Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 138


CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-EIGHT

NANG makapasok ako sa loob ng unit ay dumeretrso ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng pagka-uhaw. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang bote ng tubig. Binuksan ko 'yon at tinungga. Matapos uminom ay inilabas ko na ang phone ko.

I message Hunter na nasa bahay na ako para maka-uwi na rin siya. Pagkatapos kong uminom ay itinapon ko ang empty bottle sa may basurahan. Lumabas ako ng kitchen at naglakad papunta sa may hagdan. Pumanik na ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ay umupo muna ko sa gilid ng kama. Hinubad ko ang suot kong sapatos kasama na ang dress ko. Humiga ako at tumingin sa kisame.

Mabigat ang loob ko sa isiping sa susunod na araw ay aalis na kami. Nakakalungkot pala iwan ulit ang mga tao dito, pero...wala naman kasi dito ang buhay ko. Nasa New York na.

Napasabunot ako sa sariling buhok. Tapos ay bumangon na para makapag-half bath at makapag pahinga na rin. Habang nakaharap sa malaking salamin ay bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina sa may burol. Hindi ko napigilang mamula.

Hindi ko makakalimutan ang gabing ito.

Umihip ako sa harapan ng mukha ko ng mahulog ang ilang buhok sa mukha ko. Inilipad naman 'yon sa gilid. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakatakip sa kahubaran ko ang putting towel, samantalang ang buhok ko ay tumutulo pa ang tubig sa ibang bahagi.

Ngayon ko lang napansin na parang nag-glo-glow ang balat ko, para bang may ginagamit akong kung ano kahit wala naman.

Umiling ako sa mga naiisip. Tinapos ko na ang night routine ko saka isinuot ang damit pantulog ko. Lumabas ako ng banyo, humiga ako sa kama at pumikit na. Masaya ang naging kinalabasan ng araw ko ngayon pero nakakapagod. Tinamaan rin ako ng alak na ininom namin kaya medyo sumasakit ang ulo ko.

Mabilis akong tinangay ng antok.

-----

TODAY is the day. Aalis na kami ng bansa. Gusto kong maiyak dahil umiiyak na si Klyzia sa tabi ko, nakiki-usap na huwag na akong bumalik ng New York.

"Sasagutin ko na 'yung tuition mo kapag dito ka nag-aral," pangbri-bribe pa niya sa'kin.

Pinisil ko ang pisnge niya. "I can't, Zia. One year na lang and gra-graduate na ako."

She pouted her lips while trying not to cry. Buntis kasi kaya ang emotions niya ay pabago-bago. Niyakap niya ako ulit. Hinaplos ko ang likuran nito para naman mapagaan ang pakiramdam niya pero mukhang hindi yata nakatulong dahil umalpas na ang hikbi nito. Nanghihingi ng tulong akong tumingin kay Henry sa gilid, kausap nito si Kuya Jake.

Nang malingunan niya ang gawi namin ay mabilis itong nakaintindi't lumapit.

Ihiniwalay ko ang katawan ko kay Zia, saktong umakbay naman si Henry.

"Honey, stop crying. Makakasama sa baby natin," malambing na pang-aamo nito sa asawa.

Nakita ko ang paghaba ng nguso ni Klyzia at ang paghaplos nito sa tiyan.

"A-ayokong umalis si Black," umiiyak nitong sabi.

"She need to."

"I have to."

Sabay naming sabi ni Henry na mas lalong nagpa-iyak sa kapatid ko. Nang mapansin nitong namamaga ang mata ng asawa ay inilayo muna sa'kin. Iyakin na siya noon pero mukhang mas doble ngayon.

Huminga ako ng malalim saka hinanap ng mata ko sina Papa at Kuya. Nakita ko silang nakikipag-usap kay Kuya Jake at Mom. Dad is not yet here, and I'm not sure kung pupunta siya para ihatid ako. Tiningnan ko ang wrist watch ko. It's already three o'clock. Isang oras na lang at departure namin.

Umaasa ang puso kong makita sana si Hunter at Dad bago ako umalis. Huminga ako nang malalim. I cheer up myself. Baka kasi busy ang mga 'yon lalo na't madaming ginagawang trabaho sa office. Yes, gano'n nga. Baka naipit lang sa isang meeting, okay lang naman kahit 'di sila magpunta.

Ang plastic ko, sarili ko na lang niloloko ko pa.

Lumapit na lang ako kina Papa para ubusin ang natitirang oras namin dito. Nag-uusap sina Mommy at Papa, kalmado lang sila at mukhang nagiging okay na silang dalawa. Sina Kuya Jake at Ivan ay nag-uusap patungkol sa company, may narinig pa kong merging.

Panay ang sulyap ko sa entrance at sa relo.

"Tawagan mo na."

Napalingon ako sa sinabi ni Kuya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Huh?"

Nag-cross arm siya. "Call Hunter, kanina ka pa tingin nang tingin sa may entrance at relo mo," ani Kuya Ivan.

Napatigil naman sa pag-uusap si Mom at Papa, gano'n din si Kuya Jake na ngayon ay nakatingin na sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inakalang napansin pa pala niya ang ginagawa kong 'yun. Mabilis kong ibinalik sa ayos ang sarili ko. Tumikhim ako.

"Hindi naman si Hunter ang hinihintay ko...Si D-dad! W-wala pa kasi siya," pagkaka-ila ko saka nag-iwas ng tingin.

"Sweetie, papunta na 'yon. Na-ipit lang daw siya sa traffic pero malapit na," nakangiting ani Mom. Bumaling ako dito at nginitian rin siya.

"It's okay, Mom. Matagal pa naman bago ang departure," marahan kong sagot.

Pumunta muna ako sa may waiting area para maka-upo. Tinabihan ko si Blue na nakapikit, ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nito at pumikit din.

PAGKATAPOS ng kalahating oras na paghihintay ay dumating na rin si Daddy, naka-suot ito ng isang three piece suit. Niyakap niya ako ng mahigpit na ginantihan ko naman.

"I'm sorry, I'm late. Naipit ako sa traffic," anito.

"Nasabi nga po ni Mommy kanina, Dad," sagot ko.

Tumango ito saka tumingin kay Papa na nasa likuran ko katabi si Kuya. Mahabang katahimikan ang nangyari. Nakatingin lang ang dalawang lalaki sa isa't isa, mukhang walang gustong maunang mag-iwas.

Sa totoo lang ay nakakakaba ang ganitong sitwasyon lalo na't may past ang dalawa, ni hindi pa nga nag-uusap ang mga ito simula nung umalis ako kaya nakakakaba.

Tumikhim si Mommy para kunin ang atensyon ni Dad pero hindi ito natinag. Bumaha ang pag-aalala sa mukha nito.

Damn this awkward energy around us.

Magsasalita sana si Klyzia nang mag-angat ng kamay si Dad. I thought he's gonna punch Papa but he's not.

Inilahad nito ang kamay sa harapan ni Papa. Lahat kami ay bumaba ang tingin doon pagkatapos ay tumingin kay Papa, kinakabahan ako. Paano kung hindi niya tanggapin ang pakikipag-shake hands ni Dad?

I can understand him. Alam ko ang naging hirap nito.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kong nakipag-shake hands si Papa. Ang ibang kasama namin ay parang nakahinga ng maluwag at nakakangiti na.

"Take care of our daughter there," ani Daddy nang maghiwalay ang kamay nila ni Papa.

"I will. Don't worry," sagot naman ni Papa at inakbayan ako. Napangiti ako.

I'm happy na okay na sila. I mean, mukha namang wala sa mga hitsura nila ang may sama pa ng loob sa isa't isa.

Madami pang napag-usapan ang dalawang lalaki habang naghihintay kami sa oras ng flight namin. Nandito kami ngayon sa food court, nagpapalipas ng oras at nagpapakabusog na rin dahil sa mga nagugutom na. Pero ako, walang gana kumain. Kanina ko pa kasi hinihintay ang reply ni Hunter pero wala akong natatanggap. 'Di ko alam kung anong ginagawa niya, miski pagsilip sa phone 'di niya magawa.

Walang gana kong ibinagsak ang hawak kong tinidor at sumandal sa silya ng inuupuan ko. Mag-isa lang ako sa table kaya naman walang nakapuna sa'kin. 'Yung iba kasi ay magkakasama sa kabilang table. Do'n sila nagkwe-kwentuhan.

Muli kong kinuha ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Hunter.

To Hunter:

Are you still coming? 10 minutes na lang aalis na kami. Matagal na before tayo magkita ulit.

Pagka-send ko nung message ay tinaob ko ang phone sa may mesa. Sobrang kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa relo ko sa wrist at tinap ang lamesa.

Anong mangyayari kapag hindi kami nagkita ni Hunter? Parang ang sad naman no'n, aalis ako nang wala siya. Okay lang naman pero nakakalungkot pala. Napanguso ako.

LUMIPAS ang limang minuto na walang Hunter na dumadating kaya sobrang busangot ng mukha ko. Hindi nila ako maka-usap dahil ayokong magsalita, baka kasi mamaya ay pumiyok na lang ako at maiyak.

Hila-hila ko ang maleta ko habang papunta kami sa may gate. Tumingin muna ako sa entrance ng airport bago sumunod kina Papa. Nag-iinit ang dalawang mata ko.

Hinarap ko sila Mom at pilit na ngumiti. Sinapo nito ang magkabila kong pisnge at naiiyak na ngumiti sa'kin.

"I love you, sweetie! Call us often ha. Always eat in time, wag ka masyadong magpagod," she said.

I nod, "I will, Mom. Y'all too. Take care of yourselves."

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisnge. Pagkatapos niya ay namalayan ko na lang na si Daddy na ang kaharap ko. Niyakap niya rin ako ng mahigpit, he whispered sweet words to me at hinalikan sa noo.

"Call us if you need help. You know our landline number, right? I will email our personal numbers too para hindi ka na mahirapan," ani Dad bago bumitaw.

"Don't entertain boys there, Klyzene," bilin ni Kuya Jake sa'kin.

Nagbibirong inirapan ko siya. Wala sa New York ang gusto kong i-entertain, Kuya. Kung alam mo lang.

Natawa ako sa naisip ko. Hindi ko alam kung wala talagang alam si Kuya sa nangyayari sa'min ni Hunter o sadyang hindi niya lang kami pinapakiaalaman.

"Si Kuya talaga, antanda na niyan dapat nga mag-asawa na rin siya eh!" ani naman ni Zia.

"Tss! Bawal muna," ani naman ni Kuya.

"Nakakatakot kang magka-anak ng babae. Mukhang tatandang dalaga," ani Zia at saka ako nilapitan. Niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos ay binulungan. "Darating siya."

Natigilan ako dahil do'n. Gulat kong inilayo ang sarili ko sa kanya. Nakangiti siya sa'kin at pinisil ang pisnge ko. Siguro'y kanina pa niya ako tinitingnan ngunit hindi ko lang napapansin.

"I hope so," ganting bulong ko.

Si Kuya na ang nagdala ng mga maleta namin sa baggage x-ray machine. Ang backpack ko naman ay kinuha nung isang guard para tingnan ang loob. Wala sa sariling inabot ko na sa kanila 'yon. Wala naman akong dapat ikabahala dahil gadgets ko lang naman ang laman no'n pati na ang ibang mga personal na gamit.

Kinapkapan rin nila ako bago tuluyang nakalagpas. Kinuha ko ang phone ko at inilagay na sa airplane mode. Nakasunod sa'kin si Papa na nakaalalay sa bewang ko. Inabot sa'kin ni Kuya ang maleta ko na kinuha ko naman.

"Are you okay?" nagtatakang tanong ni Kuya.

Tumingin ako sa kaniya, nakakunot ang noo nito. "Yeah," mahina kong sagot.

Rinig kong nagbuntonghininga si Papa. "Sweetheart, if you don't want to leave we understand—"

"No, Pa! I want to go back to New York," pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Then why are you sad?"

"Nothing, Pa. Sorry, don't mind me po," sagot ko. Ilang beses akong nagbuntong hininga bago inayos ang sarili ko.

Lumakad na kaming tatlo. May munti pang pag-asang namamahay sa dibdib ko.

Ipina-check muna namin ang mga travel documents namin bago nakapaglakad papunta sa jet bridge. Nauna sila Papa sa'kin dahil nagmamabagal talaga akong maglakad, pero hanggang huli ay wala talaga.

Bagsak ang balikat akong tuluyang nakapaglakad sa loob.

Mukhang 'di talaga siya darating.

Bago pa ako makapangalahati ng hakbang ay may narinig na akong tumawag sa pangalan ko. Mabilis lumikdo ang puso ko, lumingon ako at nakita ko si Hunter. Hingal na hingal habang nakatingin sa'kin. Magulo rin ang suot nitong suit, tanggal na ang tatlong butones sa itaas at loose ang tie niya. Magulo rin ang buhok.

Tears fell in my eyes.

Binitawan ko ang hawak kong maleta at tinakbo ang distansya naming dalawa. Patalon ko siyang niyakap. Binuhat naman niya ako. Ipinalupot ko ang mga binti ko sa bewang niya. Mahigpit ko siyang niyakap at nagsiksik sa leeg niya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa'kin kasabay ng paghaplos sa likuran ko.

"Akala ko hindi ka na pupunta," humihikbi kong bulong sa kanya. Wala na kong pake kung mabasa ko man ang suot niya.

"Pwede ba 'yon? Ipinangako ko sa'yong darating ako, hindi ba?" malambing niyang ani.

Ngumuso ako at inilayo ang sarili ko sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang?"

Hinaplos niya ang pisnge ko. "Naipit ako sa isang operation na kaylangan ng supervision ko pero mabilis ko namang tinapos. Wala pa rin akong masakyan kaya natagalan."

Nagaalala akong bumaba sa kaniya.

"Are you okay?!"

Sunod-sunod siyang tumango at hinila ako payakap sa kaniya.

"I am. Nagmadali talaga akong magpunta dito. Akala ko hindi na kita aabutan," aniya.

Ngumuso ako.

"I thought it too. Iniisip ko ng matagal na ang susunod nating pagkikita," nakangusong ani ko.

He smiled at hinalikan ako sa noo.

"Next week susunod ako do'n kung gusto mo para hindi mo na ako masyadong ma-miss," malokong sabi niya.

Hinampas ko siya sa balikat at pinandilatan ng mata.

"Mag-aaksaya ka ng money. Stop ha," warning ko sa kanya.

Humalakhak siya bago ako mas hinapit palapit sa kaniya. Kapwa nagtama ang mga mata namin. Unti-unti kaming nakabalik sa mundong kami lang ang may alam.

Malapit na ang pag-take off ng eroplanong sasakyan namin pero eto pa rin ako. Nakikipagtitigan kay Hunter.

"Mag-iingat ka do'n," bilin niya.

"Ikaw rin. Wala na ako dito para alagaaan ka," bilin ko rin sa kanya.

Tinanguan niya ako at muling hinuli ang mga labi ko. Narinig ko ang muling pagtawag sa mga speaker ng paliparan para ipaalam sa mga passengers na aalis na ang plane kung saan kami sasakay.

Naghiwalay ang mga labi namin. Isinandal ko ang noo sa kaniya. Nakapikit ako kaya hindi ko makita ang hitsura niya.

"I will miss you," nahihirapan kong saad.

"Me too. Promise, pupunta ako do'n for you. Andon ako," paninigurado niya.

Lumayo ako sa kaniya at hinaplos ang pisnge niya. Hinalikan ko siya sa tungki ng ilong bago tuluyang lumayo.

Magkahawak na ang mga kamay namin. Nakagilid kami dahil may mga dumadating pang pasahero. PDA.

"Mahal kita," mapagmahal na ani Hunter.

Hindi ako sumagot at hinalikan lang siya ulit sa labi. Pagkatapos ay kinuha ko ang kamay ko at lumakad na palayo sa kaniya. Habang lumalayo ay hindi na rin ako lumilingon. Baka kasi magbago ang isip ko kapag nagkataon.

Pero bago pa man ako makaliko sa gilid ay kusang tumigil ang mga paa ko.

Nilingon ko siya.

Matamis ko siyang nginitian.

He frowned. Nagtataka siguro siya kung bakit ako tumigil.

"I love you, Hunter," malambing kong saad. Napangiti ako nang makita kung paano malaglag ang panga ng lalaki at kung paano nawalan ng kulay ang mukha niya.

Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.

Nag-wave lang ako ng kamay bago nagpatuloy ng paglalakad.

Kung kanina'y para akong lantang gulay at walang gana mabuhay. Ngayon naman ay punong puno na ng energy ang buong katawan ko. Kinikilig ako sa isiping sinagot ko na ang 'I love you' ni Hunter.

Gusto kong bumalik para tingnan pa 'yung reaction niya pero huwag na lang. Baka hindi na ako makaalis.

Pagpasok ko ng plate ay ipinakita ko sa flight attendant ang ticket ko. Sinabi naman niya kung saan ako uupo. Ipinahatid pa ako sa isang kasamahan dahil nasa First Class ang pwesto ko. Hinawi ng flight attendant ang curtain na nagsisilbing pagitan ng First Class at Business Class.

Pagkapasok namin ay nahanap kaagad ng mata ko sina Papa at Kuya. Magkatabi ang dalawa. Parehong nasa may gilid ng bintana. Sa harapan nila ako umupo, katapat ko si Kuya.

Nang ma-iwan kaming tatlo ay nagsalita ang kapatid ko na kanina pa nakakunot ang noo.

"Bakit matagal ka do'n? Anong ginawa mo?" mapang-usisa niyang tanong.

I giggled. "Hunter came. Nag-usap kami sandali."

"Umabot pa ang lokong 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya, tumango ako. "Tsss, akala ko hindi na pupunta."

"Me too but he did."

Nakangiti ako habang inaayos ang seatbelt ko.

"That's why my princess is happy, huh," ani Papa.

"Si."

"I hope he came to me in person again to ask for your hand," makahulugang anito.

"Ask my hand? Why? He has his own," I answered.

Nagkatinginan sila Papa at Kuya. Mga nag-uusap gamit ang mata. Napanguso ako. Madalas silang ganiyan. Sumandal ako sa upuan at sumilip sa labas ng bintana.

Umawang ang labi ko ng makita sa labas si Hunter, may hawak itong placard at may malalaking letrang nakasulat doon gamit ang pulang tinta na may kasama pang mga puso-puso.

Napahawak ako sa dibdib ko.

I LOVE YOU SO MUCH, BABY!!! I LOVE YOU!!!!

He even mouthed me the words while smiling widely. God, what did I do to deserve a man like him? 



-------

Hi! I hope okay kayong lahat! hell week namin at puro exams kami ngayon kaya hindi ako nakakapag-UD pero sana naging pambawi 'to! sa bakasyon, susubukan kong bumawi! 

enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro