Chapter 148
CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-EIGHT
"KLYZENE Black Anderson, will you marry me?" nanginginig nitong tanong.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa'min bago muling nagsalita si Hunter. Nakatitig lang siya sa mga mata ko.
"I know I have shortcomings. Sometimes, I'm annoying. I'm jealous all the time, but I will change. I will be a better man for you. I know sometimes I'm confusing, hard to talk to, and especially to understand, but I'm only sure about one thing. Sa loob ng isang taon nating relasyon napagtanto ko ang lahat...na ikaw ang gust kong huling makikita ko sa paglubog ng araw at siyang mabubungaran ko sa kinabukasan. Gusto kong makasama kang umiyak, masaktan, maging masaya. I want you to be my wife, my other half, my home, the mother of my children...kasi kung hindi rin lang ikaw, Klyzene Black...wala nang iba..."
Hinaplos ko ang pisnge niya at pinunasan ang pagtulo ng luha.
"So, will you let this guy be your husband, baby? Will you marry me, Klyzene?"
Napapikit ako bago sinalubong ang tingin niya. Sunod-sunod akong tumango.
"Y-yes! I-I will marry you!!" nakangiting sagot ko.
Para namang nakahinga ang lalaki at nanginginang ang kamay na isunot sa daliri ko ang singsing. Nang mai-suot niya sa'kin ay hinila niya ako patayo at inangkin ang labi ko.
Napakapit ako sa batok nito at ngumiti. Naramdaman ko ang pagtaas rin ng labi nito.
Nang matapos kaming maghalikan ay niyakap niya ako ng mahigpit. Tumatawa kami. Napatili ako nang buhatin niya ako at iikot.
"I love you, baby. I love you so much. I love you. I love you," sunod-sunod na sabi nito nang halikan niya ako sa noo.
Humigpit ang yakap ko sa kaniya.
"Mahal rin kita, Hunter. Mahal na mahal," nakapikit kong sagot.
Naramdaman ko na lang na isinasayaw ako ni Hunter kaya napabukas ako ng mata. There's no music except for our heartbeats. We swayed in the rhythm that we were the ones who could hear.
Hinawakan ako ni Hunter sa kamay at pinaikot. Umikot ako pero hindi naghihiwalay ang mga mata namin. Muli niya akong hinapit sa bewang at idinikit sa katawan niya. Sa sobrang dikit namin sa isa't isa ay wala nang hanging maaring makadaan.
"Kaylan mo nalaman na ako na ang gusto mong pakasalan?" mahina kong tanong.
Ngumiti ito. "No'ng galing tayong Spain."
Tiningnan ko siya na para bang sinasabing magpatuloy siya.
"I see you picking flowers and playing with the kids who throw flowers at you, then I suddenly saw you in my mind. Wearing a wedding gown, holding flowers while I'm waiting at the altar."
It feels deja vu. Something like that happened to me before too. Ngumiti ako. Should I tell him na about that? Or saka na lang?
Saka na lang.
"Hindi naman halatang patay na patay ka sa'kin niyan," pang-aasar ko.
Nginisihan niya ako kahit na pulang pula na ang itaas na tenga nito.
"Proud akong patay na patay ako sa'yo, babe," anito.
"Talaga lang ha."
"Oo naman!" puno ng kasiguraduhang sabi niya.
Nang maalala ko kung paano niya ako pina-iyak kanina ay hinampas ko siya sa braso na kina-aray nito.
"Babe!" angal nito habang hinihilot ang braso.
Lumayo ako at namewang sa harapan niya. Masama ko siyang tiningnan.
"Akala mo ba nakalimutan ko na 'yung ginawa mo sa'kin kanina?! Pina-iyak mo ko! Tapos kinunsyaba mo ba sina Linda at Carl! Nasaan sila?"
Ninakawan niya ako ng halik sa labi bago hinila pabalik sa table namin. Pina-upo niya ko at umupo naman ako. Umupo na rin ito sa pwesto niya kanina.
"I don't know either, babe. Pinaki-usapan ko lang sila kanina and I'm happy na pumayag sila. Akala ko mauudlot pa," pagpapaliwanag niya.
"Bakit hindi ikaw?" tanong ko.
Hiniwa nito ang steak sa sariling plato.
"Busy kasi ako sa pag-aayos dito. Ako ang nagluto at namili ng bulaklak pati pagkakalat ng roses sa lapag ako rin," anito saka pinagpalit ang mga plato namin.
Tumingin ako sa lapag.
Mayroon ngang mga petals sa lapag. Bakit hindi ko napansin 'yon kanina? Tapos may mga kandila pa sa bawat gilid na nakakapagbigay ng kakaibang ambience at amoy dahil sa scent nito.
"Bakit Primrose?" tanong ko saka itinaas ang bouquet ng bulaklak.
"Why not primrose? Don't you like it? kinakabahang tanong nito.
Ngumuso ako at umiling. "Hindi naman pero hindi naman kasi 'to 'yung usually na binibigay sa ganitong dates, hindi ba?"
"Totoo naman. Japanese Primrose repersents love, beauty, charm and passion. Kaya nagustuhan ko."
"Ah, okay. Ang ganda," sagot ko bago tumingin sa kausap ko. "Kain na tayo?" yaya ko nang mapansin kong natapos na rin ang paghihiwa nito sa steak niya.
"If you want, my love," malambing niyang saad.
Nag-umpisa na 'kong kumain. At sa mga oras na 'yon ay sobra-sobrang pagmamahal ang puso ko.
Nang makayari kaming kumain ay pinanood muna namin ni Hunter ang city bago niya ko inayang maglakad-lakad. Para kaming nag-ditch ng isang party dahil sa ayos namin habang naglalakad sa kalsada ng New York City.
Magkahawak ang kamay namin.
"Hindi ba sayang 'yung pera mo sa pag-upa sa Empire State?"
"Bakit naman masasayang?" nagtatakang tanong niya.
"Kasi hindi naman tayo nagtagal do'n. Parang sumayaw ta's kumain lang sabay alis," nakangising ani ko.
"Eat and run, baby?" pilyo niyang tanong.
"Yeah. Eat and run, babe."
Hinila ako papasok ni Hunter sa isang ice cream parlor. Walang tao sa loob bukod sa dalawang tauhan. Lumapit kami sa counter kung nasaan katabi ang visual dipping cabinet.
Humawak sa bewang ko ang lalaki at ipinatong ang baba sa balikat ko. Pareho kaming nakatingin sa ice cream.
"Anong gusto mo, babe?" bulong niya sa tenga ko.
"Cookies and cream," paos kong sagot.
Napapikit ako nang halikan niya ako sa leeg sabay pisil sa bewang ko. Naging iritable ang pagtibok ng puso ko dahil dito.
"Cookies and cream it is," malandi niyang bulong sa tenga ko. Napadilat ako nang wala na ang init ng katawan niya sa likuran ko. Do'n lang ako nakaramdam ng ginhawa.
Sa t'wing magkakalapit kasi kami ni Hunter ay palagi akong kinakapos ng hininga. Isama mo pa minsan ang mga pambobola niyang nakakapagpakilig sa'kin.
Umupo ako sa upuan malapit sa may entrance. Hinintay matapos si Hunter um-order.
Kinuha ko ang cellphone ko sa hand bag na dala at kinuhanan ng picture si Hunter as background at ang left hand ko ang bida. Sinigurado kong kita ang singsing at makikilala nila si Hunter.
Ngumiti ako nang makakuha ko ng images. Tiningnan ko kung maganda ang mag ito at, hindi naman ako nagkamali. Maganda nga.
In-open ko ang app na Instagram. Pi-nost ko ang kinunan kong larawan at naglagay ng camption na 'July 2 💍'.
Wala pang isang minuto mula nang makapag-post ako ay nag-vibrate na ang phone ko dahil sa sunod-sunod na notifications.
Ang unang bumungad sa'kin ay comment ni Klyzia sa post ko.
ZBlue_Evans: OMG!!!! CONGRATS!!! TRUE BA?! 😮😍
ZBlue_Evans: twinnn! When ang kasal? Congrats @Hunter_Wnchstr
ItsmeLinda: I knew it!!! Congrats, loveee!
CarlX: Shit!! @ItsmeLinda, I won! Gave me my money!
ItsmeLinda: @CarlX, o bitch! I also know he will propose. Fuck off!!
CarlX: cheater @ItsmeLinda
ItsmeLinda: @CarlX 🌵🌵
Damn this two, kahit saan nagbabangayan. I message them thank yous before ko itago ang phone ko. Mamaya ko na sila ie-entertain dahil palapit na sa harap ko ang fiance ko.
Nakangiting umupo sa harapan ko si Hunter, ibinaba niya ang cup nang ice cream.
"Dig in, babe," he said.
I just looked at him.
I can't believe it.
He is my fiance now, parang kailan lang ay boyfriend ko siya at ngayon fiance na. We're now on the next stage of our relationship.
"Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako. "Oo naman." nag-scoop ako at sinubo 'yon.
"After here saan mo gustong magpunta?" tanong niya.
"Manuod tayo ng movie?"
"What movie?"
"Thor: Love and Thunder. Gusto ko sanang panuorin siya kasama ka pero dahil sa inis ko kanina ay pinanood ko ng mag-isa. Nasa gitna pa lang naman ako kaya pwede pa," ani ko.
Tumango ito sa'kin at ngumiti.
"If that's what you want, baby. We're going to watch a movie."
-----
I TOLD him we were going to the cinema to watch a movie, not to make out, but here we are. Kissing in the darkest part of the cinema, touching each other like there's no tomorrow.
Wala na kaming maintindihan dahil ang atenston naman namin at nasa isa't isa. Wala na rin kaming pake kung may nakakakita ba sa'min o wala.
Nang kinakapos na kami ng hininga ay marahan ko siyang tinulak. He look wasted. Magulo na ang buhok, namumula ang mukha at naka-lose na ang tie. Napangisi ako sa isip ko. Halatang-hatala na may ginawang kalokohan.
"What, babe?"
"I'm not comfortable here anymore, babe. Uwi na tayo?" hinihingal kong tanong.
Hindi siya kumibo. Tahimik lang siyang tumayo kaya napatayo na rin ako. Magkahawak kamay kaming lumabas ng sinehan. Naunang tumakbo si Hunter na parang madaling-madali ay sumunod naman ako kahit magkanda-dapa na ako dahil sa heels na suot.
Tumawa ako dahil atat na atat ang lalaki habang naghihintay kami ng daraang taxi. Malalim na kasi ang gabi at sa ganitong oras talaga ay madalang ang taxi. Sana ay may masakyan kami.
Nang mayroong huminto sa harapan namin ay kaagad binuksan ni Hunter ang pinto. Pumasok ako sa loob at sumunod si Hunter. Sinabi niya kung saan kami dadalhin. Sa unit ko. Do'n naman talaga kami.
Nasa elevator pa lang kami ay pinapapak na ni Hunter ang nakalantad kong leeg. Pinapanood ko lang siya sa reflection namin. Ang kamay nito ay pasimpleng pumpasok sa slit ng dress ko.
Natigil lang siya nang bumukas ang elevator at pumasok do'n ang isang babae. Tiningnan pa kami nito mula ulo hanggang paa at sabay ismid bago tuluyang humarap sa harapan. Maayos na umakbay sa'kin si Hunter hanggang sa makarating kami sa floor ng unit ko. Kinuha ko ang susi sa hand bag at binuksan ang pinto.
Naghigab ako nang ma-upo ako sa couch. Nakasunod ang mata ko kay Hunter hanggang sa tabihan niya ako ng upo.
Ang sakit na paa ko dahil sa suot na heels.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Hunter. Pumikit ako. Ang init ng katawang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang magbago nang maka-upo ako. Ngayon ko naramdaman ang sakit ng katawan, pagod at ang antok.
"Babe, kindly unzip my dress, please?" paungol kong paki-usap dito.
Tumaliman naman siya. Lumuwag na sa katawan ko ang dress. I can easily take this off kaya lang wala pa akong lakas para tumayo.
"Tired?"
"Yeah," pag-amin ko. Dumilat ako nang maalala ko siya. "Is it—"
"No need to worry, babe. Okay lang. Magpahinga na tayo alam kong napagod ka sa ginawa natin kanina," puno ng pang-unawang aniya.
Hindi ako naka-imik.
Para akong nananaginip. It feels it's too good to be true. Ang magkaroon ng katulad ni Hunter...anong kabutihan ba ang nagawa ko noon para magkaroon ng isang katulad niya?
Lumutang ako sa ere dahil sa pagbuhat sa'kin ni Hunter. Dinala niya ako sa silid ko at ibinaba sa ibabaw ng kama. Pinanood ko siyang kumilos. Sa t'wing nagpupunta si Hunter dito sa New York ay sa unit ko na siya tumutuloy. Sa iisang kwarto na kami natutulog kaya maalam na siya sa mga gamit dito.
Binuksan niya ang AC at sinarado ang kurtina ng bintana, pagkatapos ay kinuhanan niya ako ng panjama sa cabinet ko at isang itim na sando. Alam niya talaga ang taste ko sa damit.
"Bihisan kita?"
Umiling ako. "Ako na lang. Magbihis ka na rin. For sure pagod ka dahil sa ginawa mo kanina," ani ko.
"Okay." Hinalikan niya ako sa noo bago kumuha ng sariling damit sa closet. Yep, share kami sa closet. Kakaunti lang naman ang damit nito kaya okay lang na isama sa'kin.
Naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto nang lumabas ang lalaki. Sa kabilang kwarto siguro ito maliligo. Pinilit ko ang sarili ko para bumangon at pumasok sa sariling banyo. Nag-half bath lang ako dahil sa pagod.
Nagbihis rin ako kaagad nang mayari. Malamig ang kwarto nang lumabas ako ng banyo. Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago humiga sa kama.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Iniluwa si Hunter na boxers langa ng tanging suot at wala ng pang-itaas.
"Hi."
"Baby..."
Nang nasa tapat na siya ng kama ay gumapang siya palapit sa'kin. Niyakap niya ako at inunan ang dibdib ko. Hinaplos ko ang medyo basa nitong buhok. Humigpit ang kapit niya sa bewang ko.
"Thank you for tonight, Hunter," pasasalamat ko.
"You're welcome, babe. Napasaya ba kita?"
May pangamba sa boses ng lalaki.
"Oo naman. Sobrang saya." Hindi ko nga akalaing yayayain na niya akong magpakasal...lalo na't alam kong may masama siyang alaala sa huli niyang naging fiancé.
"Sa susunod hindi lang gano'n ang gagawin ko, babe. Maybe mag out of town tayo o kaya naman ay lumibot sa ibang bansa," ani pa nito.
"We will do that, babe."
"Yes, we will." Nag-angat ng mukha ang lalaki kaya nagsalubong ang mata namin. "Kaylan natin pag-uusapan ang kasal? Sorry, hindi ako makakapamanhikan sa inyo with my parents...w-wala na ko no'n—"
"Shhh! Wag mong isipin 'yon. Twenty-twenty-two na, babe. Hindi na mamasamain ng parents ko kung wala kang kasama. Basta pumunta ka sa bahay, ask for my hand sa parents ko and kay Abulea. At wala naman akong dream wedding, basta gusto ko ikasal..."
"Ibibigay ko sa'yo ang deserve mong kasal, babe," pangako niya.
"Deserve kong ikasal nang ikaw ang Groom kaya umayos ka. Tandaan mo, dalawang pamilya ang meron ako. Madaming bubugbug sa'yo," birong may halong pananakot ko sa kaniya.
Hindi naman natakot ang hitsura nito. More one, natuwa pa nga.
Madami pa kaming pinag-usapan nang gabing 'yon. Kung saan kami titira, kung ilang anak ang gusto namin, kung anong pangalan at madami pang iba. Nagre-ready na sa papalapit na future. Nakatulugan na nila ang pagbibidahan.
------
KINABUKASAN ay sandamakmak na tawag ang natanggap niya galing sa pamilya niya. Ringtone nga ang gumising sa kanilang dalawa ni Hunter kaninang umaga at hanggang ngayon ay kausap pa rin niya via video call ang parents niya. Her mother and father.
"Yes, Mom. Uuwi naman po kami diyan para mamanhikan si Hunter," pagsagot ko sa tanong ni Mommy.
"He never told us na magpr-propose na pala siya sa'yo, anak! I'm so happy for you! Congratulations!" anito.
Ngumiti ako bago tiningnan si Hunter na nagluluto ng pagkain namin. Tumikhim ako at binalik ang tingin sa kanila.
"Sabihan mo ko kung kaylan kayo uuwi para makapaghanda ng pagkain. Isasabay mo na ba ang Papa mo?"
"Hindi ko pa alam, Mom. After ko kayong kausapin ay sila naman ang kakausapin ko."
"'Di kaya buntis ka, Klyzene, kaya nagmamadali si Hunter na pakasalana ka?" biglang tanong ni Dad na kinasamid ko ng laway ko.
"Dad!" gulat kong wika. "Hindi po ako buntis!" Miski si Hunter ay napalingon dahil sa pagkakabanggit ng salitang buntis. "Ang relasyong mag-asawa naman po ang papatagalin, Dad, hindi ang girlfriend-boyfriend relationship."
"I know but sigurado ka na ba kay Hunter? Hindi k aba nabibigla?"
Gusto kong matawa dahil sa sinabi nito.
"Of course not, Dad."
Like what I said, after kong makipag-usap kina Mom ay tinawagan ko naman sina Papa para ibalitang ikakasal na ako. He is happy for me and asking kung kaylan ako uuwi ng Pilipinas at pupunta ng Spain to tell it kay Abuela.
"I will tell Abuela na lang siguro thru call, Papa. Then this coming semester break ay uuwi kami ng Pilipinas. Or rather ako para makapamanhikan si Hunter," ani ko.
"Good. Tell it to your mother it will placed in their house."
"In their house? Will you go there?" gulat kong tanong.
"Yes. Is there any problem with that?"
Umiling ako at tumingin kay Hunter na nakikinig sa usapan naming mag-ama.
"Nothing but...I-I'm shocked." Pag-amin ko.
"Sweetheart, I do not want you to choose where you will do the 'Pamamanhikan.' I can adjust."
Gusto kong maiyak dahil sa sinabi ni Papa. Palagi na lang siya ang naga-adjust para sa'kin. Ni wala siyang pinilit na gusto niya, basta ang mahalaga lang sa kaniya ay ang kasiyahan namin ni Kuya.
Tumikhim ako bago nagsalita.
"P-Pa, it's unfair naman sa'yo if I will do that. L-lets make it in a hotel or--"
"Sweetheart, that would be inappropriate. Let's settle in your Mom's house. And I told you, it's fine to me. I don't have grudges with them, so that's okay."
"Are you sure?"
"Si cariño. Lo digo en serio. Otra pregunta sobre eso ya estaré enojado." (Yes, sweetheart. I'm serious. Another question about that I'll be mad already.)
Nangiti ako dahil sa sinabi nito.
"Fine. Let me call you later, Papa. I love you."
"Take care. I love you too, hija."
Umangat ang tingin ko nang maramdaman ko ang malapad na kamay sa balikat ko. Tipid akong nginitian ni Hunter.
"Want some cookies?"
Napapikit ako. "Yes, please."
I felt the cold when he left my side. Dumilat ako nang maramdaman ang pagbaba ng plato sa hita ko. Plate full of cookies, Hunter baked this.
"What are you feeling, babe?" malambing niyang tanong nang makayakap siya sa'kin.
"I feel bad for Papa. He's always like that...adjusting for other people. I mean...he never-ever pushed me to something I don't like. Kahit 'yung pagpapalit ng surname ko. I know gusto niya 'yon but hindi ko gusto kaya hinayaan niya ako."
Naramdaman ko ang paghalik nito sa noo ko.
"That's how much your father loves you, babe. Bumabawi lang talaga siya sa'yo."
"I know....bawing-bawi na siya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro