Chapter 146 (Part 2)
CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-SIX (PART II)
TUMINGIN ako sa gawi nila Hunter mula sa salamin. Kita ko kung paano niya pinaglalabanan ang antok.
Ngumiti ako. Ipapanalo ko 'to para sa'yo, Hunter, piping pangako ko sa lalaki.
Nang tumunog ang bell ay umayos na ako.
Nag-umpisang magbukasan ng makina ang mga kalaban ko, binuhay ko na rin ang sa'kin.
May babaeng tumayo sa harapan namin. Naka-suot lang ito ng maikling skirt at naka-bra lang. Ang hawak nitong white polo shirt ay siyang nagsilbing flag. Itinaas na nito ang hawak. Kapag ibinaba niya 'yon ay umpisa na.
Panay tapak ko sa accelarator.
Ang mata ko ay nakatutok sa puting damit dahil sa anumang oras ay--IBABABA NA NIYA ANG TELA!
Madiin kong tinapakan ang accelarator at umabante ng andar. Mabilis ang mga pangyayari. Nasa likuran ako ng limang nanguna sa'kin.
Not this time, boys.
Pinihit ko pakaliwa ang manibela at nilagpasan ang itim na kotse sa harapan ko. Sinubukan akong pagitnaan ng dalawang nasa harapan ko pero mas binilisan ko ang pag-drive kaya naman nagkabunguan ang dalawa para mahinto sila. Sumalpok pa ang nahuling dalawa kaya nagpaikot-ikot.
Ngayon ay tatlo kaming nangunguna. May apat pa sa likod.
Tumingin ako sa likod mula sa rear view mirror. 'Yung naka-asul na kotse ay umaambang bubunguin ang bumper ko. Tumaas ang kilay ko. Nananakot kang sira ulo ka?
Ako ang gumawa nang hindi niya magawa-gawa. Binungo ko ang unahan ng kotse niya dahilan ng pagtigil nito at pagkakabungo rin nang nasa likuran nito.
I smirked.
Inunahan ko ang pulang kotse sa harapan ko, tumapat ako sa kulay puting kotse. Dito nakasakay 'yung lalaking kuma-usap sa'kin kanina.
Sampung laps ang kaylangan naming matapos para manalo.
Sinubukan kong unahan ang lalaki pero hindi niya ako hinahayaan. Panay harang nito kapag sinusubukan kong mag-over take. Sumama ang timpla ko.
Nag-isip ako ng paraan para maungusan siya. Tumingin ako sa likod. May isang gustong manguna. Ngumisi ako.
Pumuwesto ako sa likuran ng puting kotse dahilan ng pagpasok ng isang kotse sa pwesto ko kanina. Sinusubukan ng itim na kotse na 'yong ungusan ang puti napinipigilan nito.
Do'n ako sumubok na mag-over take ulit dahil wala na sa'kin ang atensiyon nito. Naka-ungos lang ako ng kaunti dahil sumasabay sa bilis ng takbo ko ang takbo ng sasakyan nito.
Nakatapos na kami ng isang lap, siyam pa para manalo. Ginalaw ko ang gear level pa harap.
Nauna ako!
Sa wakas!
UMABOT na kami sa pang-limang lap at sa huling lap ay sobrang higpit na ang laban. Apat na lang kasi kaming natitira dahil lahat ng sumali ay nasiraan o kaya naman nagpaikot-ikot sa may gitnan ng oval.
Napapagitnaan ako ng dalawang kotse. Ang isa ay itim, ang isa naman ay puti. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ko dahil pag inipit nila ako ay wala na.
Mula sa pwesto namin ay nakikita ko na ang finish line. Sobrang bilis ng mga takbo namin. Sinubukang umuna nang puti pero hinarangan ko ito. Nang ako naman ang sumubok ay parehong pumigil ang dalawang kotse.
Kanina pa kayo, ha!
Nag-over take ako sa harapan ng itim na kotse dahilan nang pag-kabig nito sa kaliwa sakto sa gitna ng oval. Nilingon ko ito. Umiikot-ikot ang kotse. Mukhang ayaw na ring mag-start dahil galit na lumabas ang driver no'n at hinapas ang hood ng kotse.
Umirap ako.
May dalawa pa pero laking gulat ko nang iisa na lang pala ang kalaban ko. Ang kulay puting kotse. Mukhang inasikaso nito ang nasa likuran namin nung napaalis ko yung itim na kotse.
Shit! One-on-one na ito.
Kada subok niyang mag-over take ay hindi ako pumapayag. Kaya naman magkasabay lang ang mga kotse namin. May mauuna sandali pero nagkakasabay pa rin.
Dalawang minuto na lang at makakatawid na kami a finish line.
Itinodo ko na ang lakas ng kotse ko para mas bumilis pa ito.
"Don't give up on me, baby!" paki-usap ko sa kotse nang malapit na malapit na kami sa line.
Namalayan ko na lang na tumunog na ang malakas na busina at hiyawan ng mga tao. Hininto ko ang kotse tumingin sa labas. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hingal na hingal rin ako na para bang kinakapos ako ng hininga.
Inalis ko ang pagkakasuot ng helmet ko. Inalis ko rin ang mask ko para makahinga ako ng mabuti. Sinandal ko ang katawan ko sa likod ng kotse. Naghabol ako ng hininga.
Pumikit ako. Hinayaan kong magbalik sa normal ang tibok ng puso ko.
Gulat akong napadilat nang kumalabog ang bintana ng kotse ko.
Kumunot ang noo ko nang makita ang lalaking nakalaban ko. Naka-alis na ang helmet nito na nasa kabilang kamay at mask na lang ang suot.
Itinaas ko ang mask ko at saka binuksan ang pinto ng kotse. Lumabas ako.
"You're burning back there!" puri nito nang makatayo ako ng maayos sa harapan niya.
Nag-alis ito ng suot na mask. Ibinaba niya ang kamay niya sa harapan ko.
"Alessandro Ferrari, by the way."
Tinanggap ko ang kamay nito at nakipag-shake hands.
"Nice to meet you," sagot ko. Inalis ko na rin ang mask ko. "Zene," pagpapakilala ko.
"By the way, congrats for winning," bati ko sa kaniya. He won. Siya ang nauna kanina, siguro kahit gaano ka kabilis kung hindi talaga para sa'yo ang panalo ay hindi mo makukuha.
Sandali itong natigilan at tumitig sa mukha ko.
Kumunot ang noo ko at saka dahan-dahang binawi ang kamay ko. Masyado nang matagal ang paghawak niya.
Nang mukhang natauhan ito ay ilang beses na kumurap bago nag-iwas ng tingin at ibinalik rin sa'kin.
"You become more beautiful than the last time," puri niya.
Tipid akong ngumiti bilang sagot.
Hindi nag-init ang pisnge ko. Parang wala lang na sinabihan na niyang maganda, hindi katulad kay Hunter na parang palaging nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan at ang dibdib ko. In short, 'di siya nakakakilig.
"It's been a while since we saw each other, huh. You still good at driving," aniya
"Not really," sagot ko.
"Still humble," nakangising sagot nito.
Tumawa ako dahil do'n.
"So, do you have something else to do? I want to treat you," aya n'ya.
"Sorry--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumagpas sa balikat ng lalaki ang tingin ko.
Sa lalaking masama ang tingin sa'min ngayon. Madilim ang mukha nito habang nasa tabi ng mga kaybigan ko. Hindi naka-iwas sa'kin ang pagkuyom ng kamao nito.
Hindi ko alam pero napalunok ako.
Kinabahan ako.
"Zene?"
Umiling ako at tumingin sa kausap ko.
"I'm sorry, but no thanks. I will have dinner with my friends and suitor," magalang kong sagot.
"Ow!" dismayadong anito. "You have a boyfriend?"
"Suitor. Soon to be boyfriend." Before he thinks another question to ask ay nagpaalam na akong aalis ako dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.
Mabilis akong lumapit kina Hunter.
"Congrats, Zene!! You nailed it! I'm so proud of you!!" ani Linda.
Matamis ko siyang nginitian.
"Thank you," pasasalamat ko.
Hinarap ko si Hunter. Nakatingin lang siya sa'kin pero hindi nagsasalita. Yumakap ako sa kaniya.
"What can you say?" pinasigla ko ang kinakabahan kong boses nang magtanong ako sa kaniya.
"I'm proud of you, Klyzene. You're a good racer. Ang galing mo," sabi nito.
Napanguso ako.
Galit nga ang lalaki. Tawagin ba naman ako sa pangalan ko, eh, ang callsign niya sa'kin ay baby o kaya naman babe.
"Ba't ka galet?" parang batang tanong ko.
"Hindi naman ako galit," labas sa ilong na sagot nito. Inalis pa ang ang braso kong nakapalibot sa bewang niya.
Aba, nagtatampurorot yata ang Hunter ko. Bakit naman? Ala namna akong ginagawang masama amp. Sinubukan ko na ngang manalo para sa kaniya tas ganiyan pa siya. Tsk.
Hinarap ko si Linda.
"Let's eat. I suddenly crave pizza," aya ko.
"CELEBRATION!!" sigaw nito saka naunang naglakad kasabay si Carl na medyo nabuhayan na.
Sumunod naman si Hunter, ni hindi niya sinubukang hawak man lang 'yung kamay ko kagaya ng nakagawian nito o kaya naman ang bewang ko.
Mas lalong humaba ang nguso ko. Ano bang nagawa ko?!
------
PAGDATING namin sa Pizza parlor ay umupo kami sa may malapit sa bintana. Four sitters.
Magkatabi kami ni Hunter, ako ang nasa gilid ng bintana. Kaharap ko si Linda na namimili na sa menu at ang mga lalaki naman ang magkatapat.
Nawala na yata ang kalasingan ng dalawa. Si Carl kasi ay dumaan ng Starbucks para bumili ng kape nito. Si Hunter naman ay kanina pa tahimik pero umiinom sa slurpee ko.
Umirap ako. Kung ayaw niya akong kausapin, edi huwag!
Lumapit ang waiter sa'min.
Ako ang naunang nag-order.
"I want a medium Pepperoni Pizza. Large burger with fries and a large coke," ani ko dito na isinusulat naman nito.
Sunod namang nag-order si Linda at Carl, nang huminto na kay Hunter ang mata ng waiter at napatingin kami dito. Nilingon niya ako at tiningnan sa mata bago tumingin sa waiter.
"Same as she order," aniya sa waiter. Tinuro ako ng waiter para maka-sure kung ako ba ang tinutukoy ng poncio pilatong 'to. Tumango lang si Hunter.
Tumalikod ang lalaki at naiwan kami.
Inabot ko ang slurpee ko at uminom do'n. Binaba ko sa mesa pagkatapos kong uminom.
Lumingon ako sa kaliwa ko nang makaramdam ng marahang paghawak sa balikat ko. Umirap ako. Kamay kasi 'yon ni Hunter.
Tss.
Bumaba ang tingin ko kay Hunter nang yumuko ito para uminom sa slurpee. Indirect kiss.
Hindi na ako nagsalita dahil naiinis ako kay Hunter. Hindi namamansin amp. Kung may kasalanan pa ako. Ang tatlo lang ang nag-uusap tungkol sa race kanina. Kung gaano daw ka-exciting nung akala nila mananalo ako pero sa bilis daw ni Alessandro ay 'di nila inakalang mauungusan ako.
Well, wala naman akong pake na do'n.
Dumating ang order namin kaya nag-start na rin kaming magsikain. Bale meron kaming apat na pizza sa table, 'yung sa'min ni Hunter na Pepperoni, ang kay Linda na Supreme Pizza at kay Carl na Hawaian Pizza. Lahat kami may kanya-kanyang fries at chicken sa table.
"Are you okay?" mahinang bulong ni Hunter sa tenga ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa sensasyong naramdaman ko nang tumama ang mainit nitong hininga sa likod ng tenga ko. Napalunok ako.
Hindi ako sumagot. Bahala ka diyan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. Inalis ko ang kamay niya sa hita ko ng maramdaman ko ang pag gapang no'n pataas.
"Sorry na," anito.
Umungos ako. "Sorry mo mukha mo," inis kong bulong.
"I'm really sorry, baby. Hindi ko ginustong 'di ka pansinin," anito.
"At bakit naman aber?!" inis kong tanong dito.
Nilingon ko siya.
"Seselos ako," aniya.
Tumaas ang kilay ko. "At kanino ka naman magseselos?! Binigyan ba kita ng reason to be jealous?"
"You don't but insecurity hits," mahina pa niyang sabi saka nag-iwas ng tingin.
Napatingin ako sa dalawa namang kasamahang natigil sa pagkain dahil sa'min. Tumikhim ako bago tumingin kay Hunter. Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong ipahiwatig kaya tumayo na 'to at naunang naglakad papunta sa may backdoor. Tumingin ako sa mga kaybigan ko.
"We'll be right back," ani ko. Tumango sila.
Sinundan ko si Hunter. Lumabas ako sa backdoor at do'n ko siya naabutan. Nakasabunot sa sarili niyang buhok.
Hinarap niya ako pagkatapos.
"Explain."
Lumunok ito.
"Kanina I'm so happy nang makita kitang manalo at maglaro. Baby, I don't even care kung first o second place ka lang, ang importante sa'kin ay sinubukan mo at nag-enjoy ka. Pero nakita kong nilapitan ka nung kalaban mo. Na-insecure at nagselos ako dahil mas bata siya sa'kin, gwapo, halos magka-lapit ang edad ninyo. H-hindi nakakahiyang isama sa mga kaybigan mo o ipakilala sa mga kakilala mo dahil makakasabay siya. Samantalang ako, matanda na. Nakakahiyang ipakilala pa ko dahil ang layo ng agwat ng edad natin. Ano na lang ang sasabihin sa'yo, 'di ba?" mapait nitong sabi.
Parang may kumurot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Gumanti ito ng yakap sa'kin.
"Wala ka namang dapat ika-insecure," pag-uumpisa ko. "Hindi ko gusto ang lalaking 'yon, okay? Kahit pa malapit ang edad namin. Ikaw pa rin ang pipiliin ko, naiintindihan mo?" inilayo ko ang ulo niya sa'kin. "Mahal kita, Hunter. Walang makakapagpabago do'n. And who says na ikinakahiya kita? I'm so proud of you, babe. So, proud! Wag kang mahihiya at mai-insecure dahil madaming meron sa'yo na wala sa iba na nagustuhan ko."
Lumambot ang hitsura nito.
"Those guys na tinutukoy mong malapit sa edad ko ay siguradong hindi pa alam ang gagawin sa future nila. Hindi katulad mo. Ready ka na. And besides, I have the most coolest boyfriend. Retired agent and now, an owner of his own Agency where they protect civilians. I have my own Steve Rogers. My Captain America," malambing kong saad dito.
Umawang ang labi nito.
"Bo...boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Malawak akong ngumiti sa kaniya.
"Oo, you are my boyfriend, Hunter. We're officially couples now!!" masiglang sabi ko.
Namula ang mga mata ng lalaki. Akala ko ay may sasabihin pa siya pero sinakop niya lang ang mga labi ko at ginawaran ako ng matamis na halik.
Naghiwalay ang labi namin. Magkadikit ang mga noo namin.
"Thank you, babe! Thank you! I love you!!"
"I love you, Hunter!"
Niyakap niya ako ng mahigpit na ginantihan ko naman.
Sa gitna nang kasiyahan namin ay nakaramdam ako ng kakaiba. 'Yung para bang may nakatingin sa'min ni Hunter. Kumunot ang noo ko. Itinaas ko ang ulo ko at tiningnan ang paligid. Wala naman akong napansing kakaiba.
Napabalik ako ng tingin sa may kabilang dulo ng eskinita kung saan may nakatayong pigura. Hindi ko alam kung sino ito, pero ramdam kong sa amin nakatutuk ang mga matatalim nitong mga mata.
Marahan kong tinulak palayo si Hunter. Tiningnan kong maayos ang taong 'yon, pero hindi pa man ako nakakahakbang nang bigla itong umalis. Huminto ako. Hinawakan ni Hunter ang braso ko.
"Okay ka lang? Ano 'yon?" nag-aalalang tanong niya.
Umiling ako bago tumingin sa kaniya. Binigyan ko siya ng mainit na ngiti.
"Wala. Balik na tayo sa loob baka hinahanap na tayo nila Carl," ani ko.
"Okay."
Bago kami pumasok sa loob at binigyan ko muna ito ng huling halik.
"Don't be insecure again, okay?"
"I will."
Ngumiti kami sa isa't isa habang magka-lock ang mga mata namin. Pinagsaklop ko ang mga palad namin ay naunang pumasok sa loob. Iwinaksi ko sa isipan ko ang kabang nararamdaman.
Madami naman talagang gano'ng klaseng tao dito sa New York. Titingnan ka ng masama kahit na hindi ka kilala. Tama. Tama. Madaming gano'n dito.
Pagbalik namin sa table at tinudyo kami nina Linda at Carl dahilan kaya napuno ng kulitan ang table namin at asaran. Nakisakay ako sa kanila hanggang sa matapos kaming kumain at magkaayaang umuwi na.
Bago ako sumakay sa kotse at inilibot ko pa ng isang beses ang paningin ko. Hindi na kasi naalis ang pakiramdam sa'king may nakatingin sa'min kanina. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang matatalim na tingin sa'kin.
"Babe," pagtawag ni Hunter sa atensyon ko.
Tumingin ako sa kaniya.
Nasa kabilang bahagi na kasi ito ng sasakyan. Pasakay pa lang din.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.
"Of course. Mukhang hindi ako natunawan," pagbibiro ko.
Inilingan niya ko bago sumakay sa kotse. Nagpakawala ako ng malamim na hininga bago sumakay sa kotse. Guni-guni ko lang siguro.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro