Chapter 122
CHAPTER ONE HUNDRED AND TWENTY-TWO
"NASABI ko na sa sarili kong anak kita kahit iba ang kulay ng mga mata mo. Inangkina na kita bilang sa'kin..."
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang hikbi.
Lumuluha siyang ngumiti sa'kin.
"D-did you ever try na ipa-DNA test ako?" kinakabagan kong tanong.
"No."
"Why?"
"Because I love your mother so much para pagdudahang hindi ka akin." Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ko alam na nagtaksil siya noon. Hindi niya sinabi. Nagmukha akong tanga nung nalaman ko, kaya sobrang galit ko na sa'yo ko naibunton."
Napatakip ako sa bibig ko.
"May nag-report sa'kin ng lahat. May nagsabi sa'king nasa bansa na ang totoo mong ama para kuhanin ka, and I'm afraid na mangyari 'yon. I cannot let him take you away from us—"
"Klyzia... kaylan niya nalaman na hindi ikaw ang tatay ko?"
"Nung first year high school kayo. Nauna siyang umuwi, narinig niyang nag-aaway kami ng Mommy mo kaya nalaman niya lahat. We make her promise na huwag sasabihin sa'yo ang totoo na ginawa naman niya."
Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko.
Nahihirapan akong huminga. Para ba akong sinasakal kasabay nang pagsakit ng ulo ko dahil sa mga nalalaman ko.
God! Ang tagal nila akong mga niloko!
Napatayo ako.
"Why did you not tell me?!" pasigaw kong tanong.
"I'm scared!"
"That's not an enough reason to lie to me! You could have told me, make me understand hindi 'yung hinayaan niyo kong magdusa!!" puno ng hinanakit kong sigaw.
Napayuko ito.
"Huli na nung ma-realize namin 'yon. We thought na tama ang ginagawa namin. Akala namin—"
"PURO KAYO AKALA!! If sinabi niyo 'yung totoo baka naintindihan ko pa! Maiintindihan ko! Pero hindi niyo ginawa! Sarili niyo lang ang iniisip ninyo!!"
"I'm sorry, Klyzene..."
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa frustration.
"You lied!" pabulong kong sumbat sa kanya. Ang hirap. Sobrang sakit pala neto. Nung iniisip ko... na marinig ang reasons nila, masakit na pero mas masakit pala kapag narinig mo na galing talaga sa bibig nila.
"I'm sorry for treating you badly. For hurting you. For making you cry... hindi ko inakala na ang mga ginawa ko ay hindi na pala tama. I just don't want to ruin our family. Ayokong mawala ang isa sa inyo sa'min... pero 'yun 'yung naging dahilan para tuluyan mo kaming iwan."
"When you left to come with them... nasa may airport ko. I'm looking at you in the departure area. I want to stop you from leaving us but my conscience stopped me. I saw how broken you are kaya hinayaan kita. Kung ang pag-iwan mo sa'min ang magbubuo sa sarili mo ay ba't ko pipigilan?"
Nagtamang muli ang mga mata namin.
"I'm sorry, Klyzene... I'm sorry for everything. Alam kong hindi mo pa ako kayang patawarin sa mga nagawa ko noon, but that's okay anak... it's okay. Daddy understands. I just want to clear things with you... ayokong mamatay na may galit ka sa'min ng Mommy mo."
Lumakas lalo ang pagragasa ng luha sa mga mata ko.
He called me anak.
He never called me that before. It's always Black or Klyzene but never Anak.
Napahawak ako sa dibdib ko.
I cannot take this anymore. I can't.
Walang paalam akong lumabas ng kusina at tumakbo palabas ng bahay. I heard my Mother calling my name but I didn't look back. I just run straight out their house.
Nang makalabas ako ay sinubukan kong maghanap ng taxi pero walang dumadaan kaya naman tumakbo na lang ako sa direction palabas ng subdivision. I run kahit na kinakapos na ako sa hininga.
No'ng nasa malayo na ako ay kusang bumagsak ang mga tuhod ko sa malamig na kalsada. Hindi ko alintana ang dilim ng paligid.
I'm hearing his voice and paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi niya. Napatakip ako sa tenga ko, after that, I hug myself.
And again... I'm alone.
----
NAGLALAKAD ako sa gilid ng kalsada without thinking na baka masagi or masagasaan ako. Hindi ko na maalala kung paano ako nakapunta dito, basta nandito na lang ako. Huminto ako sa ilalim ng isang waiting shed at saka umupo do'n.
I cussed myself.
Wala akong dalang pera, kahit phone ko wala sa'kin.
Ilang beses akong lumunok at inisip lahat ng mga sinabi ni Mr. Anderson. He was there...thinking of stopping me but he stopped himself.
Sumandal ako sa bakal na sandalan at pinikit ang mga mata. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko ma-process ang lahat.
"KLYZENE!!!"
I jumped in startle when someone calls my name.
I quickly open my eyes to saw Hunter with his darken face. Mabilis akong tumayo. Nakagat ko ang labi ko dahil sa takot sa lalaki, mukha kasi itong mananakmal anumang oras.
Dinalawang hakbang ni Hunter ang pagitan namin at saka ako kinulong sa bisig niya.
Napapikit ako at gumanti ng yakap.
"Bullshit! Kung saan-saan ako naghanap! Akala ko may nangyari nang masama sa'yo! Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam man lang!" may halong pane-nermon niyang wika. Inilayo niya ang katawan niya sa'kin. May relief na sa mukha niya.
"Don't do that again, Klyzene...please. Baka mamatay ako ng maaga kapag may masamang nangyari sa'yo," malambing nitong paki-usap.
Tumango ako.
"S-sorry kung nag-alala ka."
Huminga ito ng malalim.
"Ang mahalaga kasama na kita. Hindi ko na ulit hahayaang mawala ang mga mata ko sa'yo, palagi ka na lang nakakatakas," pagbibiro niya.
Hinampas ko siya sa braso saka muling niyakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ang mabago niyang amoy ay tumulong para mapakalma ako. Ngayon, pakiramdam ko safe ako at masusulusyunan ko ang lahat.
"Umuwi na tayo," bulong niya sa tenga ko. Naramdaman ko ang malambot na labi ni Hunter sa sentido ko pati na rin sa ulo bago ako hinila papunta sa sasakyan nito. Siya na ang nagbukas ng pinto nang passenger seat at ang nagsarado nang makapasok ako.
Umandar na kotse paaalis. Tumingin ako sa labas ng bintana. May mga kasabayan kaming kotse, mga taong nagmamadaling makasakay sa public vehicles para maka-uwi na.
Sumandal ako sa sandalan ng upuan ko. Walang pag-uusap ang namagitan sa buong byahe. Hahawakan lang ni Hunter ang kamay ko at bibitawan sandali at gano'n ulit. Minsan ay may ginuguhit pa siyang imaginary lines sa palad ko.
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa destinasyon namin. Ilang beses akong kumurap nang ma-realize na wala ako sa tapat ng condominium ko, kundi na kay Hunter. Nilingon ko siya na nag-aalis ng seatbelt.
Nagtaas siya ng tingin, kumunot ang noo nito.
"What?"
Inalis ko ang seatbelt ko saka tinuro ang labas.
"Why are we here?"
Huminga ito ng malalim. "Ahm...I have no idea kung saan mo gustong pumunta. Baka mamaya ay—"
Tinaas ko ang kamay ko para patigilin siya at tipid na nginitian.
"Don't worry. It's okay," mahinahon kong wika. Binuksan ko ang pinto at bumaba. Sinarado ko 'yon saka hinintay si Hunter na makababa. Lumapit siya sa'kin at humawak sa braso ko. Hinila niya ako papasok sa loob.
Binati kami ng guard sa main door na ginantihan kami namin ng isang ngiti. Sumakay kami sa elevator. Pinindot ko ang floor kung saan ang unit ni Hunter, sana ay hindi ako nagkakamali dahil sa tagal na nung huling punta ko dito.
Sumandal ako sa may likod ng lift, naramdaman ko ang kamay ni Hunter na bumaba sa likod ko tapos ay pumulupot sa bewang ko.
Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Do you want to take a shower first?" tanong ni Hunter pagkapasok namin sa loob ng kwartong pinapagamit niya sa'kin noon.
Nahihiyang tumango ako sa kanya.
"But I don't have clothes here," ani ko.
"A-actually you have," mabagal na anito saka ako inalalayan papanik ng second floor.
Mukhang alam ko na kung saan kami pupunta. Sa dati kong naging kwarto rito noon. Nang makarating kami sa harapan ng pintuan ay patulak na binuksan ni Hunter ang pintuan. Siya na rin ang nagbukas ng ilaw sa may gilid.
Namangha ako. Walang pinagbago ang silid na 'to.
Pumasok ako sa loob at umupo sa gilid ng kama. Nakasunod sa'kin si Hunter.
"Siguro hindi mo na gaanong naalala ang pasikot-sikot dito pero may gamit sa banyo. May mga damit ka diyan. I will be downstairs cooking our food—"
"I don't want to eat. I just want to sleep after I take a shower," mahinang ani ko.
Nakaka-intinding tumango si Hunter. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo bago tahimik na lumabas ng kwarto. Naiwan akong mag-isa. Ilang minuto nang wala ang binata nang tumayo ako't lumapit sa pinto. Ini-lock ko 'yon pagkatapos ay pumasok sa banyo. Kagaya ng sinabi ni Hunter, may gamit dito.
Isa-isa kong hinubad ang saplot ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Wala akong makitang emosyon sa mukha ko. Pagod lang. Namamaga ang mga mata ko. May mga itim itim pa na mukhang galing sa usok at alikabok.
Lumakad ako palapit sa may shower. Binuhay ko 'yon at tumapat sa ilalim. Dinama ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko. Ihinalamos ko ang palad ko sa mukha ko. Tumingala ako.
I still can hear their voices. Ang sakit sa ulo.
Nang idilat ko ang mga mata ko ay naligo na ako. Ginawa ko lahat ng mga ritwal ko bago nakatapis na lumabas. May isang towel pa akong gamit na pamunas ko ng buhok. Lumapit ako sa cabinet at binuksan 'yon.
Hunter is right. It's still full of my old clothes.
Kumuha ako ng isang loose tee at panjama. Pinabayaan ko ng basa ang buhok ko at hindi na tinuyong mabuti. Humiga ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame. Ano pa nga bang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw?
Now I learned Mr. Anderson's reason kung bakit siya gano'n sa'kin noon. And...I understand it... Umiling ako.
I want to rest. Napagod ako sa kaka-isip sa mga sinabi nila.
Tumagilid ako ng higa.
Pero what if my mother did not cheat on Mr. Anderson, ano kayang mangyayari. Maybe I wasn't born. Baka isa lang rin ang anak nila o dalawa, o kaya naman ay madami. Huminga ako ng malalim saka bumangon, humiga ulit ako.
Wala akong ideya kung anong oras na, ang alam ko lang ay sumisilip na ang araw sa bintana nang hilahin ako ng antok.
NAGISING ako dahil sa pagtama nang mainit na sikat ng araw sa balat ko. Dahan-dahan akong dumilat at inilibot ang tingin sa paligid ko. Tanghali na yata... pero inaantok pa ako. Humiga ako ulit saka muling pumikit. Nahulog ako sa malalim na pagtulog.
Napasabunot ako sa buhok ko nang bumangon ako. Binalingan ko ng tingin ang orasan sa may side table. Naghikab ako. It's already three in the afternoon. Grabe. Super late na, gano'n na ba ako kapuyat kagabi para hapunin ng gising.
"Come in!" sigaw ko nang marinig na may kumatok.
Dalawa lang naman kami dito ni Hunter kaya sino pang kakatok bukod sa kanya. Bumukas ang pintuan at sumilip si Hunter. Ngumiti ito sa'kin. I smiled back.
"Good afternoon," paos kong bati sa kanya.
"Good afternoon." Tumabi siya ng upo sa'kin. "For sure gutom ka na. Naghanda ako ng pagkain sa ibaba, let's eat?" aya niya.
Tumango ako. "Okay, I will clean up muna. Mauna ka na."
"Okay. I will wait you downstairs."
Ngumiti ako at lumabas na si Hunter. Limang minuto ang pinalipas ko bago ako nagpasyang bumangon na. Niligpit ko muna ang hinigaan ko bago ako naglakad papuntang banyo. Nag-toothbrush ako at naghilamos ng mukha.
Itinali ko ng pa-bun ang buhok ko nang bumababa na ako ng hagdanan. Ngayon ko lang napansin na may nagbago sa ayos ng unit ni Hunter, nag-iba ang mga pwesto ng gamit. May naalis at nadagdag. Kagaya na lang ng lazy chair na wala naman noon.
Lumapit ako sa may veranda. Binukas ko ang sliding door at sumilip sa labas, masarap ang simoy ng hangin. Idinantay ko ang braso ko sa baradilya, tumingin ako sa ibaba. May mga sasakyan at mga taong nagmamadaling tumawid.
"Klyzene."
"Yes?"
I didn't bother to look back kasi si Hunter lang naman 'yon.
"What do you want to drink? Hot drinks or cold drinks?" malakas nitong tanong.
Kumunot ang noo ko.
What?
Nilingon ko na ang lalaki. Nakita ko siyang nakatayo sa may pinto si Hunter, nakasuot ng apron na kulay pink. Napatawa ako dahil do'n.
I bit my lower lip.
"Cold drinks na lang siguro kasi hapon naman na," sagot ko.
Nasisiyahang tumango si Hunter bago bumalik sa kusina. Napa-iling ako. Lumakad ako pabalik sa loob ng bahay. Sinundan ko sa kusina si Hunter, naabutan ko siyang nakatayo sa likod ng sink, nakayuko to be exact at mukhang may ginagawa siya do'n.
Tiningnan ko ang mesa at namangha ako. Ang dami kasing nakahaing pagkain. May pakain kaya siya?
"Ang dami mo namang niluto," puna ko na kina-angat niya ng tingin.
Nanlaki ang mata nito.
"Hindi ko kasi alam 'yung gusto mong kainin kaya nagluto na ako ng marami," sagot niya at saka tinaas ang hawak na tray. "I bake cookies and cupcake. Later lagyan natin ng toppings," dagdag pa niya.
Napatingin ako sa hawak niyang cookies. May pagmamalaki ang boses nito. Para bang ang proud na siya sa nagawa niya.
Nginitian ko na lang siya at hindi na sumagot. Ayoko namang sumama ang loob niya sa'kin dahil sa kung anong mababanggit ko.
"So... kumain ka na ba?" pag-iiba ko ng topic.
Binaba niya ang hawak na tray at inilipat sa plato ang cookies. Hinubad niya ang gloves saka ako nilapitan.
"Nope. I'm waiting for you. Ayokong kumain ka ng walang kasabay," sweet niyang sabi.
Nag-iwas ako ng tingin saka umupo.
"Then, let's eat!" yaya ko.
I'm actually famished lalo na't hindi naman ako nakakakain ng maayos kagabi saka nalipasan na ako ng almusal at pananghalian. Meryenda na nga 'tong ikakain namin ngayon eh.
Umupo sa katabi kong upuan si Hunter. Siya ang naglagay ng isang four season na madaming eggs, nilagyan rin niya ng pork sinigang ang maliit na bowl sa tabi ng plato ko.
Nangasim ako sa kalderetang nasa harapan.
"I want kaldereta," I said.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-ngiti niya. Sabay na inabot ang kaldereta, pinaglagay niya ako sa plato.
"Thank you," malambing kong pasasalamat.
Magaan niya kong nginitian bago nagsalin ng pagkain sa sariling plato. Nag-umpisa na akong kumain samantalang si Hunter ay nagsalin muna ng orange juice sa baso naming dalawa bago kumain.
Sunod-sunod ang naging pagtango ko ng matikman ang luto niya.
Nanlalaki ang matang tumingin ako sa lalaki. Itinuro ko ang pagkain.
"THIS IS SO GOOD!!! YOU COOKED IT?!"
"Yes!" natatawang sabi niya.
"Wow! Ang sarap ng pagluto mo!"
"Thank you pero sakto lang naman ang pagkakaluto ko," nahihiyang sabi niya.
Napatawa ako. "Mahiyain si koya!" pang-aasar ko.
Nagkamot siya ng batok.
"Totoo naman kasi! Sakto lang!" pamimilit pa niya.
"Weh? Ang sarap kaya ng luto mo para kang isang professional chef!" kinuha ko ang bowl ng Sinigang. Hinipan ko muna bago humigop. Napatango ako. "Nag-aral ka ba ng cookery?" natutuwang naiinis kong tanong.
Ba't mas masarap pa magluto ang lalaking 'to kaysa sa'kin?
Tinawanan niya ako.
"Well, before kasi, pumasok ako sa mga classes about cooking and baking dahil nahilig na rin ako do'n kaya naman eto, medyo marunong na," pagpapaliwanag niya.
Napakagat ako sa labi ko.
"Ang sarap talaga!" nagpatuloy ako sa pagkain ko.
Mukhang mapapalakas ako ng kain dahil sa luto niya. Natutuwang sinalinan ulit ako ni Hunter sa plato ko.
Napatigil ako nang mapansing nakatitig sa mukha ko si Hunter. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko dahil baka may dumi pero nagulat ako ng umangat ang kamay nito para punasan ang kanang part ng lips ko.
Umawang ang labi ko.
"Nasa right side kasi 'yung dumi...." Nahihiyang anito.
Hindi na ako nagsalita at tiningnan na lang siya saka nagpatuloy sa pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro