Chapter 130
happy weekend!
CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY
INIS na inis ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Paano ba naman kasi inaasar niya ako about sa nakakahiyang nangyari kanina sa may jeep. Inis na dinampot ko ang sunglasses ko at bwisit na ihinagis sa mukha ni Hunter na lalo naman niyang kinatawa.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Stop laughing! Tawang-tawa ka!!" inis kong pigil sa kanya pero hindi naman niya ako sinunod. Nilingon niya ako para lang ngisihan.
Nakakahiya kasi ang nangyari kanina na ayaw ko nang balikan pa pero ang magaling na lalaking 'to kanina pa tawa nang tawa. Kung hindi tumatawa nang-aasar na nakatingin sa'kin. At naiinis na ako! Hiyang-hiya na nga ako tapos ay gano'n pa ang gagawin niya.
"I'm not doing anything, babe!" he defensively said.
"I can see it thru in your eyes! Nang-iinis ka!!" mariin kong sigaw bago itapon sa mukha nito ang tissue-ng nakita ko.
"I'm—"
"Don't lie, Hunter!!" gigil kong pigil.
Nginisihan lang ako ng lalaki at ibinalik ang buong atensyon sa pagmamaneho.
Our five days vacation is finally over. We are now heading back to Manila. Time flies so fast when you are happy. I even didn't notice the days.
Before kami umalis kanina sa pinagi-stay-an naming Hotel ay dumaan muna kami sa isang sikat na kainan sa Bayan ng Norzagaray, we didn't use our car dahil malapit lang naman and people said na walang mapa-park-an 'yung kotse, kaya para iwas hassle to commute. We used jeepney.
And you know what's funny? I didn't something shameful. Hiyang-hiya ako lalo na't puno ang jeep tapos kami pa 'yung unang bumaba. Nakakahiya. Hinihiling ko kanina na sana lamunin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan.
Sumandal ako sa likod ng upuan ko. I try to reminisce our memorable vacation. Nung second day ay sa Adventure Resort kami nagpunta. We stay there overnight. Nung third day namin, bumalik kami sa Barangay San Lorenzo. Nag-hiking kami. Sa Mt. Iriod ang inakyat namin, nakita namin do'n ang Sierra Madre. Nang matapos ang araw ay pumunta kami sa may Oriod Falls para mag-swimming.
Our fourth days is ng Barangay San Mateo, binisita namin ang Banahaw Cave. Ang last day namin ay ginugol lang namin sa loob ng Hotel room. Pinanood namin ang Turning Red at Exorcism of God na medyo hindi ko nagustuhan dahil sa ending, nakulangan ako. Nung hapon ay inaya niya akong maglakad-lakad sa resort na tinutuluyan namin.
"Pero alam mo, babe... 'yung nangyari—"
"Hunter, wag mong kalimutang may kasalanan ka pa sa'kin ha," banta ko.
Nagtataka itong napalingon sa'kin, at biglang balik sa daan ng tingin. Nag-cross arm ako.
"Akala mo ba nakalimutan ko 'yung nangyari sa may lagoon?" matalim kong tanong. Nakita ko ang pag-lunok nito. Ngumisi ako sa isip ko.
Ayan, mabuti 'yan. Tigilan mo ko dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko.
Biglang bumalik sa isip ko ang nangyari sa may lagoon. Sana ay makalimutan ko na 'yon pero hindi eh. Nanggigigil pa rin ako dahil sa panlalandi sa kanya nung babaeng 'yon.
"Can you just forget it?" nahihirapang paki-usap nito.
Inirapan ko siya. "You're asking me to forget that but hindi mo kayang gawin sa sarili mo. Kanina mo pa ako inaasar!"
Padabog kong binuksan ang bag ko para kuhanin ang cellphone ko. Asar kong binuksan ang aparato at nag-music.
"I'm already ashamed for what happened. People in that fucking jeepney saw it! I'm not even wearing a mask! They might know me or taken a photo of me! What will happened if they post it online?! Nakakahiya na!" puno ng hinanakit kong sabi dito bago tuluyang isinuot ang earphones sa magkabilang tenga ko. Hindi ko pinansin si Hunter dahil sa kahihiyan dahil na rin sa pag-iinit ng gilid ng mata ko.
Bumaba ang kamay ni Hunter sa ibabaw ng kamay ko at hinawakan ng mahigpit 'yon.
"I'm sorry, baby..." he said.
I didn't answer.
He kissed the back of my hand, "baby, please... look at me," pagmamaka-awa nito.
Umirap ako para sana tikisin siya pero para may sariling buhay ang ulo ko't tumingin sa kanya. Malalim siyang nakatingin sa mga mata ko.
"Baby, I promise. I will not mention it again..." mahinang sabi nito bago hinalikan ulit ang likod ng palad ko. "I will keep it a secret until my last breath," madiin niyang pangako.
Gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Promise?" paninigurado ko.
Sunod-sunod ang tango niya sa'kin habang papalit-palit ang tingin sa'kin at sa daan. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at pinisil-pisil 'yon.
"I promise."
Tumango ako.
Lumawak ang pagkakangiti nito at hinalikan ako sa labi. Umayos ito at mas diniinan ang pagtapak sa gas kaya kami bumilis. Pinabayaan ko ng magkahawak ang kamay naming dalawa. Sumandal ako sa upuan ko at pumikit para makapagpahinga.
Mukhang bukas ay wala akong ibang gagawin kundi ang magpahinga Nakakapagod ang mga ginawa namin nitong nakaraang araw.
NAGISING ako nang maramdamang tumigil ang sasakyan namin. Umayos ako ng upo, kunot-noong inilibot ang tingin sa paligid. Na-realize kong naka-stop over kami sa isang gasulinahan. Wala si Hunter sa loob ng sasakyan. Mukhang lumabas ito.
Umaandar pa rin ang makina ng kotse, siguro para hindi uminit dito sa loob. Ma
Wala na sa tenga ko ang earphones, pati ang phone ko na naalalang kong ipinatong ko sa ibabaw ng hita ko. He took it?
Hinawi ko ang buhok ko patalikod. Tumingin ako sa labas ng bintana. May seven-eleven sa labas. I feel hungry. From the back seat ay kinuha ko sa bag ang wallet ko. Bago ako bumaba ay pinatay ko muna ang makina ng kotse, kinuha ko rin ang susi. Nang lumabas ako ay pinindot ko ang lock saka naglakad papuntang seven-eleven.
Madami-dami rin ang tao sa loob. Nagpunta ako sa may coffee area at kumuha ng dalawang large cup for coffee and slurpee. After no'n ay lumapit naman ako sa junk foods area. Kumuha ako ng mga big size na chips, nang maging sapat na sa'kin ang mga 'yon ay nagpunta na ako sa counter para magbayad.
Nginitian ako ng babaeng cashier at kinuha ang mga ibinaba kong chips at slurpee.
"Ma'am, five hundred pesos po lahat," ani 'to habang sinusupot ang mga chips.
Kumuha ako ng one thousand pesos sa wallet ko at inabot sa babae. Kinuha naman nito iyon. Sinuklian niya ako. Tipid akong ngumiti saka kinuha ang mga pinamili ko. Lumabas ako ng convenience store.
Habang naglalakad ay nilagyan ko ng straw ang slurpee ko. Humigop ako at bumalik na sa kotse. Sa driver seat ako umupo, binuhay ko ang makina ng kotse para mabuhay ang AC. Hinagis ko ang wallet sa backseat, binaba ko ang kape sa may cupboard. Naglabas ako ng piatos at binuksan 'yon. Nag-umpisa akong kumain.
Sumandal ako sa upuan habang nagmamasid sa labas. Nasa NLEX na yata kami. Uminom ulit ako sa inumin ko.
Naubos ko na ang kinakain ko nang makita kong naglalakad palapit sa kotse si Hunter. Magulo ang buhok nito at gusot ang damit. Kumunot ang noo ko. Saan kaya siya nanggaling? Bakit para siyang na-rape sa hitsura niya.
Nang malapit si Hunter ay binuksan nito ang pinto sa gilid ko. Tinted ang bintana ng sasakyan kaya hindi makikita ang tao sa loob.
Nagulat pa siya nang makita akong gising.
"Hey, baby," he greeted me.
I smiled at him. "Hey... where did you go?" I asked. Umusad ako sa passenger seat at saka naman umupo si Hunter sa driver seat.
Tinuro ko ang kape sa cup board.
"I buy you coffee. Hindi ko alam kung gusto mo ng slurpee, e," ani ko.
"Thanks, babe. Nang galingh ako sa banyo, may nangaylangan ng tulong ko kaya ako natagalan," pagpapaliwanag niya sa'kin.
"Kaya pala ganiyan ang hitsura mo," puna ko.
Tinawanan niya ako. "Bakit? Ano bang hitsura ko?"
"Para kang na-rape, gulong-gulo ka," nakangising sagot ko.
Umiling siya sa'kin kasabay nang pagkuha nito ng kape't uminom. Siguro medyo malamig na 'yung kape dahil kanina pa rin 'yon.
Inabutan ko siya ng chips.
"Kanina ka pa gising?"
"Medyo. Nagising ako nang wala ka."
"I needed to pee, and wala na tayong gas."
Hindi na ako nagsalita ba. Naramdaman ko ang pagpatong ng malaking kamay ni Hunter sa hita ko, umayos ako ng upo. Kahit na naka pants ako ay ramdam ko ang mainit nitong palad. Ibinaba ko ang iniinom ko sa cupboard at saka ako tumingin sa gwapong nilalang na katabi ko.
Kumakain itong tahimik at panay ang sulyap sa'kin paminsan-minsan. Natawa ako.
"Do you have to tell me something?" tanong ko dito.
Nilingon niya ako. "Yeah, your brother is calling me kanina pa. Nangungulit kung anong oras daw kita iuuwi sa inyo."
"Hindi naman mukhang miss na miss nila ako," natatawang sagot ko sa kanya.
"He threatened me too. Dapat daw ay iuwi kita nang buo."
"Dapat lang naman kasi. Andami nilang bubugbug sa'yo kung hindi mo ko mauuwi ng buo hano," may halong pananakot na sabi ko.
Sunod-sunod siyang tumango. "Tama-Tama."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakatingin sa mukha nito. Kahit na may dungis siya sa pisnge ay hindi nakabawas 'yon sa kagwapuhan nito.
Ilang beses akong napaluok nang bumaba ang mga mata ko sa labi niyang may pagka basa at mamula-mula. Umiling ako.
Klyzene, kung ano-ano nang naiisip mo. Tigilan mo 'yan! Piping suway ko sa sarili ko.
Nag-iwas ako ng tingin bago sumandal sa upuan ko.
"Umalis na tayo. Gusto ko nang maka-uwi para makapagpahinga," mahinang aya ko sa lalaki.
Kaagad naman itong tumalima. Minaneho nito ang sasakyan paalis. Huminga ako nang malalim at sa labas tinuon ang mga mata. Nabibingi na rin siguro si Hunter sa katahimikan kaya naman narinig kong binuksan nito ang radio, sakto namang love song ang tumutugtog.
"I like shiny things, but I'd marry you with paper rings, uh-huh, that's right. Darling, you're the one I want, and I hate accidents except when we went from friends to his, uh huh, that's right. Darling, you're the one I want. In paper rings, in picture frames, in dirty dreams. Oh, you're the one I want," pag-sabay ko sa kantang pinapakinggan namin.
Napapasayaw ako dahil sa kanta. Damn. This song is one of my favourites.
"Uh huh... I'd marry you with paper rings... uh huh..." mahinang pagkanta ko.
HINDI ko namalayang gano'n na lang kabilis kaming makakabalik sa Manila. Ngayon ay nasa harapan na kami ng Condominium na tinutuluyan ko. Kanina pa kami naka-park pero hindi pa rin ako bumababa. Walang nagsasalita sa'ming dalagawa, basta magkasama lang kami.
Ang maririnig mo ay ang pag-iingay ng AC at makina ng kotse. Magkahawak kami ng kamay ni Hunter. Naglalaro ang mga daliri namin habang magkaharap kami sa isa't isa.
"Hmm..."
Tumingin ako sa kanya nang magbuntong hininga ito.
"Do you want me to leave na?" I asked.
He quickly shook his head before scratching his forehead.
"Nah...."
Tipid akong ngumiti. Bakit pakiramdam ko ay hindi na kami magkikita pagkatapos ng lahat ng ito? Bakit parang kakaiba 'yung feeling ko. I don't want to overthink but... this feeling is so different. Basta. Mahirap i-explain.
"Kapag ba nasa New York na ko hindi ka na maghahanap ng ibang babae dito?" biglang tanong ko.
Napatigil ito sa paglalaro sa daliri ko at kunot noong napatingin sa'kin. Nagtataka yata siya sa mga biglaang tanong ko.
Binitawan niya sandali ang kamay ko.
"Of course not. I will not do that," pangako nito.
Nag-aalangan akong tumango.
"Pag nagbalik ako sa New York, paniguradong madami akong gagawin kaya mawawalan ako ng oras para kuma-usap ng tao, lalo na sa mga international calls. I'm telling you this para kapag hindi ko nasagot 'yung tawag mo or hindi kita naka-usap ay hindi ka na magtataka," pagpapaalam ko sa kanya.
"I understand... while your away ako nang bahala sa resort mo. I will supervise them."
Napangiti ako sa sinabi nito.
"Dummy. You don't have to do that. Klyzia is there. She's the one who's in charge. Baka isampal pa niya sa'yo 'yung helmet."
Natawa ang lalaki dahil sa sinabi ko.
"I will gladly accept it," he said while smiling at me.
In a swift move, he have my hands again and now I'm hugging him. Nakasiksik ako sa dibdib nito. Nilanghap ko ang panlalaking amoy niya. Ang bango kahit may halong pawis na.
Nag-umpisang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"When you leave I will surely miss you a lot," malungkot niyang pahayag.
"Me too," pabulong kong sabi, humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. "I'm actually scared na baka makahanap ka ng kapalit sa'kin. Paano na lang ako if nangyari 'yon?"
Biglang naging marahas ang paghinga ni Hunter, mabilis ang naging pagtaas-baba ng dibdib niya.
Hinalikan ako ni Hunter sa ulo.
"Hindi mangyayari 'yon... I cannot see myself loving another girl anymore lalo na kung hindi naman natin anak," bulong niyang sagot.
Unti-unting kumalma ang pagtibok ng puso ko. Naging kalmado na rin ang paghinga ni Hunter. I'm curious. Ano kayang naiisip niya ngayon? Anong laman ng isip niya. I closed my eyes to rest.
Hinalikan niya ako ulit sa ulo.
"Let's have a date before you fly in New York," he said.
My lips formed into smile. I bit it a bit before thinking about it.
I think I can, the day before I leave na lang siguro para masaya kami kinabukasan. Tumango ako.
"Okay. Before I leave lumabas tayo. Call me na lang," I said.
"Ihahatid rin kita sa airport. I want to be there."
"Okay."
And again, we are now in silence. Dumilat ako pagkatapos ay inilayo ang sarili ko sa kanya. Nag-angat ako ng tingin. Nakapikit si Hunter habang naka-sandal sa upuan. Ang kaliwang kamay niya ay nasa likod ng bewang ko pang-alalay at 'yung kanang kamay niya ay nilalaro ang mga buhok ko na paminsan-minsan ay hahaplos sa gilid ng pisnge ko. Naka-recline kasi ito, tapos ay naka-upo ako sa kandungan niya.
We are in intimate position.
Ilang beses akong gumalaw at inayos ang upo ko nang bigla na lang nanlaki ang mga mata ko.
I can feel his hardness poking my butt cheek.
My cheeks blushed in the thoughts of his massive friend down there. I can still remember what it looks like and how it goes in and out of me.
Siguro kung noon ito ay baka nahiya ako at umalis sa kandungan niya, kaya lang ay hindi. At ewan ko rin ba kung paano niya nagawang pakalmahin ako sa ganitong sitwasyon.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. While looking in his face down to his lips. Nate-temp akong halikan siya.
"Staring is rude you know," he said.
Nanlalaki ang matang napalayo ako sa kanya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisnge ko. Dahan-dahan ay dumilat ang lalaki. Nagtama ang mga mata namin.
I pouted my lips.
"My baby is mad?"
Umiling ako.
"Then, why you have that face?"
I frowned. "What face?"
"That face na parang may gusto kang sabihin and hindi mo masabi. Or you're just mad at me ayaw mo lang aminin?" anito.
Napa-irap ako.
"Judgemental ka," puna ko.
Akma akong lalayo sa kanya at babalik na sana sa passenger seat nang higpitan niya ang hawak sa'kin.
Huminga ako ng malalim. I think I cannot get away from him.
"I want to kiss you," parang batang sumbong ko saka nagbaba ng tingin.
He laugh at me a bit before touching my cheek. Itinaas niya ang mukha ko para magtama ang mga mata namin.
"Baby, I'm yours. I don't mind if you kissed me without asking a permission," puno ng katotohanang sabi niya.
"Really?" nasisiyahang tanong ko.
"Of course!" tumatangong sagot niya sa'kin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilin ang malalaking ngiti. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at akmang hahalikan siya nang may malakas na kumalampag sa bintana ng kotse.
We are both startled because of that.
Napalingon kami sa binta sa may passenger seat. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatayo do'n si Kuya na sinusubukang sumilip sa loob. Nakatakip pa ang kamay nito sa ilalim ng kilay nito para mabawasan ang sikat ng araw at makita kami dito sa loob.
Dismayadong umiling ako.
Tumatawa si Hunter nang makabalik ako sa upuan ko. Inayos ko ang sarili ko. Binaba ko ang bintana sa pinto ko. Poker face kong hinarap si Kuya pero mas inis ang mukha nito.
"Ang tagal niyo naman dito sa loob. Anong ginagawa niyo. Halos magi-isang oras na kayo ah," strict na inis niyang tanong sa'min.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro