Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 144


CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-FOUR

MAHIGPIT akong nakayakap kay Papa habang naghihintay tawagin ang plane nila. Napapagitnaan ako ng dalawa. Ipinatong ni Papa ang braso niya sa balikat ko at gumanti ng yakap. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil siguradong mauudlot ang pag-uwi nila.

Nag-taas ako ng tingin kay Papa. Deretso ang tingin nito sa harap kahit wala namang tinitingnan do'n. Ngumuso ako.

"Pa, will you visit me here?"

Nagbaba ng tingin sa'kin si Papa. Nagtataka siyang nakatingin sa'kin pero mas pinili pa rin niyang sumagot.

"Yes, sweetheart. Why do you think I won't?" he asked.

"Maybe because it will be hard for you," nalungkot kong sagot.

Tiningnan niya ako ng masama bago hinalikan sa noo. "Why does I feel that your telling me that I'm to old to go here and there?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"I don't mean that. Not really," parang wala lang na sagot ko.

Narinig ko ang pagtawa sa'kin ni Kuya na sinabayan ni Papa kaya ako mas lalong napanguso. Nakaka-inis kapag ikaw palagi ang napapagtulungan kasi bunso ka tapos babae ka pa. Dahil sa pagkarindi ay siniko ko si Kuya sa tagiliran na mabilis naman niyang nasalag.

Inakbayan din ako ni Kuya kaya bumigat lalo ang balikat ko.

Sinubukan kong tumayo pero hinila lang nila ako ulit paupo. Nag-cross arm ako.

"Let me go!" inis kong bulong kay Kuya pero instead na sundin ako ay nginisihan niya lang ako kaya mas lalo akong nainis.

"You'll stay forever here," pagbibiro nito.

Umirap ako.

"Pa, call me if you're already landed in the Philippines, okay? I will wait."

"Okay, sweetheart. Take care of yourself here. You are alone, and this city is too wild for you, honey. Do not leave alone; always make sure someone knows where you are, okay?"

"Sure, Papa."

He gave me a sweet smile.

"Refrain yourself from driving like a racer in the street of New York. You are not on the race track. I don't want you to be hurt."

Natawa ako ng Mahina.

"Crystal clear, Pa," I replied.

Tumango siya na mukhang nasiyahan naman sa sinagot ko. Napangiti ako.

"I though we're going to visit, Abuela?" ani Kuya.

Lumingon kami sa kaniya.

"I already told her we can't come this time. We'll visit in Klyzene's vacation," anito.

"Can we bring Hunter with us when we fly to Spain? I want to introduce him to Abuela," tanong ko.

Ramdam ko ang mga maiinit nilang tingin sa'kin pero okay lang. At least nakapag-ask ako.

Si Papa ay ginulo ang buhok ko.

"Do you want to introduce him to her? You know if you did that, she will think you are bound to marry each other someday. Or maybe, he will leave in Spain married to you."

Hindi ko alam kung sinasabihan lang ako ni Papa or tinatakot na niya ako.

Napa-isip ako.

"Hunter said he's sure about me..." bulong ko sa sarili ko.

I was about to say something when we heard their flight leaving in fifteen minutes. I let a sigh, then stand up and look at them.

They need to leave already. I smiled a bit.

"Your plane will leave."

Tumayo na si Papa at Kuya. Tiningnan nila ako. Malambot ang mga mata nila habang nakatingin sa'kin. I know they are sad too, like I am.

"I will call in my free time," ani ko.

Tumango si Papa at lumapit sa'kin para yakapin ako. Gumanti naman ako ng yakap.

"I will miss you." Mas lalo akong nalungkot nang maramdaman ko ang malambot na labi ni Papa sa ulo ko. Napapikit ako ng mariin bago pinilit ang sarili kong kumalas. Tumingin ako kay Kuya.

Nilapitan ko rin siya at niyakap ng mahigpit.

"Call me if you need help or if something happened. I will fly here right away," aniya.

Sunod-sunod akong tumango. Inilayo niya ang katawan niya sa'kin at hinalikan ako sa noo. Ngumiti ako.

Hinatid ko sila hanggang sa may entrace ng departure. Sinundan ko ng tingin hanggang sa mawala na sila. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago tumalikod at lumakad paalis. Sinuot ko ang oval sunglasess ko.

Wala akong dalang sasakyan dahil sinabay lang ako nila Kuya. Iniisip ko ng mag-take ng taxi para maka-uwi ng makita ko ang kotse namin sa harapan.

Kumunot ang noo ko.

I thought pina-uwi na ang driver namin?

Mabilis akong lumakad palapit sa sasakyan, nagulat pa ako ng may lalaking inunahan ako sa kotse. Nakita kong binuksan nito ang backseat. Tinaasan ko 'to ng kilay.

"Ma'am, your father instructed me to wait and take you home safely," he said; with a stoic face.

Sumakay na ako sa kotse without any word. Kilala ko naman ang driver namin. I'm sure ihahatid niya lang talaga ako pauwi. Sinarado na nito ang pinto at umikot sa driver seat. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang sasakyan paalis.

This will be a long ride.

­---------

ONE month passed like a blink of an eye. It feels like I closed my eyes, and now we're hurrying to finish our requirements for our semester.

I'm already frustrated because of the project they needed to pass. It's group work, and Carl and Linda are my groupmates. I know we're all doing our best, but I am more!

Ilang gabi na ba akong walang tulog dahil sa Memaids Cleaner na 'to? Hindi ko na yata alam. Nakaka-inis lang dahil hindi pa rin naman alam kung paano siya magiging water proof and heat proof.

Natigil ako sa pag-aayos ng notes ko nang marinig ang pagtunog ng bell. Nagmamadali akong tumayo; basta-basta na lang pinulot ang papel sa harapan ko. Wala na akong pake kung malukot man o ano.

Isinilid ko 'to sa bag ko tapos patakbong lumabas ng library. Nasa second floor ang classroom namin kaya napaka-layo pa ng tatakbuhin ko. Kung 'di ka ba naman sinusuwerte, nasabayan pa ako ng bugso ng mga estudyanteng pababa.

Nakipagsiksikan na ako sa kanila kahit nabubunggo na ako.

Pabagsak kong binaba ang libro ko sa ibabaw ng table nang nasa room na ako.

Gulat na napatingin sa'kin ang dalawa.

"Where have you been?" Linda asked.

Like me, she also looks like hell. There's a dark spot under her eyes, her hair is messy, and her skin is pale.

Umupo ako sa tabi niya.

"Library. I'm searching for our project," matamlay kong sagot.

"Did you find anything?" she asked.

I nod. "It's a lot and pricey. Money is no problem. I can support us, but if we will try all of it. We're going to run out of time."

She sigh. "How many of them? How about we make one or split it up for each of us."

Her suggestion is good but...okay.

"Six. We will try epoxy, silicone, urethane, acrylic, para-xylylene, and fluoropolymer. Do you think we can handle that? We will make six mermaid cleaners to see if it will work."

Napa-isip naman si Linda sa sinabi ko. Malaki kasi ang Mermaid Cleaner dahil kaylangan. Ito ang magpupunta sa dagat para mangoleta ng mga basura. Sa bibig papasok at mapupunta sa may buntot para maipon ang mga 'yon. Tapos hindi mo na kaylangan mag-alalang i-charge ito pag na-lowbatt dahil mayroon siyang solar panel para sa araw na lang kukuha ng energy.

Ang ganda ng plano, pero we're not yet sure sa plan para maging water proof siya. Everytime kasi na gagawa kami kapag binababa na sa tubig ay nagsho-short circuit.

Gusto ko kasing maging lightweight siya hanggang sa maari. Mas mabilis kasing makakakilos kapag gano'n lalo na't madaming basura ang nasa dagat na dapat makuha. Besides, bibigat na rin kasi ito kapag may laman ng basura, baka instead na umahon ang mermaids cleaner ko makadagdag pa sa basura sa dagat.

"Let's talk about it later. We'll find a way," pangpapa-lubag loob nito.

Tumango ako. Nagsimula na rin ang klase namin. Hindi sabay-sabay ang exam kaya medyo nakakahinga pa kami, ang sabay-sabay lang ay ang mga projects at requirements na dapat naming tapusin.

Pagkatapos ng klase ay nagpasya kaming mag-aral at tapusin na ang kanya-kanya naming requirements. Sa condo ko kami pumunta. Halata mong lahat kami pagod dahil kulang na lang ay humiga na kami sa balak na sahig ng lift. Isama mo pang ang dami naming mga dala.

Pagpasok sa loob ng unit ay nagkanya-kanya ng pwesto ang mga ito. Ako naman ay nagpunta sa kusina. Kumuha ako ng isang malamig na tubig sa ref at uminom. Nang maubos ko ang tubig ay tinapon ko sa trashcan ang basyo. Kumuha pa ako ng dalawa para kina Carl at Linda.

Umupo ako sa pang-isahang sofa.

Nagpahinga lang ako sandali at nilabas ko na rin ang laptop ko. Umupo ako sa carpeted floor at nag-umpisa nang gumawa ng report namin.

Mabilis lumipas ang oras dahil sa dami ng ginagawa namin. Namalayan ko na lang na umaga na pala ulit nang magising ako kinabukasan. Pumapasok na sa loob ng bintana ang sinag ng araw na siyang tumatama sa mga halaman at sa'min.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Damn! It's already morning?!" nagrereklamong tanong ni Carl na kagigising lang.

Tamad ko siyang nginitian. "Yah. We need to pass this reports today so we can start doing the Mermaid's Cleaner."

Tumayo ang lalaki at naglakad papuntang kusina. Ako naman ay umupo sa pang-isahang sofa at saka sumandal. Pumikit na rin ako dahil bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo.

"What breakfast do you want?" I heard him asked.

"Your choice," inaantok kong sagot.

Wala na kong narinig na sumunod niyang sinabi dahil hinila na ako ng malalim na antok. Nagising ako sa pag-alog ng katawan ko. Mabilis akong dumilat at tiningnan kung sinong poncio pilato 'yon.

Nakatayo sa gilid ko si Linda, naka-suot ng damit ko at naka-bun ang buhok. Napasabunot ako sa sarili ko.

"What time is it?" mahinang tanong ko.

"Past lunch. Let's eat," yaya niya.

Tumango ako; siya naman ay tumalikod at naglakad palapit kay Carl na wala ng suot na pang-itaas. Umiling na lang ako at tumayo. Pumasok ako sa kwarto ko para makapag-freshen up, nanlalagkit na kasi ang pakiramdam ko.

Nagsuot ako ng isang ripped jeans at black tee. Hindi ko na blinower ang buhok ko, hinayaan ko na siyang matuyo ng kusa.

Sa kusina ay nag-uumpisa na silang kumain. Tumabi ako ng upo kay Linda.

Kumuha ako ng Caesar salad na may grilled chicken. Napangisi ako sa isip. Mukhang nakapag-halungkat talaga sila ng ref ha. Tumango-tango ako dahil masarap naman ang pagkain kung sino mang gumawa nito. Kumuha rin ako ng isang apple at sinabay sa pagkain ko.

"We should at least try one, Klyzene. Just to make sure, and if it didn't work. We'll try the other five," pag-uumpisa ni Carl habang nasa gitna kami ng pagkain.

Tiningnan ko siya.

"Okay. Let's pick one. We need to buy from the market and then start making one."

"I will stay here. You two go and buy everything we need, so when you come back, we will start assembling Ariel," nakangiting ani Linda.

"Fine. Clean our dishes," nakangising ani Carl.

Nanlaki ang mata ni Linda pero kaagad rin namang sumang-ayon. Sabagay, mas nakakapagod ang pagpunta sa shop para bumili ng gagamitin namin.

After we ate our lunch, umalis na rin kami. Sakay kami ng kotse ko dahil mas mabilis 'yon. Sa malapit na shop lang kami nagpunta para hindi malayo ang byahe.

Nag-park ako ng sasakyan. Sabay kaming lumabas at pumasok sa loob. Walang tao. Hmm... nagkatinginan kami ni Carl. Sa mata'y nag-usap kami na maghiwalay kami para mas mabilis mahanap ang mga bibilhin namin. Tumango naman siya. Kumuha ako ng basket at saka naglakad na papunta sa wires.

Kumuha ako nang madami, tapos ay sinunod sunod ko na ang nasa listahan hanggang sa matapos kami. Sa counter ko na nakitang naghihintay si Carl, may mga nasa ibabaw na rin ng counter. Mas nakuha ng dalawang timba ng silicone ang pansin ko.

Nilapitan ko siya.

Ipinatong ko sa counter ang basket na puno ng kakaylanganin namin.

Tiningnan niya ang mga kinuha ko kung kumpleto ba.

"Did I got it all?" tanong ko.

"I think so."

"Let's grab a snack after this. I don't feel like cooking for later," he said.

"Pizza or burger?"

"Both!"

Di na ko sumagot. Inilabas ko ang card ko at inabot sa cashier. Okay lang na ako ang gumastos sa ginagamit namin dahil sila naman ni Linda ang mas gumagawa.

Umuwi na rin kami kaagad pagkatapos. Halos limang paper bags ang dala namin. Tatlo ang kay Carl at sa'kin naman ay dalawa. Pumasok kami sa unit ko at binaba ang pinamili sa lapag.

Nasa may sala si Linda at nakasuot ng safety glasses. Hininto nito ang ginawa at tumingin sa'min.

"You're early," puna niya.

I rolled my eyes at her.

"We're not. You're just busy doing that mermaid," tamad kong sagot. Umupo ako sa tabi niya samantalang si Carl ay naka-upo sa harapan namin.

"I named her Ariel, Zene."

I frowned. "Why Ariel? Name her Moana," giit ko.

She laughs at me, "because Ariel is a mermaid. Obviously?" May pagka-sarcastic pa siyang nakatingin sa'kin.

Umirap ako.

"And she left her family behind to follow a dick. What a good example," inis kong turan.

She raised her eyebrow, "if I was Ariel too, I go for that dick with a lot of money!!!"

"Wow, a gold digger too?" natatawang ani Carl.

"Why not? Even more so now that I'm so tired of this mermaid. I prefer to find my sugar daddy," may pagka-desperadang Sabi nito.

Sinimangutan ko siya.

"Ayan nahawa na siya kay Ariel," ani ko sabay iling.

"I like the name Moana. She left her town and family to save them," ani Carl.

"No one's asking your opinion," pambabara ni Linda.

"Bitch!"

"I know, asshole!"

-------

AFTER many long days of finishing the Mermaid's Cleaner, we finally did it!

"IT WORKS!!!"

"SHIT!!!"

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang imbensiyon namin. Gumagana naman siya ng maayos kahit eighteen inches lang ang haba niya. Sumandal ako sa pindo at tinapik ang dalawa sa likod.

"We did great. It's time for us to rest," mahinahon kong ani sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa bago tumayo. Naunang lumabas si Linda, si Carl naman ay kinuha si Ariel para patuyuin. Bukas na kasi ang deadline kaya kaylangang walang masamang mangyari kay Ariel kung hindi yari kami.

Sinundan ko si Linda sa labas. Naabutan ko siyang nasa may sala at inaayos ang reports. Lahat kami ay hindi pumasok sa klase, nag-exam at um-attend sa klase thru online para lang matutukan namin ang gawain namin.

We forbid each other to use phones, so we can focus on what we are doing and at last. We finished it.

Dahil tapos na ang pinaka-stress namin ngayong semester ay nag-aya akong kumain sa labas para makapag-unwind na din. Pagkatapos naming mag-celebrate ay umuwi na rin kami sa kanya-kanyang bahay. Bukas na lang kami magkikita-kita sa school.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at inilabas ang cellphone ko sa drawer. Naka-off ito. Nang i-on ko ay sunod-sunod ang pagpasok ng mga notifications kaya maingay.

Humiga ako sa kama at naghintay. Mga sampung minuto yata ang tinagal ng pagiingay ng telepono bago huminto. Inabot ko ito at tiningnan. Sandamakmak ang messages at missed called sa'kin nila Kuya Ivan, Papa, Dad, Mom, Kuya Jake, Klyzia at lalo na ni Hunter.

Nasapo ko ang noo ko. Ang tanga mo! Nakalimutan kong magpaalam sa kanilang hindi muna ako makakapagbukas ng phone kaya siguro ganito kadami ang messages nila sa'kin.

Una akong nag-reply kay Papa't sinabing okay lang ako pati na ang dahilan kung bakit ako nawala ng ilang araw, gano'n din ang ginawa ko sa iba. Para na ngang GM ang ginawa ko eh.

Ibaba ko pa lang sana ang cellphone nang biglang lumitaw sa screen ang pangalan ni Hunter. Napangiti ako at kaagad na sinagot ang video chat nito.

"Baby! I was worried about you!!" bungad niya sa'kin.

Nginitian ko siya ng matamis. Mukhang okay naman ang lalaki, mas maayos na ang hitsura nito kesa nung huli kaming nag-usap. Pwera nga lang sa eyebags nito. Kumabog ng malakad ang dibdib ko.

"Hunter, I love you." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro