Chapter 132
Aym bak!!! Hello sa inyo!!!
CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-TWO
HABANG naglilibot kami sa Mall ay hindi ako mapakali. Ang daming isiping pumapasok sa isip ko.
Ilang beses akong kumurap nang makaramdam ng tapik sa braso ko. Nilingon ko si Klyzia. Nag-aalala ang mukha niyang nakatingin sa'kin.
"Are you okay? Bakit para kang wala ka sa sarili?" she asked.
I forced myself to smile, then nod. "Yeah... sorry may naiisip lang."
Pilit na tumango ang kakambal ko sa'kin. Huminto ito kaya napatigil rin ako. Nilingon ko siya, nakatingin siya sa may isang naka-display na baby clothes.
"Gusto mo bang pumasok?"
Tumingin siya sa'kin. "Kaya pa ba nating magbitbit?" natatawang tanong niya sabay angat ng mgahawak na paper bags.
Natawa ako kasabay nang pag-iling ng ulo.
"Kaya natin 'yan. Tara," aya ko.
Lumawak ang ngiti niya at hinila na ako papasok ng boutique. Sinalubong kami ng isang sales lady na kina-usap naman ni Klyzia para sabihin ang gusto niyang bilhin. Malalim akong huminga at muling napahawak sa tiyan ko.
Wala pa naman sigurong laman 'to... kasi i-ilang beses lang namin ginawa t-tapos... wala. Hindi pwede. Kasi—hindi. Ikinuyom ko ang kamao ko. Kumalma ka Klyzene Black. Think positive, you're not pregnant. You are not.
Pagkatapos naming bumili ng mga damit ay nag-aya namang bumili ng jewelry si Zia para daw sa asawa niya. Nagpunta kami sa shop ni Benjamin.
"Good afternoon, ma'am... what can I do for you?" tanong ng sales lady.
Ngumiti si Zia, "can you show me your necklace collection and your wrist watch collection? I want to buy one for my husband."
The sales lady nodded and walk my sister near the glass table. While me, naglakad ako sa loob para tumingin-tingin. Wala naman akong balak bumili dahil marami rin akong isipin sa ngayon. Nago-overthink ako at sa tingin ko'y hindi sasapat—parang kinain ko rin ang sinabi ko dahil sa pagitan ng paghahanap ko ay nahinto ako sa tapat ng isang lalagyan.
Nakuha ng isang gold snake chain with a letter H pendant ang atensyon ko. I bite my lower lips. I remember Hunter.
Tumingin ako sa sales lady na nasa gilid.
"Can you give me that one?" I asked her.
The girl nodded. She get the necklace that I wanted and handed it to me.
Tiningnan kong mabuti ang hawak kong necklace. Ang ganda nito, mukhang mahal talaga siya pero ikaw hindi.
May mga diamonds na nakapalibot sa may letter kaya kumikinang ito ng husto. Tiningnan ko ang likuran. Walang nakalagay.
Nag-angat ako ng tingin sa sales lady.
"Pwede ba siyang lagyan ng pangalan sa likod to make it more personalize?"
"Yes, ma'am, but aabutin po siya ng ilang araw bago matapos. It depends pa po kung ano ang gusto niyong ipalagay," pagpapaliwanag niya sa'kin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa necklace and tumingin ulit sa babae.
"Okay. Anong pinakamatagal na waiting days?"
"Months po and yung pinaka-maikli is one week."
Tumango ako. "That is fine with me." May inabot sa'king papel ang babae.
"Isulat niyo po diyan 'yung ilalagay."
Sinunod ko siya. Sinulat ko sa papel ang pangalan ni Hunter at inabot na ang papel sa babae. Sinunod niyang ibinigay sa'kin ang isang form kung saan ko ilalagay ang important information para ma-claim ko ang kwintas ko.
Lumapit ako kay Klyzene nang matapos ako sa ginagawa ko. Tiningnan ko ito. Hanggang ngayon ay namimili pa rin siya sa regalong ibibigay sa asawa niya. Tumabi ako sa kanya.
"Anong gusto mong gawin after nito?" tanong ko.
"Hindi ko pa sure pero kain tayo. Gusto ko ng ice cream," aniya.
"Okay."
Hinintay kong matapos si Zia at makuha ang pinamili niya. Inabot ko ang ibang paperbag na dala niya para hindi na siya mahirapan dahil buntis siya.
Nilingon ko siya.
"Gusto mo bang dalhin muna natin 'yung paperbags sa kotse?" alok ko.
"Sinong magdadala?"
"Pwedeng ako na lang pagkatapos hintayin mo na lang ako sa ice cream shop."
Tumango siya.
"Okay. I will wait na lang. Sure ka bang kaya mong mag-isa?" nag-aalala pa niyang tanong.
Nginitian ko siya.
"Oo naman. I can handle this." Kinuha ko ang ibang hawak nito pagkatapos ay naglakad ako papuntang exit para makapunta nang parking lot. Habang naglalakad ay napadaan ako sa isang salamin. Kitang-kita ko ang buo kong katawan. Tiningnan ko ang sarili ko. Wala namang masyaddong nagbago...medyo... nagkalaman pero dahil lang 'yon sa madaming pagkain.
Dapat kasi ay mag-diet na ulit ako. Hindi na kakasya sa'kin ang mga damit ko pag nagkataon.
Bumaba ang tingin ko sa tummy ko. Hinaplos ko 'yon. Wala namang umbok...meron...busog lang ako. Tama, busog lang ako.
Binilisan ko ang pagpunta ko sa kotse ni Zia. Nasa akin ang susi kaya nabuksan ko ang pinto. Inilagay ko sa backseat ang paperbags. Malakas kong sinarado ang pinto tapos ay lumakad na palabalik sa mall.
KINAKABAHAN ako habang namimili ng pregnancy test sa may Drugstore. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong piliin sa mga ito. I'm so stressed.
Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang lahat ng brands na nakita ko. Binitbit ko 'yon sa may counter, kumuha na rin ako ng isang malaking bote ng mineral water.
Ang babaeng naka-tayo as cashier ay nakayukong kinuha ang mga binili ko pero hindi naka-iwas sa'kin ang tinginan nito at nang kasamahang nasa may gilid. Gusto kong magsalita ng masama pero pinigil ko ang sarili ko. Ang ganitong klaseng mindset ay mahirap tanggalin sa tao.
"Two thousand po lahat, ma'am," anito.
Kinuha ko ang black card ko sa wallet at ibinigay dito.
Kinuha ko ang plastic bag pagkatapos hinintay ibalik sa'kin ang card ko. After no'n ay lumabas na ko ng drugstore. Naglakad ako papunta sa isang table na walang tao. Binitawan ko sa lamesa ang plastic na hawak.
Paano ako makaka-uwi nito? Makikita kasi nila Kuya ang dala ko. They will start asking questions na mauuwi sa hindi magandang usapan. Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko ang bag ko. Bakit ba kasi ang liit-liit nito? Sana pala nagdala ako malaking bag para kumasya 'to.
Sumandal ako sa upuan ko pagkatapos ay nag-isip.
Chineck ko ang cellphone ko. May message sa'kin si Hunter...binuksan ko iyon.
Hunter:
Babe, are you busy? Let's meet. I miss you.
Pumasok ang ideya sa isipan ko. Bakit nga ba ako naghihirap pang mag-isip kung saan ako pwedeng pumunta, mayron namang Hunter na nandiyan. Nag-reply ako sa kanya.
To Hunter:
Okay. Sunduin mo ko sa may drugstore malapit sa Mall.
Hindi ko na siya hinintay mag-reply, pinatay ko na ang phone ko. Uminom na ako ng tubig habang naghihintay. Kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa isip ko. Both positive and negative.
After ng isang oras kong paghihintay ay may bumusina sa likuran ko. Lumingon ako. Nakilala ko ang kotse ni Hunter. Ngumiti ako kasabay ng pagtayo. Huminto ang sasakyan nito sa mismong harapan ko. Bumaba ang bintana ng passenger seat. Bumungad sa'kin ang gwapong mukha ni Hunter.
Malabing siyang ngumiti sa'kin bago binuksan ang pinto.
"Hey..."
"Hi," bati ko sabay lapit sa kotse. Sumakay ako at sinarado ang pinto.
Pagharap ko sa binata ay nakalapit na ang mukha niya sa'kin. Bago pa man ako makapag-react ay nilapit na niya ang labi niya sa'kin at hinalikan ako. Napangiti ako at humawak sa batok nito.
After a few minutes of kissing. We are now running out of our breaths.
"I miss you," malambing niyang sabi.
"Miss agad. Parang kaylan lang tayo nagkahiwalay ah," ani ko. Itinago ko sa gilid ko ang hawak.
Nginisihan niya ako. "Is there something wrong with that? For me, wala."
Umirap ako habang nagsusuot ng seatbelt. Pina-andar na nito ang sasakyan.
"Wala na akong masabi," tanging saad ko na tinawanan niya.
"Just say I miss you too, babe. That's more that fine with me," anito.
Inirapan ko siya. "E, paano kung hindi naman kita na-miss?" nang-aasar kong tanong.
Nakasimangot siyang tumingin sa'kin. Nginisihan ko siya.
"What?"
"What daw..." rinig kong parang batang bulong niya pero umabot pa rin sa pandinig ko.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Malayo-layo na rin ang byahe namin. Naramdaman ko ang paghawak nito sa hita ko.
"Kumusta ang lakad niyo ni Klyzia?" tanong nito.
"Okay lang. Like what expcted sinabi niya sa'kin ang pagbubuntis niya." Nilingon ko si Hunter. "Don't worry, hindi ko binanggit na inunahan mo na s'ya," natatawang sabi ko.
Ngumuso naman ang lalaki.
"Then thank you for that."
"Hahaha...kumain kami ng madami kanina, gano'n pala ang buntis. Matakaw," pagbibigay ko ng komento sabay deretso ng tingin.
Humigpit ang pagkakapisil niya sa sa kamay ko. Bumaba do'n ang tingin ko. Pagkatapos ay gumanti ako ng hawak.
"Dalawa na kasi silang maghahati sa pagkain kaya talagang magiging matakaw ang nanay," ani Hunter.
"That's true pero kapag nag-gain ng weight ang babae dahil sa pagbubuntis iiwan ng lalaki," mapait kong saad saka tumingin dito.
Nakatutok ang mata ng lalaki sa kalsada. Offended na nagtama ang paningin namin ni Hunter.
"They are not real men if they do that. Hindi ang katawan ng babae ang dapat minamahal ng lalaki kundi ang personality nito," may pagka-inis nitong sabi.
"Paano naman kapag sa'yo nangyari 'yon? What if maka-buntis ka. Syempre papangit katawan nung babae...baka mamaya ipagpalit—"
"Kung mabubuntis man kita papanugutan kita at hinding-hindi iiwanan. Kung magbago man ang size ng katawan mo mas higit kitang mamahalin dahil proof lang 'yon na dinala mo ang magiging anak natin," pagpuputol niya sa sinasabi ko.
Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang unahan niya ulit ako sa pagsasalita.
"Don't ever think na mababawasan ang pagmamahal ko dahil sa mababaw na dahilang 'yon," dagdag pa nito.
Sumandal ako sa upuan ko at umayos ng upo.
Inilabas ko ang hawak kong plastic. Bumaba sandali ang tingin ng lalaki do'n tapos ay ibinalik rin ang tingin sa kalsada.
"What's that?" he asked.
Inilabas ko ang mga PT.
Nanlalaki ang matang mabilis itong nag-preno dahil do'n. Hindi makapaniwalang lumingon siya sa'kin.
"W-what—"
"It's PT," I said.
"W-why did you need PT?" mahinang tanong niya.
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa hitsura ng lalaki. Paano kasi ay namumutla ang mukha nito kasabay nang panlalaki ng mga mata. Mukhang wala na rin siyang pake sa traffic na maidudulot namin sa paghinto sa gitna nang kalsada.
I let a loud sigh.
"I'm thinking...kasi...kanina...Zia said na I can see myself in her kapag nagka-baby bump na siya. And I remember when something happened between us we are not using condom or contraceptives." Bumaba ang tingin ko sa hawak ko. "I'm overthinking kanina pa talaga na b-baka I'm pregnant..." humina ang boses ko sa huling sinabi ko.
Walang ibang salita akong narinig kay Hunter. Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan namin. Rinig na rinig ko rin ang inis na sigaw at busina ng mga sasakyan sa likod namin. Mabilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan ngayon. Mukhang mas gusto niyang malaman ang totoo.
Nakarating kami kaagad sa condo unit ng binata.
Walang nagsasalita sa'ming dalawa. Nauna akong bumaba ng kotse. Kinuha niya sa'kin ang hawak kong mga PT at saka pinagsaklop ang mga palad namin. Mahigpit siyang nakahawak sa mga kamay ko. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa may elevator. Ako ang nagpindot nang open button. Bumukas ang pinto ng lift. Pumasok kami sa loob.
Umangat ang kamay niya sa balikat ko at hinapit ako sa tabi niya.
Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari, lalo na kapag nasubukan na namin ang mga binili kong PT.
Nang bumukas ang metal door ng lift ay magkasabay kaming lumabas. Ngayon ay naka-alalay sa likuran ko ang palad niya.
Ako na ang nagkusang buksan ang pintuan ng unit niya. Nauna akong pumasok.
Madilim ng sala, at ang nagsisilbing ilaw lang ay ang isang lampshade na bukas. Umupo ako sa couch.
Pinatong naman ni Hunter ang hawak sa ibabaw ng center table. Tumayo siya sa harap ko. Namewang. Nagkamot siya ng ulo.
Kung pwede lang tawanan ang lagay nito ay gagawin ko pero hindi ito ang tamang oras at panahon.
Tumalungko sa harapan ko si Huinter. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa tuhod ko.
"D-do you want to—A-are you ready to—"
Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ng lalaki, hindi malaman kung anong salita ang bibitawan.
Napasabunot ito sa sariling buhok.
"I will go upstairs to try the pregnancy test. You can wait here or in stay with me in the room," I said.
He quickly stand up and pick up my things. He hurriedly pulled me to the stairs.
NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hinihintay ang resulta nang PT. Naka-upo ako sa bowl, lahat ng PT na binili ko ay nasa may sink at hinihintay ko.
Sinabunutan ko ang sarili ko.
Hunter is outside, he's keeping knocking on the door. Hindi naman naka-lock but I forbid him to come in.
"BABE, WHAT'S HAPPENING IN THERE?! CAN I COME IN NOW?!"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tiningnan ko ang pintuan. I shut my eyes.
"Baby!!!"
Tumayo ako at lumapit sa pinto. Binuksan ko ito. Nahinto sa ere ang kamao ni Hunter na mukhang kakatok na naman. Namumutla ito.
"K-kumusta?" tanong niya.
Nagkibit balikat ako. Nilagpasan ko siya at umupo sa may gilid ng kama. Ang bigat ng pakiramdam ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kung ano-ano ring senaryo ang pumapasok sa isip ko sa mga maaring mangyari.
"Baby..."
Matamlay ko siyang binalingan. Naubos ang lakas ko sa pag-hihintay kanina sa loob.
Lumuhod sa harapan ko si Hunter. Ipinatong niya ang pareho niyang kamay sa hita ko. Nakatitig siya sa mga mga ko at mukhang wala siyang balak humiwalay ng tingin.
Itinaas nito ang kamay at hinaplos ang pisnge ko.
"Scared?" mahina niyang tanong.
I nod. "I don't know what to do...what if mag-positive ang pregnancy test?! Paano na ang pag-aaral ko?! Anong gagawin ko?! My family will be mad at me! Papa will be disappointed at me!"
Puno ng hinanakit, takot at pangamba ang boses ko.
Yes, baby is a blessing but I'm not yet ready to be a mother. Being a parent is a big responsibility. Dapat ready ka mentally at financially dahil mahirap ang magpalaki ng bata. Dapat may trabaho ka na para may pambili ka nang gatas at diaper, pati na nang ibang gamit ng baby mo.
Anong ipapakain ko sa anak ko kung buntis ako?! Hindi pa ako tapos sa pag-aaral. May problema pa ako sa pamilya ko. Ngayon ko pa lang minamahal ang sarili ko may magiging kahati na naman ako.
I want to love myself first. I want to travel the world. I want to explore my younger years' bago magkaroon ng anak at sariling pamilya.
"Hindi ko masabing huwag kang mag-alala dahil malaking dagok sa'yo 'to dahil nag-aaral ka pa. Pero ang maipapangako ko lang ay hindi kita pababayaan. Hindi kita iiwanan. I will support you sa lahat ng desisyon mo...sa pagbubuntis mo," pabulong na lang ang huling sinabi nito.
Natigilan ako.
He will support me sa lahat ng decision ko?
I gulped. I think alam ko ang gusto niyang ipakahulugan. Isinandal ko ang noo ko sa noo ng lalaki. Pumikit ako ng mariin.
"Thank you," pabulong kong pasasalamat.
He kissed my head. Ilang sandali kaming magkayakap hanggang siya na ang kusang humiwalay sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko pagkatapos ay hinalikan niya ang mga labi ko.
Sandali lang 'yon pero puno ng tamis.
Walang paalam na tumayo si Hunter at naglakad papasok ng banyo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sa lakas ng kabog nito ay siya na lang ang naririnig ko bukod sa ugong ng umaandar na AC.
Nakatitig ako sa may pinto. Hinihintay ang paglabas ng lalaki.
I gulped when I saw him holding the pregnancy tests.
"W-what is it?" mahina kong tanong.
Nagtama ang mata namin.
Malungkot na masaya siyang ngumiti sa'kin. I can see pain and disappointment in his eyes but he choose to smile for me.
"It's negative, babe..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro