Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 126

double update!

enjoy reading!



CHAPTER ONE HUNDRED AND TWENTY-SIX

"YES! Matanda ka na. Uugod-ugod ka na!" dagdag ko pa ng pang-aasar.

Nai-imagine ko ang nakasimangot na mukha ni Hunter ngayon, kung paano magdikit ang makakapal nitong kilay dahil sa pagkunot ng noo. Napatawa ako ng malakas dahil sa pagmumura nito sa kabilang linya.

Napaka-pikon talaga.

"Did you forget that I made you scream the other night, Klyzene Black?!" pilyo na may diing pagpapaalala nito.

Hindi ako sumagot.

"The way you scream, telling me to make it faster and deeper inside you. The way you ask me to—"

"HUNTER!!!" nae-eskandalo kong tawag dito.

"Okay—Okay. I will stop na. Can we video call?" tanong ko.

"Of course. I will call," ani ko saka pinatay ang tawag. In-open ko ang messenger ko at tinawagan si Hunter nang video call. Ilang sandali pa ay lumitaw na sa screen ang mukha ng lalaki.

Hindi ito naka-ngiti at hindi rin naman galit.

"Hey..."

"Hi there, beautiful..." malambing niyang tawag.

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Napansin kong magulo ang buhok ng lalaki, walang suot na pang-itaas ang lalaki kaya lantad na lantad ang matipuno niyang dibdib. Hindi ko sigurado kung may suot pang pang-ibaba si Hunter.

"Gusto mo bang ibababa ko pa ang camera para maalis 'yang curiosity mo?" pilyong tanong niya.

Maloko ko siyang tiningnan.

"Why not, right? I'm not wearing anything under this sheet too," mapang-akit kong ani.

Nanlaki ang mata ni Hunter, bago ibababa sana ang camera.

"Hoy!! Joke lang 'yon!!" pasigaw kong pigil dito saka ko sinabayan ng pagtawa ng malakas. "Masyado kang mapaniwalain!"

Tiningnan niya ko ng masama bago sumimangot.

"How's your day with your family?" he asked instead.

"It's great. We ate lunch, then we go home. Masyado kasi akong pagod kaya nagyaya na akong umuwi. Nag-grocery naman sila Kuya habang tulog ako kanina sa kotse," sagot ko. "Ikaw? What happened after we left?"

Umayos ng upo si Hunter at sumandal sa backrest ng kama.

"I go to gym, and stay there for two hours. Then I clean my condo, then eat. Go to my company to check some papers. Then Henry called me, inaya niya kong uminom kaya nag-bar muna kami sandali. Umuwi ako tas natulog, at last eto na ako. Kausap ka," mahabang kwento niya.

Tumango ako.

"Wow, kumpletong-kumpleto ah. Baka naman mamaya may kasama kayong babae do'n," pagdududa kong tanong.

Umiling siya.

"No, wala!" tinaas nito ang kanang kamay na nangangako. "We are faithful's!"

"Paanong faithful?"

"Well, I'm not looking to another girls anymore since you came in my life," halos pabulong na sagot nito. Para ba siyang nahihiya dahil biglang namula ang tenga nito.

Napakagat ako sa labi.

"What's your plan for tomorrow?" pag-iiba ko ng topic.

Nag-iba ng pwesto ang lalaki, muli itong humiga. Bumangon naman ako para bumaba sa kusina. Nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng tubig.

"I don't know yet. Ikaw? Do you have plans?"

Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Naglakad ako pababa ng hagdan. Nakapatay na ang malalaking ilaw, natira na lang ang mga maliliit at ang liwanag ng buwan para magbigay liwanag. Nagpunta akong kusina.

"Same. Wala pa."

"Hm... what if lumabas na lang tayong dalawa?" suggest nito.

Tumingin ako sa kanya. "Are you asking me out?" pilyang tanong ko.

Mahina itong natawa bago tumango. "Yes, I'm asking you out, Klyzene. Is that a yes?" nagkakamot sa ulong tanong nito.

Hindi muna ako sumagot, ibinaba ko ang phone saka kumuha ng baso sa cupboard. Lumapit ako sa red at binuksan 'yon. Kumuha ang ng malamig na tubig saka nagsalin.

Uminom ako bago tumingin ulit sa screen ng cellphone. Pinapanood ni Hunter ang mga lagaw ko. Kinuha ko ang phone saka naglakad papuntang island counter, umupo ako do'n.

"Let me think it first... depende sa kung saan tayo pupunta kung papayag ako."

"Wow... so... I need to really think kung saan ka dadalhin this time?" umiling ito. "Wait—What if I bring you to Bulacan? Norzagaray, Bulacan to be exact, and bring you to their tourist spots?" alok niya.

"Ilang araw tayo do'n?"

"Kung hanggang kaylan mo gusto. Madami naman tayong pwedeng puntahan do'n. That's a beautiful place," pagkwe-kwento pa nito.

Napangiti ako.

"Nakapunta ka na do'n?"

Tumango siya.

"Yap. Thrice. Palaging tungkol sa trabaho. Madalang ang bakasyon."

Bumaba na ako sa pagkaka-upo ko. Inilagay ko sa may sink ang baso saka binalik sa ref ang tubig. Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko.

"May naging byahe ka ba na talagang bakasyon mo lang? Or lahat puro lang sa trabaho?" curious kong tanong.

Pumasok na ako sa kwarto ko at muling humiga sa kama ko.

"Madalas, oo. Kapag may kaylangan talaga ng atensyon ko doon lang ako naalis at napupunta sa ibang lugar. Nakakapagbakasyon naman ako kapag niyaya ng kaybigan or pag stress na stress na sa trabaho."

Napatango ako.

"Hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot saan?"

"Sa pwedeng mangyari sa'yo kapag nasa trabaho ka. Alam mo 'yon pwede kang mamatay or mapahamak sa ginagawa mo," ani ko.

Malungkot niya akong nginitian.

"Hindi na. Wala rin naman kasi akong maiiwan. I don't have any family left so, its okay," mahina niyang sagot.

Nalungkot para kay Hunter. Ano kayang buhay nito noon lalo na nung mawala 'yung girlfriend niya? Ang lungkot niya siguro.

May ideyang pumasok sa isip ko.

"H-hindi mo naman siguro naisipang pumasok sa isang suicide mission, hano?" mahinang tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin.

"Actually... I have. Madami p-pero... nakaka-uwi akong buhay. Galos at minsan saksak ng kutsilyo at tama ng bala ang natatamo ko," dagdag nito.

Napangiwi ako.

"No one is taking care of you?"

Umiling siya.

Bumigat ang loob ko. I thought my life is harder than his but I was wrong. I cannot imagine his frustrations. Wanting to die but destiny doesn't give you a chance to have that. I suddenly want to hug him tight.

I gave him a warm smile.

"Tomorrow, pick me up early. We're going to Norzagaray, Bulacan," pagkasabi ko no'n ay ibinaba ko an ang tawag. Hindi pa nakakapag-react no'n si Hunter ah.

Hinagis ko ang phone sa may gilid ng kama at naglakad papunta sa closet ko. Inilabas ko ang itim kong maliit na maleta. Ipinatong ko 'yon sa ibabaw ng kama at binuksan. Lumapit ulit ako sa may closet at kumuha ng madaming pares ng damit.

I will pack three to five days clothes for our vacation.

Nag-pack rin ako ng mga bikini. Dalawang two piece at lalong three piece na dark ang mga kulay.

"Nagpa-pack ka na ng mga damit mo pero hindi ka pa nga nakakapagpaalam na aalis ka mamaya," natatawang sabi ko sa sarili.

Siguro naman ay papayag si Papa na umalis ako with Hunter. Sa Bulacan lang naman, and bakasyon. I want to visit every tourist spots in the Philippines before I leave if I can do that.

Pagkatapos ko sa mga damit ko ay nagpunta ako sa banyo para kumuha ng toiletries ko. Nagpack ako ng medyo madami just in case lang naman.

Nang matapos akong maglagay ng mga damit sa maleta ay sinarado ko na 'to at inilagay sa may gilid ng kama, pagkatapos muli akong humiga. Iniisip ko pa lang kung paano ako magpapaalam kina Papa nang muling mag-ring ang cellphone ko.

Inabot ko 'yon at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"Hey, bakit ka tumaway ulit?" tanong ko dahil sa pagkaka-akalang si Hunter ang tumawag.

"Ulit? This is the first time I call and you pick up."

Nanlaki ang mga mata ko nang mabosesan ko siya. Inilayo ko ang phone sa tenga ko at tiningan ang caller. It's Kuya Jake!

"Kuya! Why are you still up?!" gulat kong tanong dito.

"Ikaw ang bakit gising pa? Who are you talking to?" strict nitong tanong.

"A friend. Why are you calling?" pag-iiba ko ng topic.

I heard him sigh. "I don't know what happened between with you and Dad. Why did you run that night? We are all scared about your safety. Hindi mo sinasagot ang isa man sa tawag naming lahat," inis nitong sabi.

Napakagat ako sa labi.

Yap. Hindi ko sila sinasagot dahil ayokong magpaliwanag. Hindi pa masyadong nagsi-sink in sa'kin ang lahat no'n, magulo pa ang isip ko... until now naman eh. But I know I cannot run with this. Time will come at haharapin ko rin sila.

"Sorry about that," malungkot kong paumanhin. "Masyadong magulo ang isip ko. Hindi ko rin kayo makaka-usap ng maayos kaya hindi ko kayo nasasagot."

"Gusto kong magtampo dahil kay Hunter ka sumama at ni hindi man lang nagparamdam sa'min pero naiintindihan kita... Just tell me kung kaylangan mo ng kausap o kung gusto mo na kaming kausap­—"

"Thank you, Kuya... I will. I will call you kapag ready na akong maka-usap kayo," ani ko dito. Huminga ako ng malalim. "Sorry kung kay Hunter ako sumama. Hindi niyo rin naman kasi ako makaka-usap ng matino kung umuwi o nag-stay pa ako do'n. Mabuti na 'to," dagdag ko pa.

"What Dad say maybe hard for you and its okay, Black. We understand your reaction. Don't be pressure..." paalala pa niya bago ibinaba ang tawag.

Napagisip-isip ko kung kaylan ko sila maaring ma-meet... siguro pagka galing na lang namin sa Bulacan. Pagkatapos ng bakasyon namin. Yes, after na lang no'n.

Hunter's P.O.V.

BUONG araw kong hinintay ang message ni Klyzene pero dumating. Napangiti ako nang maalala ang nangyari sa'min kagabi. Hindi ko inakalang makukuha ko ang pagkababae niya. Pakiramdam ko ay hindi ako deserving pero masaya ako.

Hinaplos ko ang picture niya. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa kanya dahil kanina ay masakit ang katawan nito paniguradong pati na ang pagkababae niya. Dapat ay nagpapahinga siya pero inaya siya ni Ivan.

Gustuhin ko mang sabihin na may nangyari sa'ming dalawa pero 'di ko pwedeng gawin. Lalo na't mukhang ayaw ni Klyzene na malaman nila.

But I will make sure na magiging legal ang lahat sa'ming dalawa. I will start to court her then marry her after. Nai-imagine ko ang sarili kong pinapanood maglakad si Klyzene palapit sa'kin. What a beautiful scenery.

Sinubukan kong mag-message kay Klyzene kunggising pa 'to. Anong oras na rin kasi, nagising ako dahil sa gutom. Hindi ako nakakain ng maayos, natulog lang ako pagka-uwi ko.

Nagulat pa ako nang mag-reply siya sa'kin. Gising pa pala ito. Itinuloy ko ang pakikipag-usap sa kaniya.

UMAWANG ang labi ko dahil sa sinabi ni Klyzene. Black na ang screen ng phone ko at matagal nang natapos ang usapan naming dalawa pero hindi pa rin ako makagalaw. Nabigla ako sa sinabi nito.

T-tama ba ang pagkaka-rinig ko?

Sinabi ba niyang sunduin ko siya bukas ng umaga para pumuntang Norzagaray, Bulacan?

"Crap! Shit!" bumangon ako sa kama at tumingin sa cellphone ko. "Tama ba ako? Are we going to have a vacation?!" tanong ko kahit walang nasasagot.

Adrenaline rushed into my veins when it finally entered my head.

Mabilis akong bumangon sa kama at naglakad sa cabinet ko. Hinakot ko ang damit ko, naglagay ako sa isang maleta. Saan ko siya maaring dalhin bukas? Saan kami magi-stay? Dapat ay mag-search na ako.

Inabot ko ang phone ko sa may table. I open it and type what I want to know in Google.

I smiled when I saw a perfect place to bring her first tomorrow, for another day and to the next day hanggang sa gustuhin na niyang umuwi kaming dalawa.

Nabuo na ang mga plano ko para sa bakasyon naming dalawa.

KLYZENE'S P.O.V.

KAGAT ko ang pang-ibabang labi ko habang naka-upo sa couch at napapagitnaan nina Papa at Kuya Ivan. Nasa tabi ko ang maleta ko at kasalukuyan akong nagpapaalam na aalis with Hunter... p-pero mukha yatang hindi nila nagustuhan 'yon dahil madilim ang mukha nilang dalawa.

"Pa, malapit lang naman ang pupuntahan namin. Norzagaray, Bulacan lang po," pagpapaalam ko sa lugar na pang-ilang beses ko ng nasabi.

"Klyzene, kauuwi mo lang aalis ka na naman? Tapos kasama mo pa si Hunter," ani Papa.

Ngumiti ako ng malawak. "Pa, halos two hours lang po ang byahe papunta dito hanggang do'n. Payag ka na."

Sana madala ko sila sa pamimilit kong 'to. Tumabi ako ng up okay Kuya Ivan at hinalikan siya sa pisnge.

Inirapan niya ako.

"Klyzene, hindi gagana 'yan sa'kin," strict niyang pangunguna.

Humaba ang nguso ko.

"Sige na—"

"No! Go back to your room, Klyzene Black! You are not going with him! Panik!" ani Kuya.

"P-peroo—"

Before I even utter another word, there is someone behind the door pushing the doorbell to ring. I smiled. I confidently rest my back on the backrest and then my arms in front of my chest.

It's him.

I know it.

My brother frowned, and my father stand up to open the door for that someone. I'm just smiling.

"Don't look at me like that, brother. Just don't," nakangiting pigil ko dito.

He gave me a deadly stare.

"Who is it?"

I didn't answer him because I already saw my father walking towards us, and at his back, I saw Hunter widely smiling at me.

Tumayo ako at sinalubong ito. Huminto siya at saka magaan akong tiningnan. Inipit niya sa likod ng tenga ko ang iilang piraso ng buhok na nahulog.

"Good morning, beautiful," malambing niyang bati.

"Good morning, thunds!" ganting bati ko saka harap kina Papa at Kuya.

Ngayon ay nakatayo si Kuya katabi si Papa. Naka-pamewang pa ito at para bang hindi talaga nagugustuhan ang mga nangyayari. Masama niyang tiningnan ang lalaking katabi ko.

"Tama ba 'yan? Nauna pang nagpaalam sa'yo ang kapatid ko kasya ikaw ang ipinagpaalam siya sa'min!" masungit nitong tanong sa lalaki.

Nilingon ko si Hunter.

Awkward itong ngumiti sa kapatid ko saka kinamot ang batok.

"I'm sorry. Naunahan niya lang ako pero talagang ipagpapaalam ko siya ngayon." Tumikhim ito and tumingin kay Papa. "Sir, I'm formally asking permission if Klyzene can go with me to Norzagaray to have a vacation. It's a week trip, Sir," magalang niyang paalam kay Papa.

Napalingon ako kay Papa.

Ginandahan ko pa ang ngiti para lang pumayag siya.

Pero in fairness kay Hunter, ipinagpaalam talaga ako kina Papa at Kuya. 'Yung iba kasi ay hahayan na lang na 'yung babae ang magpapaalam sa mga magulang nung babae.

"How can I sure na aalagaan mo ang anak ko, Hunter? Baka mamaya mapahamak pa siya sa lakad ninyo," seryosong tanong ni Papa.

Tumikhim si Hunter.

"Itataya ko ang buhay ko para sa kanya, Mr. Law. Pangako 'yan," mariin nitong wika habang seryosong nakatingin sa mata ni Papa.

"Pa, don't tell me hahayaan mo si Klyzene—"

"Then, I trust you, Hunter. Bring my daughter back. Walang galos o kulang," mariing banta ni Papa bago tumingin sa'kin. Malambing na ang tingin nito. "Take care of yourself, sweetheart. Don't do something might hurt you," paalala niya.

Tumango ako at niyakap siya.

"Thank you, Pa! I will message you kapag nasa Bulacan na kami. I will send a lot of pictures!" nakangiting pangako ko.

Tumango siya at saka naglakad paalis. Mukhang hindi na niya kami ihahatid paalis.

"Alagaan mo ang kapatid ko, Hunter. Kapag may masamang nangyari sa kanya, tandaan mo, hahanapin kita at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo," inis na banta ni Kuya dito bago tumingin sa'kin. "Behave," anito.

Napanguso ako.

"I'm not a dog!" angil ko.

Inirapan niya ako.

"Alis na kayo! Gusto ko pang matulog!" pagpapataboy niya sa'kin.

Sinuntok ko siya sa braso bago kinuha sa gilid ang maleta ko't hinila 'yon palabas. Hinatid kami ni Kuya at malakas nitong sinarado ang pinto pagkalabas namin. Masama akong tumingin do'n. Paano na lang kung tumama 'yon sa'min? Atat na atat kaming paalisin?!

Tss.

Tumingin ako kay Hunter. Naka-lean siya palapit sa'kin. Matamis ko siyang nginitian. Ipinalibot ko ang braso ko sa leeg niya.

"Let's go?"

"Yes, let's go," pabulong niyang ani bago inangkin ang labi ko.

Napangiti ako habang gumagalaw ang mga labi namin sa ritmong kami lang ang nakaka-alam. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro