Chapter 149
CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-NINE
TWO WEEKS later since our engagement, umuwi kami ng Pilipinas para sa pamamanhikan ni Hunter. Sinundo kami sa airport ng mag-asawang Henry at Zia.
"I still can't believe na ikakasal ka na!!" nagtititiling sabi ni Zia nang makapasok kami sa sasakyan.
Tumawa ako ng mahina. "Me too." Bumaba ang tingin ko sa baby boy nito. magthre-three months old pa lang si baby. "Ang gwapo naman ng anak mo, Zia," puri ko.
Ngumiti ito. "Thank you! Ang daya nga, eh! Ako ang nagdala ng nine months tapos lahat nakuha kay Henry. Kulay lang yata nakuha sa'kin," may halong pagtatampong sabi nito.
"Is this your engagement ring?" Zia asked, itinaas niya ang kamay ko para makita ang singsing.
"Yes."
"It's pretty! 'Yung engagement ring na ibinigay sa'kin ni Henry before is color blue," anito.
"That's rare," puna ko.
Nanlaki ang mata nito. "I know, right! But I like your ring! It's Tiffany & Co., right?"
"Yap! How did you know?"
"I like ordering rings there. Nakakita na ko ng ganito noon sa shop nila," pagkwe-kwento niya.
"Wow! Ano 'yan nag-iipon ka na sa ipapamana mo kay Hardy?" pang-aasar ko.
Ngumisi ito. "Heirloom lang ang peg, pero why not. Sige. Mag-iipon akong rings ta's ipapamana ko sa mga anak ko hanggang sa apo."
Tototohanin naman nga yata nito ang biro ko. Umiling na lang ako at hinaplos ang ulo ni baby. Ang cute-cute niya. Ang sarap panggigilan!
"Isa lang ibig sabihin no'n, si Henry ang mas nasarapan!" natatawang sabat ni Hunter na naka-upo sa may passenger seat.
Nakita ko ang pag-ngisi ng lalaki.
"Syempre, ako ang napagod kaya dapat lang kamukha ko ang bata," birong anito.
Napa-urong ako ng batuhin nito ng lampin si Henry na tumawa naman.
"Joke lang naman, honey ko!" ani ng lalaki habang nakatingin sa kakambal ko mula sa rearview mirror. Pabiro itong tinawanan ni Zia.
"Kung ikaw lang din ang makakamukha, wag na nating sundan si Hardy. Only child na lang siya," pananakot ni Zia dito.
"Misis ko, joke lang! Wag namang ganiyan! Paano na 'yung basketball team natin?"
"Hmp!" nilingon ako ni Zia. "Gusto mong buhatin si Hardy?"
"Pwede?" nanlalaking matang tanong ko.
Ngumiti siya sa'kin tsaka sunod-sunod na tumango.
"Oo naman. Ganito oh," turo niya. Ginaya ko ang paraan ng paghawak nito sa bata. Umawang pa ang labi ko dahil ang lambot ni baby Hardy. Nakakatakot na ba mapisa ko siya.
"Ang liit niya," mahina na puno ng saya at takot kong wika. Tiningnan kong mabuti ang mukha ng baby, payapang natutulog. Paminsan-minsang kumukunot ang noo nito o kaya naman ay icru-crunch ang ilong.
Napangiti ako.
"Ayan...kuha mo agad, Zene. Nagsasanay na ba sa future baby niyo ni Hunter?" malokong tanong nito.
Nginisihan ko siya.
"Hindi pa namin napapag-usapan," honest kong sagot. "Pero kung darating edi, okay lang, kung hindi naman, okay lang din."
"You will be a wonderful mother, for sure, Zene," nakangiting ani Zia.
Natigil ako sa pagtitig sa mukha ng bata. Tiningnan ko lang din siya. Na-touch naman ako sa sinabi niya. Ngumiti ako.
"Ikaw rin naman. Look at Hardy now, naalagan mo siyang mabuti. Ang taba-tabang bata!" pinanggigilan ko ang braso nitong nakalantad.
"Wag mong pisain, Zene, kakagatin ko pa 'yan," pagbibirong pigil ni Henry.
"Magtigil ka nga, Henry! Akala mo nakalimutan ko na 'yung kagat mo sa bata? Hindi pa!" asik ni Zia dito.
"Sorry na, honey. Di ko na uulitin."
"Hindi mo na talaga mauulit!"
Inalis ko ang tingin ko sa mag-asawa at binalik kay baby Hardy ang atensyon. Siguradong paglaki nito ay madaming babaeng magkakandarapa para lang mapansin niya.
Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ang mainit na tingin sa'kin.
Nagtama ang mata namin ni Hunter. Maagan siyang nakatingin sa'kin, nginitian ko siya. Gumanti naman ito ng ngiti.
"I love you." He mouthed.
"I love you too."
------
TANGHALI na nang makarating kami sa bahay. Kinuha ni Hunter ang maleta namin. Pumasok kami sa bahay.
"Sweetie!" tawag ni Mom na saktong lumabas ng kusina.
Ngumiti ako sa kaniya at sinalubong siya ng yakap na ginantihan naman ng Ginang.
"I'm so glad umuwi kayo! Are you hungry? Kumain muna kayo bago magpahinga," aniya pagkahiwalay sa'kin saka tumingin sa likuran ko kung saan nakatayo si Hunter.
"Magpapahinga muna kami, Mom. Napagod po kami sa byahe," magalang kong sagot.
She nod.
"Okay! Umupo muna kayo at magpapadala ako ng juice. Tatawagin ko ang Dad mo," anito. Akma siyang tatalikod nang humarap ulit. "Nasaan ang kakambal mo?"
Tumingin ako sa second floor bago dito.
"Nasa taas po. Inilagay muna niya si Hardy sa crib dahil nakatulog kanina."
"Okay. I will be right back!" Sinundan ko ng tingin si Mommy hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Umiling ako saka nilapitan ang fiance ko. Inikot nito ang braso sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. Itinukod ko ang isang kamay ko sa dibdib niya para magkaroon ng space sa pagitan namin.
"How are you feeling?" medyo kinakabahan kong tanong dito. Paano kasi ay hindi nakatulog ang lalaki kahit nasa eroplano kami. Nago-overthink yata.
Hinalikan niya ako sa noo.
"Galit ba ang Dad mo nang makausap mo siya?" tanong nito instead.
Tumawa ako ng mahina. "Don't tell me takot ka kay Dad?"
Nag-iwas siya ng tingin sa'kin na kina-iling ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Lagot ka. Dalawa pa naman ang father ko. Paano na 'yan?" pang-aasar ko pa sa kaniya.
Inirapan niya ako. Ibinuka niya ang bibig niya dahil may sasabihin ata ito pero 'di na niya naituloy dahil may tumikhim sa likuran namin. Sabay kaming lumingon.
Sina Dad.
Ngumiti ako sa kanya. Pinakawalan ako ni Hunter. Lumapit ako kay Dad at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
Naghiwalay kami.
"Mas gumanda ka yata ngayon, Zene. Look at you. You are glowing," anito.
Napatawa ako.
"Bolero!" inakbayan ako ni Dad. "Who says na binobola kita? Ang ganda mo, anak."
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi habang nakatingin dito. Nakangiti akong tumango bago hinila ang mga magulang ko palapit sa couch. Pina-upo ko sila sa mahabang couch.
Samantalang magkatabi kami ni Hunter sa pang-isahang upuan sa gilid. Bumaba na rin ang mag-asawa sa hagdanan.
"Darating po ba si Kuya Jake?" tanong ko pagkaraan ng ilang minuto.
Tumango si Dad pero si Mom ang sumagot.
"Oo, may inaasikaso lang. Mamayang gabi ay uuwi dito ang kapatid mo kasama si Jaime."
"With Katherine?" mapakla kong tanong.
"Katherine is busy shopping in Paris with her bitchy sister Daisy," sagot ni Zia nang maka-upo ito sa katapat kong upuan.
I frowned.
"Really?"
"Yes! Inuubos niya 'yung pera for Jaime! Ang kapal, 'di ba?" Umirap si Zia.
"She's still the mother of your nephew, Sweetie. Don't bad mouth her," pangaral ni Mommy.
"As if naman nagpapaka-ina siya, Mommy. Tingnan mo nga. Iniiwan niya 'yung anak niya para mag-shopping at mag-gala."
"Let's not talk about them, can we? This day is for Klyzene and about her up coming wedding. Huwag na nating pag-usapan ang mga taong 'di naman kasali," biglang singit ni Dad na kinatigil ni Zia.
Tumango ito.
"Sorry," she said to me.
"It's okay," sagot ko bago tumingin dito. "Nga po pala. Ang sabi ni Papa ay dito gagawin ang pamamanhikan ni Hunter. Sila na lang ni Kuya Ivan ang pupunta."
Hindi makapaniwala ang mukha nila Mommy sa sinabi ko.
"He...said that?" Mom asked.
"Yes. Dad does not want me to choose kung saan gaganapin ang pamamahikan kaya po he dicided na dito na lang."
Nagkatinginan sina Mom at Dad. Nakita ko pa ang pagpatak ng luha sa mata ni Mommy nang tumingin siya sa'kin.
Napalapit ako sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kamay.
"Why are you crying?" mahina kong tanong sa kanya.
She forces a smile. "I-I feel guilty...for everything!" bulalas niya.
"Mom..." tawag ni Zia.
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"After all those lies I fed him...he still picks to forgive me. Tapos--"
I didn't let her finish at niyakap ko siya ng mahigpit. I know what does it feel. Naramdaman ko na rin iyon.
"Don't be sad, Mom. We can make bawi naman to him. Cook him a good dish for tonight, and say thank you," ani ko.
"We will talk to him later, Zene. Don't worry," pangako ni Dad.
Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay at pinisil 'yon.
"Cut!! Ang galing niyo, guys! Pack up na tayo! Next scene!" sigaw ni Zia dahilan para magkahiwalay kami.
Nilingon namin siya. Naka-upo ito na para bang isang director at si Henry naman ay ang siyang camera man! Si Hunter ay may hawak na walis tambo na kinuha pa yata sa maid dahil may kasambahay na nakatayo sa gilid.
Mga loko!
"Ang galing ng nakuha niyong artista, team! Ang galing umarte!!" pagbibiro pa nito.
Napatawa ako nang lumapit si Henry at kunwaring iclinose-up sa mukha ko ang camera-ng kamay nito.
"Direk, close up pa?" malokong tanong nito.
"Konti pa! Gusto ko makita 'yung luha!"
Tumayo ako at lumpit kay Zia. Si Mom ay nagpunas ng luha samantalang si Dad ay tumikhim. Tatawa-tawang naglapit ang dalawang H. Pinandilatan ko si Hunter kaya napatigil.
I look at my sister.
She really knows when she is needed.
-----
PAGKATAPOS ng 'Drama' kanina ay inaya kong magpahinga si Hunter sa kwarto pero tumanggi ito. Aalis daw muna siya dahil bibili ng ireregalo sa parents ko para mamayang gabi. Hinayaan ko naman siya dahil alam kong gusto niyang magpapapel.
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Hindi ko akalaing pag-uusapan na ang kasal ko mamayang gabi. Parang kelan lang kasi ay galit pa ako sa kanya tapos ngayon siya pa ang groom ko.
Mukhang totoo nga ang kasabihang 'The more you hate, the more you love,' because I never entertain the thought of Hunter being my husband, but look at us now.
Tumingin ako sa pinto nang may kumatok. Ilang sandali pa ay bumukas 'yon. Pumasok si Kuya Jake. Bumangon ako at nginitian siya.
"Am I disturbing you?" tanong niya.
Umiling ako. I tap the side of the bed near me. Do'n umupo si Kuya.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Kadarating ko lang din. Ikaw kanina pa kayo? Hindi ko yata nakita sa ibaba si Hunter," puna niya.
"Lumabas. May bibilhin daw. Before lunch nandito na yata kami," tipid kong sagot.
Tumango si Kuya at tiningnan lang ako.
I feel conscious. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
Kumunot ang noo ko nang tumaas ang kamay ni Kuya at ginulo ang buhok ko. Wala akong maalam sabihin. Pinapanood ko lang siya. Pinag-aralan kong mabuti ang mukha nito.
Simula nang umalis si Alex ay nag-iba na si Kuya, kung dati'y seryoso lang ito. Ngayon naman ay naging malungkutin. Palaging lasing at halata mong napabayaan na ang sarili dahil sa pagsusubsub sa sarili sa trabaho.
"I cannot believe it...ikakasal ka na," sabi nito. "Ang bilis ng panahon. Noon ay nakakapit pa kayo sa'kin para ipagluto kayo ng pagkain pero ngayon may iba nang gagawa no'n para sa inyo."
Nag-init ang mga mata ko.
Pilit siyang ngumiti sa'kin.
"Are you happy, Klyzene?" seryosong tanong niya.
Sunod-sunod akong tumango.
"Sobrang saya, Kuya."
Pumatak ang isang luha sa mata ng lalaki saka pumikit ng mariin sabay tango. Dumilat siya.
"Zene, sorry." aniya.
"Kuya--" pagtawag ko sa pangalan nito kasi parang alam ko na kung anong sasabihin niya pero inunahan niya ako.
"Sorry," anito. "Wala akong magandang reason sa mga nagawa ko noon sa'yo...I can just say sorry dahil 'di ko na mababago ang nakaraan. I'm sorry, Klyzene, hindi ako naging mabuting kapatid sa'yo kaya tanggap ko kung may sama ka ng loob sa'kin. Okay lang."
Kinuha ko ang kamay nito.
"That's all in the past, Kuya. Napatawad ko na po kayo lahat kahit hindi pa kayo mag-sorry. I want to say let's forget it na lang but I can't because we can learn a lesson there. Now, we can be a better persons," mahabang wika ko.
Ngumiti siya sa'kin at niyakap ako. Gumanti naman ako.
"If Hunter will hurt you...tell me, Black. I will wring his neck."
Nangiti ako. "Don't worry, Kuya. I can do that myself."
Tumawa kami at dumaan ang katahimikan.
"Kaylan kayo nag-umpisang mag-usap ni Hunter? Bakit 'di ko alam?" tanong nito.
Natawa ako.
"Busy ka kasi kay Alex no'n kaya 'di mo alam!" ani ko.
Nahinto ang akmang ngiti ni Kuya. Pumalit ang lungkot sa mga mata nito.
"Sorry, Kuya..." ani ko.
Umiling siya. "It's okay. Tanggap ko naman nang wala na si Alex. Hindi ko alam kung makikita ko pa siya," malungkot nitong wika.
Bumuntonghininga ako. Kasalanan talaga 'tong lahat ni Katherine, eh! Kung hindi pa sana siya bumalik, edi sana mayasa ang buhay ni Kuya. Sana hindi siya iniwan ni Alex.
"Makikita mo rin siya, Kuya. Tiwala lang," pagpapalakas ko sa loob nito.
"Sana nga. Sana. Hindi naman ako tumitigil sa paghahanap."
Tinapik ko siya sa braso bago niyakap.
Saktong six o'clock ay nag-ready na ako para mamayang hapunan. Nasabihan na rin kasi akong nasa ibaba na daw sina Papa at Kuya. Ang hinihintay na lang ay ako at si Hunter.
Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin kung maayos na ba. Ang suot ko kasi ay gray na dress at hanggang hita lang ang haba no'n. Mukha ba akong a-attend sa burial sa hitsura ko? Hindi naman yata.
Inayos ko ang buhok ko sa huling pagkakataon bago lumabas ng banyo. Nagpabango muna ako bago bumaba sa sala kung saan sila naghihintay
Lumabas ako nang kwarto at tinungo ang hagdan. Bumaba ako. Nasa gitna pa lang ako nang hagdanan nang marinig ko ang halakhak ng isang baby. Napangiti ako.
Gising yata si Baby Hardy.
Binilisan ko ang pagbaba para makasali sa kanila. Napatigil pa ako sa huling baitang dahil sa nakita ko.
Masayang pamilya.
Ang sarap pala ng ganito sa feeling. 'Yung may peace kayo. Walang nag-aaway or nagbabangayan. Napatigil sa pagsasayaw kay Hardy ang kakambal ko nang mapansin ako. Nginitian niya ako.
"Kanina ka pa diyan?" tanong niya nang makalapit sa'kin.
"Medyo," sagot ko at tiningnan ang baby niya.
"Ang saya nila hano?" tukoy nito sa mga matatanda. Tumango ako.
Mukha ngang 'di nila ako napansin dahil busy pa rin ang mga ito sa pag-uusap-usap.
"Akala ko dati pag nagsama si Daddy at si Uncle ay magkakagulo pero look at them. Akala mo matagal nang magkakilala," pagbibiro nito.
"Same. Tingnan mo nga't si Mommy ang naiiwan sa usapan nila,' nginuso ko si Mom na umiinom ng juice.
Tumawa si Zia. Bumaba na ako sa baitang at kinuha sa kanya ang gising na gising na si Hardy. Mag-baby na kaya kami after the wedding? Kidding!
"Wala pa ba si Hunter?" tanong ni Henry na yumapos sa asawa.
Umiling ako.
"Nasa byahe pa. Bumili kasi ng chicharon sa Bulacan kaya matagal."
"Dinayo niya pa 'yon?" gulat nitong tanong.
Tiningnan ko siya. "Oo, bakit?"
Umiling ito. "Wala naman. Ang tagal eh," pagkikibit balikat nito.
Inirapan ko siya bago tumabi ng upo kina Papa. Hinalikan ako ni Kuya sa ulo bago humalik si Papa sa sentido ko.
"May hawig sa'yo 'yung baby, Zene," ani Kuya Ivan.
Iningusan ko siya. "Wala kaya. Si Henry ang kamukha," ani ko.
"Hu! Ka-labi mo!" pilit nito.
Pinandilatan ko siya. "Malamang kambal kami ng nanay niya kaya may similarities sa'kin! Magtaka ka kapag ikaw ang kamukha pero 'di mo naman kamukha si Klyzia!"
"Pikon!" nakangising pag-aasar ni Kuya.
Naiinis na kinuha ko ang basurang nakita ko sa mesa at ibinato sa kaniya. Isusunod ko sana ang isang unan nang may marinig kaming humintong sasakyan sa harapan ng bahay.
Mukhang nandiyan na si Hunter.
"I think that's Hunter. Ipapahanda ko na ang mesa," ani Mommy sabay tayo para pumunta ng kusina.
Kinuha naman sa'kin ni Zia si baby Hardy. Lumabas ako ng bahay.
"Ang tagal mo," reklamo ko.
"Na-miss mo ko?" malokong tanong ng lalaki pagbaba niya ng sasakyan.
"Hindi. Sana 'di ka na umuwi!" inis kong sagot dito na kinatawa niya.
Hinalikan niya ako ng magaan sa labi bago inabot sa'kin ang pumpum ng rosas. Ngumiti ako sa kaniya.
"Thank you," ani ko.
"Welcome, babe," hinalikan niya ulit ako sa labi bago binuksan ang backseat. May kinuha itong basket do'n.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Chicharon."
"Ha?"
"Harapin na natin ang mga magulang mo sa loob," nakangising sagot nito.
Sarap mong kutusan! gusto ko sanang sabihin iyon pero sinarili ko na lang. Niyakap ko siya sa braso at hinila papasok sa loob.
Tiningnan kong mabuti ang hawak nitong basket at oo nga. Chicharon ito. Halo-halo yata dahil iba-iba ang hitsura.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay sa kusina na kami dumeretso. Kinuha ko ang hawak nitong cake at nilagay sa ref, tapos ito na ang naglagay sa island counter ng basket.
Ilang sandali pa ay pumasok na ang ibang kapamilya sa kusina. Umupo ako sa dulo kung saan ako madalas talagang naka-pwesto at nasa tabi ko si Hunter. Magkaharap kami ni Zia na katabi ang asawa niya. Nasa magkabilang dulo ang dalawang padre de pamilya, nasa kanan si Mom na katapat si Kuya Jake na katabi ang anak nitong Jaime na walang kibo. Si Kuya naman ay nasa kanan ni Dad.
"Ipasok na ang pagkain," ani Mommy sa mga kasambahay namin.
Dumako ang mata ko sa pintuan papunta sa dirty kitchen. Lumabas isa-isa ang mga kasambahay naming may dalang pagkain, tumaas ang kilay ko.
May chicken Cordon Bleu, Four Season, Bulalo na umuusok pa, and spicy garlic sea foods ihinain sa mesa.
Natakam ako bigla sa bulalo. Parang ang sarap sipsipin ng utak no'n.
"Let's eat while talking about the wedding?" tanong ni Mommy na nakatingin sa'ming dalawa ni Hunter.
Nilingon ko ang katabi ko. Mukha itong nanghihingi ng saklolong ako na ang sumagot.
Binalingan ko si Mommy.
"Okay po," sagot ko saka kinuha ang sandok ng soup para magsalin sa bowl ko. Ewan ko ba kung bakit natatakam ako dito. Siguro dahil hindi naman ako madalas makakain nito, lalo na sa New York.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang mag-umpisang magtanong si Dad.
"Sigurado ka bang papakasalan mo na ang anak ko?" seryosong tanong ni Dad.
Tumigil sa akmang pagsubo si Hunter sabay tikhim. Tiningnan nito si Dad.
"Opo, Sir. Sigurado po ako."
"Where are you two will live after?" tanong naman ni Papa.
Lumingon do'n si Hunter.
"I have my own house, Sir, but I'm renovating it for Klyzene. For now, we're going to live in my condo unit. After the renovation, we will immediately transfer to our new home."
"Why are you marrying my sister so fast? I mean, you're just in a relationship for a year and now want to get married to each other," Kuya Ivan said.
"We love, and we're sure about each other. Sa pagkakaalam ko po ay relasyon ang pinapatagl, hindi ang knowing about each other," ani Hunter.
Humawak ako sa binti nito. Napatingin siya sa'kin. Nginitian ko siya ng matamis. Alam kong napre-pressure siya sa daming nagtatanong sa kaniya.
"Kuya, mabilis man sa inyo pero sa'min ay ayos lang. Hunter is right, ang relasyon ang pinapahaba hindi ang pakikipagligawan at kilalanlan," wika ko.
Kinuha ko ang wine at uminom.
"Buntis ka ba kaya kayo nag-decide na magpakasal agad?" tanong naman ni Kuya Jake.
Tumingin ako sa kaniya.
"Buntis agad? 'Di ba pwedeng gusto na lang talaga naming mag-settle down?"
"Madaming gustong mag-settle down na magka-relasyon, at ang ginagawa nilang paraan para ikasal sila ay magbuntis ang babae. Baka lang naman," ani pa ni Kuya Jake.
Huminga ako ng malalim.
"I'm not pregnant, okay?" Tiningnan ko lahat ng nasa lamesa. "I'm not!" pagdidiin ko pa.
"Okay, you are not pregnant na but are you sure merong pera 'yang si Hunter para magpakasal sa'yo? Baka after niyong ikasal ay mamulubi na lang kayo," may halong pangmamata ni Kuya Ivan.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Hunter kaya minasa-masahe ko ang hita nito para kumalma siya sandali. Ayoko namang magalit ito o magtampo sa pamilya ko.
"He has his agency, Kuya. May pera si Hunter, ang besides I have my own money. Hindi ko kelangang umasa kay Hunter. I will take the board and work after," sagot ko.
"Ba't ikaw ang gagastos--"
"Kuya, aasawahin ko si Hunter dahil mahal ko siya hindi para gawing credit card, okay?"
Tumikhim si Hunter at pinagsaklop ang palad namin sa ilalim ng mesa.
"I have money for Klyzene and our future kids, Ivan. Kaya ko silang itira sa magandang bahay at bigyan ng magandang buhay. Ngayon ay may kinaka-usap akong kakilala para makapag-invest sa business nitong cruisine."
Napangiti ako. I'm so proud of my baby.
Tumikhim si Papa na kinatigil namin. Tumingin kami sa kanya.
"Hunter, I know you're s good man...but I still have you investigated," seryosong sabi ni Papa.
Hunter's body stiffed.
"I know what happened to your late fiancee, Divine." he looked serious. "And I don't want to repeat to my daughter what happened with your ex-fiancee. I treasure my children the most. I don't want something bad to happen to them, especially with my daughter."
"S-sir..."
"How sure are you that my daughter is already safe from your enemies? You're a retired agent. Your past life is dangerous, but your life now is more dangerous because you have your agency. Many people might be angry with you and wanted to get even." Tinaas nito ang baso at uminom. "Can you protect her?"
Nakita ko ang pagdiin ng panga ni Hunter. Ang mga mata nito ay madilim.
Damn!
"I will protect her more than everything, Sir. I will not let something bad happen to her. I learn my lesson already. My identity as an owner is still unknown to them. They know me like the right hand of the big boss of the agency, Sir."
Tumingin sa'kin ang lalaki saka ngumiwi.
Kumunot ang noo ko.
"Sorry about this, babe, but someone is following you, and that's my agent." Tumingin ito kay Papa. "As I've said, Sir. I have already learned my lesson. I want to protect her, and kapag wala ako sa tabi niya ay mag nagbabantay sa kaniya."
Hindi ako makapag-react.
"So that's the reason why sometimes I feel someone is following me and looking at me?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Isang taon ko na kasing nararamdaman 'yon na minsan ay kinakabahala ko na. Hindi ko lang masabi kina Hunter dahil ayokong mag-alala siya. Sila. Pero sa nalaman ko ngayon ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Sorry, sinabi ko naman kina La Pierre na huwag kang masyadong sundan pero sadyang matalas lang siguro talaga ang pakiramdam mo at napansin mo pa sila," ani 'to. "Galit ka?"
Umiling ako. "Shock pero hindi galit."
"Naks, naman! May pa bodyguard si Klyzene. Royalty yarn," Zia teases me.
"May bodyguard ka rin naman ah. 'Yang asawa mong 'di ka magawang iwan saglit," pagganti ko.
"Hindi siya bodyguard, mas mukha siyang stalker, eh," ani Zia na kinatawa namin.
"Totoo naman," proud na sagot ng lalaki.
"Sorry if I lied," ani Hunter.
Tiningnan ko siya. "It's okay. I know you only did that to protect me."
"Then, I have no objection about the marriage. I hope you have a good and happy life as a couple," ani Papa.
Malambing akong ngumiti sa kaniya.
"Thank you, Pa." Inabot ko ang kamay nito at pinisil.
Nginitian niya lang ako.
"I have no intention of ruining your happiness, princess. I just want you to be safe," he said.
"That's good to hear. Now it's settled. They will tie a knot. When is the wedding?!" masiglang tanong ni Mom.
"After my graduation," ako ang sumagot.
"Hmm...where?"
"I want it to be private. Maybe sa beach na lang sa resort ko?" tumingin ako kay Hunter. "Is that okay?"
"If that's what you want, Babe. It's okay with me," malambing niyang sabi na kinatango ko.
"Let's talk about the team, sweetie," ani Mom.
I just nod at her and smile.
a/n:
Hello, kung nabasa niyo na ang MEHIMNB at medyo malilito kayo sa ibang scenes dito sa story ay pasensya na kasi medj di siya tumutugma sa kabilang story. I'm sorry about that. Aayusin ko po 'yon sa edited version. Hehe, 'yun lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro