Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 127


CHAPTER ONE HUNDRED AND TWENTY-SEVEN

NAMANGHA ako habang nakatingin sa ibaba ng Bitbit Bridge, ang Bitbit River. It's a tourist spot here kung saan ka pwede mag-swimming or mag-picnic kung gusto mo. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Madaming tao na kumukuha ng pictures kasama ang love ones nila.

"This place is beautiful! Ngayon lang ako naka-punta dito!!" masiyang pagkwe-kwento ko.

Pumanik ako hanggang sa first step ng railing at ibinuka ang mga braso ko. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin. Naramdaman ko ang paghawak ni Hunter sa bewang ko bilang alalay.

"I'm happy that you like it here," panulong nitong sabi.

"God! Hindi ako nagsisising sumama ako sa'yo dito!!" bumaba ako sa pagkakatayo sa taas at tinabihan na lang si Hunter.

Nilingon ko si Hunter na ngayon ay nakatayo sa tabi ko. Nasa baba rin ang tingin nito.

"Let's take a photo!" masiglang aya ko sa kanya.

Tiningnan niya ako. Ilalabas niya sana na ang phone niya nang ipakita ko ang sa'kin.

"Let's use this!"

"Okay, baby."

In-open ko ang phone ko at cli-nick ang camera icon. Inilagay ko sa selfie ilang sandali pa ay nakikita na ang mukha namin sa screen. Malawak akong ngumiti. Umakbay sa'kin si Hunter at ngumiti rin sa harap ng camera.

"Say cheese!"

"Cheese!"

Ilang beses ko pinindot ang button at nag-take na. Madami-dami rin akong nakuhang picture. Pinindot ko ang gallery at tiningnan ang pictures namin, wow. Ang ganda ng mga pictures naming dalawa kahit selflie lang.

Maganda ang view sa likuran namin. Ang liwanag ng kalangitan. Sayang naman kung hindi namin masusulit ang araw na 'to.

"I want a picture with you na whole body, para pwede nating ipalagay sa frame," ungot ko dito.

Hinaplos niya ang pisnge ko saka tumango.

"Then, let's ask someone kung pwede tayong picture-an nang whole body," sagot niya.

Naglibot ako ng tingin sa paligid. Busy yata lahat sila sa pagkuha ng kanya-kanya nilang mga pictures. Sana pala nag-dala rin ako ng sarili kong tripod kung ganito kahirap kumuha ng picture na whole body with Hunter.

Pero bago pa man ako makalapit sa isang babae para manghingi ng favor ay hinapit na ako ni Hunter sa bewang palapit sa kanya.

"Okay na po?" tanong ng isang babae.

Tumingin ako sa harapan. Nakita ko ang isang babae na hawak ang phone ni Hunter. Tiningala ko si Hunter, nakatingin siya sa camera kaya gano'n rin ang ginawa ko. Tumingin na rin ako sa camera at ngumiti. Ipinalibot ko ang braso ko sa bewang niya at niyakap siya ng mahigpit.

I want to make this day memorable for us. For me. Kasi hindi ko alam kung mararamdaman ko pa ulit 'yung ganitong saya sa susunod na mga taon ng buhay ko. Gusto ko mag-i-reminisce ako pag matanda na ako.

Narinig ko ang pagsabi ng babae na isa pa daw kaya naman tumingin ako kay Hunter. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Nakangiti rin ito... at abot sa mga mata niya ang ngiting 'yon.

Maybe... he is really happy.

I'm happy that he is happy. Nakakatuwa sa puso.

Bago pa man niya ako mahuling nakatingin sa kanya ay tumingin na akong muli sa camera at nag-peace sign pa. I pouted my lips too para naman kahit papaano ay may awra ako do'n sa pictures. I will post it in my Instagram account para kahit mabura man siya sa phone ay naka-save naman na sa internet.

Nang matapos kaming kuhanan ay nagpasalamat si Hunter saka kinuha ang sariling phone pero kaagad nito 'yong itinago sa bulsa.

Napasimangot ako.

Duh! Lalaki talaga, hindi man lang titingnan kung maganda ang mga pictures basta makapag-picture lang sila. Umiling ako.

Hinayaan ko na lang dahil meron naman akong sarili. Lumakad ako palayo ng kaunti sa kanya para makahanap ng magadang spot kung saan pa pwedeng mag-picture. Hindi ko napansing 'di nakasunod sa'kin ang binata.

Napunta ako sa middle para makakuha ng magandang picture.

"Ate ganda, gusto mong kuhanan kita ng pictures?"

Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaki na sa tingin ko'y mas bata lang sa'kin ng kaunti. He have this playful smile while shyly looking at me. I smile then give him my phone.

"Thanks," I said before smiling at the camera. I do more poses before I stop.

He gave me my phone back and scratch his back neck. I look at him.

"Thanks?" tanging nasabi ko dahil nakakapagtaka, hindi ko alam kung ano pang kaylangan niya.

"Uhm... p-pwede ko bang hingin ang number mo?" mahina't nahihiya nitong tanong.

Hindi ako nakasagot, tiningnan ko muna siyang mabuti bago huminga ng malalim. I will politely decline na sana but someone grabbed my waist and pull me near his body. I look up to see Hunter, his face is darkened while looking at the young guy.

"Sorry, hindi niya ibibigay ang number niya," madiin at strict nitong sabi sa lalaki.

Ngumiwi ang lalaki.

"Kuya ka po ba niya? Huwag po kayong mag-alala hindi ko—"

Lalo yatang nainis si Hunter dahil nakita ko ang madiing pagkuyom ng kamao nito at ang pag-tiim ng bagang niya.

"I'm not his brother, fucker! I'm his boyfriend!!" puno ng diin at galit nitong ani.

Namutla naman ang lalaking kaharap namin at walang sabing umatras paalis. Nang wala na ito ay saka taas kilay na tiningnan si Hunter. Inilingan ko siya bago inalis ang pagkakapalibot ng braso niya sa bewang ko.

"Anong boyfriend ang pinagsasabi mo? Assuming ka!" pang-aasar ko dito bago lumakad paalis.
"Tss... siya pa galit ako na nga 'tong pinagselos..." rinig kong bulong nito sa gilid.

Nilingon ko siya. Naka-usli ang nguso nito at lulugo-lugong nakasunod sa'kin.

"Pagseselosan mo 'yon, e, ikaw naman 'tong kasama ko," ani ko na kinatingin niya sa'kin.

"Ibibigay mo 'yung number mo e!" parang batang maktol niya.

Napa-irap ako. "I will not! Bago ka dumating dapat ay tatanggi na ako."

Hindi na siya sumagot. Inilingan ko siya.

"Besides, kahit magbigay ako ng phone number. How sure are you na 'yung sa'kin ang bibigay ko? I might give him a random number," dagdag ko pa.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay at pinagsaklop 'yon.

"I'm still jealous..." bulong niya sa'kin.

Napahinga na lang ako ng malalim. Mukhang wala na akong magagawa sa lalaking 'to. Talaga namang napaka-isip bata kung minsan. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge at mabilis na pinagdampi ang mga labi namin. I closed my eyes when his lips touches mine.

I open it after a few seconds.

I smiled when I saw him shocked by what I did. I naughtily look at him before walking away.

Boys will always be boys...

I don't know where we would go after this. Hunter's the one who planned all of this, anyway.

Pasimple kong nilingon si Hunter, naglalakad itong mabagal palapit sa'kin at mukhang hindi pa rin siya nakaka-re-realize kung anong ginawa ko. Napatawa akong mahina.

God, ang cute niya...

AFTER naming magtingin-tingin sa ibabaw ng Bitbit Bridge ay inaya niya akong kumain. Pumayag naman ako kaya naghanap kami ng pwedeng kainang malapit lang sa lugar namin, pati yata pags-stay-an naming hotel ay hahanap na rin si Hunter.

Nakatingin ako sa labas ng bintana.

Almost thirty minutes yata kaming bumibiyahe. Ang sabi kasi niya sa'kin ay dadalhin niya ako sa local eatery para matikman ang mga pagkain ng mga taga-Bulacan. I'm excited!!!

After ten more minutes, huminto na kami sa tapat ng isang Restaurant. Tumingin ako sa name ng Restaurant.

"JL Jamie's Crispy Pata and Restaurant..." basa ko bago nilingon si Hunter na nag-aalis na ng seatbelt nito. Tumingin ito sa'kin bago malambing na ngumiti.

"Let's go?"

Tumango ako at inalis na rin ang suot na seatbelt, si Hunter naman ay bumaba na nang sasakyan para umikot sa gilid ko at pinagbuksan niya ko ng pintuan. Ngumiti ako bilang pasasalamat bago kumapit sa braso nito.

Sabay kaming pumasok sa loob ng kainan. Walang masyadong tao kaya may mga bakanteng lamesa. Maamoy mo na agad sa loob ang mababangong aroma at lasa sa pagkaing niluluto nila. Hinila ako ni Hunter papunta sa isang bakanteng lamesa sa may kaliwa. Ipinaghila niya ko ng upuan saka umupo sa harapan ko.

Mayroong menu na nakalagay sa clear book sa table namin. Nilibot ko ng tingin ang mata ko't tiningnan kung talaga bang iisa lang ang binigay na menu sa'min... nasagot ko rin ang sarili kong tanong. Iisa nga lang kada table.

Nakangusong inabot ko kay Hunter ang menu book.

Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin.

"Why?" he asked.

"There is only one menu given to us. Ikaw na lang 'yung mamili kung anong food ang kakainin natin," ani ko dito.

Nasisiyahang tumingin sa'kin si Hunter. Mukhang ako talaga ang kanyang happy pill.

"Tawa-tawa ka diyan," inis kong bulong bago kinuha ang cellphone ko. Nag-notif ang isang message na galing kay Kuya Jake. Hindi ko na muna binuksan 'yon. I don't want to spoil this moment with Hunter if ever na hindi maganda ang nakalagay do'n which I doubt, but prevention is better than cure, right?

"What do you like to eat, Klyzene? They have sizzling—"

I didn't let Hunter finished his sentence, "you choose, Hunter. Make it sure it's yummy," ani ko bago ibinalik ang tingin sa phone.

The other side of my brain saying that I'm such a bratty bitch, but the other side say, I only asking is a bare minimum.

I shook my head.

"Okay," rinig kong ani Hunter.

Hindi pa nagtagal ay may waiter na lumapit sa'min. I didn't bother to look at him. I'm busy choosing photos that I will post later.

"Give us Sizzling Bangus, Sizzling Sisig, Liemposilog, Lumpiang Shanghai, Kare-Kare and your specialty here. Add two extra rice, two cold water and juice if you have," rinig kong pagsasabi ni Hunter sa waiter. Tumingin ako dito.

"What juice, sir?" tanong ng waiter.

Tiningnan ako ni Hunter. "What do you like, baby?"

"Orange juice na lang," sagot ko bago tumingin ulit sa paligid because someone turn on the music.

"Okay po. Wait lang po ng ten minutes," ani Waiter bago lumakad palayo sa'min.

Hinawakan ni Hunter ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa, pinabayaan ko lang siya't hindi na umangal pa. Nakalabas na rin naman ang phone ko ay in-open ko na ang camera at kinuhanan ng picture ang magkahawak naming kamay. Napangiti ako. It looks cute.

Sakto namang nag-iwas ng tingin si Hunter sa kaliwa kaya napaling ngayon ay naka-side view siya. I bite my bottom lip before clicking the camera.

Naka-ilang stolen shots ako bago siya humarap, nagtataka na may pagka-amuse ang mukha niya habang nakatingin sa'kin. Malawak akong ngumiti.

"What... I'm not doing anything," pagtanggi ko saka binaba ang phone patalikod.

He chuckle. "I didn't say anything, either."

"But the way you look at me I already know what you're thinking!"

"Then what is it?" naghahamong tanong niya.

Malakas ang loob na tumingin ako sa kanya. "You think na may ginagawa akong kalokohan!"

"Hahaha, ikaw ang may sabi niyan, babe. Hindi ako," pag-iiwas nito. "Ang iniisip ko kanina habang nakatingin sa'yo ay ang cute mo..."

Inirapan ko siya saka nag-iwas ng tingin dahil sa pamumula ng pisnge.

Bolero talaga tanging nasabi ko sa isipan ko.

Dumating na rin sa wakas ang order namin. Dalawang waiter ang magkasunod na lumapit sa'min at ibinaba sa ibabaw ng table ang mga pagkain. Mukhang 'yon ang mga in-order ni Hunter na hindi naman ako pamilyar sa pangalan at lasa.

Tumaas ang kilay ko nang may ibaba silang pritong pork.

"What's this?" tinuro ko 'yung plate na may pritong pork na nakahiwa na. Kumuha ako nung crunchy na skin at nilasahan. "Hmm..."

"It's called crispy pata, babe. Do you like it?" he happily asked.

I nod. "Yes. I like it." Tinuro ko 'yung hindi ko maintindihan ang hitsura pero crunchy rin ito. "Eto?"

"Chicharong Bulaklak," proud nitong sagot.

Namilog ang mata ko. "What kind of flower is this?" mangha kong tanong sabay kuha ng isang piraso at kinagatan 'yon.

Tinawanan niya ako.

"Baby, it's not a flower. It's pork intestine. They clean it then cook it," pagpapaliwanag niya.

Umawang ang labi ko. Naitawan ko ang hawak ko.

"Really?"

"Yes."

Tumingin ako sa nahulog na chicharon. T-that's a pork intestine? I feel like I want to puke.

Naibaba na lahat ng order sa table namin kaya umalis na 'yung dalawang waiter. Nakatingin ako kay Hunter dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Babe... its okay to eat. That's clean," pagpapanatag niya ng loob ko pero hindi ako kumibo. Hindi ko akalaing mapapakain niya ako ng intestine.

Akala ko gusto mong tikman ang mga foods dito? Bakit nandidiri ka? Tanong ng isang bahagi ng isip ko.

Napalunok ako.

"Y-you didn't say it early!" reklamo ko. "I'm not ready!"

"Sorry pero malinis 'yan, babe," anito.

Umirap ko. Kanina pa siya tawag ng tawag sa'kin ng babe or baby ha. Akala ba niya hindi makakalusot sa'kin 'yon?

"Ikaw ha. You're calling me in call sign. Hindi naman kita boyfriend para tawagin akong gano'n," kunwaring pagalit kong ani sa kanya.

"It's slipping. Sorry not sorry," para bang wala lang niyang sagot sa'kin.

Inilagay niya sa harapan ko ang isang platong walang laman at ipinaglagay ako ng pagkain do'n. Nakangiti siya habang ginagawa 'yon.

"Try their food. I'm sure magugustuhan mo lalo na 'yung crispy pata," aniya. Ipinaglagay niya ako ng isang ulam sa plato ko na hindi ko alam ang tawag. "That is sisig."

Tumango ako at sumubo ng kaunti para tikman. Masarap.

Nakita ko namang si Hunter ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Kinuha ko 'yung bangus at nilagyan siya sa plato. Napatigil ang lalaki at gulat na tumingin sa'kin.

Hindi ako nagsalita at ipinaglagay na lang siya ng crispy pata sa plato niya.

Walang salita ang namagitan namin at nag-umpisa kaming kumain. Tumatawa pa si Hunter sa tuwing napapangiwi ako dahil sa pagkagat ng chicharong bulaklak. Ang hirap pa lang kasing mag-sink in sa'kin na intestine ang kinakain ko, isa pa. Unang beses kong kumain no'n.

Uminom ako ng juice.

"Masarap ang pagkain nila dito. How did you find this place?" I curiously ask.

"Someone suggested it to me. I just give it a try," sagot niya.

Napatango ako. Ang galing nang nag-suggest nito kay Hunter. Masarap ang foods nila. Kumuha ako ng pork skin at sinawsaw sa toyo na may suka with bawang and sili? If I'm not mistaken.

Sinubo ko 'yon at tumango.

"After nating kumain. Let's find a place where to stay for our vacation, and then we will go out again," pagsasabi ni Hunter ng mga gagawin namin mamaya.

"Okay. Are we going to stay in the same room or you'll have your own?"

Natigil sa akmang pag-inom si Hunter dahil sa tanong ko. Namimilog ang matang tumingin siya sa'kin.

"I'm just asking, Hunter. Don't think na gusto kong magkasama tayo sa iisang room pero kung wala nang choice I will not disagree naman," pagpapaliwanag ko sa kanya.

Halos napangalahati niya ang juice nang uminom siya. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay nang magiging sagot.

"W-we will have different rooms..." nakayukong sagot nito sa'kin.

"Okay." Sumubo ulit ako ng pagkain. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro