Chapter 135
CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-FIVE
ILANG beses akong nag-imagine kung anong pakiramdam kapag humingi nang tawad ang mga taong nanakit sa'kin at kung paano ko sila papatawin. Naisip kong masakit at palaging mauuwi sa failure ang lahat dahil nawalan ako nang tiwala sa taong 'yon na pwede pa silang magbago, at do'n ako nagkamali. Hindi ko dapat inisip na hindi na magbabago ang isang tao dahil pagbabago lang ang mananatili sa mundo.
Nakatitig ako sa kisame nang kwarto ko. Yes, hindi ako umuwi dahil ayaw rin nila akong pauwiin. Pumayag na ako dahil aalis na rin naman ako sa susunod na araw.
Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Sobrang emosyonal namin kagabi. Lahat kami ay nag-iiyakan. Nakita kasi kami ni Zia, at dahil nga emotional ang mga buntis. Naki-iyak din siya hanggang sa makisali na si Mommy at Kuya. We had our family time, which feels like forever.
Wala pa ring pinagbago ang kama ko. Malambot pa rin katulad nung dati. Tumagilid ako nang higa at tumingin sa pinto ng common room.
Bumangon ako at naglakad palapit sa may pinto. Hindi na ako nag-ayos nang sarili ko. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit 'yon pabukas.
Umawang ang labi ko.
W-wala ring nagbago. It looks like new. Pumasok ako sa loob. Lumapit ako sa kama ko. Hinaplos ko ang ibabaw no'n bago naglakad papunta sa table ko. Nakaka-miss.
"Ang linis noh?"
Nilingon ko si Zia.
Nakatayo ito sa may pinto nang sariling kwarto, may hawak na isang face towel at nakatali ang buhok. Mukhang kalalabas lang niya nang banyo.
Pumasok rin sa loob ang babae at tumabi nang tayo sa'kin. Nakangiti siya.
"Alagang-alaga nga yata ang mga kwarto dito," puna ko pa.
Tumango ito. "Gusto kasi nila na malinis ang kwarto para daw kapag nagpunta tayo. Umuwi o magbakasyon ay may matutulugan tayo."
"Hmmm."
Kinuha ko ang isang unan at inilapit sa dibdib ko.
"Kumusta ang pagtulog mo?" tanong nito pagkaraan nang ilang minuto.
"Okay lang naman," sagot ko habang nakatingin sa ilalim nang kama ko. Para kasing may mga kahong nakatago doon.
"How's your heart?"
Natigilan ako dahil sa tinanong niya. Nag-angat ako at sinalubong ang nagtatanong nitong mga mata.
Tipid ko siyang nginitian.
"Magaan." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Nawala lahat ng mabigat...para bang kaya ko nang huminga nang maluwag," dagdag ko pa.
Sunod-sunod siyang tumango.
"That's good," sagot nito at saka ako niyakap.
------
TANGHALI na nang maka-uwi ako sa condo. Hindi na ako nagpahatid sa driver nila Mom at nagpasundo kay Hunter o Kuya Ivan dahil abala lang 'yon, kaya ko namang mag-commute.
Nagpakawala ako nang isang malalim na hininga. Nandito na kasi sa ibaba ang ibang mga kahon na dadalhin pabalik nang New York. Ilang araw na lang ay makaka-alis na kami dito kahit hindi pa tapos ang Resort.
Binaba ko ang bag ko sa may couch. Nilapitan ko ang boxes at tiningnan ko ang laman no'n. Ilang mga gamit ni Papa. Sinarado ko ulit.
"Ow!! You are already here!"
"Yes, Kuya," mahinang sagot ko.
Mula sa pagkakatayo ay lumakad siya palapit sa'kin. Tinabihan niya ako nang upo at niyakap nang mahigpit.
Kagabi ay sinabi ko sa kanila ang lahat nang nangyari kasabay ng pagpapaalam kong hindi ako makaka-uwi.
Hinalikan ako ni Kuya sa noo bago hinawakan ang pisnge ko at tiningala sa kaniya.
Nagtama ang mga mata namin.
"You look okay," anito.
Tumango ako. "Yeah... gumaan ang pakiramdam ko. Lahat nang sakit ay nawala, Kuya..."
"I'm glad you have your peace now."
"Me too." Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Rinig ko ang kalmadong pagtibok ng puso nito. "Makakabalik na ako sa New York na walang ibang iniisip."
"After mong mag-college, babalik ka pa ba dito?"
"Maybe...for vacation. I don't know yet. Madaming nangyayari." Totoo naman 'yon. Hindi ko alam kung babalik pa ako dito.
"Where is Papa?"
"He's talking with Abuela. She's asking kung kaylan tayo makaka-uwi ng Spain. She misses us."
Matamis akong ngumiti pagkarinig nang pangalan ni Abuela.
"I missed her too. Let's go there sometimes," yaya ko.
"We will. Are you ready for our flight?"
"Yeah. I'm going to pack my clothes. Magtitira na lang ako nang gagamitin ko sa huling araw natin dito."
"Okay. Riley says siya na ang bahala sa Resort mo," anito na tinanguan ko.
"I know. Bati na kayo?"
"Syempre. Hindi naman niya ako matitiis eh," may pagka-maangas nitong sagot.
Inirapan ko siya.
"Asshole ka talaga," inis kong wika dito.
Tinawanan niya ako nang malakas. Pagkatapos ay pinisil ang pisnge ko. Ngumuso ako.
"You're mouth. Stop cussing!" anito.
"Fuck it!" pang-aasar ko pa.
Imbis na mainis siya sa'kin ay inumpisahan niya akong kilitiin sa tagiliran ko kaya ako napatawa nang malakas. Sinubukan kong umiwas pero masyado siyang malakas.
EXACTLY six o'clock I started to packed my things. I took out my other suitcase to put my other clothes.
Nag-iwan ako nang pang-one week ko pang damit na pambahay at pang-alis para may extra ako kung sakali. Habang naglalagay ako nang mga damit sa maleta ay hindi ko na namalayang umiilaw na pala ang cellphone ko.
Nakapagpalit na ako ng damit kong pambahay kaya habang nag-aayos ay kumportable akong kumilos. Kinuha ko na rin ang mga toiletries ko para madala sa New York. Wala namang gagamit nang mga 'yon dito.
Nag-aaya nang kumain ng hapunan sina Kuya nang matapos ako.
Bumaba ako sa kusina.
"Wow! Beef steak. Who made this?"
"Me, of course."
"'Di ka naman mayabang sa lagay na 'yan?" sarcastic kong tanong.
Ngiting aso ang binigay niya sa'kin, "'di pa ako nag-uumpisa."
"Kids, stop that now," seryosong pigil sa'min ni Papa. Tumigil naman kami ni Kuya, magkatabi kaming umupo.
"Ikaw kasi," mapanising bulong ni Kuya.
Inapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa at kina-igik nito. Nagtatakang napalingon si Papa dito.
"What happened?" he asked him.
Umiling si Kuya at masamang tumingin sa'kin. Tinaasan ko lang siya nang kilay.
"Mama wants us to visit her soon. She misses you, Klyzene," ani Papa.
Lumingon ako sa kanya. "Okay. Maybe next month? Or when we have free time."
"Yeah, I already tell her that. Hindi naman pwedeng pagkabalik natin nang New York ay aalis agad tayo. You need to focus on your study, Klyzene," Dad said.
Tumango ako. I understand him.
Ilang linggo lang nila akong sasamahan sa New York at babalik rin sila Pilipinas. Sanay naman akong mag-isa kaya walang kaso sa'kin 'yon. May sarili nga akong apartment do'n, mas malapit sa University.
Mabilis lang natapos ang pagkain namin ng hapunan. May ilang bagay lang na ibinilin si Papa sa'ming magkapatid pagkatapos ay pumanik na kakmi sa kanya-kanya naming kwarto. Nagpatuloy lang ako sa pagliligpit sa kwarto ko hanggang sa makatulog na rin ako sa pagod.
-----
TANGAHALI na akong nagising kinabukasan. Nananakit ang buong katawan ko. Ang balakang ko ay napakasakit nang inunat.
Inabot ko ang telepono ko sa may side table at tiningnan ang notifs. Kumunot ang noo ko nang makita ang madaming missed call ni Hunter sa'kin. Chineck ko kung anong oras ito nag-umpisang tumawag. Nag-start siyang tumawag mga five thirty at nag-stop siyang tumawag mga twelve na.
Pinindot ko ang message icon saka nag-type nang text sa kanya.
To Hunter: Sorry, I received your message late. I packed my things that's why I'm busy last night.
Pinindot ko ang send saka naghintay nang sagot nito. Bumangon muna ako at saka naglakad papasok nang banyo. Itinali ko ang buhok ko saka nag-umpisang mag-toothbrush. Nang matapos ako ay naghilamos naman ako nang mukha gamit ang ponds.
Inabot ko ang face towel ko sa gilid at nagpunas nang mukha. Lumabas ako nang banyo, kinuha ko sa may kama ang cellphone ko saka lumabas nang kwarto. Mamaya na ako mag-aayos nang kama.
Bumaba ako sa sala at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng isang malamig na water bottle at dinala sa kwarto. Iaayos ko na kasi lahat ng gamit ko na dadalhin. Magka-iba yung maleta ko sa dadalhin kong papers sa hand bag ko.
Pagpasok ko sa kwarto ay hinanap kaagad ng mata ko ang tote bag na dadalhin ko. Nakita ko 'tong nakasabit sa may rack kaya kinuha ko. Inilagay ko do'n ang passport ko at ang visa na kasama nan g passport.
Habang umiinom ng tubig ay gumawi ang tingin ko sa may side table kung nasaan ang cellphone ko. Inabot ko 'to dahil nagvi-vibrate tumatawag sa'kin si Hunter. Mabilis ko 'tong sinagot at ngumiti ng malapad.
"Hi!!" I greeted him.
"Baby... how's your day?" he asked.
I bit my lower lip when the camera went down for me to see his muscular tummy. I gulped.
"Want to see more?" Hunter teased me.
My face is burning in shame. I look away before to look back at him. He is smirking. Damn, he looks so happy that I'm in shame.
Sinumangutan ko siya para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman ko. Nag-iwas ako ng tingin at binaba ang phone sa may phone stand para makakilos pa rin ako ng maayos.
"A-ano ba 'yang pinagsasabi mo!" nauutal kong asik sa kanya.
Tinawanan ako ng lalaki, "mukha kasing mas interesado kang tingnan ang abs ko, pwede naman."
Nanlaki ang mata ko at tumingin dito.
"H-hindi naman ako nakatingin sa a-abs mo." I pouted my lips. "Wala namang interesante diyan," bulong ko.
"Uh-huh, babe. Magkukunwari na lang akong walang nakita," pang-aasar pa nito.
"E, sa hindi naman talaga ako nakatingin!"
"And pigs can fly, babe."
Madiin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Nag-uumpisa na akong mainis. Paano ba naman panay ang—tanggi ka kasi ng tanggi, eh,nahuli ka na sa akto! Ang arte mo!
Ngumuso ako dahil sa sinabi ng isang bahagi ng utak ko. Tama nga naman.
"Why did you call?" tamad kong tanong pagkaraan kong pakalmahin ang sarili ko.
Nag-umpisa na ko ulit ayusin ang mga gamit ko sa tote bag.
"Because I miss you?" he replied. I shrugged my shoulders. "Don't you miss me?"
Hindi ko makita ang reaction nito pero nai-imagine ko ang pagkunot ng noo ng lalaki. Napatawa ako bago binitawan ang ginagawa ko. Oo nga pala. I promised him na magkikita kami bago kami umalis.
Lumingon ako sa kaniya. Tama nga ako, nakakunot ang noo ng lalaki at malungkot ang mga mata.
Napangiti ako. Bakit ba ang cute-cute niya sa paningin ko?
Ipinatong ko ang baba ko sa palad ko saka tiningnan ang lalaki.
"Gusto mo bang makipag-date sa'kin?" biglang tanong ko.
Nanlaki ang mga mata ni Hunter. Napatakip ako sa bibig ko. Parehong nanlalaki ang mata namin ni Hunter, ang bibig nito ay nagbubukas sara na para bang may gustong sabihin na hindi lang niya maituloy.
Did I just fucking asked him out?!
"Did you asked me out?" he slowly asked me.
I nod as a reply kasi hindi ko magawang magsalita.
He laughed na parang baliw before mabilis na tumayo sa kama. Nakita kong bumaba ang putting kumot nito at mawalan ng takip ang pang ibabang katawan ng lalaki. Naka-suot lang ito ng isang asul na boxers.
"O-okay! Magbibihis lang ako!!" nagmamadaling sabi nito.
Umiling ako kasabay ng mahinang pagtawa dahil sa pagmamadali niya.
"I will end the call, let's meet na lang sa lobby ng condo," pagkasabi ko no'n ay pinatay ko na ang tawag. Nagmadali na rin akong naligo at habang nasa loob ng banyo ay naiiisip ko na ang mga gagawin namin ngayong araw ni Hunter.
For once, I want to look more presentable sa harapan nito kaya pagkalabas ko ng banyo ay kaagad akong pumili ng damit ko. Kuya Ivan gave me a beige dress na hanggang tuhod ang haba. Wala itong manggas. Tiningnan ko muna sa salamin ang hitsura ko bago sinuot. Light make-up lang ang inilagay ko sa mukha ko. Ipi-nart-ner ko ang isang itim na high block heel.
Kontento na ako sa kung anong suot kaya kinuha ko ang isang shoulder bag. Inilagay ko don ang card holder ko. I also put my phone inside para mag-aantay na lang ako mamaya.
Paglabas ko ng kwarto ay ang saktong pagbukas ng pinto ni Papa. Nagtataka siyang nakatingin sa'kin. Nakangiting lumapit ako sa kaniya.
Inakbayan niya ako kaya inikot ko sa bewang niya ang braso ko. Sabay kaming naglakad pababa.
"Aalis ako, Pa with Hunter," pagpapaalam ko.
"Again?"
"Yap. He asked me kasi before if pwede ko siyang samahan before tayong umalis. Pumayag naman ako. Aalis na tayo eh."
Nakaka-intinding tumango si Papa bago huminto at hinalikan ako sa noo. Nginitian niya ako saka hinawakan ang magkabilang pisnge ko.
"Just be safe, Klyzene. Go back early, okay? Your Abuela wants to talk to you later," he said.
I nod.
"I will. Bye, Pa. Take care ha," bilin ko.
Lumabas ako ng unit at naglakad palapit sa may elevator. Pinindot ko open button at naghintay, nang bumukas ang metal na pinto ng lift ay pumasok na ako sa loob. Pagsara ng pinto ay pinindot ko ang first floor at naghintay.
Nang bumukas ang pinto ng lift ay lumabas na ako. Lumawak ang ngiti ko ng makilala ang lalaking nakatayo sa may labas ng condo. Inilang habang ko ang labas.
Huminto ako sa may gitnang baitang pababa. Inaantay kong mapansin ni Hunter. Nakasandal ang lalaki sa kotse nito habang nakatingin sa cellphone. Humawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil malakas itong kumabog.
Tiningnan ko kung anong suot ng lalaki. Isang blue jeans at white t-shirt na humapit sa may braso nito. Naka-suot rin ng aviator ang lalaki.
Kinakabahan ako. Magugustuhan kaya niya ang suot ko? Anong magiging reaction niya pag nakita ako. Babagay ba sa'kin 'yung suot ko?
Tumikhim ako pagkaraan ng ilang minuto para mapansin ako.
Nag-angat ng tingin ang lalaki sabay baba ng salamin nito. Tiningnan niya ako.
Umawang ang labi niya habang nakatingin sa'kin. Sinuri niya ang kabuuan ko, mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko.
Kinagat ko ang gilid ng pisnge ko.
Lumapit ako sa kanya. Dalawang hakbang ang pagitan namin. Sinalubong ko ang mga tingin nito na hanggang ngayon ay hindi humihiwalay sa'kin.
Tipid akong ngumiti.
"W-what can you say?" mahinang tanong ko.
Tumaas ang kilay ko sa sumunod na ginawa nito. Itinaas nito ang sariling baba at nagkunwaring pinunasan ang gilid ng labi.
"Wa-wait...Miss? K-kilala ba kita?" naguguluhan nito kunwaring tanong.
Akma ko siyang hahawakan ng iwasan niya ako. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kanya. Ikinunot ko ang noo ko.
"What the—are you okay?" medyo nag-aalalang tanong ko pa sa kaniya.
Inilingan niya ako. "Miss, please. Don't talk to me. My wife is coming—"
"Hunter!!!" mahinang tili ko para patigilin ito sa kalokohan.
Tinawanan naman niya ako at hinila payakap. Nakanguso akong tumingala sa kanya. Mayroong mapang-asar na ngisi ang lalaki.
"Nakaka-inis ka!" asik ko.
"Hahaha, calm down, babe. I'm just teasing you," natatawang sabi nito.
Inirapan ko siya saka nag-iwas ng tingin. "Pwede mo namang sabihin sa'kin sa'kin kung pangit 'yung suot ko hindi 'yang mag-aasar ka pa."
Nakakapagtampo. Ngayon nga lang ako nagsuot ng ganitong damit pagkatapos hindi pa niya maa-appreciate. Parang gusto ko na tuloy pumanik ulit sa taas para magbihis ng dami.
Lumayo ako sa kanya at humalukipkip.
"Hintayin mo na lang ako dito. I will just change—"
"Babe, hindi ko sinabing hindi maganda!!" pagpuputol niya sa sasabihin ko. Hinawakan niya ako sa kamay at itinaas 'yon sabay ikot sa'kin. "You look fantastic!"
Hindi ako nag-react. "Sinasabi mo lang 'yan kasi paalis na ako..."
"Hindi ah! Come on, bakit ko pagsisinungalingan 'yon, babe? Maganda ka naman palagi. Nakakapanibago na ang suot mong damit ay light lang."
Sinalubong ko ang tingin niya.
"Are you sure?"
"Of course!"
Wala akong sinagot sa kanya, bagkus ang ginawa niya ay hinila ako payakap ay hinalikan ko sa sentido. Naramdaman ko ang pagbaba ng labi ni Hunter sa may tapat ng tenga ko. Bumulong siya.
"Palagi kang maganda, mahal ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro