoo sa'kin pero hindi ko na tinuloy. Ayoko ng sabihin.
TANGHALI na ng mapagpasyahan kong bumaba,at habang nasa kalagitnaan ng hagdan ay napaisip ako ng isang kalokohan. Tinabig ko ang isang vase na regalo kay Dad ng isa niyang business partner. Lumikha yon ng ingay. Nagsitinginan sa'kin ang mga katulong na ngayon ay naglilinis sa sala. Tinaasan ko lang sila ng kilay saka nginisihan.
"M-Ma—"
Humarap ako sa nagtangkang magsalita at sinenyasan siyang tumahimik. Saka naglakad palapit sa TV sa sala. Tumingin ako sa kanila saka ngumiti at hinilan pahulog ang TV.
Umawang ang labi nila sa ginawa ko.
"Walang magpapahinga dahil marumi ang buong bahay." Malamig kong sabi saka hinulog ang mga bagay na mahahawakan ng kamay ko. When I saw how the living room mess, it gives me a little satisfaction. "There. It's messy too. Clean it." Madiin kong utos sa kanila saka nagtuloy sa kusina.
Nakita kong malinis ito kaya naman lumapit ako sa lalagyan namin ng mga plato. Kinuha ko ang mga iyon saka binagsak. Pati baso at mga spoon and fork. Nang matapos ako ay lumapit ako sa ref at kumuha ng isang box ng cookies.
Umupo ako sa ibabaw ng mesa at tinabig ang mga naka-design sa gitna non. Humiga ako sa ibabaw ng lamesa at tiningnan ang Chandelier na naka sabit sa taas.
"Kung sisirain kita, matutuwa kaya sila?" tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ng masama ang walang muwang na salamin.
Narinig ko ang pagkakagulo ng mga katulong dahil sa ginawa ko. Napangiti nalang ako habang nagiging musika sa pandinig ko ang mga pangamba nila. Tumayo ako at bitbit ang hawak kong cookies na lumabas ng kusina.
Pumanik ako sa kwarto ko at nag-isip ng susunod kong gagawin sa kanila. What if lasunin ko sila? Kidding. I don't want to go in jail. Not now.
Napatingin ako sa cellphone ng marinig kong mag-ring yon. Nakita kong si Blue ang caller. Sinagot ko ito.
"Yes?" ani ko saka kumagat sa cookie.
"Black! Bakit ngayon mo lang sinagot ang phone mo? You know I'm so worried!" malakas na sabi nito sa kabilang linya.
Napairap ako. "Don't overreact, Blue. I'm alive." Malamig kong sabi saka umupo sa kama ko.
"IIhhhh! I want to go home too. Hindi masaya dito kasi wala ka." Sabi niya pa.
"I'm not a clown para pasiyahin ka, Klyzia Blue." turan ko saka kumain ulit. "What did you call? I have so many things to do." Turan ko.
Nai-imagine ko na ang pagnguso nito sa kabilang linya dahil sa sinabi ko.
"I miss you that's why." Malungkot niyang sabi.
"And?"
"Arghhh! I don't want to talk to you. Don't you miss me?!" naiinis niyang tanong sa'kin.
I roll my eyes again. "Don't be childish, Blue. Wala pang one week tayong nagkakahiwalay. Hindi ka ba nagsasawang makita ako?"
"Duh?! How ako magsasawa? Eh kahit I look in a mirror I can see your face." Maarte niyang sabi.
"You now resolved your own problem, Blue. Tumingin ka nalang sa salamin." Sabi ko at binaba na ang tawag. Hinagis ko ang cellphone ko sa pinakadulo ng kama saka hinarap ang laptop ko. Naghahanap na kasi ako ng mauupahang apartment sa NY.
Gusto kong mag-dorm or magkaroon ng sarili kong apartment don. I want to be independent. While I was busy in scrolling my phone rang again. I tsk in annoyance. Blue really want to talk to me huh?
Instead of answering I get up and went to another room. There. I find now peace. Sumandal ako sa head board ng kama ko at ipinatong ang laptop sa hita ko pagkatapos ay pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ilang oras na akong nasa ganuong posisyon ng marinig ko ang boses ni Mommy.
Here comes the dragon.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko sa kabila at natawa ako dahil naimagine ko ang mukha ni Mommy habang naghahanap. Napailing ako saka sinarado ang laptop ko. I count twenty seconds at bumukas ang pinto sa gilid ko.
"What did you do, Klyzene Black?!" seryosong tanong niya habang nakapamewang.
"Do what?" maang-maangan ko.
Naningkit ang mata nito saka tinuro ang pinto na ang tinutukoy ay kung anong ginawa ko sa labas.
"Bakit mo sinira ang mga gamit natin? Huh?! Alam mo bang hanggang ngayon ay busy sila sa paglilinis dahil sa ginawa mo?!" sigaw niya.
Well, this is not the first time she shouted at me. Since I was a kid nagsasalitsalitan lang sila ni Daddy sa panenermon sa'kin. But when I turned 16, she change. Si Dad nalang ang hinahayaan niyang manermon saming magkakapatid.
"Tss. It's been five hours since gawin ko lahat ng yon. Hapunan na hindi pa sila tapos? Impossible." Turan ko saka tumayo sa pagkakaupo ko. sumasakit ang likuran ko.
"Yes! Imposible talaga! Hindi ako makapaniwala sa ginagawa mo. Nagrerebelde ka ba?! Wala naman kaming ginagawang masama sayo. I'm giving you everything---"
"YOU DIDN'T GIVE ME THE ANSWER I WANT!" pagsigaw ko na kinaputol niya. Tiningnan ko siya sa mata. "I want answers" madiin kong sabi.
Umaawang ang labi niya't naging mailap ang mga mata.
"If you really want to give me everything. Answer me. Why I'm different! Why?!" puno ng hinanakit kong sabi.
"You know it already. Nagkaroon ng—"
"I wont believe you! Wala akong naalalang napunta ako sa hospital." Ani ko. "Tell me the truth."
"Then don't! I tell you already. Nagkaroon ka ng aksidente. That's why." Aniya.
Tumawa ako ng pagak. "Ano yon? Dahil sa aksidente kaya napalitan ang kulay ng mata ko? Mom! Ako lang yung naiiba!" puno ng hinanakit kong sabi sa kanya.
She just look at me at tinalikuran ako. Umaawang ang labi ko at napaiyak. She didn't want to tell me the truth.
"WHY?!" malakas kong sabi pero umalis lang siya palabas ng kwarto ko. Napaupo ako at sumandal sa kama ko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas. Tumayo ako at binuo ang aking sarili. Hindi ako pwedeng magpatalo lang sa ganito.
Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko at lahat ng gamit na kaylangan ko pagkatapos ay lumabas na. Bumaba ako ng hagdan at lumabas ng kabahayan. Naglakad ako para makalabas ng subdivision.
Sinuot ko ang earphone ko at naglakad na palayo. Habang nasa labas ako ay iniisip ko kung paano ba ako naaksidente noon. Anong nangyari? Bakit wala akong maalala? Napahinto ako sa paglalakad ko ng makaramdam ako ng sakit sa ulo ko.
Inalog ko ang ilo ko para mawala sana kahit papaano ang sakit pero mas lalo itong sumakit. Unti-unting umikot ang paningin ko at ang huling naalala ko ay ang paghihintay na bumagsak ang katawan ko sa semento.
"YOU FINALLY AWAKE, HUH"
Lumigon ako sa nagsalita. Kumunot ang noo ko sa kanya. Nang magising ako ay nasa loob ako ng hospital. Gustuhin ko mang umalis ay hindi pwede dahil may bantay sa labas ng kwarto ko.
"Who are you?" tanong ko saka bumangon. Inalis ko na kanina pa ang dextrose na nakakakabit sa'kin dahil ayoko non.
Ngumisi ang lalaki. "How you feeling?" tanong niya sabay lapit sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Matigas ang English nito at makikita ang pagkakaroon ng ibang lahi. Ang panga nito ay matalim, katulad ng mata nitong kakaiba kung tumingin. Ang kilay ay makapal at ang ilong ay matangos. Ang labi niya ay makapal.
"I ask you first. Who are you? Where I am?" mataray kong turan sa kanya pero para siyang walang narinig dahil sa inakto nito. Lumakad ito palapit sa isang lamesa at kumuha don ng isang mansanas.
"Are you deaf or something?" tanong ko dito.
Nilingon niya ako at nginitian. Lumabas ang pantay pantay at maputi nitong ngipin.
"No I'm not." Lumakad siya palapit sa'kin at pinakita ang mansanas pero tiningnan ko lang ito. "Do you want some? Or you want another one?"
Inilingan ko siya. "Answer my question. Who are you? Where I am?" tanong ko.
"I'm no one and you're in a hospital. I saw you like fainting a while ago." Sagot niya at kinuha ang kamay ko. Inilagay niya sa palad ko ang mansanas saka ngumiti. "Eat."
Tinaasan ko siya ng kilay saka binawi ang kamay ko sabay hagis sa malayo ng mansanas.
"I don't like apples. I want to go home." Matigas kong sabi saka nag-cross arm sa harap nito.
Nagkibit balikat ito. "It's not my problem anymore. And you cant go home. We need to know why you faint." Aniya saka tinalikuran ako.
Nilingon ko ang nilabasan nitong pinto saka ngumisi. I like that guy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro