Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 134

CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-FOUR

KINAKABAHAN ako habang nakatingin sa labas ng bahay nila Mommy. Kanina pa ako naihatid ni Hunter, kanina pa rin ako mag-isa dito pero hindi ko magawang pumasok... huminga ako nang malalim. Kung talagang gusto mong matapos lahat nang 'to... alam mo na ang dapat mong gawin.

Hinanda ko ang sarili ko at lumapit sa may gate.

Pinindot ko ang doorbell.

Ilang sandali akong naghintay na umayos ang paghinga ko. Nang-um-okay na ay saka ako naglakad papasok sa loob ng malaking bahay. Pagbukas ko ng pinto ay walang taong sala ang bumungad sa'kin.

Linibot ko ang paningin ko sa buong paligid bago tuluyang pumasok sa loob. Dahan-dahan kong sinarado ang pintuan. Deretso akong tumayo at tumingin sa second floor ng bahay. Wala yatang tao.

Napalunok ako. Where are they?

"Hello?" tawag ko. Lumakad ako papunta sa gitna, sa ilalim mismo ng chandelier. "Is anybody home?!"

I waited for some response but there is none.

Kusa na akong naglakad papuntang kusina para ilagay sa ref ang dala ko. Pagpasok ko nang kusina ay bumungad sa'kin ang nakahandang lamesa, nakapatong rito ang mga pagkain. Nilapitan ko ang ref, binuksan ko 'yon at pinasok ang dala ko.

Kumuha na rin ako ng malamig na tubig pambatid ng uhaw. Binuksan ko ang cabinet sa taas, umabot ako ng isang baso at 'yon ang ginamit ko. Sinalinan ko ang baso ko saka uminom.

I was startled when someone talked behind my back.

Muntikan ko nang maibagsak ang hawak kong baso.

Gulantang akong lumingon, nakita ko si Mr. Anderson na nakatayo sa may bukana nang pintuan. Nakangiti siya at kumikislap pa ang mga mata.

"I'm glad to see you were walking around the house like before, Black..." he said.

Madiin kong nilunok ang iniinom ko, pagkatapos ay marahang ibinaba sa island counter ang baso ko.

Ngumiwi ako.

"Sorry. Wala kasing tao kanina kaya nagkusa na ako," paghingi ko ng paumanhin dito.

Nginitian niya lang ako at saka pumasok sa loob. Pumuwesto ito sa likod nang mesa.

"No, don't be sorry. It's okay...t-this is your house too."

Gusto kong magulat dahil sa sinabi nito. This is my house too? Wow... I never thought na maririnig ko pa ulit 'yon.

Tipid akong ngumiti sa kanya. Anong topic ba dapat ang buksan? Hindi ko alam ang dapat sabihin pero ayoko rin namang may awkwardness sa pagitan namin.

Tumikhim ako.

"Nasa'n sila Mom?" tanong ko.

"Common room with Klyzia. They are having mother and daughter bonding," sagot nito at saka lumapit sa'kin. Hindi ako lumayo, tumingin ako dito.

Mukhang wala pa naman itong idea sa pagbubuntis ni Zia, hindi pa yata sinasabi.

"With her husband?"

"Nope. Henry is in the backyard. Nag-iihaw pa yata nang barbeque," sagot nito.

Tumango ako.

Mahabang katahimikan ang namayani sa'min. Wala naman akong sasabihin...actually, meron. I have. I have a lot of things to say but they will be nonsense because they only bring the pain from the past. I already heard their side, and I want to keep it that way.

"A-ahm...pupuntahan ko lang sila Mom." Hidni ko na siya pinaghintay na makasagot at lumakad na ako palabas ng kusina. Kung pwede ko lang takbuhin ang palabas sana ginawa ko na kaya lang ay nakakahiya 'yon.

Pumanik ako sa hagdan.

Habang humahakbang ay parang may kumukurot sa puso ko at nagdadagdag nang bigat do'n. Huminga ako nang malalim at humawak sa baradilya para kumuha ng suporta. Nanlalambot kasi ang mga tuhod ko at para akong mabubuwal.

Nang nasa itaas na ako ay biglang nag-init ang magkabilang mata ko. Ilang tao na simula nung huli kong akyat dito...hindi ko akalaing makikita ko pa ulit ito. Dahan-dahan akong naglakad. May sarili yatang buhay ang mga paa ko dahil namalayan ko na lang na nakatayo na ako sa harapan ng dati kong kwarto.

Inangat ko ang kamay ko at binuksan ang pintuan. Madilim na silid ang nakita ko. Marahan kong binuksan ang ilaw.

Tumulo ang luha sa mata ko nang makita ko ang silid ko...wala itong pinagbago...walang nagbago....k-kung paano ang ayos nito nung umalis ako ay gano'n pa rin ito ngayon. Pumasok ako sa loob at umupo sa kama ko.

Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisnge ko.

Hinaplos ko ang kama ko. Malinis ito. Inilibot ko ang mata ko sa buong lugar...malinis ang buong kwarto, p-para hindi nila pinabayaan.

Nag-flashback sa'kin ang lahat n-nang masasaya't malulungkot kong memorya sa kwartong ito. Lahat sa'kin ay bumalik.

Kinuha ko ang paborito kong akapan at niyakap ito nang mahigpit. Nababasa na ang unan pero hindi ako tumigil.

Nang magsawa sa kama ay tumayo ako. Lumapit ako sa study table ko. Napangiti ako Malinis ang mesa ko. Naka-ayos ang mga gamit ko. Hinila ko ang upuan at umupo do'n. Tiningnan kong mabuti ang mga notebook at journals sa harapan ko.

Kinuha ko ang isa do'n dahil lahat 'yon ay pamilyar sa'kin.

Binuklat ko ito na mas lalong nagpa-iyak sa'kin... this is my diary. Sa unang page pa lang ay family picture na namin ang nandoon. Sa sumunod ay picture ko na kasama si Zia nung mga bata pa kami...damn, the time flies so fast.

Hindi ko na napigilan ang mas lalong pag-iyak habang nababasa ang mga naisulat ko do'n noon. This is my safe haven before. Lahat nang hindi ko masabi kay Zia sa kaniya ko sinasabi. Lahat nandito.

Napangiti ako nang makita ang picture ko kasama si Zia. I think eight years old kami sa picture na 'yon. Pareho kaming bungi...ito yata 'yung nabungi si Zia at ayaw niyang pumasok sa school dahil nakakahiya daw kaya bilang kapatid. Nagpahulog din ako sa hagdan para mabungian...hindi na siya mag-iisa.

Dumating ako sa pahina kung saan nakalagay naman ang picture ni Mr. Anderson...ni Dad...napatakip ako nang bibig ko.

Ang tagal na nung huling beses ko siyang tinawag na daddy....sobrang tagal na.

Napahagulgul ako ng iyak.

I missed him!

I missed my father!

K-kahit 'di ko aminin sa sarili ako... alam ko deep inside I still love him because he's still my father. He accepted me kahit alam niyang hindi niya ako anak...I'm using his last name... he gave it to me.

Binitawan ko ang journal at napatingin sa bookshelf ko... dati ay hindi ito halos puno pero ngayon ay may dalawang nadagdag na puno na nang libro.

Lumapit ako sa cabinet ko.

Nang buksan ko ito ay napatigil pa ako dahil puno ito nang damit. Kinuha ko ang isang itim na dress, may tag pa. Bagong bili lang. Hindi na nakayanan ng mga binti ko ang panlalata kaya napa-upo ako sa lapag.

Mahigpit kong niyakap ang dress.

They never forget me....

I am crying so hard. Hindi ko napigilan ang malalakas na hagulgul at pagsigok dahil sa nalaman.

"Mom, bakit bukas ang pinto—KLYZENE!!!"

"What—"

May mga dumalo sa'kin pero hindi ko sila makita sa panlalabo nang mga mata. Someone is rubbing my back.

"Zene, what happened?!" I heard the panic in my twins' voices.

I shook my head and hugged her. Nagsumiksik ako sa leeg nito at do'n mas umiyak nang umiyak.

I didn't answer but she just hugged me back. May yumakap rin sa'kin sa likod na hindi ko alam kung sino.

They are calming me pero wala sa mga sinasabi nila ang pumapasok sa isip ko. Basta ang alam ko'y nagkamali ako sa galit na tinanim ko para sa kanila...nagkamali ako.

HALOS dalawang oras rin akong umiiyak kaya masakit na ang ulo ko at namamaga ang mga mata ko. Ilang minuto pa lang akong kumakalma. Inabutan ako ni Klyzia ng isang basong tubig. Kinuha ko 'yon. Hinaplos ni Mom ang buhok ko habang nag-aalalang nakatingin sa'kin.

Sumandal ako sa likod nang cabinet habang umiinom.

"Anong nangyari sa'yo, Klyzene? Bakit ka umiiyak?" pagtatanong ni Mom sa'kin.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Tumingin ako kay Mom. Binaba ko ang baso.

"I-I saw this room and...I thought wala nang laman p-pero mali ako," mahinang ani ko.

Hindi ko makilala ang boses ko dahil paos na paos ako. Nananakit rin ang lalamunan ko. Walang lakas para makapag-salita.

Nakita kong nagkatinginan silang dalawa bago ginaya ang upo ko. Isinandal ni Zia ang ulo niya sa balikat ko at hinawakan ni Mommy ang kamay ko.

Tipid na ngumiti si Mom sa'kin.

"Bakit naman namin gagawin 'yon? This is yours...Daddy mo ang nagpapalinis dito madalas. Sa kanya rin galing ang mga damit sa closet," aniya.

"B-bakit?" mahinang tanong ko ulit.

"Because he loves you. Hindi niya lang alam kung paano ipapakita pero mahal na mahal ka niya. Sometimes, dito siya natutulog lalo na kapag na mi-miss ka niya."

Bumigat ang pakiramdam ko dahil do'n.

"Palagi siyang naglalagay ng regalo dito kapag birthday mo, pasko or New Year," dagdag pa niya.

Hindi na ko nakapagsalita pa. Gusto kong umiyak dahil sa mga naririnig ko at nalalaman pero walang gustong lumabas na luha sa mata ko. Pakiramdam ko ay natuyo na ito.

"He's so sad nung umalis ka. Sinisi niya ang sarili niya dahil umalis ka. Hindi ko siya mapigil dahil miski ako ay alam ko sa sarili kong nagkamali rin ako nang pakitungo sa'yo. Nagkamali kami at walang makakapagpa-justify nang ginawa namin... bukod sa paggawa nang mga bagong memories with while treating you right."

Napapikit ako.

Wala akong maisip sabihin.

Parang nagbara ang lalamunan ko.

"Madami kaming mistake na nagawa kaya naman gusto naming ayusin 'yon, Zene. Gusto naming bumawi sa'yo," ani naman ni Zia na inilayo ang ulo sa'kin.

Hindi na ko nakasagot.

Tinitimbang ko pa ang nararamdaman ko. Tinitimbang ko pa lahat.

Imbis na sumagot ay lumayo ako sa kanila. Tumayo ako. Pinagbagan ko ang pang-upo ko, ta's bumaling sa kanilang dalawa.

"L-let's go downstairs...b-baka hinahanap na nila tayo," aya ko.

Naunang tumayo si Zia at inalalayang tumayo si Mom. Tumulong naman ako. Humawak ako sa braso nito para hindi siya mabuwal.

Humawak sa bewang ko si Mom at gano'n rin ang ginawa nito kay Zia. Sabay-sabay kaming bumaba. Nasa sala ang apat na lalaki nang maabutan namin sila.

Magkatabi sa upuan sina Kuya Jake at Henry samantalang kalaro naman ni Mr. Anderson si Jaime if I'm not mistaken sa pangalan nang anak ni Kuya Jake sa ibang babae.

Lumapit si Mom at Zia sa kanya-kanya nilang asawa. Ako naman ay umupo sa may single couch sa harapan nilang lahat. Nakangiti si Kuya nang tumingin sa'kin.

"I'm happy that you're here, Klyzene," sabi nito.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"What happened to your eyes, Klyzene? It's swollen," puna ni Mr—Dad.

Bumaling ako dito. "Nothing."

Sabay napatingin sa'kin sina Zia at Mom na hindi naman na nagbigay ng komento. Si D-dad ay nagtatanong na tumingin sa asawa na binigyan naman ni Mom nang isang makahulugang tingin.

"So, kaylan ka babalik nang New York?" tanong ni Henry.

Tumingin ako dito.

"Siguro sa Saturday or Sunday na."

"Wow... that fast?"

"Yeah. I still need to go back to school. Madami na akong na-missed."

"Hindi ka na ba pwedeng mag-extend?" tanong naman ni Kuya Jake.

Umiling ako. "Hindi na, e. Maybe babalik na lang ako or magbabakasyon. I don't know."

Lahat nang plano ko ay nagbabago na naman dahil sa mga nalalaman ko. Tama nga ang sabi nila. Hindi ka dapat nagsasalita nang tapos.

"Later... I have an important message to say," ani naman ni Zia sa lahat.

Napatingin kami sa kanya. Nakita ko ang kakaibang kislap nang mga mata niya pati na ni Henry na humalik sa sentido nang asawa nito. Napangiti ako. Nagtataka naman ang ibang mga hindi nakakaalam sa anunsyo ni Zia.

"Let's eat na. For sure malamig na 'yung mga pagkain dahil sa tagal natin."

Dahil sa sinabi ni Mommy ay nagsisang-ayunan kami. Nagpunta na kaming lahat nang kusina para kumain nang pananghalian. Umupo ako sa dating pwesto ko. It feels like...something.

Sandali akong natigil dahil do'n.

Tiningnan ko ang mga kasama ko sa mesa. Lahat sila ay masama. Nag-aabutan sila ng pagkain sa isa't isa. Samantalang si Kuya Jake ay nilalagyan nang pagkain ang plato ni Jaime na ngayon ay umiinom na nang juice nito.

Napatingin ako sa platong biglang napunta sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si D-dad... siya ang nag-aabot sa'kin ng barbeque.

Kumuha ako nang barbeque.

"T-thank you," ani ko.

Para naman mukhang hindi ako mukhang kulang sa pansin ay nag-umpisa na rin akong kumuha nang pagkain ko.

Nag-umpisa kaming kumain. Maingay ang lamesa dahil sa kanya-kanyang bidahan. Pinanood ko sila hanggang sa matapos kumain.

Umiinom na kami nang wine.

Sabay-sabay kaming napatingin kay Zia nang tumayo ito. Nakangiti siyang humarap sa parents namin.

"I have a good news to say," pag-uumpisa nito. Itinaas niya ang hawak na baso. Malawak siyang ngumiti.

"Don't tell me magpapakasal ulit kayo ni Henry?" natatawang hula ni Kuya.

Bumaling dito si Henry, "next time na 'yon, Pre. 'Di ka naman atat hano?" sarcastic na anito.

Binto nang table napkin ang lalaki.

"Malay—"

"Okay!! Stop it now!" seryosong wika ni Mom sa dalawa. Bumaling ito kay Zia, "sabihin mo na ang good news!!"

Kagat labing ngumiti si Klyzia pagkatapos ay may kinuha sa bulsa nito. Napansin kong papel iyon. Kumunot ang noo ko. Anong pakulo 'yan?

Inabutan ni Klyzia isa-isa ang mga kasama namin. Nang nasa likuran ko na siya ay pinisil lang niya ang balikat ko bago umikot papunta sa pwesto nito.

"Don't open it yet..." anito.

Nagsalin ng juice sa sariling baso si Klyzia bago tumingin sa mga kasama namin.

"In my count...one...two... and three. OPEN IT!!!" Zia shouted.

Mabilis namang binuksan ni Mommy ang papel at nanlaki ang mata nito, same reaction with Dad. They are both looked shocked.

"GOD!!!"

"I'M PREGNANT!!!!"

Napangiti ako nang tumili si Zia pati na si Jaime dahil sa tuwa. Napuno nang tawanan ang buong kusina dahil sa sinabi ni Zia.

TAPOS na ang selebrasyon para sa pagbubuntis ni Klyzia. Ngayon ay nasa may pool ako. Nakababad ang paa ko sa tubig. Ala-sais na nang hapon ngunit hindi ko pa mahanap ang courage para umuwi...may hindi pa kasi ako nagagawa.

Huminga ako nang malalim.

Alam kong tama ang gagawin kong ito. Lahat nang masakit noon ay mapapalitan na nang saya ngayon. This will change everything from now own.

Tumingala ako.

Nagaagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. May iilang bitwin na rin akong nakikita at unti-unti nang nagbibigay liwanag ang buwan.

"Hindi ka na nahahamugan?"

Hindi na ako lumingon sa nagsalita dahil kilalang kilala ko naman ito. Napangiti na lang ako at ibinaba ang tingin sa tubig.

"Okay lang po. Wala naman akong sakit," sagot ko.

Narinig ko ang paglakad nito. Tiningnan ko siya nang umupo siya sa tabi ko. Malamlam ang mata niya habang nakatingin sa'kin.

"Pwede kang magkasakit..."

"Ikaw rin naman po."

Tipid siyang ngumiti sa'kin. "Matanda na ako. Kung magkakasakit man ako ay okay lang."

"Hindi rin. Paano na lang ang mga anak mo, 'di ba? Mag-aalala sila sa'yo,"
pagrarason ko.

Tumahimik ito. "M-mag-aalala ka rin ba?" mahinang tanong niya.

Kumunot ang noo ko pero inalis ko rin 'yon. "Opo."

Hindi na 'to muling sumagot, bagkus, nag-iwas pa ito nang tingin sa'kin. Tahimik na nakamasid sa langit.

Huminga ako nang malalim at ginaya siya.

"N-nagpunta po ako sa kwarto ko kanina. I saw it...the dresses—"

"H-how did you know—?"

"Mom told me. That's the reason why my eyes are swollen," pag-amin ko.

Nagkatinginan kami. Natawa ito nang mahina bago kumamot sa batok na para bang nahihiya siya.

"Why did she tell you?" mahinang tanong nito pero umabot pa rin sa pandinig ko.

Napatawa ako.

"I-I'm just going to ask why. Why did you do that? Why did you buy me dresses?"

Nag-iwas siya nang tingin sandali at ibinalik rin sa'kin.

"Because you are my daughter. You deserve the world. You and Zia deserve it. And kapag napapadaan ako sa Mall, kayo ni Zia ang naiisip ko. If I know you will like the color, bibilhin ko at ilalagay sa taas. Alam ko kasing balang-araw ay uuwi ka rin dito," mahinang sabi niya.

"H-have you not lost your hope? Paano kung h-hindi na talaga ako bumalik?" may pait kong tanong.

Matamis siyang ngumiti habang nakatingin sa damuhan.

"I did not, and if hindi ka man bumalik... those dresses will be there until the end. No one can remove it there," anito saka bumaling sa'kin.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko. Ilang sandali akong tumitig do'n saka nag-angat ng tingin.

"Klyzene Black, I'm sorry for neglecting you before. I'm sorry for making you feel less and worthless. I'm sorry for giving you trauma and sad childhood...you don't deserve that. I thought I was protecting you but it turns out I'm not. I'm just being a hard and strict and inconsiderate father with you."

Ilang beses akong kumurap nang itaas ni Dad ang kakmay nito at punasan ang pisnge ko. Ngayon ko lang na-realize na umiiyak na pala ako.

Nanikip ang dibdib ko at para bang may nagbara sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita.

"I'm sorry. I can never change the past. I can never undo everything I've done...but I want to change to give you a memorable present and future. I want to change for you. I want to treat you better this time," pumiyok pa ito.

Tipid akong ngumiti sa kanya. Unti-unti, ang boes kong nawala ay bumalik rin sa dati.

Gumanti ako nang paghawak sa kamay ni Dad at malawak siyang nginitian kahit na nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko.

"P-promise?" nanginginig kong tanong.

Sunod-sunod siyang tumango sa'kin. Tumango ako.

"F-forgiven, Dad...forgiven," mahina kong sabi na ikinalaki niya nang mata.

Kaagad namula at nagtubig ang mga mata nito. Para bang hindi siya makapaniwalang pinapatawad ko na siya.

"T-tama ba ako nang narinig—"

"Yes, Dad... I'm forgiving you na," natatawang sagot ko dito.

Namalayan ko na lang na nakakulong na ako sa pagitan nang braso niya. Napaiyak ako dahil sa saya.

Gumaan ang pakiramdam ko na para bang nawala ang isang napakabigat na nakapatong dito.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Ganito pala ang pakiramdam kapag pinatawad mo ang taong nakasakit sa'yo. Kapag napalaya mo na ang sarili mo sa sakit nang nakaraan. Ang sarap sa pakiramdam. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro