Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 151

last chapter, next epilogue




CHAPTER ONE HUNDRED AND FIFTY-ONE

WE'RE HERE at the grocery para mamili ng supplies namin dahil magtatagal pa kami dito ng ilang araw. Kagaya ng naisip ko ay mamamasyal pa sina Zia at Mommy. Sasabay kasi kami pabalik kaya magi-stay na lang din muna kami dito.

Nakahawak ako sa braso ni Hunter na siyang nagtutulak ng trolley cart namin. Nasa may meet section na kami nang mapansin ko ang isang babae na kanina pa nakamasid sa'min ng boyfriend ko.

Kumunot ang noo ko.

Ito rin 'yung babae kanina sa isang aisle. Akala ko ay coincidence lang dahil isang supermarket lang naman 'to at talagang magkikita kayo ng mga mamimili ng maraming beses pero iba na yata ito.

Parang pamilyar sa'kin ang babaeng 'yon. Parang nakita ko na siya noon pero hindi ko alam kung saan.

Tumingin sa'kin ang babae at sumenyas na sumunod ako. Nanlaki ang mata ko. Hindi kaya siya 'yung babaeng nagme-message sa'kin kagabi?!

Hindi ko pa nga binubuksan ang phone ko para lang walang matanggap na message dito.

Tumikhim ako at tiningnan si Hunter na mamili ng mga bibilhin namin.

"Babe, magbabanyo lang ako sandali," paalam ko.

Bumaba ang tingin niya sa'kin. "Gusto mong samahan kita?"

Umiling ako. "Hindi na saglit lang din naman ako, eh. Tapusin mo na lang ang pamimili para maka-uwi na tayo."

"Okay. Mag-ingat ka, balik ka agad."

"I will!" Humalik muna ko sa labi nito bago tumalikod at saka sinundan ang babaeng kanina pa sumusunod sa'min.

Iba na ang pakiramdam ko. Para bang may nagpipigil sa'kin huwag na sumunod pero hindi naman matatahimik ang isip ko kung 'di ko 'to gagawin. Sasabihan ko lang na tigilan na kami tapos ay aalis na rin ako.

Instead na sa banyo pumunta ay nasa may backdoor na kami ng grocery. Tinulak ko pabukas ang pintuan at lumabas. Hinanap ko ang babae at naabutan ko 'tong nakatayo sa may dulo. Nakatalikod sa'kin.

Sinarado ko ang pinto. Lumingon muna ako sa likod bago lumapit sa babae.

"Why are you following us?" deretsiyong tanong ko dito.

"Hmmm..." lumingon ang babae sa'kin. Naka-cross arm siya. "Who say's I'm following you?" mataray nitong tanong.

Pinaglololoko ba ako ng babaeng 'to?

Ikinuyom ko ang kamao ko at tinaasan ito ng kilay.

"I saw you. You're checking out my boyfriend. When I saw you first in the vegetable area, looking again for my boyfriend, I didn't mind it, but you're still following us in the meat area. Why?" madiin kong tanong.

Tumawa ito ng mahina na kinataka ko. Baliw ba ang babaeng 'to?!

"What's so funny?" may bahid na inis kong tanong.

Tinuro niya ako. "Ikaw."

"Pilipino ka!"

"Oo."

Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Hindi mo naman halatang Pilipino ito dahil para siyang American. Kahawig niya si Cherie Gil.

Huminga ako ng malalim. Sinabi ko kay Hunter na sandali lang ako kaya bibilisan ko na dito. Tiningnan ko s'ya sa mata.

"Please, nakaka-intindi naman naman ng Tagalog. Stop following us, huwag mo na kaming sundan ng boyfriend ko dahil hindi nakakatuwa. Isang beses pa kitang makita ay tatawag na ako ng Police. This is the last time," saad ko bago tumalikod.

Binuksan ko ang pinto pero nagsalita ito bago pa man ako makaapak sa loob.

"Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko kagabi?"

Mariin akong pumikit. I knew it! Hinarap ko siya.

"Okay. Sinabi mo na rin naman. Ano ba ang gusto mong sabihin tungkol sa boyfriend ko?" Namewang ako.

"Sumunod ka sa'kin," utos niya at akmang tatalikod pero umiling ako.

Walang kakahitnan 'tong usapang 'to.

"No thanks. Kung ano man ang sasabihin mo sa'yo na. I rather ask my boyfriend about that--" I didn't even finish my sentence when I felt a sudden ache in my neck.

Naging doble ang paningin ko. Humawak ako sa leeg kung saan ko naramdaman ang sakit at nahugot ko do'n ang isang syringe. Napalingon ako. May dalawang lalaking nakatayo do'n at ang isang nakangisi sa'kin. Hinarap ko ang babae.

"B-bitch..." bumagsak ang katawan ko sa lupa, at bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang isang pares ng sapatos na palapit sa'kin pero hinarang ng mga lalaking nasa likod.

Ang huli kong nakita ay ang pagbu-bugbug ng mga ito sa taong 'yon.

H-Hunter...

------

NAGISING ako nang muntikan na akong malunod. Hinihingal na inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Nasa abandunadong lugar ako! Walang bintanang maaring labasan dahil lahat ay nakapako sa isang kahoy. May isang pinto. Nakakakadena mula dito sa loob.

May mga daga pa sa lapag. Nakakasuka ang amoy dito sa loob. May mga tubig sa gilid kung saan tumutulo ang tubig galing sa may tagas na tubo. Amoy ewan ang lugar na 'to. Pinaghalong kulob, patay na daga, imbornal ang lugar.

Nakakabaliktad ng sikmura ang amoy.

Ang cheap talaga ng kidnappers' maghanap ng mga lugar ng pagdadalhan. Hindi ba pwedeng sa isang malinis na lugar naman o kaya sa bahay na hindi sira-sira? Paano nila natatagalang mag-stay dito na ganito ang amoy.

Sige, Klyzene. Palakasin mo lang 'yang loob mo. Sariling sikap na 'yan. Sabi ng isang bahagi ng isip ko.

Ano naman kasi ang magagawa ng pag-iyak ko sa sitwasyon ko ngayon. Baka mairita pa sila sa'kin at patayin ako kapag gano'n. Dapat ay kalmado lang. Alam kong hahanapin ako ni Hunter. Hahanapin niya ako.

Napangiwi ako nang may malakas na sumampal sa'kin.

Humarap ako at tiningnan ng masama kung sino 'yon. At ang babaeng 'to pala. Katabi nito ang dalawang lalaking may hawak ng timba.

"Bitch!!" I shouted in anger.

She smirked at me. "I am!" Kinuha nito ang isa pang balde ng tubig at muling ibinuhos sa'kin.

Nanginig ako sa lamig dahil puro yelo ang nasa loob no'n. Masakit din sa balat.

"Ano bang kaylangan mo sa'kin!?" madiin kong sigaw.

"Ikaw kasi!" paninisi niya. "Gusto lang naman kitang kausapin ng maayos tungkol kay Hunter pero ayaw mong pumayag kaya ako nang gumawa ng paraan para magka-usap tayo," anito.

"Usap ba 'tong nakatali ako dito basang-basa?!" galit kong sigaw.

Mariin akong napapikit nang sampalin niya ako sa kanang pisnge ko naman.

"How dare you para sigawan ako! Wala kang karapatan!" she shouted angrily too.

Napalunok ako. Psychotic ang babaeng 'to. Baka kapag 'di ako nag-ingat ipapatay niya ako sa mga goons niya. Kaylangan ko lang siyang pagpasensyahan. For sure, hinahanap na ako ni Hunter ngayon.

Huminga ako ng malalim bago dumilat. Nag-angat ako ng tingin.

"Okay...lets talk like civilize people," alok ko. Huminga ako ng malalim bago itinaas ang kamay kong naka-cuffs. "Papakinggan kita, let me go. Ayokong makipag-usap ng ganito." pakikipag-negociate ko pa.

Sinuri niya muna akong mabuti kung may plinaplano ba akong masama kaya ngumiti ako ng matamis para mawala ang duda niya. Inirapan niya ako bago nag-cross arm. Ilang sandali pa ay sumenyas na ito sa isang tauhan na lumapit sa'kin.

Napangiti ako ng tagumpay sa isip ko. Tumayo ako at hinawakan ang magkabilang pulso ko. Hinilot ko ito. Muli kong inaral ang lugar. Kung sa bintana ako tatakas ay hindi ko alam kung ano ang babagsakan ko sa ibaba o sa labas.

Sa pinto lang talaga pwede para sure na mabuhay ako. Pero nasaan ang susi? Pasimple akong tumingin sa babae pero wala sa kanya. Baka nasa mga tauhan. Tumingin ako sa mga goons nitong payat. May taong nakatayo sa may pinto, siguro ay nasa kanya--

"Stop looking around. Umupo ka sa upuan para makapag-usap tayo!" galit na sigaw nung babae.

Umirap ako at sinunod ito.

May isang maliit na mesa sa gilid na mayroong apat na silya. May wine pa sa ibabaw ng mesa. Ano early celebration? Umupo ako sa isa, sa kaharap nito. Tiningnan ko siya.

"Ano munang pangalan mo? Kanina pa tayo magkasama pero ni hindi ko alam kung anong pangalan mo," ani ko.

Ngumiti siya sa'kin. "I'm Bea." Naglakad pa siya ng kamay sa harapan ko.

Gumanti ako ng ngiti pero sa isip ko ay iniirapan ko siya at pinapatay sa ngiti. Ang kapal ng mukha niyang alukin ako ng shakehands na para bang friends kami. Tinanggap ko ang kamay niya.

Sino naman kaya ang Bea na 'to? Wala naman akong kakilalang Bea...baka si Hunter. Isa kaya siya sa mga natulungan nito dati tapos na-obsess?

"I'm Klyzene--"

"I know."

"How did you know?" kunot noong tanong ko.

"It doesnt matter. Ang importante is 'yung sasabihin ko," anito.

"Okay."

She pouted her lips at nginitian ako. Alam mo 'yung ngiting hindi mo mapapagkatiwalaan? Gano'n.

"I like Hunter, iwanan mo siya dahil bata ka pa. Madami pa diyang iba," sabi ng babae sa friend na tono pero ramdam mo ang pag-uutos sa paraan ng pagsasabi niya.

Natawa ako ng mapakla.

Ang kapal naman ng mukha niya para utusan akong layuan ang lalaking mahal ko.

"Bakit naman kita susundin?" bored kong tanong.

Nginisihan niya ako. "Dahil buntis ako. May nangyari samin ni Hunter nung nasa Pilipinas pa siya. He cheated on you," competitive nitong sabi.

Ikinuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng mesa.

"Ah...okay," tipid kong sagot.

Kumunot ang noo ng babae at nagtatakang tumingin sa'kin.

"Okay?" Taas kilay niyang tanong.

"Yes, okay. Okay lang sakin ang istoryang ginagawa mo. Actually, papatok yan as a book. The title is 'Ang malanding kabit na mas matapang pa sa Original' or pwede rin namang 'Makapal ang mukha', o may isa pa, 'kabit na mukhang may lawit," mahabang lintanya ko sa kaniya

Namula ang mukha ng babae habang nakatingin sakin. Umuusok na ang ilong niya sa galit.

Nagbunyi ang loob ko. Ganyan nga. Magalit ka hanggang gusto mo, sira-ulo!

Kinuha ko ang wine sa ibabaw ng lamesa at inikot ikot ang laman non. Seryoso ko siyang tiningnan sa mga mata.

"Tanga ba ang tingin mo sakin? Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Hunter prove himself to me many times already. That's why what you're saying is unbelievable. I will not leave my man for other woman. Humanap ka ng sayo," madiin kong sabi.

Natigil ako sa paglalaro ng wine nang hampasin ng babae ang lamesa.

Napuno ng galit at puot ang mga mata nito.

"AKO ANG NAUNA SA KANIYA!! AKO!!! Sa tingin mo bakit ko siya siniraan sa Papa ni Divine?! Sa tingin mo bakit ako natuwa nung namatay si Divine?! Kasi mahal ko siya!!! Dapat sakin siya!!! Akin lang si Hunter!!!!" Malakas niyang sigaw sakin.

Umawang ang labi ko.

She-She's Divine's friend?!

"S-siniraan mo si Hunt--"

"Oh yes!!! Ako ang magsabi kay Tito na kasalanan ni Hunter ang lahat! Ako!! Kasi ayoko silang--"

Hindi ko na pinatapos ang babaeng to sa pagsasalita at sinaboy sa kaniya ang wine sa basong hawak ko. Umawang ang bibig nito at gulat na tumingin sakin.

Nakatiim ang bagang ko. Padabog kong binitawan ang hawak na baso at sinampal siya. Siguradong malakas iyon dahil namanhid ang palad ko.

"Ang kapal ng mukha mo! Nanira ka na nga ng buhay nang may buhay! Toxic ka pa! Baliw ka na!" Inalis ko ang tingin sa kaniya at kinapa ang cellphone sa bulsa ko, "I will call the police--"

"You will not do that."

Nag angat ako ng tingin.

Tinambol ng kaba ang dibdib ko.

May hawak siyang baril at nakatutok yon sa'kin.

Lumunok ako at dahan dahang lumayo sa kaniya. Humigpit ang hawak ko sa cellphone sa likod ng pants ko.

Nginisihan niya ako.

"Kung hindi rin lang mapupunta sakin si Hunter...walang makikinabang sa kaniya," nababaliw nitong sabi.

"H-huminahon ka," umpisa ko. Gamit ang kamay sa likod ay nah dial ako ng number. "Don't do this. Papatawarin kita at kakalimutan ang ginawa mong ito basta bitawan mo ang baril," pangungumbinsi ko sa kaniya.

Tinawanan niya ako at sinundan. Nakatutok sa tapat ng dibdib ko ang baril.

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?" Mapanuyang tanong niya. "Ilang taon kong hinintay si Hunter. Lihim akong naakasuporta sa kaniya dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero ikaw!! Sumingit ka na lang! Inagaw mo siya sakinn!!" Galit na galit niyang sigaw.

"SINIRA MO ANG LAHAT! SINIRA MO!!!!"

Nanginginig akong umiling.

"Wala akong inaagaw--"

"Sinungaling!!!!! Kung hindi mo siya inagaw sana hindi ka humingi ng tulong sa kaniya"

Nanigas ang katawan ko.

"Paano mo nalaman yon?" Mahinang tanong ko

Nakakatakot siyang ngumisi sakin.

"I followed him everywhere he goes. I always check if theres someone na mapapalapit sa kaniya. And i saw you! Nilandi mo siya! Tumira ka sa bahay niya!!!!"

Umawang ang labi ko.

"Kaya sinundan na din kita. Ikaw! Ikaw!!!! Wala ka namang kwenta pero bakit mahal ka niya?!! Sinubukan kitang gayahin, dahil baka bata ang gusto niya pero hindi!!! Walang gumana!!!"

"You're crazy," mahinang saad ko.

Ibig sabihin ay totoong may nakamasid sakin noon? Hindi lang imagination ang pagkakaroon ko ng feeling na para bang may nakatingin sakin kahit saan ako magpunta. Hindi siya ang tinutukoy na bodyguard ni Hunter.

"Kaya bago mo pa tuluyang agawin sakin ang mahal komg Hunter... Dapat ka ng mawala," malamig nitong sabi.

Tiningnan ko siya. Umiling ako.

"Please... Don't do this--"

Nakarinig ako ng ingay sa may pinto. Pabalik-balik ang tingin ko kay Bea at sa pintuan. Maari akong lumabas kapag naagaw ko ang baril sa kanya--

"Shut up, bitch! This is all your fucking fault! Kung hindi mo nilandi si Hunter, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito." Walang emosyon ang mga mata niya nang kalabitin niya ang gatilyo.

Tumuoon ang mata ko sa mata nitong walang halong pagsisisi sa nagawa.

Sumabay sa tunog ng baril ang isang sigaw na hindi ko na maintindihan dahil may unti-unting nakakabasang mainit na malagkit na likido sa'king damit.

Dahan-dahan akong napahawak sa tiyan ko. Malagkit....inangat ko ang aking kamay at nakita ang pulang likido.

Nanghina ang mga tuhod ko kaya ako napaluhod. Tiningnan ko siya.

Nakangisi siya sakin pero may dugong lumalabas sa bibig niya. Unti-unti rin siyang bumagsak sa lupa at ilang sandali pa ay wala nang buhay ang bababeng yon.

Nakadilat ang mga mata niya habang nakatingin sakin.

Nakarinig ako ng sunod sunod na mura, pati na rin ang mga yapak ng paa.

Narandaman ko na lang na may humangos sakin. Inunan niya ang hita niya para sakin ulo.

Mahina akong ngumiti.

"Y-You came..." Umubo ako ng dugo. Inangat ko ang kamay ko para haplusin ang mukha niya.

Nag-unahan ang mga luhang bumagsak sa mata nito.

Naramdaman ko ang pagtulong nito para pigilan ang pagdudugo ng sugat ko.

"B-baby... dont leave me. Hang in there, ha. The medic is here. I-I will bring you to the hospital. D-dont close your eyes," umiiyak na ani Hunter.

Hindi ko napigilan ang pag luha.

"D-don't cry," pagpapatigil ko dito. Kahit nahihirapan na akong magsalita ay pinipilit ko.

Ayokong makita siyang ganito. A-ayokong sisishin niya ang sarili niya...

"I-im sorry. This is all my fault. I-if..."

"Shh" umiling ako at saka umubo ulit. "That's her fault...n-not yours."

Bumigat ang talukap ng mga mata ko. Nanghihina na rin ako, dahil siguro sa mga dugong nawala sa'kin.

"I love you, babe. Dont sleep! Please!!! MEDIC!!!! CALL THE AMBULANCE!!" nahihirapan at nasasaktan nitong sigaw sa mga kasamahan.

Bumaba ang tingin niya sakin. Namumula na ang abo niyang mga mata dahil sa pagluha.

"Don't leave me...please" pagmamaka awa niya.

Hindi ako nakasagot dahil unti unti na ring umiikot ang paningin ko. I smiled at him and before I closed my eyes...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro