Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 141


CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-ONE

PAGKATAPOS naming kumain ay nagpunta pa muna kami sa ibang shops para mamili. Nang malapit nang dumilim ay umuwi na ako sa condo ko dahil masyadong malayo ang bahay ni Papa para do'n ako dumeretso ngayong gabi.

Mag-isa lang akong nakasakay sa elevator.

Sa baba nakatingin ang mga mata ko, I'm tapping my foot on the metal floor of the lift. What a tiring day we had today. Nagala yata namin ang Times Square. I just want to lay down in my bed and sleep. I will go back to school tomorrow. I will need every energy I can have for the school work. I need to chase some school work and a thesis paper.

When the metal door opened, I stepped out.

Ten more walks and I am now in front of my condo unit. I took out my keys and then push them into the keyhole. The door opened.

"Home sweet home," I said while looking in the dark living room.

Sinarado ko ang pintuan, double lock. Inilapag ko ang shoulder bag sa may island counter kasama ng susi ko. Naglakad ako palapit sa may sofa, binuhay ko ang ilaw ng lamp. Hindi naman ako takot madapa dahil bukas ang curtains ng casement windows ko. And kitang-kita sa labas ang sa Bridge na parang hindi na naalisan ng mga sasakyan.

Binuksan ko ang bintana para pumasok ang sariwang hangin sa loob. Umupo ako sa may lapag at tumitig do'n. Ang daming ilaw. Nakaka-kalma.

Tahimik ang paligid, at parang kakaibang lamig sa pakiramdam ang nadadama ko. Humawak ako sa dibdib ko. Bakit para akong nakakaramdam ng kahungkagan?

Siguro ay nasanay lang akong may kasama ulit sa bahay kaya nakakapanibagong mag-isa na lang ulit ako.

Humiga ako sa carpeted floor at nagmuni-muni habang pinapakinggan ang mga busina, train at iba pang ingay sa labas. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Pumikit ako ng mariin.

Ilang minuto pa akong humiga sa lapag bago bumangon at naglakad papunta sa kwarto ko. Naghubad ako ng damit at marahang naglakad papunta sa banyo.

Tumapat ako sa ilalim ng shower bago ito binuhay. Tumingala ako, naghintay na bumagsak ang malamig na tubig sa mukha ko. Malamig ang tubig pero hindi ko naman masyadong naramdaman.

Nang matapos akong maligo ay nakatapis akong lumabas ng banyo. May isang towel akong ginagamit sa pagpapatuyo ng buhok ko. Mag-isa lang naman ako kaya komportable akong mag-bihis o maglakad na nakahubad.

Nag-suot ako ng isang crop top at panjama na kulay black. Sinampay ko sa banyo ang mga ginamit kong towel, tapos bumalik ako sa kwarto. Umupo ako sa harapan ng vanity mirror at nag-blower ng buhok.

Isang oras din yata ang inilaan ko para makapag-ayos. Naglagay na rin kasi ako ng mga ginagamit ko sa katawan para matutulog na lang ako mamaya.

Kinuha ko sa labas ang phone ko bago humiga sa kama ko. Nang sinusubukan ko na itong buksan ay ayaw. Nagtataka akong bumangon.

"Dead batt," puna ko.

Umupo ako sa may gilid ng kama pagkatapos ay binuksan ang drawer sa tabi. Kinuha ko ang extra charger ko do'n. Chinarge ko muna ang phone ko para mabuhay. Bumuntonghininga ako. Wala akong magagawa ngayong gabi. Hindi ko naman dala ang laptop ko.

Bumalik ako sa kama at humiga ulit.

Mukhang maaga akong makakatulog ngayong gabi.

Bukas ang curtain sa may bintana kaya kita ko ang madilim na langit. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Ilang araw na kaming hindi nagkaka-usap ni Hunter na hindi ako gaanong sanay. Nami-miss ko na siya.

Tumagilid ako ng higa at pinilit makatulog, paglipas nga ng ilang minuto ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.

-----

NAGISING ako bandang alas-osto ng umaga. Naghikab ako bago inalis ang kumot sa katawan ko. Binunot ko sa saksakan ang cellphone ko at in-open 'yon. Instead na maghintay ay pumasok na ako sa banyo para makapag-freshen up. Itinali ko munang pa-messy bun ang buhok ko bago naghilamos at nag-toothbrush.

Gamit ang face towel sa may gilid ay pinunasan ko ang mukha ko. Sinampay ko ulit nang matapos ako. Paglabas ko ng banyo ay dumeretso na ko sa kitchen. Binuksan ko ang ref ko, may iilang laman like milk na malapit ng maubos, sirang pizza, at bottled water. Napakamot ako sa noo ko. Sunod kong tiningnan ang cabinet pero wala ring laman.

Napasampal ako sa noo ko nang maalalang inubos ko nga pala lahat ng stock ko nung pauwi ako ng Pilipinas.

Tamad kong kinuha ang purse at susi ko. Lumabas ako ng unit ko at sumakay nang elevator. Pinindot ko ang down floor button saka sumandal sa metal wall. Nasa third floor kami nang biglang bumukas ang pinto ng lift. Pumasok ang dalawang tao, sa hula ko'y magka-relasyon dahil magka-hawak kamay sila.

Umiwas ako at saka naghintay.

Ang sunod na pagbukas ng elevator ay nasa first floor na ako. Lumabas ako. Binati ako ng security nang lumabas ako sa main door. Ngumiti ako sa kaniya at tumango bago tuluyang umalis. Malapit lang naman ang grocery dito kaya nilalakad ko na lang.

After five minutes of walking, nakarating din ako.

Pumasok ako sa loob at kumuha ng cart. Naisip ko mag-stock na ng madami dahil hindi na ako babalik sa bahay ni Papa. Bisi-bisita na lang siguro.

Una kong pinuntahan ang canned goods, kumuha na ako ng sasakto sa'kin. Pagkatapos ay kumuha na rin ako ng gatas, kape at asukal. Minsan kasi ay nasa bahay ko sila Carl na mahilig mag-iinom ng kape. Next is sweet section kung nasaan ang ice cream at chocolate. Sinunod ko ang mga cleaning materials at pati na rin ang toiletries. Madami na rin akong kinuha.

Huli ko nang pinuntahan ang meat section dahil dumapaan pa ako sa bread and pastry, sa vegetables at sa mga sweet section. Kumuha ako ng iba't ibang part ng baboy, manok, baka, pati na rin ng Isda. Nang matapos ako ay nagpunta na ako sa counter.

Mahaba ang pila kaya naman sa own service na lang ako nagpunta. At least mabilis.

Ini-swipe ko lahat ng pinamili ko sa scanner. Tiningnan ko sa customer pole display kung magkano ang napamili ko, nang makita ay kinuha ko ang card ko saka credit card terminal. Pinindot ko ang password ko, hinintay kong makuha ang exact amount ng pinamili ko at saka hinugot. Umalis na ako.

HAPONG-hapo ako pagka-uwi ko ng unit ko.

Ibinaba ko sa counter lahat ng paper bags na dala ko. Napasandal ako sa may sink dahil sa pagod at panlalata. Ang bigat ng mga dala kong paper bags.

Tiningnan ko ang mga binili ko. Ang tanga ko. Bakit kasi ako bumili ng madami gayong wala naman akong katulong magbuhat, ani ko sa isipan ko.

Bakit nilakad ko ang grocery hanggang dito? I can pay naman para manghingi ng tulong but—umiling ako. Nevermind. Hindi nga pala 'to Pinas.

Umalis ako sa pagkakasandal sa lababo at lumakad papuntang sala. Hinagis ko sa sofa ang susi at purse ko. Pumunta ako ng kwarto para kunin ang phone ko. Tatawagan ko muna si Linda para mapa-excuse ako. Hindi ako nakapasok.

"Hey, bitch!!" bungad nito sa'kin.

"Make me an excuse letter—"

"I already did! Why didn't you come? Our Professor's asking me," she asked.

I let a sigh. "I'm sorry. I totally forgot that I'm still studying," totoong ani ko.

"Really, bitch? Well, I don't really care but bitch! We're in our last semester! You need to show up here or else you'll become a dropout student!" pananakot pa nito.

Nagbuntong hininga ako.

"I know. I know. I'm sorry, 'kay? I'll try to chase the class for the afternoon. I'll just take a bath."

"'Kay! Faster ha!"

Binaba ko na ang tawag at akmang papatayin na ulit ang telepono ng mag-ring ito. Nanlalaki ang mga mata ko nang lumabas ang pangalan ng caller sa screen.

Mabilis ko itong sinagot.

"Hunter!!!" I shouted his name happily.

Nag-akala akong masayang Hunter ang mabubungaran ko sa harapan ng telepono ngunit nagkamali ako. Umawang ang labi ko. He look restless. Nangingitim ang ilalim ng mga mata, palatandaang hindi ito nakakatulog ng maayos. Magulo ang buhok nito, mukhang nakalimutan nang magsuklay.

"W-what happened to you—"

"What happened to you, Klyzene Black?! I can't contact you yesterday! I was so worried!" he cut off me.

I feel guilty.

"Don't be mad! I'm sorry! I went out with my friends. I didn't notice my phone died. Sorry!" ani ko.

Nakita ko ang pagpisil nito sa nose bridge na para bang pinipigil ang sariling magalit. I pouted my lips. Ba't ganito? Minsan na lang kaming magkita sa online tapos mukhang mag-aaway pa kami. Ganito ba talaga kapag LDR?

"Damn! I'm already thinking to book a flight! You almost gave me a heart attack, Klyzene."

"Sorry. Bati na tayo, ngayon lang tayo nagkita at nagka-usap ulit tapos galit ka pa sa'kin," mahinang sabi ko.

Nagbuntong hininga ang lalaki sa kabilang linya bago dahan-dahang tumango.

Sumilay ang tagumpay na ngiti sa'kin.

"How are you? Its already night there," tanong ko.

Nakita ko ang paghiga nito. "I missed you," saad niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"I miss you too," saad ko.

"Hindi na 'ko sanay na hindi ka nakikita sa araw-araw. Mukhang 'di 'ko yata kakayaning maghintay pa ng isang buwan bago ka makita," aniya.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa naiisip 'kong maari niyang gawin.

"Nako, Hunter, miss na rin kita but you need to wait. May work ka pa diyan," sabi ko.

Sinimangutan niya ako. "I know, but what can I do? I miss you already. Gusto na kitang yakapin ng mahigpit. Hindi rin naman nagkatotoo 'yung sinabi mong mag-uusap tayo thru skype ng madalas dahil busy ka diyan pero kapag kasama mo 'ko ay wala ka nang aalalahanin pa. Pwede kitang puntahan sa condo mo, lalabas tayo madalas," pang-uuto niya sa'kin.

Nginisihan ko siya.

"Yes, we can do that after a month of waiting. Okay?"

"Babe!"

"Let's see what will going to happen, Hunter. I know this is hard but... let's just try it ha. This is a challenge for us kaya dapat tatagan natin," pangungumbinsi ko sa kaniya.

Matagal itong tumahimik at parang nag-isip.

Pagkaraan ng ilang minuto ay sumilay ang ngisi sa labi ko dahil tumango na rin ang lalaki kahit na medyo naka-simbakol pa ang mukha. Okay lang 'yan.

"I love you, babe," malambing kong sabi sa kaniya.

Nakita ko kung paao natigilan ang lalaki. Ang kaninang nakayukong ulo ay ngayon nakataas na't nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Namumula pa ang magkabilang tenga ng lalaki na kinatawa ko.

"I love you more, baby. Mas na-miss tuloy kita," naka-ngusong anito saka nag-puppy eyes sa'kin.

Bakit cute siya kapag gumaganoon?

"What happened to your day?" pagbubukas ko ng topic.

"Nothing new, babe. Nagpunta lang ako sandali sa Agency tapos umalis na rin ako dahil may kaylangan akong tingnang bagong kaso. Gusto ng client naming ako ang humawak no'n," aniya.

"Ahhh, okay. Mag-iingat ka ha," paalala ko.

Ngumiti siya.

"Always, babe. For you."

"Make it sure kung hindi ako babaril sa'yo," pabiro kong pananakot na sinakyan naman niya.

"Ow, God. I'm scared," anito.

Tumawa ako. Naglakad ako palabas ng kwarto para magpuntang kusina. Hindi 'ko pa naayos ang mga pinamili 'ko kanina.

Nagtatakang tumingin sa'kin si Hunter.

"Saan ka pupunta?"

"Sa kitchen. Aayusin 'ko 'yung mga pinamili kong grocery."

"Sinong Kasama mo?"

"Wala. Ako lang naman mag-isa dito," sagot ko habang naghahanap ng pagpapatungan sa phone ko. Nang makakita 'ko ay do'n ko itinayo ang phone. Nag-smile ako. "Can you see me clearly?"

"Crystal clear, babe," masiyang sagot niya.

Tumango ako. "Okay. Just talk, alright? Aayusin ko lang ang mga pinamili ko," bili ko saka ko tinalikuran.

Una kong binuksan ang mga meats na binili ko. Lumapit ako sa ref ko. Binuksan ko at naglagay na sa freezer.

"Bakit mag-isa ka lang ngayon?" rinig kong tanong ni Hunter.

"Kasi wala akong kasama," pambabara ko saka muling binalikan ang paper bag. Nilingon ko ito, nakasimangot ang gwapo nitong mukha. Natawa akong mahina.

"Haha funny," sarcastic nitong ani.

"Dito na kasi ako nagtuloy sa condo dahil nagpunta kaming Times Square kahapon. Saka papasok na ako sa school kaya dito na muna ako," sagot ko habang nag-aayos pa rin.

"Iyan lang 'yung suot mo ng lumabas ka?"

Tumuwid ako ng tayo saka tiningnan ang suot kong damit. Nilingon ko siya.

"Oo, wala namang masama," nagtatakang tanong ko.

Hinintay ko siya magsalita pero wala na akong narinig pang sagot kaya ipinagkibit balikat ko na lang. Binilisan ko ang pagliligpit ko para mas matagal kaming makapag-usap ni Hunter, ang balak kong pagpasok kanina ay hindi ko na natuloy dahil dito.

Kaya ko namang habulin ang lessons kung mayroon man kaya okay lang.

Nang matapos ako mag-ayos ay nilapitan ko ang iniwan kong bacon at hotdog, mayroon ding two eggs na nakahiwalay na.

Kinuha ko ang non-stick frying pan at sinalang sa kalan. Habang hinihintay na uminit ay nilingon ko si Hunter, ngumiti ako sa kaniya.

"Kumain ka na ba ng dinner?" tanong ko.

Tumango ito. "Yeah. Ikaw? Ngayon pa lang kakain?"

"Yes, wala na kasing stock kaya nag-grocery pa ako," pagpapaliwanag ko.

Dumapa ito ng higa kaya mukha na lang niya ang nakikita ko. Nangangalumata na ang lalaki; pigil na pigil ang antok.

"Bakit hindi ka pa matulog? It's already twelve midnight there, you can sleep na," suhestiyon ko na inilingan niya.

"Ayoko...baka mamaya hindi na naman kita ma-contact. Ayaw," inaantok nitong sabi.

Naawa naman ako sa lalaki. Kung nandoon lang ako ay paglalaruan ko ang buhok niya para mabilis siyang makatulog, yayakapin hanggang sa bumigat na ang paghinga niya pero wala ako eh. Magkalayo kami.

"Pumikit ka na lang para makapagpahinga ka kahit papaano. Hindi ko papatayin ang tawag," pangungumbinsi ko.

Tiningnan niya ako sa mata. Nanunuri ang mga tingin niya kung totoo ba ang sinabi ko. Binigyan ko siya ng assuring smile kaya naman sinunod niya ako. Nakita ko ang dahan-dahang pagpikit ng mga mata niya.

Ngumiti ako.

Hinarap ko na ang ginagawa ko. Nagluto na ako ng kakainin kong almusal. Habang pinipirito ang itlog ay narinig ko ang mahinang hilik ni Hunter na kinatawa ko ng mahina. Mukhang antok na antok na ito pero pinipigilan niya lang talaga. Magkakasakit siya sa ginagawa niyang 'yan eh.

Inilagay ko na sa plato ang mga kakainin ko at naglakad ako papuntang sala. Ibinaba ko sa center table ang plato ko at pati na rin ang phone. Kumuha ako ng gatas sa ref at nagsalin sa baso. Nang matapos ako ay bumalik na rin ako sa sala. Nag-start na akong kumain.

'Di na ako nag-abalang buksan pa ang TV dahil magigising si Hunter, siya na lang ang pinanood ko habang kumakain. Hanggang sa makatapos akong kumain ay tulog pa rin si Hunter. Umiling ako.

"Ang gwapo mo," puri ko dito. "Mukha kang pagod na pagod...ano bang mga pinagagagwa mo sa buhay mo, ha?" mahinang tanong ko.

Instead na tumunganga ay naglinis na lang ako dahil medyo maalikabok ang unit ko. Pumunta ako sa kitchen at kinuha ang vacuum ko. Nag-start akong maglinis. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro