Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 139


CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-NINE

SIXTEEN hours of flight are exhausting. I didn't even sleep a wink on the plane because I can't! I always remember Hunter's face, smiling widely. I bit my bottom lip.

"Stop smiling, Klyzene. You're starting to creep me out," my annoying brother said.

Masama ko siyang tiningnan bago inirapan. Kinuha ko ang maleta ko saka hinila palabas. Naghihintay na kasi si Papa sa sasakyan, naiwan kami ni Kuya para hintayin ang bagahe namin.

"Be scared then," pang-aasar ko pa lalo sa kanya.

"Stop it! You're smiling since we left the Philippines. What happened, huh?" he curiously asks

Namumula ang pisngeng humarap ako sa kaniya. Nakatingin siya sa'kin at naghihintay ng sagot ko.

"IsayIloveyoutoHunter," mabilis kong saad.

Naguguluhang tumingin sa'kin si Kuya. Huminto siya sa paglalakad.

"What?!" medyo inis nitong tanong.

I bit my bottom lip before answering. "I said, I told Hunter I love him too!" madiin kong pag-uulit.

Nanlaki ang mata nito.

"Really?" gulat niyang tanong.

Tumango ako, "yap! Bago ako pumasok sa plane kanina sinabi ko na 'yon. Kaya happy ako," pagpapaliwanag ko.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Hindi ko alam kung natutuwa, nagtataka or nalulungkot ba ang hitsura niya habang nakatingin sa'kin.

"Why?!"

Inilingan niya ako.

"Ambabaw ha," nakakalokong saad niya.

Nginisihan ko siya. "At least ako, nag-I love you sinasagot ng I love you too. Ikaw? Sinabi mo ng mahal ka tapos di ka naman gusto!" pang-aasar ko pabalik.

Nanlaki ang mata nito, dinakot ang tapat ng puso at umarteng nasasaktan.

"Grabe ka! Kaylangan mo ba maging sobrang heartless? Pasmado 'yang bumanganga mo!" aniya.

Inirapan ko siya. Nang makalabas kami ng Airport ay nagtanong ulit siya.

"Edi ano na kayo ngayon?" tanong niya.

"Anong ano kami?" naguguluhan kong tanong habang binubuksan ang trunk ng sasakyan.

Ipinasok ni Kuya ang maleta niya sa loob. Tiningnan niya ako kasabay ng pag-abot ng maleta ko para maipasok sa loob.

"May label na kayo? Mag-boyfriend-girlfriend? Or mag-fiancée? Ano?"

Napakamot ako sa noo ko. What's our label? May label ba kami? Wala namang sinabi si Hunter, ayoko rin namang mag-assume kung ano kami.

"Hindi ko alam," mahinang sagot ko saka isinarado ang trunk.

Namewang sa harapan ko si Kuya. Strict siyang tumingin sa'kin.

"You mean, wala kayong label? Ano 'yan?!"

"I don't know. I don't want to assume—"

"You told me that you already tell him you love him. Then until now wala kayong label?"

"Pag nag-I love you ba kaylangan may label? 'Di ba pwedeng naga-I love you-han ng wala no'n?"

Napasabunot sa sariling buhok si Kuya.

"Of course, Klyzene Black. Kaylangan may label kayo!"

Nginisuan ko siya. "Ewan ko. Hihintayin kong siya ang magsabi." Naglakad ako papunta sa may pinto ng kotse. Sumakay ako sa backseat at tinabihan si Papa.

Sumunod na pumasok si Kuya sa may shot gun seat. Nilingon niya ako.

"Ask him about your label!! Wag kang papayag ng walang label!" giit niya.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Bakit ba gustong-gusto niya kaming magka-label ni Hunter? Madaling-madali lang?

Napatingin rin sa'kin si Papa dahil mukhang napukaw ni Kuya ang atensyon niya. Damn! Ngayon maari na rin siyang magtanong kung anong nangyari at pwede nila akong pagtulungang dalawa.

"What is he saying, sweetheart?" my father asked me.

Nakangiting aso ako nang hinarap ko siya.

"It—"

"No, Pa, it's just nothing! She and Hunter doesn't have a label! What relationship is that?"

"Edi walang label!" pambabara ko dito saka binalingan ulit ng tingin si Papa. "Don't mind him, Pa."

"You should mind, Papa. She is your youngest. They don't have any—"

"He is courting me, Kuya. Stop pushing it! I will wait until Hunter asked," pagpuputol ko sa sinasabi niya.

Para namang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Umawang pa ang labi niya na parang may sasabihin pero hindi na itinuloy. Padabog itong sumandal sa upuan niya at inutusan ang driver na mag-drive.

Umandar ang sasakyan.

Nilingon ko si Papa, nakatingin siya sa'kin na mukhang hinihintay akong magpaliwanag. Hindi ako sumagot. Ayokong pag-usapan ang personal naming buhay na may kaharap na ibang tao, pwedeng sa bahay na lang ako magpapaliwanag sa kaniya. Dahil miski ako nga hindi alam kung ano ba kami ni Hunter eh.

Binuksan ko ang phone ko at inalis sa pagka-airplane mode. Pumasok lahat ng messages nila sa'kin, pati na ang ilang missed call na galing naman kay Linda at Carl. God! I miss them!

"Where do you want to go first?" my father asked.

"Let's go home first to rest. Tomorrow I will be starting going to school again," I replied without looking at him. I'm busy answering their messages.

"Okay. Do you want me to send one of our workers to your pad to clean?"

"Nah. Don't bother, Pa. I will clean it myself," I said before looking at him. I smile.

"Will you need help?"

"I don't think so, Pa." hinaplos ko ang braso nito. "Don't worry about me, Papa. Have you forgotten? I lived there alone for almost four years now," I said.

"I know, my love. But you cannot stop me from worrying. New York City is full of predators. I'm scared that something bad might happen to you," worry is visible in his voice.

I understand him. Sometimes, I'm scared too because of the people around me here. Minsan maca-cat call ka pa sa paglalakad mo lang sa labas.

"I will be okay, Papa. Don't worry!" I assure him.

He nodded and kissed my forehead.

TUMAGAL ng dalawang oras ang byahe namin pauwi dahil like usual ay traffic na naman sa may Brooklyn Bridge na akala namin ay magiging daan para mabilis ang byahe pero hindi.

Kanina pa ako nakikipag-usap sa Instagram kina Linda. Niyayaya na niya akong lumabas daw kami. Sinabi ko na lang na bukas na lang dahil uuwi na rin naman ako sa pad ko.

Me: let's meet tomorrow. I'm dead tired today. Sorry.

Nang ma-click ko ang reply ko ay si Hunter naman ang sinendan ko ng message. Tiningnan ko ang orasan ko. Ten o'clock in the night na sa Pinas.

Me: Have you eaten your dinner? We're stuck in traffic.

Sinend ko ang mensahe sa kanya at naghintay ng reply. Si Linda muna ang kina-usap ko.

IamLinda: Where? In your place?

Me: I don't know yet. My pad is still dirty. Maybe we'll eat outside.

IamLinda: K. I'll tell Carl.

Me: 👍

Pagka-send ko no'n ay pinatay ko na ang phone ko at tumingin sa labas ng bintana. Puno ng mga sasakyan ang buong lugar, may mga naggigitgitan pa. May bumubusina sa kung saan-saang bahagi, meron sa likuran naming isa hanggang sa sumunod pa sa likod nito. Napa-irap na lang ako.

Akala ko ligtas na ako sa traffic, hindi pa rin pala.

Sumandal ako. Masisira na naman ang body clock ko nito, panugurado. Two months in the Philippines is a lot. Kung kaylan kasi nasasanay na ang katawan ko sa oras do'n ay saka naman ako aalis.

Humarap ako kina Kuya. Tahimik na kasi itong naka-upo sa may shot gun seat, 'di ko masigurado kung tulog ba dahil naka-suot siya ng aviator. 'Yung driver naman namin ay mukhang naiinip na sa tagal ng paghihintay namin. Hindi rin naman kami maka-alis dahil naipit na kami dito.

Inangat ko ang hawak kong telepono nang maramdaman kong nag-vibrate ito. Nang buksan ko ay reply ni Hunter ang dumating. Mabilis kong binuksan 'yon at binasa.

Hunter: Not yet. Kaka-uwi ko lang galing sa Agency. Ikaw? Kumusta ka diyan? I already missed you ☹

Napanguso ako. Nagtipa ako ng ire-reply.

Me: Mag-dinner ka na. it's bad for someone's health ang hindi pagkain sa oras. Pahinga ka na rin kasi I know your tired. We're still stuck here, mabagal ang usad. I missed you too!!

Mabilis ang reply niya sa'kin kaya naging tuloy-tuloy ang usapan naming dalawa.

Hunter: I will, later. Uusad rin kayo. I will clear my schedule for you. Pupuntahan kita kaagad diyan.

Me: Huwag u magmadali. I can wait naman. Pahinga ka lang ha.

Hunter: Okay. Can we do a video call later?

Me: maybe. I'm not sure yet.

Hunter: Okay, call me when you got home. Kumain ka na rin diyan. I will just take a shower.

Me: Okie. Love you 😘

Hunter: I love you more 😍😘❤❤❤

After no'n ay hindi na ako nag-reply. Hahayaan ko na muna siyang magpahinga dahil alam kong pagod siya kung galing siyang Agency. Tapos hindi ko pa sigurado kung pagka-alis ng eroplano ay nakapagpahinga siya. Baka mamaya nag-work pa siya after no'n.

Itinago ko na ang phone ko at bored na tumingin sa labas ng bintana. Sana hindi kami abutin ng ilang oras dito. Sumandal ako kay Papa.

TWELVE o'clock ng tanghali nang makarating kami sa bahay. Antok na antok ako dahil sa byahe namin. Hindi ko na hinintay makababa sila Papa at Kuya. Nauna na akong maglakad papasok ng bahay. Patakbo kong pinunta ang silid ko. Pagkapasok ko sa loob ay inalis ko lang ang sapatos ko at binuhay ang AC tapos pabagsak na akong humiga sa kama ko. Mabilis naman akong tinangay ng antok ko.

Nagising ako dahil sa pagkatuyo ng lalamunan ko pati na rin sa ginaw na nararamdaman. Niyakap ko ang sarili at saka muling pumikit. Hindi na ako nag-abalang bumangon dahil wala pa rin akong lakas. Nakatulog naman ako.

Nang magising ulit ako ay umaga na. Masigla akong bumangon at nag-inat ng braso. Pinatunog ko ang leeg ko at pati na rin ang kamay ko. Napangiti ako. Ang sarap ng naging tulog ko.

Inabot ko ang remote ng AC at pinatay 'yon. Bumaba ako ng kama. Nilapitan ko ang bintana at binukas para makapasok ang sariwang hangin sa loob.

Pinatong ko ang braso ko sa may pasimano ng bintana. Tumingin ako sa malayo at nilanghap ang langit.

"It's good to be back," I said to myself while looking at the famous bridge in front.

Umalis na ako sa pwestong 'yon saka pumasok sa banyo ng kwarto ko. Ginawa ko ang morning rituals ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng isang boot cut jeans, pinartner ko 'to sa off shoulder kong white. Nag-itim rin akong ankle boots.

After kong maglagay ng light make-up ay bumaba na ako sa kusina. Naabutan kong kumakain na sila. Ngumiti ako sa kanila.

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanilang dalawa.

Sabay silang nag-angat ng tingin, gumanti ng ngiti.

"Good morning, sweetheart!" papa greeted me. Humalik ako sa pisnge niya bago umupo sa kaliwang bahagi. Ngumiti ako kay Kuya.

"I went to your room but you're still sleeping—"

"That's okay, Kuya," pagpuputol ko sa sasabihin niya. "Hindi rin naman ako kakain," ani ko.

They frowned.

"Why?"

"Where are you going?"

Sabay pa nilang tanong. Nagsalin ako ng juice sa baso ko.

"I will meet Linda and Carl. I'll take my car na lang," I said.

Tumaas pa ang kilay ni Kuya at umiling si Papa habang nagpupunas ng bibig.

"Hija, eat your breakfast first," Papa said.

Napalingon ako sa kaniya, "but—"

"Don't start with me, Klyzene. Please, sweetheart, eat your breakfast. You didn't eat anything since yesterday. Don't kill yourself," may himig na panenermong ani Papa.

Napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi ang mag-sandok ng sariling pagkain. Ayokong galitin si Papa dahil matanda na siya at nakakatakot talaga siyang magalit. Baka mamaya ay hindi pa niya ako palabasin.

Kumuha lang ako ng isang sunny side up, two hot dogs, three bacon. I have my cold milk in my side.

"I will come with you, Zene. I need a ride," my brother said.

"Where's your car?"

"I don't want to drive, Zene. Ibaba mo lang ako sa tapat ng company natin," aniya pa.

"Magwo-work ka na?" gulat kong tanong

"He needed to, sweetheart. There's a lot of important meetings left."

Napatigil ako sa pag-subo ng huling pagkain ko. I understand him. Kung ako man ay madaming naiwang gawain at kaylangan ko na ring bumalik sa school. Kaylangan ko pang habulin lahat ng 'yon para makapasa.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami kay Papa. Ako ang nagda-drive, si Kuya ay tulog sa tabi ko.

Habang nagmamaneho ay kausap ko sina Mommy sa phone.

"Pumunta kami kanina ni Blue sa Mall. Ibinili ko ng gamit ang future apo ko," pagkwe-kwento ni Mommy.

"Isn't that too early, Mom?" tanong ko. "We don't know the baby's gender yet."

I heard her giggle. "Sorry, not sorry, sweetie. I already love to spoil my first apo!"

I frowned. First apo? Hindi ba't may anak na si Kuya Jake kay Katherine the bitch?

"Mom, baka naman you mean second apo na. You have a grandson with Kuya Jake," pagpapaalala ko sa kaniya.

She gasps. "Oh, God! You are right! How can I forget that little man?!" halatang gulat nga ang tining ni Mommy.

Napangiti ako kasabay ng pag-iling.

"Don't forget him, Mommy. baka mamaya magtampo ang apo mong 'yon," I said.

Kawawa naman siya kapag nakalimutan siya. Baka isipin niya hindi siya relevant at mahal ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Kay Kuya pa nga lang mukhang wala ng amor sa bata.

"I will not. I promise."

I'm okay sa sinabi ni Mommy. Nag-U-turn ako papuntang company.

"Ikaw, where are you, sweetie? Umaga diyan, hindi ba?" she asked.

"Yap, papunta kaming company. Idadaan ko si Kuya and then I'll meet my friends. I think they might help me to clean my pad," sagot ko.

"Who's friends?"

"Linda and Carl. They are my schoolmates too, Mom."

"Ow...Okay. Take care--Oo nga pala. I saw Hunter in the airport. Nagka-usap ba kayo?" aniya.

"Yeah. He said goodbye," mahinang sagot ko.

Why do I feel that my Mother is smirking on the other side? I shook my head.

"Just goodbye?" mapanuyang tanong nito.

"Y-yeah." Tumikhim ako.

"Really?" hindi pa naniniwalang tanong niya. Ilang beses akong lumunok at tiningnan ang phone kong nakakabit sa phone holder sa harapan ng kotse tapos ibinalik ko ang tingin ko sa daan.

"Oo nga po." may bahid na inis.

"But I saw you two kissed!" she stated.

My eyes widened!

"WHAT?!" gulantang kong tanong.

Tumawa si Mommy sa kabilang linya.

"We all saw you two kiss! Your Dad almost smacks that young man's face. Buti na lang ay napigil ko pa," she said and then laugh.

Nilamon ng hiya ang buong sistema ko. Naka-awang ang labi ko at pilit iniintindi ang sinabi ni Mommy.

This topic is awkward!!

"Y-You saw us?" mahinang pag-uulit ko.

"Yes! Ano nang label niyo, anak?" kinikilig na tanong nito.

Napalunok ako. Ayan na naman sa tanong na 'yan. Kelangan ba talaga may label?

"Mommy, basta masaya kami," sagot ko.

"Anong basta masaya kayo?" naguguluhan niyang tanong.

"Masaya kami, My. Wag mo na pong itanong 'yung label. Happy kami," final kong sagot sa kaniya.

Tumahimik ito sa kabilang linya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kita ko sa peripheral vision ko na nagising si Kuya. Nakatingin ito sa'kin bago tumingin sa labas.

Malapit na rin naman kami sa Company. Tumikhim ako.

"Mom, ibababa ko na 'yung tawag. I need to go. Bye!!!" mabilis kong paalam at pinatay na ang tawag.

Para akong nakahinga ng maluawag. Sumandal ako sa upuan ko saka huminto muna sa may gilid.

Pumikit ako ng mariin.

"Let me drive, Zene," marahang ani Kuya.

Umiling ako. Nilingon ko siya. Naka-labi ako. May gusto akong sabihin pero hindi ko na itinuloy. Ini-start ko na ulit ang makina at nag-drive paalis.


-----

Hello, thank you for reading Klyzene's story. thank you for voting and commenting, and also for adding it to your reading lists. I remember your names. thank you so much.

I'm sorry if I update slowly. There are a lot of things happening in my life lately that make me occupied. I will try to update twice or thrice a week dahil 'di ko po kakayanin ang araw-araw lalo na't pasumpong-sumpong ang writer's block ko. 

Don't worry, the story will end soon! Naisip ko na 'yung ending and currently inaayos ko na siya, hehehe. 

goodnight!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro