Chapter 145 (Part 1)
CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-FIVE
"HUNTER, I love you," malambing kong pagpapaalam sa lalaki.
Natigilan naman ito sa kabilang linya, ang kaninang nakasimangot at stressed na mukha ay gumaan na. Ngumiti ako sa kaniya.
"Madami akong ikwe-kwento sa'yo, pero sa ngayon, hayaan mo muna akong makapagpahinga," mahina kong ani habang nakatingin sa kaniya. "Gusto ko lang makita ka. Makakapagpahinga na ako no'n," dagdag ko pa.
Dumilim ang mga mata nito pagkatapos ay tumango. Nakita ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi na para bang nagpipigil ng emosyon. Napangiti ako. Ibinaba ko ang phone sa kama at saka tumagilid do'n.
"Saan ka nagsususuot, Klyzene? Alam mo bang sobra akong nag-alala?" mahina niyang tanong.
Nakaramdam ako ng awa at guilt dahil sa sinabi niya.
"Sorry. Kinaylangan kasi naming mag-focus sa isang project kaya nag-pasya kaming patayin na lang ang phones namin. I'm sorry for making you worried. Gusto ko lang talagang matapos na 'yung project kaya sumang-ayon ako," pagpapaliwanag ko.
"Sa susunod message me. Us. Before ka mawala ng gano'n. Muntik na akong mabaliw dahil sa ginawa mo. Kung hindi ka pa nag-reply ngayon ay papunta na talaga ko ng airport para pumunta diyan. Klyzene, wag mo nang uulitin 'yon," seryosong sabi niya.
"Opo. I'm really sorry." Nagu-guilty tuloy ako lalo. Nawala naman sa loob kong magsabi na sa kanila, halo-halo na kasi ang nasa isip namin kaya walang nakaalalang magpaalam sa parents.
Huminga ng malalim ang lalaki pagkatapos ay ngumiti sa'kin.
"How are you?" malambing niyang tanong.
Nag-pout ako at pinungay ang mga mata.
"I'm so tired. Ilang gabi rin kaming walang tulog. Emotionally and physically tired. Gusto ko lang na magpahinga pero alam ko namang malabo," pagpapatuloy ko.
"Bakit?"
Nagbuntonghininga ako.
"Kasi exam week namin, tapos presentation ni Ariel. May reports pa kaming kaylangang ipasa."
Lumamlam ang mata niyang nakatingin sa'kin.
"I wish nandiyan ako para samahan ka, babe," anito.
Napangiti ako sa sinabi niya pero hindi na nakasagot. Dahil bumigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Ang huling naalala ko ay ang pagsabi ni Hunter ng 'I love you'.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Bumangon ako sa kama at saka nagtuloy sa banyo para maligo. Hinubad ko lahat ng suot ko at tumapat sa ilalim ng shower. Pumikit ako para 'di pasukan ng tubig ang mata ko. Binilisan ko lang din ang pagligo ko dahil balak kong mag-almusal sa labas.
Nagbihis ako ng simpleng baggy jeans at crop top na kulay itim. Naka-suot rin ako ng adidas na rubber shoe na kulay white. Pinatuyo ko ang buhok ko pagkatapos ay kinuha na ang mga gamit ko. Nasa fifty percent pa ang phone ko kaya pwede pa. Dinala ko na lang ang charger ko kung sakaling malobatt pati yung power bank.
Lumabas ako ng unit ko bitbit si Ariel.
I called my twin.
"Ang tagal mong walang paramdam ah," puna nito nang sagutin ang tawag ko.
Ngumisi ako. "Sorry. May ginawa lang. How are you?"
"I'm fine. Naglilihi pa rin." Rinig ko ang pagbuntonghininga nito sa kabilang linya. "Ang hirap pa lang maglihi. 'Yung cravings ko walang sinasanto. Kung ano-ano gusto kong kainin, minsan hanggang madaling araw ay gutom ako kaya nakakaawa na rin ang asawa ko. Madalas sa madaling araw gising."
Napangiti ako sa narinig.
"Hayaan mo siya. Hindi naman siya ang magbubuntis at magdadala ng baby ninyo ng nine months kaya dapat lang sa kanya 'yan."
"Sabagay pero nakaka-awa pa rin siya. Alam ko namang hindi niya gustong mahirapan ako, eh."
Umirap na lang ako. Kahit anong pagpapaganda ang gawin niya gano'n pa rin ang kahulugan no'n.
"Let's stop about me. Let's talk about your life. I saw Tito and Kuya Ivan sa resort mo. Mag-isa ka diyan," aniya.
"Sila muna ang mamahala habang wala ako. Busy pa kasi dito, and besides. Sanay naman na akong mag-isa kasi mag-isa rin akong nakatira sa condo ko," pagpapaliwanag ko. Lumabas ako ng lift ng bumukas ang elevator. Naglakad ako papunta sa parking lot.
"I heard pupunta diyan si Hunter. Nakarating na ba?" tanong niya na kinatigil ko.
Kumunot ang noo ko. "Really?" nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Oo! Hindi ka daw kasi ma-contact kaya pupunta na siya diyan para hanapin ka," natatawang sabi nito.
Napa-iling ako. "Ah. Nasabi nga niya nung magka-usap kami kagabi pero hindi ko alam kung tumuloy siya. Nakatulugan ko siya."
"Ang sweet! Sanaol pinupuntahan! 'Yung asawa ko akong naghabol, eh!" pagpaparinig nito.
"It's not true, honey! Hinabol rin naman kita ah!" rinig kong reklamo ni Henry sa kabilang linya.
"Sus! Naghabol ka lang naman nung nagmo-move on na ko sa'yo! Paano pala kung hindi ako nagpasyang mag-move on? Edi, nganga pa rin ako sa'yo hanggang ngayon?!"
"Malay ko bang mahal na kita no'n!"
"In denial king ka kase!"
Umirap na lang ako saka binaba ang tawag. Mukha naman kasing nakalimutan na niyang kausap niya ako. Binaba ko si Ariel sa lapag at binuksan ang pinto ng backseat ng kotse ko. Ipinasok ko siya sa loob at saka sinecure na hindi siya mahuhulog or masisira sa byahe. Nang okay na ay sinarado ko na ang pinto at pumasok sa driver seat.
Inayos ko muna ang rear view mirror ko bago ini-start ang sasakyan. Binaba ko ang phone ko sa may shotgun seat at saka pinaandar ang kotse paalis do'n. Bago tuluyang pumasok sa school ay dumaan muna ako sa drive thru.
Nag-order ako ng Chicken MgNuggets twenty pieces, large French fries, large coke, big mac, egg mgmuffin, large mccafe caramel hot chocolate
Pinaandar ko na ang kotse papunta sa harap. Huminto ako sa may bintana at binaba ang bintana ko. Nakita ko ang babaeng naka-abot nang dalawang paperbag sa'kin at coffee holder. Ngumiti ako. Inabot ko ang binili ko at kinuha ang credit card ko. Binigay ko 'yon sa kaniya.
Napangiti ako nang ibalik niya sa'kin ang card ko. Pinaadar ko na ang kotse paalis.
Habang nasa daan ay kumakain na rin ako. Nag-start ako sa chicken nuggets, sinunod ko ang fries ko at namalayan ko na lang na ubos na pala ang binili kong almusal. Inipon ko lahat ng basura ko, pagkatapos ay bumaba ng sasakyan. Tinapon ko muna 'yon bago kinuha ang mga gamit ko at pumasok sa loob.
Sa classroom ko na naabutan sina Linda at Carl na kapwa nakayukyuk sa lamesa. Mukhang mga naghahabol ng tulog. Tumabi ako sa kanila.
-----
OUR PRESENTATION went well!!!! I'm so happy!!!
Gumana kasi si Ariel at napahanga nito ang juries dahil sa ganda daw ng plano na maaring magamit in the near future. We left Ariel with our Professors bacause they're gonna put her in a vase where she can see by the other students.
Lumabas kami ng faculty room at saka nagtuloy sa cafeteria. Pwede na kaming umuwi pero naghihintay pa kaming malaman kung pumasa ba 'yung mga reports namin.
Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa may salamin at saka tumingin kay Linda na ngayon ay bumibili ng order namin. Si Carl ay busy sa phone. Di magka-away?
"Let's go to track later," yaya nito.
Tiningnan ko siya.
"Where?" pagpapa-ulit ko.
"Here," pagkasabi niya no'n ay ihinarap niya sa'kin ang cellphone. Binasa ko ang nasa screen. May race mamayang alas-otso ng gabi at ang siyang mananalo ay mayroong premyong ten thousand dollars.
"Wow. That's quite a lot of money, huh," puna ko.
Ngumisi ang lalaki. "Uhuh, because the race is a friendly competition."
"Want to join?"
"If you like. You're our valuable player there."
"She will go!"
Nag-angat kami ng tingin sa gilid. Nakatayo na kasi doon si Linda na may hawak na tray na puno ng snacks. Tumabi siya sa'kin, hinarap niya ako pagkatapos tiningnan ng mabuti sa mata.
"You'll join! It's time for us to relax! Ten thousand dollars is a lot of money. We can go shopping or bar-hopping!!" anito.
"Or we can use that money to fund Ariel," gatong ni Carl.
"He is right!" madiing sabi nito.
Kinamot ko ang batok ko.
"I don't know. It's been a while since I drive--"
"Stop worrying! You are the Green-eye devil. You rule the track!" pamumuri pa niya sa'kin.
Pabiro ko siyang inirapan.
"Stop fooling me, Linda. It will not work." pagpapatigil ko sa kaniya. Kinuha ko ang isang frappe at uminom. Pinagsalitan ko ang tingin sa dalawa. "I don't know, okay? Let me think about it because I'm not sure yet. Like what you said it's been stressful and tirefull days, rather weeks for us. I feel like want to rest," malumanay kong pagpapaliwanag sa kanila pero puno ng diin.
"But it's seyeng," ani Linda.
Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.
"What?" kunot noong tanong ko.
"Seyeng."
"Saying?"
"No! Se-yeng!"
Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ano ba 'yon? Seyeng? Anong salita 'yon? Slang?
"What kind of word is that?" Carl finally speaks.
Linda looks at him.
"It's a Tagalog word! Seyeng!" Cheerful na lumingon sa'kin si Linda, parang ang saya-saya pa niya sa lagay na 'yon. Anong klaseng tagalog word naman kaya 'yon?
"Means wasteful or waste, seyeng."
"What the fuck?!" gulat kong sambit. "Sayang, you mean?!" paniniguro ko.
Sunod-sunod siyang tumango at saka matamis na ngumiti sa'kin. "I'm awsome, right?! I can speak tagalog!!" proud pa niyang sabi sa'min.
Nagkatinginan kami ni Carl. Pareho kaming naguguluhan at 'di makapaniwala kay Linda. Sasakitan ka ng ulo sa babaeng 'to, eh!
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa lalaki. Tiningnan ko si Linda.
"Linds, not seyeng, okay? It's sayang. Lose the accent," pagtuturo ko ng tama dito.
Gulat siyang tumingin sa'kin.
"I'm wrong?"
"Just your pronounciation but you still can work into that," pagpapalakas ko sa loob niya.
Tinanguan niya ako at ngumiti.
"Why don't you speak Tagalog when you are with us? Use Tagalog so we can learn," panghihikayat niya.
Nginisihan ko siya.
"Then you won't understand me," nakangising sagot ko.
"We'll try."
I shrugged my shoulders. "Let's see."
Kumagat ako sa pagkain ko at tumingin sa may bintana. Why do I feel na may nakatingin sa'kin? Tiningnan kong mabuti ang labas kung may kakaiba pero wala naman. Mga estudyante ang nakatayo doon, ang iba ay naka-upo, nag-uusap. Walang kakaiba.
"Zene, are you okay?" nag-aalala at nagtatakang tanong ni Carl.
"What are you looking at?" curios namang tanong ni Linda.
Umiling ako bago ngumiti sa kanila.
"Nothing," mahinang sagot ko at muling tumingin sa labas at tumingin sa kanila ulit.
PAGKATAPOS naming makuha ang result ng reports ay nagpaalam na akong uuwi. Sa totoo lang ay pagod talaga ako at gusto kong magpahinga lang sa condo. Matulog ng mahaba dahil pwede nang maka-absent sa klase.
Dumaan ako sa grocery para bumili ng ice cream para may makain ako habang nanunuod ng series. Tatapusin ko na siguro 'yung Stranger Things para makapag-start na ako sa The Good Doctor.
Sa self-service ako nagpuntang counter para mabilis, kung sa mismong cashier ay pipila pa ako, eh, ang haba na do'n.
Pagkatapos kong i-punch lahat ng pinamili ko ay nagbayad na rin ako. Lumabas ng grocery at saka sumakay sa kotse ko.
Pagpasok ko sa loob ay binuhay ko muna ang makina saka kinuha ang cellphone ko. Nakakapagtakang walang message sa'kin si Hunter, siya pa naman ang madalas na nangtatadtad ng message sa'ming dalawa.
Nagalit kaya siya kasi tinulugan ko siya?
Tumuloy pa ba siya sa pag-punta dito?
Napasanda ako sa likod ng upuan. Mahina kong inuntog ang ulo ko sa may likod ng upuan. Paano kaya ako babawi sa lalaki kung ganitong hindi ko alam kung bakit ako babawi.
Pagkatapos kong magmuni-muni ay umuwi na rin ako. Tahimik akong nakasakay sa loob ng elevator, naghihintay magbukas ang lift. Yakap-yakap ko ang mga ice cream dahil natutunaw na ang paperbag. Mamaya ay madisgrasya pa kapag 'di ko hinawakang mabuti.
Lumabas ako ng lift at walang lingon-lingong pumasok sa unit ko. Inilagay ko sa ref ang ice cream at pumasok sa kwarto ko. Hinubad ko ang damit ko at tinira lang ang undergarments ko. Isinrado ko ang curtain at saka binuhay ang aircon. Humiga ako sa kama.
It's time to rest!!
Inabot ko ang tablet sa may gilid. I turned it on and opened the Netflix app. Nag-start na akong manuod ng Stranger things. Inayos ko na muna ang pagkakatayo ng tablet bago ako lumabas ng kwarto at patakbong pumunta sa kusina.
Kumuha ako ng ilang junk foods, ice cream at drinks sa ref ko. Okay lang magmukhang masiba, kaya ko nga binili 'to para may kainin ako, eh.
Humiga ako sa kama at nag-umpisang manuod.
Hours passed at nasa kasarapan na ako ng panunuod ng marinig ko ang doorbell. Hindi ko pinansin, baka nagkamali lang o kaya naman mga batang nakalusot sa security. Madalas mangyari sa'kin 'yon kaya no thanks. Not this day. Nagpa-ulit-ulit ang doorbell hanggang magsawa ito sa ikalimang beses. Ngumisi ako.
Isusubo ko pa lang ang kutsara ng ice cream nang mag-ring ang cellphone ko. Umiling ako kasabay ng pagbaba ng kutsara. Mukhang kilala ko na kung sino ang nasa labas.
Inabot ko ang phone nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng tablet.
"Linds, I told you I wanted to rest. Let's join race some other time, okay? Have a date with your boy toy. Go!!" pangtataboy ko dito without looking kung siya ba talaga ang tumawag.
I'm just going to put my phone aside when it rings again. I rolled my eyes in annoyance.
"Linda--"
"Baby..."
My eyes widened.
"Hunter!!" I exclaimed.
I heard him laugh. Tiningnan ko ang screen ng phone. Namutla ako. Si Hunter nga! Ibig bang sabihin siya rin ang kausap--Mabilis kong ibinalik ang telepono sa tapat ng tenga.
"Are you still there?" naabutan kong tanong niya.
"Y...yes. Yes. I'm still here! Sorry about that." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Ahm...have you eat already? What are you doing?" pagbubukas ko ng topic.
"Hindi pa, nakatayo pa ako."
Ewan ko kung ako lang ba o nai-imagine ko ang mukha ni Hunter na nakangisi sa kabilang linya.
Iwinaksi ko 'yon sa isipan ko. Siguro'y nanloloko lang ang lalaki.
"Bakit ka nakatayo naman?" pagsakay ko dito.
"Let's face time," aniya.
Kumunot ang noo ko nang mamatay na ang tawag at wala pang isang minuto ay nasa screen na ulit ang pangalan ni Hunter. Sinagot ko ito.
Ang gwapong mukha ng lalaki ang bumungad sa'kin. Napangiti ako ng malungkot. Bigla ko siyang na-miss. Gusto ko siyang yakapin!
"Baby!!" tawag nito.
Bumalik ako sa reyalidad dahil do'n. Ilang beses akong kumurap at tiningnan siyang mabuti.
"Sorry. What are you saying again?" Tumaas ang kilay ko nang hindi ko makilala ang background nito. Ngumuso ako. "Where are you?"
Ngumisi siya sa'kin. "Do you miss me?"
"Oo naman! Bakit mo ba tinatanong pa 'yan," inis kong sagot dito. Gusto ko nang magtampo ha. Bakit 'di niya man lang ako binati ng congratulations? Nag-message ako sa kaniyang nakapasa kami ah.
Magagalit na sana ako nang baliktarin ni Hunter ang camera sa likod. Nung una'y di ko pa napansin pero napabalik ang tingin ko roon nang makilala ang pintuang 'yon.
"OH, MY GOD!!!!" tili ko.
Nagmamadali kong inabot ang robe sa may gilid at saka sinuot.
Nagmamadali, nagkakanda dapa pa ako patakbo sa may front door. Humahangos kong binuksan ang pinto. Doon ko naabutang nakatayo si Hunter.
"Baby!!!!" sigaw ko at tinakbo ko siya ng payakap.
Muntikan kaming matumba dahil sa impact ng pagtalon ko dito.
Tumawa ng malakas si Hunter at sinalo naman ako. Ipinalibot ko ang hita ko sa bewang nito at ang braso ko sa leeg niya. I squeez him na mas kinatawa nito.
Nakaalalay sa pang-upo ko ang isang kamay niya at sa likod naman ang isa. Mas idiniin niya ako sa kaniya. Nagsumiksik ako sa mabango niyang leeg.
"I miss you!!! Why you didn't tell me na pupunta ka?!" gulat na may halong pagtatampong tanong ko nang ilayo ko ang mukha ko sa kaniya.
"Edi, kung sinabi ko hindi na surprise," natatawang sagot niya.
Nagtama ang mata namin. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Damn, baby! Walang sabi-sabing inangkin ko ang mga labi ni Hunter.
Nanigas pa siya sandali pero ginantihan niya rin ang mga halik ko sa mas mapusok na paraan. I can feel his friend is starting to wake up. Ramdam na ramdam ko 'yon dahil panty at pants lang naman ni Hunter ang humaharang sa mga kaselanan namin. We don't care if nasa may corridor pa kaming dalawa, gusto lang naming punan ang pagka-miss sa isa't isa.
We're already losing our breath nang maghiwalay kaming dalawa. Pinagpapawisan si Hunter habang naghahabol ng hininga. I can't stop to be proud because I know I'm the reason why he's like that.
Namumula pa ang labi nito dahil sa mga kagat ko. I licked my bottom lips and smile naughtyly.
"Let's go inside?" mahinang tanong ko.
Wala siyang sinagot kundi isang marahang tango. I smiled. Akmang bababa na ako sa kaniya nang pigilan niya ako.
Nagtatanong akong tumingin sa kaniya.
"Don't," pigil niya.
Tumango ako. Gamit ang kanang kamay ay hinila nito papasok ang maleta niya. Pinaglaruan ng mga kamay ko ang malambot niyang buhok. Ngayon ko lang napansing nagpa-gupit ulit siya. Mas naging mature ang hitsura niya.
Gamit ang paa nito at tinulak niya ang pinto pasara. Namalayan ko na lang na nakasandal na ako sa likod ng pintuan.
Nakangisi siya sa'kin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"What now, Mr. Winchester?" maharot kong tanong.
I closed my eyes when his lips landed on mine.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro