Chapter 137
CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-SEVEN
HUNTER
After a hot and steamy kiss ay pinakawalan ko na ang namumulang labi ni Klyzene. Idinikit ko ang noo ko sa kaniya.
Pinanood ko ang pagpikit nito kasabay ng paghababol ng hininga.
Napaka-ganda talaga niya kahit saan tingnan. Ang mahaba niyang pilik-mata, ang may katangusan niyang ilong at ang hugis puso niyang labi. Ang ganda ng mahal ko... na minsan ay natatakot akong isipin na baka hindi ako karapat-dapat para sa kanya. Na baka kulang ako... kaya natatakot at nagseselos ako kapag may kausap siyang iba.
Baka mamalayan ko na lang na nahanap na niya sa iba ang pagkukulang ko. Baka magising na lang ako wala na siya sa tabi ko. But hearing her giving me an assurance—nawala lahat ng takot ko dahil alam kong may nararamdaman din siya sa'kin. Hindi pa niya maamin pero ramdam ko.
Ngumiti ako.
Pinagdikit ko ang ilong namin at kiniskis 'yon. Nose to nose.
Napatitig ako sa mata ni Klyzene nang unti-unti itong magbukas. Nagtama ang mga mata namin. Ang daming emosyon ang nakikita ko sa mata nito, masaya, nahihiya, kinikilig. Napatalon ako sa isip ko. Malaking improvement na ang kinikilig sa'kin ang babae.
Ilang minuto naming sinulit ang sandaling 'yon bago ako ang kusang humiwalay sa kanya. Nakaramdam ako ng lamig nang maglayo kaming dalawa. Hinawakan ko siya sa bewang at inalalayang bumaba. Pinagpagan ni Zene ang suot nito pagkatapos.
Nakakapanibago ang suot nitong dress. Paano kasi ay kulay beige ito na binagayan naman ng kutis nito dahil napapalabas no'n ang pagiging maputi ng babae. Pagkatapos ay light lang rin ang make up nito. Walang itim na parang ano sa mata.
I'm glad that she's slowly walking out of her comfort zone. Seeing her being proud and loving herself will give me such joy. Comparing her to her old self, she's much better now. I cannot see the insecure and lonely girl before. I only see a strong woman who's ready to face the world.
"Wait—what is that?!" nagtataka na may pagkagulantang nitong tanong.
Napabalik ako sa reyalidad. Nakita ko siyang nakatayo sa may gilid ng picnic blanket na inilatag ko. Nadismaya ako sa sarili ko. Dapat ay tatapusin ko muna kasi ito bago ko ipakita sa kanya para naka-ready na lahat pero naunahan niya ako. Nilapitan ko siya at niyakap sa likod. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.
"We're going to have a dinner under the starry sky," I replied.
"B-but—"
"I already set everything," sagot ko. Humiwalay ako sa kanya at binuksan ang trunk ng kotse. Inilabas ko ang isang thermal bag na may lamang pagkain.
Hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin si Zene habang inilalabas ko ang mga kakainin namin. Tumawa ito saka ako nilapitan para tulungan.
"Hindi ka pa handa sa lagay na 'to, ha," mapanuksong anito.
Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "Nagmamadali kasi ako. Dapat talaga ako ang magluluto ng ibang pagkain pero hindi na kinaya kaya nag-order na lang ako," pagpapaliwanag ko. Naglakad kami pabalik sa may matt.
Umupo ako sa gilid at inilabas ko ang mga pagkain sa thermal bag. Gumaya naman si Zene, nga lang ang inaayos nito ay yung binili namin sa fast food kanina. Inilabas ko ang four season, menudo, inihaw na tilapia at relyenong bangus. Taga-Hagonoy ang binilhan ko ng mga ito kaya makakasiguradong sariwa ang tilapia at bangus. May kanin na ring kasama para hindi kami mabitin.
Ang binili ni Zene kanina sa fasfood ay isang bucket na chicken with half spicy, may spaghetti na rin. Hindi na gaanong bumili si Zene para dahil meron pa kaming chips sa sasakyan.
Tumayo ako ulit at lumakad palapit sa trunk. Kinuha ko ang cooler kung saan nakalagay ang isang red wine.
"Wow! Hindi ka handa pero may cooler ka pang dala ha," panunukso pa ni Zene.
"Of course, money works. Besides, this is just a wine. Ilalagay ko pa 'yung beer," ani ko. Ibinaba ko ang cooler sa tabi at binuksan. Inilagay ko ang drinks namin para malamigan sila.
"Ang maparaan naman ng manliligaw ko," pang-aasar niya sa'kin.
Imbis na mainis, nakaramdam pa ako ng tuwa.
"Kumain na tayo. Ayokong nagugutom ang bebe ko," pag-sakay ko sa kalokahan nito.
Tumango siya at saka naglabas ng paper plate. Ako naman ay inalisan ng tupperware ang mga pagkain.
"Teka—bakit nagpabili ka pa kung may dala ka na palang pagkain?" biglang tumigil sa pagsandok ng kanin si Klyzene.
Nginisihan ko siya.
"Para 'di halata," tumawa ako pagkatapos kong bitawan ang katagang 'yon. Inilingan lang ako ng babae saka nagpatuloy.
Nang may iabot siya sa'kin plato ay kinuha ko at saka ibinaba para maluwagan ito. Kumuha ako ng gloves at sinuot ko sa bakanteng kamay ng babae. Ganoon rin ang ginawa ko sa isa. Sinuotan ko na rin ang sarili ko.
"Masarap 'yan." Turo ko sa relyenong bangus.
"Saan mo nakilala 'yung kinuhanan mo nito?"
"Sa katabing unit ko. Nung dumating kasi sila do'n namigay ng pagkain sa buong floor namin. Nabigyan ako, nalaman ko ring nagca-cater pala sila ng pagkain sa handaan kaya kanina kinausap ko siya para lutuan ako."
Kumuha ako ng laman ng tilapia at sinawsaw sa toyo na may kalamansi't sili, tapos isinama ko sa kanin at inuma sa bibig ni Klyzene. Sinubo naman nito ang binigay ko. Sumubo ako ng sa'kin. Makita ko lang na nasisiyahan na sa pagkain si Zene ay masaya na rin ako. Hindi nasayang ang hinanda ko.
----
NANG mayari kaming kumain ay inilagay ko sa plastic bag ang lahat ng basura namin. Ipinagpag ko rin ang matt na gamit namin para maalis ang mga nahulog na pagkain. Isa-isa kong binalik sa thermal bag ang natirang pagkain.
"Mag-star gazing muna tayo," pag-anyaya ni Zene.
"Okay, babe. Sit back and relax, I'm just finishing this," ani ko dito habang nag-aayos. Nakatalikod ako sa babae, iniwan ko kasi itong nasa may matt para makapagpahinga. Ako naman ang nag-aayos ng mga gamit namin sa trunk.
"May dala ka bang kumot? Para kapag gininaw tayo mamaya," tanong ulit nito.
Napa-isip ako. Do I bring one? Hinalughog ko ang trunk para makapaghanap ng kumot pero wala akong nakita. Bakit naman kasi ako magkukumot? Ang bobo ko talaga. Gabi nga eh, malamig! Tsk.
Para mainitan mamaya si Klyzene ay kinuha ko na lang ang jacket na palagi kong dala panlaban sa lamig. Isinara ko na ang trunk at nilapitan si babe. I put the jacket around her shoulders, and then I sit on her back. I hug her.
"I wish we always like this," panimula ko. Pumasok sa'kin ang isang reyalisasyon. Aalis na siya sa makalawa. Iiwan na niya ako dito. It's not a goodbye but it's still hurt. "I hope this night won't end."
Hinawakan ni Zene ang braso kong nakayakap sa bewang nito. Sumandal siya sa dibdib ko at tumingala sa langit.
"Let's cherish this moment, Hunter. Let's make it memorable," she said in a low voice.
"How?"
"I don't know either," she honestly answers me.
Tumango ako. Niyakap ko lang siya nang mahigpit at hinalikan sa ulo. Susulitin ko na ang mga oras na 'to dahil alam kong pag-alis niya'y magbabago ang mga mangyayari at mawawalan kami ng oras sa isa't isa.
Habang pinapanood ang mga bitwin sa langit ay inaya ko si babe ng inuman, pampa-init rin ng katawan ngayong malamig. Kinuha ko ang iinumin namin sa cooler pati na rin ang binake kong cookies kasama na 'yung chicken na 'di naman nagalaw kanina. Hindi ko kasi naibigay kanina dahil masyadong madaming pagkain, baka hindi mapansin.
Umupo ako sa harapan nito.
Pinapanood namin ang ilaw sa ibaba ng burol, sa city. Kung saan mabilis itong mga gumagalaw at nagmumunting alitaptap ang liwanag.
Ibinaba ko ang hawak ko. Pinagbuksan ko siya ng isang can beer at inabot dito. Binukas ko na rin ang cookies. Mayroong side sa'kin na natatakot dahil baka hindi magustuhan ni Klyzene ang cookies niya.
Habang tumutungga ng beer ay nakatingin ako kay Klyzene, pinapanood ko ang pagkain nito. Nang lingunin niya ako ay agad akong nag-iwas ng tingin at kumuha ng isang chicken leg para kainin. Tumingin ako sa iba para hindi naman halatang nakatitig ako sa kanya.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong nag-balik na ito ng tingin sa burol kaya tumingin na 'ko ulit sa kanya. Napapangiti ako tuwing nakikita ko ang pag-abot ng ngiti ng babae sa tuwing ngumingiti ito. Ilang beses akong ngumiti.
Nanlaki ang mata ko ng lumingon na naman ito, umiyas ako ng tingin.
Binilang ko ang nakikita kong gamo-gamo. Bigyan ko kaya sila ng pangalan para 'di na sila sad?
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pag-iling na may kasamang ngisi ni Klyzene. Mariin kong pinagdikit ang labi ko para pigilin ang isang sumisilay na ngiti.
Inalisan na niya ako ng tingin kaya malaya na muli akong titigan ang maganda niyang mukha, nang sa hindi ko inaasahan ay ang paglingon nito na kinahuli sa'kin. Nanlalaki pa ang mga mata ko dahil nakakahiya.
"Kung tititigan mo ko make sure na hindi ko naman sana ramdam," natatawang sabi nito bago dumukwang at kumagat sa manok na hawak ko.
Umayos ito ng upo. I also heard her 'hmm' while chewing.
Wala sa sariling kumagat ako sa kinagatan nito.
Nang maubos ko na'y hawak ko ay nagpunas ako sa tissue pagkababa ko nung buto sa isang plastic.
Nung una'y 'di ko pa nabibigyan ng pansin ang ginagawa ni Klyzene sa tabi ko pero para yatang nag-slow motion ang lahat nang makita kong kumakagat si Zene sa cookies na dala ko. Muntikan ko ng mabitawan ang hawak kong beer.
Ilang beses kong kinusot ang mata ko para masiguradong kong hindi nga ako namamali ng tingin. Fuck! My baby's eating the cookies I baked!!!
She's eating cookies?!!!!!
When realization hit me, I almost fainted. Call me dramatic or overreacting, but it is what it is.
She tells everyone that she doesn't like cookies anymore, but now, she is.
Shit...
When she already looking at my side, her eyes widened and worried consume her face.
"Are you okay?" she asked, then, she put down her cookie. I'm just following her movements, waiting for her next move.
I nod to response to her question. I'm still in shock.
"Para kang nakakita ng multo!!" she commented.
"Maybe...I am," wala sa sariling sagot ko.
Nagtataka naman siya.
"What?"
I shook my head. I should stop, baka mamaya ay mabalis ko pa ang pagbabago niya. Dapat ko na lang i-appreciate na kumain siya ng baked kong cookies. I pull her into a hug. Mas lalong naging memorable ang gabing ito.
------
IT WAS already one in the morning when we decided to go home. I drive while Klyzene is loudly sleeping beside me.
We talk a lot of things while staying at the hill. She told me stories about her Abuela, who's living in Spain. She opened up to me, and I'm happy about that. She also gave me my spotlight. Encourages me to tell stories and my funny moments. I noticed that she was all ears.
Having a conversation with each other is healthy for our relationship. We'll be open enough to call out each other if one of us feels uncomfortable in something.
I look at Klyzene again. Getting some glimpse of her beauty. I laughed in my head.
Sa pagtulog lang siya nagiging kasing bait ni Klyzia. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ang likod no'n. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. May chance na magising si Klyzene pero I'll take the risk. Hindi naman siguro niya ko sasampalin, 'di ba?
Naka-connect ang cellphone ng babae sa radio ko. Siya ang nagpapatugtug kaya naman naka-shuffle ang mga kanya. Hindi ko tuloy alam kung sino-sino ang mga kumakanta dahil ayaw naman sabihin ni Zene, ang kilala ko lang ay si Taylor Swift.
Naging mabilis ang byahe namin dahil walang traffic sa daan. Kanina pa kami nakahinto sa tapat ng condo nila Klyzene pero hindi ko siya magising. Masarap na kasi ang tulog nito at natatakot akong maistorbo siya kung bubuhatin ko.
Dumantay ako sa manibela. Nakatingin ako sa katabi ko. Hindi ko pinatay ang makina ng kotse para malamig pa rin. Himbing na himbing ang baby ko sa pagtulog, kanina pa yata inaantok. Kumunot ang noo ko nang makita ang ilang buhok na nakatakip sa may mata nito. Hindi bagay.
Hinaplos ko ang pisnge niya saka inipit ko sa likod ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Napangiti ako. Ngayon ay okay na. Nagsisilbing unan kay Babe ang jacket ko para hindi siya sakitan ng leeg lalo na't hindi maganda ang posisyon ng katawan nito.
Bumigat ang dibdib ko.
Nami-miss ko ito. Mami-miss ko ang road trips namin, at ang kulitan. Hindi ko na siya basta-basta na lang malalapitan, mahahawakan at mahahagkan dahil aalis na siya sa susunod na araw. Kinuha ko ang palad niya at hinalikan ang likod no'n. Ilang beses kong ginawa 'yon bago sinalo sa mukha ko.
Mariin akong pumikit, dinadama ang mainit nitong palad. Unti-unting gumalaw ang kamay ni Zene na para bang binabawi na niya. Dumilat ako at sinalubong ang namumungay nitong mga mata. Pilit akong ngumiti.
"H-hi..."
She frowned, "are you okay?" she asked.
I nod. Umayos ng upo ang babae at sinalo ang jacket. Hinagis nito iyon sa backseat. Pinanood kong luminga ang babae. Mukhang alam na niyang nasa tapat na kami ng Condo nila. Hinarap niya ulit ako.
"Kanina pa tayo dito?"
Umiling ako.
"What time we stop?" Pinanood ko ang pag-aayos nito ng buhok. Sinuklay niya papunta sa likod.
"Saglit pa lang," tanging sagot ko dahil busy ako sa pagtitig sa kaniya.
Magkahawak pa rin ang mga kamay namin kahit na nag-aayos na siya. Hinarap niya ako ng ayos na siya.
Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na ikinangiti ko na rin.
"Hunter," tawag niya sa pangalan ko.
Nagtatanong akong tumingin sa kanya. "What it is, babe?"
"I want to say thank you," she said softly.
"Thank you?"
"Yes."
"Why?" nakakapagtaka.
Inilingan niya ako bago hinigpitan ang kapit sa kamay ko. Bumaba ang tingin ko do'n sandali. Nakita ko ang marahan nitong paghaplos sa likod ng palad ko na nagbibigay ng maliliit na kiliti sa'kin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya.
"Thank you for this day, Hunter. You make me happy," she said.
Lumamlam ang mata ko.
"I'm happy that your happy, babe," sagot ko.
"You always make me happy, Hunter...I promise you. Someday, ikaw naman ang pasisiyahin ko," determinadong anito.
Lihim akong napangiti. Para akong teenager na kinikilig! Fuck!
"Makita lang kitang masaya, Klyzene Black, masaya na rin ako," totoong sabi ko.
Hindi siya sumagot, bagkus ay dumukwang palapit sa'kin. Magaan niya akong hinalikan sa labi at mabilis ring bumalik sa upuan nito.
Dinilaan ko ang pang-ibabang labi ko saka siya tiningnan sa mga mata.
"What time is your flight?" I asked.
"Four o'clock in the afternoon, NAIA Terminal Two."
Tumango ako. "Sunduin kita?"
"Hindi na. Kasama ko sila Kuya at Papa na aalis, gagamitin namin ang Van. Let's meet na lang sa Airport."
"Okay. Wait me there, babe."
Tumawa ito ng mahina.
"Okay, pero if you have important things to do kahit—"
Pinutol ko ang sasabihin niya. "I will go, babe. Ihahatid kita. And I will clear my schedule next month para bisitahin ka sa New York."
"If you say so, babe," she said. Binitawan niya ang kamay ko at inalis ang seatbelt. Binuksan na nito ang pinto sa gilid at hinarap ako. "Take care. Drive safely, okay?"
"Call me kapag nasa unit niyo na ikaw," ani ko.
"Okay, babe. Bye!"
I nod, and then she smile at me. Hinalikan niya ako ng isa pang beses sa labi bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Pinanood ko siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng condominium. Nang wala na siya sa paningin ko ay sumandal ako sa upuan. I will wait her call before I leave.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro