Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Enjoy Reading!

CHAPTER TWENTY-THREE

HINDI ko alam kung ilang minuto na kaming nasa ganuong posisyon ni Hunter. Tumigil na ako sa pag-iyak at kalmado na ako pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Para bang takot siya bitawan ako at baka umiyak akong muli.

Inilayo ko ang katawan ko sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Ngayon ko lang napansin na mahab pala ang buhok nito, hanggang balikat niya. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, makapal rin ang kilay. Malaki ang katawan at para bang batak sa pagw-work out.

And why are you checking him out, Klyzene Black? Are you nuts?! Ani ng isang bahagi ng utak ko. nag-iwas ako ng tingin.

"Are you okay now?" tanong niya.

Tumango ako at kinuha ang cookies na nasa tabi ko. Kumagat ako don.

"That's good then. I promise babawi ako sayo, Klyzene. If I need to do whatever you want I will gladly do it." Aniya, tumingin ako sa kanya. Matiim lang din siyang nakatingin sa'kin.

"And your green eyes suits you." Dagdag pa niya.

He smiled at me...

H-He smile.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Dahan dahan kong naibaba ang hawak kong cookie dahil sa hindi maipaliwanag na tibok ng puso ko. Hindi mabilis dahil sobrang bilis. Para akong kakapusin ng hininga habang nakatingin ako sa kanya. What the heck is this?!

Tumaas ang kamay niya at unti-unting lumapit sa'kin. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng daliri niya sa gilid ng labi ko. Umawang ang labi ko. Ginalaw niya ito na para bang may inaalis. Narinig ko ang boses ni Mom kaya mabilis akong natauhan.

Tumayo ako at lumayo kay Hunter na nakatingin sa'kin. Iniwas ko ang tingin ko at mabilis sinuot ang sinelas ko. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa'kin pero hindi ko na pinansin. Tumakbo ako papanik sa kwarto ko at ini-lock iyon.

Sumandal ako sa pinto at humawak sa dibdib ko.

"What is that huh?!" mahina kong asik sa puso ko. "Why are you beating like that?!" naiinis ko pang dugtong. Naalala ko na kay Sir Nat ko lang 'to nararamdaman. Napalunok ako at humawak sa gilid ng labi ko na dinampian nito kanina.

Nararamdaman ko pa rin ang daliri niyang gumagalaw doon.

"KYAHHH!!!!!!!!!!!" naiinis kong sigaw at nagpapadyak. "Damn him! Damn him!!!!!"

Padabog akong naglakad papunta sa kama ko at humiga. Kinuha ko ang isang unan at tinaklob ko sa mukha ko at nag-sisigaw. Ramdam ko pa rin ang init ng katawan niyang nakayakap sa'kin. Siya lang ang lalaking nakayakap sa'kin na hindi ko naman kaano ano. Nakakainis siya! Naiinis ako!

Bumangon ako at hinagis ang unan ko sa kung saan dahil na inis. Nakaka-asar!

Matalim akong tumingin sa pinto nang may kumatok doon. Hinintay ko kung mag-sasalita.

"Klyzene, hija, are you okay?" tanong ni Mommy.

Nakahinga ako ng maluwag, "Yes, mom. I'm okay." Mahina kong sagot at humiga sa kama ko.

"Hmm... dito na magd-dinner si Hunter, sweetie, so ipapatawag nalang kita mamaya ha." aniya.

Kunot noo akong tumingin sa pinto. Mabilis tumayo at binuksan iyon. Nasa harap pa si Mom at akmang tatalikod.

"Why?! Wala ba siyang bahay?! Bakit dito pa siya makikikain?" naiinis kong tanong saka nagpapadyak. "Paalisin niyo na siya. Wala naman dito yung kaldero niya!"

Humarap ako kay Mom at nakita kong nagulat ito. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"Y-You... speak tagalog?" tanong niya na para bang hindi siya makapaniwala.

Tumango ako. "Ma, I'm a Filipino. Of course I will speak in Tagalog. It's my first language." Ani ko at sumandal sa pinto ng kwarto ko.

"And you also have an expression. You get mad." Aniya pa.

"What?" naguguluhan kong tanong pero hindi ko na hinintay ang sagot niya. "Mom, I wont eat dinner. Nabusog na ako sa cookies. I will do my home works so don't bother me here." Ani ko at pumasok na sa loob. Sinarado ko ang pinto at ini-lock ulit yon.

HUNTER'S P.O.V.

NAPAILING NALANG ako habang sinusundan ang likod ni Klyzene na papasok sa loob ng bahay nila. Tinawag ko siya kung lilingon ba siya pero hindi na naman ako pinansin. Ngumiti ako at bumaba ang tingin ko sa mga cookies nitong naiwan.

Kinuha ko yon at kumuha ng isa, kinagatan ko at wala sa sariling napatingin sa kinagatan ko. I remember her eating it with no expression but deep inside she's enjoying it.

"Hunter, dito ka na kumain." Alok ni Tita nang makapasok ako ng bahay.

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi na po. Gabi na po---"

"I will not take no for answer. It's a yes or yes." Malokong sabi ni Tita.

Napailing ako at tumango. Mukhang may pinagmahan rin ang mga anak ni Tita. Alam ko na kung kanino.

"Okay Tita. It's a yes." Sagot ko.

She smile sweetly to me. I suddenly think of Klyzene. Paano siya ngumiti? Kung namana rin ba niya ang ngiti ng Mother nila because Klyzia have her Mother's smile. She smile so warm.

"Good. I will tell it to Klyzene. You can wait sa sala, watch TV or something. Just feel at home." Aniya pa. Tumango ako.

Umalis na siya at nagpunta sa sala. Si Tita ay nakita kong pumanik at pupuntahan siguro si Klyzene. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Sa totoo lang ay madalang ako mapunta dito, madalas ay doon kami sa bahay ni Benj o kaya sa Bar ni Henry magkikita kita.

Lumapit ako sa isang portrait na nakasabi sa pader. Ang kambal ang nakapinta doon. Sa tingin ko ay nasa 10 to 12 years old sila sa picture. Ang pinagtataka ko lang ay kulay asul ang mata niya dito. Nakangiti pero hindi umaabot sa mata. Halatang pilit.

Tiningnan ko pa ang ibang mga pictures nila. Lahat asul ang mata ni Klyzene. Bakit? Bakit kaylangan niyong itago sa kanila ang totoong kulay ng mata ni Klyzene? Anong tinatago ninyo?

Kinuha ko ang isang picture ni Klyzene. Yung solo niya lang. napansin ko ang ibang tingin niya dito. I want to make her happy. Wala sa sariling turan ng isip ko.

"Maganda ka sana, kaya lang bakit malungkot ang mga mata mo? Bakit kaylangan nilang itago ang maganda mong mga mata?" mahina kong turan.

Pumikit ako at inalala ang magandang ngiti ni Divine. Napangiti ako. She can remove the pain that I'm feelings. She's always with me. She always lifting me up when I know I'm nothing.

Ilang sandali pa akong nakapikit bago dumilat. Ibinaba ko ang hawak kong picture frame. Lumapit ako sa couch at kinuha ang bag ko na may lamang mga kagamitan. Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Maglalagay kasi ako ng mga surveillance camera at mga mini-microphone para marinig ko kung ano mang pag-uusapan nila.

Mabilis ang ginawa kong pagkilos dahil baka bumaba si Tita. Nang matapos ako ay napangiti ako. Sa ngayon ay itong first floow nalang muna, sa susunod nalang ang second floor.

Bumaba si Tita nang hagdan at namumutla ito. Mabilis ko siyang nilapitan at inalalayan.

"What happened Tita? You're pale." Puna ko at hinila siya pauwi sa sofa. Umupo naman ito. Tumingin siya sa'kin.

"Klyzene." Mahina niyang sabi.

Kumabog ang dibdib ko. "Bakit, Tita? What happened?" tanong ko habang nakatingin sa second floor na para bang nakikita ko doon si Klyzene.

"I saw her emotions. Nagalit siya." Aniya.

"H-ha?"

Tumingin sa'kin si Tita. "Hunter, for the first time, I saw her letting her emotions out." Ngumiti siya. "After how many years." Dagdag pa niya.

"Is it bad?" hindi ko maiwasang itanong.

She shook her head. "No. magpapa-fiesta ako, Hunter! Magpapakain ako sa mga tao!" aniya pa at tumayo.

What happened?

Umiling nalang ako at kinuha ang cellphone ko. I check the camera I install at nang makitang gumagana naman ay mabilis kong isinara ang phone dahil baka may makakitang ibang tao. Nasa home screen na ako ng phone ko at wallpaper ko don ang picture ni Divine.

Bumigat ang pakiramdam ko nang makita ang mga berde niyang mga mata.

"I miss you, babe. I miss you so much." Turan ko at hinalikan ang larawan niya. I will never love someone else except her. She have my heart and she will have it forever.

KLYZENE'S P.O.V.

"I MISS YOU, BABE. I miss you so much." Narinig kong sabi ni Hunter habang hawak ang phone nito.

Napalunok ako at tiningnan itong muli sa ibaba. Nandito ako sa second floor at nakatago sa gilid ng pader. Sinundan ko Mom at narinig ko rin ang sinabi nito kay Hunter.

So... he have a girlfriend huh. Alam kaya ng girlfriend niya ang mga pinaggagawa niya? I doubt it. I know he's keeping it secret. Tsk. Maybe his girlfriend is now out of town or malayo sa kanya kaya puro kalokohan ang mga ginagawa.

I'm sure kapag sinumbong ko siya, iiwan na siya ng girlfriend niya. Bakit naman kasi ang mga lalaki napaka babaero? Damn.

Napairap ako. Tumalikod ako at naglakad papasok sa kwarto ko. Sinarado ko ang pinto. Lumapit ako sa pinto sa common room namin ni Blue at pumasok don. I kinda miss her loud voice. Sobrang tahimik ng bahay kapag wala siya.

Lumapit ako sa table nito at tiningnan ang mga gamit doon. Napailing ako, napaka-daming mga gamit for stationaries. Kinuha ko ang isang journal niya doon. Mahilig mag-journal si Blue, I dunnu but she really believes in fairytale and happy ending.

Binuklat ko ang unang pahina. It's full of design pero mababasa mo pa rin naman ang nakasulat na "First Page", inilipat ako sa sumunod na pahina. Sa totoo lang hanga ako sa pagiging matiyaga niya dahil ako, hindi ko gagawin 'to. Siya araw-araw yatang naggagawa ng ganito. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro