Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 133


CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-THREE

DAHIL sa narinig ko ay nawala ang mabigat na nakapatong sa dibdib ko. Unti-unting sumilay sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti. Mabilis akong napatayo at patakbong lumapit sa kanya. Sinalo naman niya ako at binuhat.

Ipinalibot niya sa kanyang bewang ang mga binti ko. Nakangiti akong tumingin sa kanya. Hinalikan ko pa ang mukha niyang mukha at ang labi niya nang walang humpay dahil sa saya.

He just chuckled.

"You have your energy back," nakangiting puna niya.

I pouted my lips, "yeah... I'm sorry, Hunter... you look disappointed."

"I will not deny that. I really thought magkakaroon na tayo ng anak...but...it's okay. Ang haba pa ng panahon, maari pa tayong gumawa ng madami kapag ready ka na," mahinahon niyang ani.

I smile.

"Thank you for understanding me, babe," I said calling him in his call sign to me.

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpipigil nito ng ngiti pati na rin ang pamumula ng punong tenga nito.

"Are you blushing?" nasisiyahang tanong ko.

Umiling ito bilang sagot.

"N-no..."

"Really?!"

"YES!"

"Harap ka nga sa'kin kung talagang hindi ka nagblu-blush..." hamon ko dito.

Seryoso ang hitsura niya nang tumingin siya sa'kin. Nagtama ang mga naming dalawa. Walang gustong mag-iwas ng tingin o humiwalay man lang. Hindi ko na namalayang.

Malakas akong natawa nang iaangat niya ako at muling ipagpantay ang mukha namin. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa batok niya.

Ninakawan niya ako ng isang marahang halik sa labi.

Kumunot ang noo ko nang mapansing nasa may kama na pala kami. Itinulak ko pahiga sa kama si Hunter at tumabi sa kanya. Inunan ko ang kanang braso nito, siya naman ay iniyakap ang kaliwa sa bewang ko. Kahit may pagkamalayo ang pagitan naming dalawa ay rinig ko pa rin ang kabog ng puso nito.

"Hunter... gusto mo talagang ako ang maging mommy ng mga anak mo?" curious kong tanong.

Pinaglaruan ng lalaki ang buhok ko.

"Oo naman. Sa'yo lang. Pero hanggang hindi ka pa handa ay hindi kita pipilitin." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"P-paano kung ayaw kong mag-baby?" dagdag kong tanong.

Bumaba ang tingin niya sa'kin. "E...I will respect it, babe. Kung ayaw mo, ayaw mo. Hindi kita pipilitin."

"Akala ko gusto mong magka-anak..."

Napansin ko ang pag-lungkot ng mukha nito bago sumagot.

"Gusto ko nga pero kung ayaw mo, wala na akong magagawa do'n. Pwede naman tayong mag-adopt."

Napangiti ako.

"Don't worry, Hunter.... Once na maging ready ako I will tell you agad," pampalubag ko ng loob dito.

Tinanguan niya ako at hinalikan ang ilong ko bago pinagdantay ang noo naming dalawa.

"Nakahinga ako ng maluwag nung nalaman kong hindi ako buntis...ibig sabihin makakapagtapos pa ako ng pag-aaral at makakabalik ng New York," pag-amin ko.

"Masaya akong masaya ka, babe."

Ako ang unang nag-iwas ng tingin sa kanya. Katahimikan ang namayani sa'ming dalawa. Unit-unti ay bumigat ang talukap ng mga mata ko... at ilang sandali lang ay 'di ko namalayang tinangay na ko ng antok.

And I had a good sleep...

NAGISING ako dahil sa mainit na tumatama ang mukha ko. I groaned. Sandali akong dumilat, tiningnan ko ang paligid. I'm in Hunter's unit. Pumikit ako ulit. Kinapa ko ang gilid ng kama. Natauhan akong wala akong katabi.

Tuluyan na akong nagising.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwartro. Bukas ang bintana at ang kurtina. Nakabukas rin ang ceiling fan para hindi ako mainitan. Maliwanag na sa labas at medyo nakakasakit na sa balat ang sikat nito.

"Hunter," tawag ko sa pangalan ng lalaki. Walang ingay sa banyo senyales na walang tao doon. Tumingin ako sa side table. May orasan do'n na nagsasabing nine thirty na ng umaga.

Nine thirty am...

Nanlaki ang mga mata ko.

UMAGA NA!!!

Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na hinanap ang bag ko na nakita ko sa may couch sa kwarto. Tumayo ako at tinakbo ang pangitan namin. Kinuha ko sa loob nang bag ang cellphone ko. Hindi ako nakapag-paalam na hindi uuwi kagabi, baka nag-aalala na sa'kin sina Papa at Kuya.

Hindi nga ako nagkamali. Sandamakmak ang tawag at text nila.

Una kong tinawagan si Papa. Ilang ring ang dumaan bago nito inangat ang tawag.

"Hija, ¡Me alegro de que ya hayas llamado, Klyzenen Black! ¡Estamos preocupados por ti!" my father almost shouted at me. (I'm glad that you already called, Klyzenen Black! We are worried about you!)

I sighed.

"Lo siento, papá. No me di cuenta de que me quedé dormido. Lo siento por preocuparte," paghingi ko ng paumanhin dito. (I'm sorry, Papa. I didn't notice I fell asleep. Sorry for making you worried.)

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Napapa-Spanish tuloy si Papa dahil sa stress, ganito talaga ito kapag stress. Nahihirapang magsalita sa second language na alam.

Umupo ako sa couch. Itinaas ko ang paa ko dito.

"¿Dónde estás? Tu hermano te recogerá." (Where are you? Your brother will pick you up.)

Napakamot ako sa noo ko. Sasabihin ko ba kung nasaan ako? Magagalit kaya siya?

"En la unidad de Hunter," pagsasabi ko ng totoo. (At Hunter's unit.)

He laughed na kinatigil ko. Napakunot pa ang noo ko. What the hell is happening?! Hindi siya galit?

"¿Por qué te ríes?" (Why are you laughing?)

"Porque suenas asustado. Hunter nos llamó anoche para informarnos que vas a dormir allí—" (Because you sound scared. Hunter called us last night to inform us you're going to sleep there--)

"PAPA!!!" inis kong tawag dito. Pinatay ko ang tawag saka binato sa may gilid ang cellphone ko.

Nakaka-inis. Ang galing nitong manloko. Nakaka-inis nag-alala pa ako. Kung sana ay hindi na ako nag-alala. Tsk.

Tumayo ako.

Naglakad ako papuntang banyo. Naghilamos ako at ginawa ang morning rituals ko. Lumabas ako na nakatali na ang buhok ko. Ginamit kong pamunas ang towel na nakita ko sa banyo. Unused towel.

Lumabas ako ng kwarto.

Tumigil ako.

Tahimik ang buong lugar. Nasaan si Hunter kung gano'n? Mukhang wala akong kasama. Naglakad ako papuntang kusina. Kagaya ng hinala ko. Wala ngang tao. Wala akong kasama dito.

Asar. Iniwan niya akong mag-isa. Hindi man lang nagpapaalam. Paano na lang kung may masamang mangyari sa'kin tapos wala siya.

Masyado ka namang clingy... ani ng isang bahagi ng isip ko.

Umirap ako.

Am I being clingy?

Biglang kumulo ang tiyan ko. Napahawak ako do'n. Lumapit ako sa ref at kumuha tiningnan ang pwedeng mga kainin. Puno ang ref ni Hunter kaya naman maari akong pumili ng kung anong gusto ko.

Kumuha ako ng isang pack ng chicken tocino, ilang piraso ng hotdogs at itlog. Inilabas ko na rin ang isang avocado na nakita ko. May nakita akong Pan bread sa dining table, pwedeng gumawa ng avocado toast.

Inilagay ko ang hotdog at tocino sa may sink at pinatuluan ko ng tubig para mawala 'yung yelo. Naglabas ako ng kawali at isinalang sa apoy. Nilagyan ko 'to ng mantika. Nag-wait ako hanggang sa uminit ito. Sunny side up ang lutong ginawa ko sa eggs na kinuha ko. Habang niluluto ko 'yon ay nilapitan ko ang hotdogs. Inalis ko ang plastic nito at hinugasan, pagkatapos no'n ay hiniwaan ko ang katawan at ulo ng hotdogs. Kumuha ako ng platito, inilagay ko do'n ang hotdogs.

Sinunod kong iniluton 'yon, sa isang kawali ko niluto ang tocino para sabay silang maluto. Lumakad ako sa may table, kinuha ko ang pan bread. Naglagay ako ng dalawang pan sa toaster. Binalatan ko ang avocado at kinuha ang laman nito. Mula sa bowl, dinurog ko ang avocados. Naglagay ako ng lemon at pampalasa. Nang okay na ang tinapay ay inilagay ko sa plato 'yon. Ipinahid ko ang avocado spread sa tinapay.

Natapos ko ang almusal ko pagkalipas ng halos isang oras. Inayos ko ang table at nag-start nang kumain. Hindi ko naman alam kug nasaan si Hunter, nasa itaas ang phone ko at tinatamad akong kunin 'yon sa kwarto kaya mauuna na kong kumain.

Pumasok sa isip ko ang alaalang ngayon ako makikipag-kita kina Mommy. Pupunta ako sa kanila pagkatapos kong mag-ayos-ayos.

Naglagay ako ng pagkain sa plato ko. Kumuha ako ng tinapay at pinag-sabay 'yon. Habang kumakain ay naisipan kong magpunta sa sala para manuod ng TV. Inilagay ko sa Disney Plus ang TV at pinanood ang Dr. Strange 2 Multiverse of Madness.

I wish Hunter is with me right now. Gusto kong kasama siya manuod ng movies.

Isinawsaw ko sa ketchup with Sriracha ang hotdog at kumagat.

Nasa kalagitnaan na ako ng panunuod at pagkain nang biglang bumukas ang pinto ng unit. Napalingon ako do'n. Si Hunter ang pumasok, may hawak itong kape sa kanang kamay. Mukha pang nagulat ang lalaki nang makita akong kumakain at nanunuod na.

Malambing akong ngumiti sa kanya.

"Good morning," bati ko.

Dinalawang hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Namalayan ko na lang na naka-upo na ito sa tabi ko.

"Good morning! Ang aga mo yatang magising," he murmur while kissing my head.

"Naramdaman kong wala akong katabi kaya nagising ako. Saan ka nga pala galing?"

Inuna ko sa bibig nito ang piraso ng tocino na sinubo naman niya.

"Kinaylangan ako sa opisina kaninang madaling araw kaya umalis ako. I buy us a coffee," aniya at binaba ang dalang kape sa lamesita.

"Thanks." Isinandal ko ang likuran ko sa dibdib nito.

"Anong oras ka nagising?"

"Mga nine. Nga pala, tumawag ka pala kina Papa para ipagpaalam ako. Ba't di mo sinabi sa'kin?"

Pinisil niya ang ilong ko.

"Masarap kasi ang tulog mo kanina, hindi ko magawang gisingin ka," malambing niyang sagot.

Ngumiti ako at nilingon siya.

"Ang sweet naman ng Hunter ko. Dapat ba kitang bigyan nang reward?" pilya kong tanong.

Sunod-sunod ang naging pagtango niya sa'kin na mas lalo kong kinatawa. Lumayo ako nang bahagya, ta's ibinaba ang platong hawak sa may mesita. Hinarap ko siya. Parang bata kong hinaplos ang pisnge niya at pinisil-pisil 'yon.

"Aruyyy... abunjing-bunjing!!" pang-aasar ko dito. "Good boy naman pala 'yan!"

Gusto kong matawa sa pinaggagawa ko. Para kasi akong nag-aamo ng aso.

Sinimangutan niya ako.

"Alam mo... 'di mo ko lab," parang batang sabi nito.

Nanlaki ang mata ko. "Paano mo nasabi?"

"Kasi inde mo pa ako kini—kiss," nakangusong sabi nito habang nag-iiwas ng tingin sa'kin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko't napatawa ako nang malakas. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge.

"Porke hindi hinalikan di na lab? Baka gusto mo higit pa sa halik ang ibigay ko," mapag-hamong ani ko.

Nginisihan niya ako at mukhang natutuwa rin.

"Ayieee.... Sige sige. Papunta pa lang tayo sa exciting part, beybe!!!" malakas na sabi nito.

Pinitik ko siya sa noo.

"Masyado kang mapa, alam mo 'yon," ani ko.

Kumunot ang noo niya. "Mapa?"

' Tumango ako. "Oo, mapa—mapaniwalain!!" singhal ko.

Sinimangutan niya ako. Inilingan ko siya.

Inabot ko sa lalaki ang plato ko na kinuha naman nito.

"Eat na. Mayroon pa sa kitchen kung gusto mo, pwede kitang ikuha," ani ko dito.

Umiling siya sa'kin at pinisil ang pisnge ko.

"This is fine with me," sagot niya saka nag-umpisang kainin ang pagkain. Humigop ako sa kapeng dala ni Hunter.

"Mamaya aalis ako. Ihatid mo ko kina Mommy?"

"Okay. Anong oras ba?"

"Before lunch kung hindi ka busy," sagot ko saka ni-replay ang movie na pinapanood ko. Hindi ko kasi naintindihan ang nangyari kanina dahil kinaki-usap ko ang lalaki kanina.

SAKTONG eleven nang umalis kami sa condo ng lalaki. Nakasakay ako sa passenger seat ng kotse ni Hunter. Nakahinto kami ngayon sa harap ng isang Ice Cream Shop.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Mainit sa labas, nakakasunog na ng balat ang sikat ng araw. Sumandal ako sa upuan ko. Naka-bukas ang AC ng sasakyan kaya hindi mainit sa loob.

Naisipan ni Hunter na dumaan para bumili ng maibibigay kina Mommy. Dagdag na rin 'to sa handa mamaya and for Klyzia too. Ngayon niya sasabihin sa lahat ang pagbubuntis niya.

Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-ring ulit 'yon. Tiningnan ko kung sino ang caller. Napa-irap ako sa hangin, si Kuya Jake ulit.

Nangungulit ang lalaki at tanong ng tanong kung nasaan na ako. Sinagot ko naman siya.

"Kuya for a hundred time. May dinaanan lang ako para bilhin. Papunta na ako diyan," pangunguna ko dito.

I heard him laugh. "Okay. Okay. Bilisan mo lang. Hindi na mapakali dito si Mom."

"Okay. Sige na, Kuya. Mamaya na lang papunta na ko diyan. Wait for me," ani ko at binaba na ang tawag.

Binalik ko ang phone sa bag. Nakita ko ang paglabas ni Hunter sa Ice Cream Shop. May dala itong lalagyang kulay puti na sa tingin ko ay kung saan nakalagay ang ice cream para hindi matunaw.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto sa backseat. Inilagay nito sa likod ang binili. Umalog ang kotse nang isarado nito ang pinto.

Tiningnan kong umikot si Hunter mula sa side-view mirror. Lumingon ako sa driver seat nang magbukas ang pinto at pumasok do'n ang lalaking hinihintay ko. Napansin ko ang pawis sa noo nang lalaki dahil sa init ng panahon.

Nginitian niya ako na ginantihan ko naman.

Nag-suot nang seatbelt ang lalaki.

"Are you ready to go or do you want to go somewhere?" he asked.

"We can go na. Kuya called me again for hundred time. Tinatanong niya kung nasaan na ako," sagot ko.

Tumango siya at pinaandar na paalis ang lalaki.

Nasasanay na kong nakahawak sa hita o kaya naman kamay ko si Hunter, kagaya na lang ngayon. Nakapatong ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko. Marahan itong humihimas at pumipisil-pisil na nakakapagbigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam.

Para pahintuin siya ay ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nito. Huminto naman siya, nga lang, ang ginawang kapalit nito ay lalaki. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"Baby, do you want me to take you home later or you will sleep there?" he asked.

Nilingon ko siya. "I really don't know right now pero tatawagan na lang kita kapag magpapasundo ako sa'yo."

Itinaas ni Hunter ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

Sweet.

He's being sweet again...

Kanina ay sabay kaming naligo ng lalaki bago kami umalis ng condo. Ligo lang talaga ang ginawa namin. He bathed me. Siya ang nagsabon ng katawan ko at nag-shampoo ng buhok ko. Nang aasar nga kanina ang lalaking 'to. Ang kulit ko daw paliguan...sinong hindi magiging makulit, kung kinikiliti ka na, 'di ba? At kung pwede nga lang na siya na rin ang gumawa nang make-up ko ay baka siya na rin ang gumawa no'n.

"Saan ka pupunta after mo kong ihatid?" tanong ko.

Nilingon niya ko sandali at mabilis ring ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Sa office lang siguro. Magche-check ako kung anong lagay ng ibang branch ng agency," anito.

Tumango ako. Ano kayang hitsura ng agency ng lalaki? Hindi pa kasi ako napupunta do'n at 'di ko sure kung mapupunta ba ako. Wala naman kasing binabanggit ang lalaki kaya wala rin akong alam.

Humihiwalay ang kamay nito sa'kin kapag hahawak sa gear lever.

"Anong hitsura ng agency mo?" curious kong tanong dito.

Nilingon niya ako. "It's a five floor building, and each building have its respective works or needs. That's a main branch, pero sa ibang branch ay dalawang floor lang o tatlo pero malawak 'yung lugar."

Nai-imagine ko ang sinasabi ni Hunter na description.

"I wish I can go there," bulong ko.

"You will, babe. Soon," he replied. Nilingon niya ako. "I will introduce you to my other friends. I'm sure you'll like them."

Napanguso ako.

"I hope so..."

I really hope so...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro