Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 143

CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-THREE

PAGKATAPAK namin sa loob ng convenience store ay naramdaman ko na ang paninigas ng katawan ni Bea. Bumaba ang tingin ko sa kaniya. Nakayuko ang babae at pinaglalaruan ang kamay.

Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya. Nag-angat siya ng tingin. Nagtatanong.

"Get the things you need to buy. Then aalis na tayo," utos ko.

Tumango naman siya at tipid akong nginitian. Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng suot kong pantalon. Sinundan ko ng tingin si Bea, nagtungo ito sa may isle na puro cosmetic at girl stuff. Napakamot ako sa likod ng ulo ko.

Ang hirap sigurong maging babae.

Pero napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng tawanan. Hinanap ng mga mata ko yon at bumagsak sa mga kalalakihang tinutukoy ni Bea kanina. Pinagmasdan ko ang kilos nila. Nakasunod ang mga tingin kay Bea, at pagkatapos tingnan mula ulo hanggang paa at magtitinginan at tatawanan sila.

Kumunot ang noo ko.

Nakaramdam ako ng inis dahil don. Sumeryoso ang mukha ko nang makita na lalapitan ng isang lalaki si Bea nang nasa cashier na ito. Malakas akong tumikhim. Napatingin sakin ang mga lalaki.

Mukhang nagulat pa sila na may nakakapansin sa ginagawa nila. Masama ko silang tiningnan kasabay ng paglapit ko kay Bea. Umatras sila at nagmamadaling lumabas. Nagbubulungan pa sila nang sundan ko ng tingin.

Umiling ako. Mga gago. ​Hinarap ko si Bea. Napa-atras pa ako sa gulat.

Paano ba naman ay nakaharap na siya sakin. Malapad ang mga ngiti, at nagniningning ang mata.

Bakit?

Tumikhim ako. "Tapos ka na?" tanong ko.

Sunod-sunod siyang tumango. "Yaps! Kaya lang may kulang lang na isa pang gamit but this will do," aniya.

Bumaba ang tingin ko sa clear plastic. Napkins for menstruation, tissues at Ph Care?

"Ah okay. So I can already leave?" Umiling siya. "Yes and no," sagot niya.

Kumunot ang noo ko.

"Ha?"

Lumakad kami palabas. Huminto kami sa kung saan malapit naka-park ang kotse ko at ang kaniya rin, siguro Tiningnan ko siya.

Malapad niya akong nginitian.

"Yayayain sana kitang mag-kape pa. Parang thank you na lang sayo."

"Ah--" nag isip ako. Umiling ako. "Sorry hindi pwede. May nililigawan na kasi ako. Ayokong malaman niyang may sinamahan akong ibang babae na magkape. Hindi na okay yon," pagpalaliwanag ko.

Hindi siya makapaniwalang nakatingin sakin. Umawang pa ang labi niya. "Y-your courting someone?"

"Yes."

"S-since when?"

"Ilang buwan na rin. Actually, susundan ko siya sa New York next week or month," ani ko.

Dumilim ang mata nito. "You already forgot Divine?"

"I did not forget Divine, I just move on. She helped me to be a better person. Her name is Klyzene Black, now nasa New York siya nag-aaral. Sige, thanks."

Tumalikod na ako sa kaniya at lumakad sa kotse ko.

Hindi kumilos sa kinakatayuan ang babae. Nasa may gilid lang ito nakatayo. Nakasunod siya sakin, wala ng emosyon ang mga mata. Nakakapag taka pero hindi ko na masyadong binigyang pansin. Ini-start ko ang sasakyan at pinaandar yon. Binusinahan ko siya ng isang beses bago tuluyang umalis.

ALAS-tres ng madaling araw nang dumating ako sa agency. Kagaya ng dati ay labas masok ang agents dahil sa dami ng mga trabaho namin. Hindi namin alam kung bakit madaming mga insidente ng kidnapping at mga murder ngayon.

Miski mga pangthre-threat ay laganap din. Naabutan ko si Jiggy na nakatayo sa likod ng table nya sa labas ng office ko. Ibinaba ko sa ibabaw ang baterya. Tumingin siya sakin. Ngumiti.

"Bossing! Andiyan ka na pala. Kaylan ka pa dumating?" masiglang tanong niya.

"Kadarating-dating lang. Anong balita?" Lumakad ako papasok ng office ko.

"May gagawing drug enforcement bukas ang Team ni La Pierre. Malaki-laki din yon, Bossing. Delikado dahil drug lord ang huhulihin mismo," pagpapaalam niya.

Kinuha ko ang folder sa ibabaw, may confidential na nakalagay. Binuklat ko yon. Tama nga. Information yon tungkol sa gagawin bukas.

"Tinimbrehan niyo ba ang mga Pulis?"

Umiling ito. "Hindi namin magawa, Bossing. May nakapagsabi kasing may malaking tao sa loob ng Pulisya ang drug lord na huhulihin. Baka mamaya ay masira pa ang plano kapag nagkabaliktaran."

Nagngitngit ang loob ko. Dapat ang mga pulis ay nagpro-protekta sa mga mamamayan at nagpapatupad ng batas. Hindi binabali ang batas at nagpapalaki ng bulsa at tiyan doon. Kaya hindi umunlad ang bansa dahil sa katulad nilang mga halang ang bituka.

"Mabuti. Imbestigahan ninyo kung sino yung tao nung drug lord sa loob. Kaylangan nating mahuli miski ang gagong yon," ani ko.

Tumango siya at saka tumalikod na't lumabas. Naiwan akong mag-isa sa loob. Dapat tapusin ko na lahat to.

KLYZENE'S

PASIMPLE akong humikab habang nakikinig sa tinuturo ng teacher namin tungkol sa mangyayaring training. Kinakalat na nila kami sa kung saan.

Nagmadali pa naman kaming pumunta kasi akala namin ay importante pero hindi naman pala. Nasasayangan tuloy ako sa oras na pwede naming ubusin ni Hunter sa isa't isa. Dahil sa inip ay nag-umpisa akong sulatan ang likod ng binder na dala-dala ko.

Wala man akong balak burarain ito pero mukhang 'yon na nga ang mangyayari.

Kung ano-ano lang ang sinulat ko at ginuhit. Mga walang kwentang bagay.

"Psst!"

Nagkibit balikat ako.

"Psst!"

"Haist! Look at me."

"She's mad."

"No, she's not."

"Then why she's not looking at you? You are not important to her anymore."

"Asshole! Klyzene, talk to us."

Tumingin ako sa harap para i-check kung busy ang propesor, nang busy naman ay pasimple kong nilingon ang dalawa. Nakangisi sila sa'kin. Mukhang mga alam yatang hindi ko sila matitiis.

"What?" I mouthed them.

"Let's go!"

I frowned. "Where are we going?!" mahinang tanong ko.

They smirked at me. "Outside."

"It's boring here!"

Inirapan ko sila. "Everything for the both of you are boring!"

"It's not!" they both said.

Umiling ako. Umayos na ako ng upo paharap. Nagpapaliwanag pa rin ang Prof sa harap at nagtatanong sa mga nasa unahan. Mabuti na lang nasa likod kami.

I give them a 'fuck you' sign ng batuhin nila ako ng papel para lumingon sa kanila.

Hindi ko pinansin. Ayokong mapagalitan, nakakahiya.

"Come on, Zene, let's get out of here!" pangungumbinsi pa ni Linda.

Nilingon ko sila. "Will you not stop?" madiing tanong ko.

Kagat labi siyang umiling sa'kin. Mukhang tuwang-tuwa pa sila na iniinis ako.

"Let's get out of here!"

"Fine, assholes!" madiin kong ani.

Kinuha ko ang bag kong nasa ibabaw ng lamesa. Nauna akong tumayo. May pinto sa likod kaya duon kami dumaan. Marahan akong tumayo upang 'di mapansin ng mga prof. Nakasara ang pintuan kaya maingat ko ding binuksan. Lumabas akong dahan-dahan.

Pagkalabas ko ay hindi ako masyadong nagpakalayo-layo dahil baka hindi nila ako makita. Minsan pa naman ay may pagmalilituhin ang dalawang 'yon. Namalayan ko na lang na nasa labas na pala ako. Walang estudyanteng nakatambay bukod sa'kin.

Lumakad ako palapit sa may malaking puno. Umupo ako sa damuhan at sumandal sa matigas na ugat nito. I'm waiting for them.

Wala pang ten minutes nang marinig ko na ang sigawan nila Carl at Linda. Hindi nga nagtagal ay sabay na lumabas ang dalawa sa pinto. Tumayo ako at sinabayan sila ng lakad.

"Where are we going?" nagtatakang tanong ko.

Nilingon ako ni Linda.

"Mall!"

----

"WHAT are we going to buy here?" litong tanong ni Linda sa tabi ko.

Kinuha ko ang dalawang magka-ibang powerbank. Tinitingnan ko kung anong mas magandang bilhin.

"I need a new power bank. I lost mine months ago," sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

"I have extra one? Do you want to borrow it?"

"Nah. Thanks, I needed my own." Ibinalik ko ang hawak ko sa kanang kamay ko. Humarap ako sa kaniya. "Let's go."

After naming magbayad sa cashier ay lumabas na kami. Nasa kanan ko sina Carl at Linda na magka-akbay. Mukha akong third wheel sa lakad nilang dalawa.

"Where are we going to eat?" Carl asked.

"McDonalds. I want chicken nuggets," I replied. I looked at Linda, asking her opinion if she like to eat there.

"Yeah, I miss their burger!" pag-sangayon niya.

Nag-drive thru kami sa McDonalds. Dahil si Carl ang nasa driver seat ay sila ni Linda ang nag-order para sa'min. Pagkakuha namin ng order namin ay nag-drive na ito paalis. Nagpunta kami The People's Beach sa Queens.

Huminto kami malapit sa beach, lumabas ng kotse si Linda na dala ang mga pagkain namin. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya.

"When your boyfriend will go here?" tanong nito.

"He said next week or next month. I don't know, he's a busy person," sagot ko. Huminto kami sa medyo malayo sa ibang tao. Nilingon namin si Carl na siyang may dala ng blanket.

"Why didn't he go here with you?"

I pouted my lips before I replied. "He wants to, but I said no. As I said, he's a busy person. He has his own Agency." I sounded like a proud girlfriend here--no. I am proud of him.

He has a lot of burdens to carry, and yet, look at him. Fighting and soaring high.

"You should tell him to go here, gurl. What if he's cheating on you?!"

Tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi nito. Inilingan ko siya at kinuha kay Carl ang blanket na kadarating lang. Ako na ang nag-ayos no'n sa buhangin.

"He will not dare, Linds, and besides, I know Hunter. He's not that kind of person. He looks like not a showy person, but when he loves someone, he loves it with all of his heart. He will not cheat on me. I trust my man," sagot ko.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin siya sa'kin.

"Girl, are you not afraid he'll find someone better when he's on the other half of the world?" Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "I'm telling you, girl. Every man is a cheater. So cheat too," panghihikayat niya.

Tipid na lang akong ngumiti sa kaniya saka inalis ang kamay niyang nakahawak sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya.

I look into her eyes.

"Linds, not everyman is your exes. Hunter will not cheat," puro ng kasiguraduhang wika ko bago umupo. Tulala itong tumabi sa'kin.

Si Carl naman ay tahimik kaming pinapakinggan. I can't blame Linda kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa mga lalaki, may mga nangyayari sa buhay nito na miski kaming malalapit niyang kaybigan ay walang alam.

"He will, someday!"

Hindi na ko sumagot pa. Nag-umpisa na lang ako sa pagkain.

"It's not because it happened to you, it will happen to Klyzene. Maybe, Filipino men are different. Trust, Zene," biglang ani Carl.

Bumaling kami dito. Napansin ko ang masamang tingin ni Linda sa lalaki.

"Oh, come on. Coming from a cheater like you?"

"I did not cheat."

"Still."

Pinanood ko ang dalawa ng mabuti. Bakit pakiramdam ko ay may nangyari na hindi ko alam. Puno kasi ng pait ang boses ni Linda at si Carl mukhang malungkot.

"There's nothing happened between us, Zene. If that's what your thinking," pangunguna ni Linda.

Tumingin ako sa kanya. Before I can even speak ay nagsalita na ulit siya.

"You can't deny it. I can read it in your face. Stop."

Tinaas ko ang kamay ko tanda ng pagsuko. Kinagatan ko ang nuggets na nasa kamay niyo at ngumiti.

Maybe one day, she'll open up to me.

No one dares to speak. We just look at the water was full of people who are enjoying themselves.

Huminga ako ng malalim. Hunter will never cheat. I know it. I know he will not waste my trust. Napangiti ako.

PAGKATAPOS naming kumain ng hapunan sa labas ay umuwi na rin kami. Ibinalik ko pa 'yung dalawa sa school dahil nandoon ang kotse nila. Pagkapasok ko sa loob ng unit ko ay binagsak ko kaagad ang sarili ko sa sofa.

Napagod ako sa paggagala namin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong na hininga bago dumilat. Bumagsak ang tingin ko sa vase na nasa may island counter. Biglang nawala ang lahat ng pagod na nararamdaman ko.

Tumayo ako at nilapitan ang mga bulaklak. Tiningnan kong mabuti. Bakit kaya 'to ang napili niyang ipadala sa'kin? Is there any meaning for this flower?

Mabuti kong sinuri ang mga bulaklak.

Hindi ko masigurado kung mayroong kahulugan ang bulaklak na ito. 'Di ka rin naman kasi mahilig sa bulaklak.

Kumuha lang ako ng tig-isang pirasong bulaklak. Pagkatapos ay pinutol ko ang tangkay at tinira lang ang mismong bulaklak nito. Pumasok na ko sa kwarto nang matapos. Gusto kong magbabad sa bathtub.

Dalawang oras yata akong nasa loob ng banyo. Napasarap ang pagbabad ko sa may tub habang nanunuod ng Stranger Things. Season One pa lang ako at nasa episode 2 na.

Naka-robe lang ako habang naghahanap ng isusuot na damit sa may closet.

Kumuha ako ng isang night dress na nasa pinaka dulo. Hindi ko kasi napagsususot ang ibang night dress ko, saying naman kung masisira lang sila at maliliitan.

Dala-dala ang lotion ay umupo ako sa may gitna ng kama. Nag-umpisa akong maglagay sa braso at balikat ko pababa sa hita at mga paa ko. Napatigil ako sa paglalagay nang mag-ingay ang telepono ko.

Kunot noo akong napatingin doon saka tiningnan ang orasan sa may side table ko. Tumaas ang kilay ko. Sinong tatawag ng ganito ka-late? Hindi naman pwedeng si Hunter dahil nakapag-usap na kaming hindi muna siya tatawag dahil busy sa Pilipinas.

Binitawan ko ang lotion. Inabot ko ang phone ko at sinagot.

"Hello."

"I'm here at the parking lot. Meet me," ani Kuya.

I rolled my eyes. Inipit ko ang phone sa pagitan ng tenga at leeg ko para mapagpatuloy ang paglalagay ng lotion.

"Hindi pwede. Naka-pantulog na ako. Why?" sagot ko.

"I want to tell you something."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano namang kaylangang sabihin nito ng ganitong oras at hindi na nahintay ang mag-bukas para sabihin sa'kin.

"Can't you tell me here?" puna ko sa phone.

"Never mind. Ako na lang ang maga-adjust to go in your unit," ma-attitude niyang sagot saka pinatay ang tawag.

Umirap ako at binaba ang phone. Siya pa ang ma-attitude, asar.

Tinapos ko na ang paglalagay ko ng lotion at lumapit sa may vanity. Inilagay ko sa mga kasamahan niya ang lotion at saka sinaksak sa saksakan ang blower. Nag-start akong patuyuin ang buhok ko. Nang matapos ay isinampay ko na ang mga nagamit ko para matuyo.

Uupo pa lang ako sa kama nang tumunog ang doorbell ko. He's here.

Mabilis akong pumunta sa may pinto para pagbuksan siya. Umirap ako pagkabukas ko ng pinto. Masama namang tumingin sa'kin si Kuya saka pumasok.

"Why are you here? Gabing-gabi na ah." Lumakad ako sa may ref. Kumuha ako ng isang can ng coke. Ibinaba ko sa harap niya.

Dala ng kaseryohan ng hitsura ni Kuya ay nag-umpisang tumambol ang dibdib ko.

"May nangyari bang hindi maganda?" kinakabahang tanong ko.

Nanlaki ang mata ko nang yumuko si Kuya at magtakip ng mukha.

"What is it?!"

"P-papa..."

"W...what?"

Para bang hihinto na sa pagtibok ang puso ko anumang oras. Nanlalamig ang mga kamay ko at handa na akong bumagsak nang mag-angat ito ng mukha. Namumula ang mukha nito habang nakatingin sa'kin.

"May nangyari bang masama kay Papa?"

"He's actually okay."

Nabingi yata ako sa sinabi niya. Naudlot ang pagtulo ng luha ko. Anong sinabi niya?! Galit akong tumingin sa kanya nang ma-realize ko ang sinabi niya.

"What the fuck?!" nanggagalaiting sigaw ko dito.

Sinabayan naman ni Kuya 'yon nang napakalakas na halaklak. Humawak pa sa tiyan ang gago.

Nanggigigil na kinuha ko ang isang pan na nasa may sink at hinampas sa braso niya. Nanlaki ang mata ng lalaki at umaray pero hindi naman nag-reklamo.

"Tangina ka, Kuya!" mura ko dito. "Don't do that again! Muntik na akong atakihin sa puso!"

Nang-aasar siyang tumawa at tumingin sa'kin. Sumandal pa 'to ng maayos saka kinuha ang coke in can. Napangisi ako sa isipan ko. Lintik lang ang walang ganti.

Saktong pagbukas nito ay ang pagtawa ko ng malala at ang pagmumura nito.

"Fuck! Shit! Son of a bitch!!" sunod-sunod nitong mura habang pinupunasan ang sarili.

Paano kasi ay sumabog sa mukha nito ang coke. Ngumiti ako ng matamis at saka nag-cross arm.

"Have you forgot who I am, brother? You can't prank the prankster," puno ng pagmamalaking ani ko.

Inis siyang tumingin sa'kin.

"Now, I'm sticky!" reklamo niya.

"I don't care! 'Yan napapala mo, karma."

Sinimangutan niya ko bago uminom pa rin sa coke. Ewan ko na lang kung mayroon pa 'yong laman. Mukhang naubuos na dahil sa pagtapon.

Tiningnan ko ang basang carpet. Okay lang 'yan. May pampalinis naman ako.

"Sabihin mo na kung bakit ka nandito. It's late. I want to sleep."

Tiningnan niya lang ako bago umayos ng tayo.

"Aalis na kami ni Papa bukas pauwi ng Pilipinas. Masyado ka kasing busy kaya sinadya na kita. Our flight is 10 am tomorrow. If you like to hatid us, you can. We're going to pick you up here," aniya.

Nalungkot ako sa sinabi niya. Ibig sabihin pala'y mag-isa na talaga ako. Ngumiti ako sa kanya.

"Okay. I'll be ready before 10." Nilapitan ko si Kuya at niyakap ito. Napapikit ako. "Take care ha. Don't be stupid," paalala ko.

Hinalikan niya ako sa sentido at saka nilayo. Nagtama ang mga mata namin. Tipid niya akong nginitian.

"I will," pagkasabi niya no'n ay hinalikan niya ako sa noo. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro