Chapter 120
Hey guys! it's been a while since my last update, and now I'm back. HAHHAHA. well, I hope you like this chapter. Enjoy reading!
CHAPTER ONE HUNDRED AND TWENTY
NAKATAYO ako sa labas nang malaking gate nina Mr. and Mrs Anderson pero hindi pa rin ako gumagalaw. Hindi ako makagalaw. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Tumingala ako sa bahay mismo. Maliwanag at mukhang bukas lahat ng ilaw dito.
Napabuntonghininga ako.
May isang parte sa isip ko ang nagsasabing magiging okay lang ang lahat pero may nagsasabi namang may panahon pa ako para tumalikod paalis. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Nilingon ko ang katabi ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko. Nagtama ang mata namin ni Hunter.
He give me an assuring smile.
"Everything will be okay," paniniguro niya sa'kin.
Ngumiwi ako.
"Hindi ko—"
"I'm here, Klyzene, you don't have to worry. Back-up mo ko."
Lumambot ang hitsura ko dahil sa tinuran ni Hunter. Puno ng kasiguraduhan ang mukha niya at sumisigaw ng katotohanan ang mga mata. Kusang bumaba ang mga kamay ko para saluhin ang kamay niya.
Bumaba do'n ang tingin ni Hunter bago pinagsaklop ang mga kamay namin at hinawakan ng mahigpit. Nagtaas siya ng tingin, tumititig ako sa mga mata niya.
"Let's go?"
I pushed my lips to each other before nodding at him. We're holding each other's hand when we walk inside. Every time I feel scared my hands tightened and he's giving me a sweet smile.
Nakasarado ang pinto ng bahay. Huminto muna ako bago tumingin sa paligid. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko saka itinaas ang kaliwang kamay para kumatok. Nag-uumpisang manginig ang tuhod ko.
Ilang beses akong lumunok ng marinig ko ang tunog ng takong sa kabilang bahagi ng pinto.
This is it.
Calm yourself, Klyzene.
Bumukas ang pinto at sinalubong kami ng maaliwalas na mukha ni Mommy. Ngumiti siya ng malawak sa'kin pagkatapos ay lumabas para yakapin ako ng mahigpit. Nabitawan ni Hunter ang kamay ko.
Sa gulat ay hindi ako naka-galaw. Nasa magkabilang gilid ang braso ko.
"I'm so glad you made it, sweetie!!" ani Mom.
Itinaas ko ang kamay ko at akmang hahaplusin ang likod nito pero hindi ko na nagawa. Naghintay na lang ako hanggang sa matapos siya sa'kin. Nilayo ni Mom ang sarili niya sa'kin at tiningnan ako sa mukha.
Napakagat ako sa labi.
"I was waiting for you kanina pa! Akala ko nga hindi ka dadating!" ani Mom.
"I already said yes," sagot ko.
Nag-iwas ako ng tingin pero alam kong hindi pa rin naalis ang malawak na ngiti ni Mommy. Napansin kong napatingin si Mom sa katabi ko.
"Oww! You're with Hunter," gulat niyang banggit bago hinawakan sa kamay ang lalaki. "Let's go inside," yaya pa niya.
Itinulak ni Mom pabukas ang pinto at naunang pumasok sa loob. Sumunod naman ako. Magkahawak kamay kaming pumasok ni Hunter sa loob ng bahay. Walang tao sa sala pero doon nanggagaling ang isang malamyos na kanta.
Nalingon ako sa second floor ng bahay dahil narinig ko ang boses ni Klyzia at Mr. Anderson. Hindi nga nagtagal, nakita naming bumaba ang dalawa, akay-akay ni Zia ang matanda at inaalalayan ito.
Humihingan ko ng marahan dahil magkakasama na naman kami. I don't know kung anong mga sasabihin niya.
"Dumating na pala si Black!" excited na ani Zia pagkababa nila.
Tumingin ako sa kanya. Nakita kong napako ang tingin niya kay Hunter na nakahawak na sa likod ng bewang ko.
"You bring Hunter with you," mapanuksong dagdag pa nito.
Tiningnan ko siya ng masama. "Stop it."
"I'm not doing anything," aniya.
Inirapan ko siya tapos ay humarap kay Mr. Anderson. Malamlam ang mata niyang nakatingin sa'kin. Yumuko ako.
"Hinihintay na lang natin sina Jake. I'm sure paparating na sila," ani Mom. Tinuro nito ang couch. "Sit first while waiting."
Naglakad kami papunta do'n at umupo ako sa tabi ni Hunter. Magkatabi sa harapan namin sina Mr. Anderson at Mom. Si Zia ay nasa pang-isahang upuan, I wonder where is her husband. He should be here because it's a "family dinner".
Naiilang ako!
This is awkward!
Zia and Mom are smiling widely, while Hunter and Mr. Anderson are looking at each other like they're having a staring contents. And me? I'm here, sitting in a cold couch and damn! I can be deaf because of the silence.
I tap my fingers in my thighs.
Silence.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Malamig dito sa loob, malakas siguro ang AC. Hindi ko namalayang may isang taong nakatingin na pala sa'kin. Sumandal ako sa upuan ko.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang mga pictures sa gilid. Mukhang mga bago pa ito. Hindi ko lang makita kung ano-ano ang mga laman no'n. Umayos ako ng upo. Naramdaman ko ang paghawak ni Hunter sa tuhod ko. Pasimple ko 'tong nilingon, nakatingin pa rin kay Mr. Anderson ang lalaki.
Inilingan ko na lang siya.
Bahala siya sa trip niya sa buhay.
Hinayaan kong maglaro ang mga daliri nito sa tuhod ko. Napatingin ako sa kamay nito. Bakit kalmado lang ako? I mean... this man is touching my knee and I feel comfortable.
My mother cleared her throat kaya napatingin kami sa kanya.
"Do you want to drink juice or coffee? Alam niyo na we are going to wait for Jake and Katherine, knowing her napakatagal niyang mag-ayos," ani Mom na may kaunting pagtawa.
Sumama ang hitsura ko.
"She's the reason why Alex is not here pero you still accept her?" hindi ko napigilang mag-komento.
Tumingin sila sa'kin.
My mother chuckled a bit.
"Sweetie, she has your brother's son. We need to."
"Ha." I bit my lower lips. Umiwas ako ng tingin.
"Zene, it's quite alright naman. Katherine is Jaime's mother kaya naman need siya dito," ani Zia.
Hindi na ko nagsalita. Wala akong laban sa kanila. Kung anong gusto nilang paniwalaan ay paniniwalaan nila.
"I will get some drinks and foods for us," ani Mom saka tumayo at naglakad papuntang kusina.
Naiwan kaming apat sa sala.
"I will go with Mom," ani Zia na mabilis tumayo't patakbong umalis.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Hunter, tipid siyang ngumiti sa'kin. Tinanguan ko siya bago napatingin kay Mr. Anderson, mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
Tumingin ako sa orasan tapos sa pader sa harap ko.
Ilang sandali lang akong nakatulala do'n bago narinig ang boses na matagal ko ng hindi naakaringgan.
"What are you doing now, Klyzene? Where you lived?" biglang tanong ni Mr. Anderson.
Nilingon ko siya.
Nagtatanong siyang nakatingin sa'kin.
Umawang ang labi ko pagkatapos ay tumingin sa katabi ko bago tumingin ulit sa kanya. Tumikhim ako bago lumunok at humawak sa kamay ni Hunter. Gumanti ito.
"I'm g-good... l-living in my resort but when I'm here at the Metro sa condo ako n-nakatira," I stutter.
Tumango ito bago tumingin ng masama kay Hunter bago binalik sa'kin.
"He's your—"
"Ahm no..." mabilis kong sagot. "He... is special," dagdag ko pa.
"Okay," ani Mr. Anderson. "You will go back to New York."
What he said is statement and not a question.
"Maybe next week or before the month ends, it depends."
"Depends on what?"
"Kung gaano kabilis matatapos 'yung renovation ng resort."
"Hmm..."
Mahabang katahimikan muli ang pumagitna sa'ming tatlo. Tumingin ako sa kamay namin ni Hunter na magkahawak. Natural lang lahat.
"Were back!! Let's eat the coffee jelly I made! I saw it on tiktok last night. We made it kaninang umaga," ani Zia pagkapasok niya sa kaso.
Umupo ito sa tabi ko at inabot sa'kin ang hawak na baso ng coffee jelly.
Si Mom ay umupo sa kaninang inuupuan nila kanina, may kasunod na maid na may bitbit na tray. Ibinaba ito sa center table saka umalis.
"Try it, sweetie. Zia made that," may pagmamalaking anito.
Kinuha ko ang inaabot ni Zia sa'kin, tinikman koi to. It's cold. Tumango ako.
"It's nice. Yummy."
Inabot ko 'yung bas okay Hunter para patikimin rin siya ng coffee jelly. Ngumiti ako. Nakangiting tinanggap nito ang baso at tumikim rin. Nilingon ko si Klyzia.
"Try to watch on tiktok, Zene. There's a lot of videos there," suggestion niya sa'kin.
Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Anong meron do'n?" curious kong tanong.
Ngumisi sa'kin ang babae na para bang nakakatuwa ang pagiging mangmang ko.
Damn. Hindi naman kasi ako mahilig sa gano'n. I heard about tiktok but I never dared to install it on my phone. Hanggang Instagram lang ako and some games but never went there.
Naglabas ng phone si Klyzia, then, binuksan niya 'to. Ang wallpaper niya ay ang picure nilang mag-asawa. Pinindot ni Zia ang icon ng tiktok. Lumabas ang isang video ng babaeng nagsasayaw.
"This is tiktok. Well, there's a lot of videos here. Like funny videos, dance steps. Singing. POV's. Things like that," ani Zia habang nagi-scroll sa tiktok. Huminto ito sa nagluluto. Nakalagay ay Chef Hazel.
"She's a great chef. Ang sasarap nung niluluto niya," bida nito.
"Well, your mother's cook better," ani Mr. Anderson.
Napatawa si Mom dahil do'n. Hinampas nito sa braso ang lalaki saka nahihiyang tumingin sa'min.
"Diyan ka magaling! Sa pambobola!" ani Mom.
"Hindi ako nambobola, kaylan kita binola?"
"Huwag ako. Sa tagal nating magkasama, hindi mo na ako maloloko!"
"They are acting like teenagers again."
Dinig kong mahinang bulong ni Klyzia.
Nilingon ko siya.
Nakatuon lang ang mata nito sa mag-asawa, sa mga mata ng kakambal ko'y mababasa mo ang magkahalong saya at pagkamangha. Siguro ay hindi nito inaasahan ang pag-haharutan ng dalawa sa harapan namin.
Nasabi niya sa'king hindi naging maganda ang pagsasama ng dalawa.
Nag-umpisa si Mom na kausapin si Hunter. Maingay na ang buong sala dahil sa tawa nila at lakas ng boses.
----
SABAY-SABAY kaming napalingon sa bumukas na pinto. Pumasok si Katherine hawak-hawak sa kamay ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa four years old lang. Nakasuot ito ng isang black dress na hapit na hapit sa katawan nito. Nasa likuran ng babae si Kuya Jake.
Pumasok ang tatlo sa loo. Bumitaw ng hawak ang bata kay Katherine at patakbong lumapit ay Mr. Anderson.
"Pops!!!!" masayang tawag ng bata dito.
Ibinaba ni Mr. Anderson ang hawak niyang baso at ibinukas ang mga braso para salubungin ng yakap ang bata. Patalong yumakap ang bata sa matanda. Umupo ito sa kandungan nito.
"I miss you, Pops!" ani pa nito.
"I miss you too, Jaime," malambing na ani ng matanda.
"My little Klaus!" tawag naman ni Mom sa bata.
Lumingon ito. Malawak ang ngiti ng bata na mukhang hindi na sila maalis.
"Hi, mommy labs!!" umalis sa kandungan ng matanda ang bata at lumapit kay Mommy. Yumakap at humalik sa pisnge nito na ginantihan naman.
Sumunod itong lumapit kay Zia at hinalikan rin ito sa pisnge.
"Sorry na-late kami. Traffic po," ani Katherine nang makalapit na ang bata sa kanya.
Tumingin ako dito. Masama ko siyang tiningnan. Ang kapal naman ng mukha niya para magpunta pa dito. After ng mga nagawa niya.
Bumaba ang tingin niya sa'kin. May kakaibang ngisi sa mukha. Tumayo ako at sumabay naman sina Zia at Hunter dahil mukhang natakot sa kung anong pwedeng gawin ko. Nag-cross arm ako.
"And you are here..." may pang-uuyam na anito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Yes, I am, bit—"
"Klyzene."
Masama akong tumingin kay Kuya nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagbabanta ang mga tingin nito at tinuro ang bata.
"Not in front of my son."
Tumango ako at tiningnan si Katherine. Pasalamat siya't may bata. Inirapan ko ang babae saka padabog na umupo. Napatingin ako kina Mom at Mr. Anderson na nakamasid sa'kin. Hindi sila galit pero nasa mukha nila ang disappointment at pangamba.
"Who is she, Mama? Why she looks like Aunt Zia?" curious na tanong ng maliit boses sa likod.
Nilingon ko ang bata.
Nagtataka ang mga mata nito at pabalik-balik ang tingin sa'kin at sa kakambal ko. Tumawa ng mahina si Klyzia saka ako niyakap.
"She's my twin sister, Jaime. Kaya kami magkamukha," pagpapaliwanag niya.
Namilog ang mata nito.
"Twin sister?!"
"Yes!"
Tumayo sa harapan namin ni Zia si Jaime. Gamit ang mga kamay ay hinawakan niya kami sa magkabilang pisnge. Ngumuso pa ang mata at mukhang hinahanap ang pinagka-iba naming dalawa,
"Anong ginagawa ni Hunter dito?" biglang tanong ni Kuya Jake.
Napatingin kami sa kanya.
"I'm with him," sagot ko saka tumayo. "Nagpasama ako."
Sumama naman ang tingin ni Kuya kay Hunter bago tiningnan si Mom.
"Let's eat, Mom," aya ni Kuya at mag-isang nagtungo sa kusina.
"Hehehe... let's go in the kitchen. Mukhang gutom na gutom si Jake," pagpapagaan ni Mom ng atmosphere sa paligid.
"Well, he did not take the food I gave him kanina while waiting for me, kaya siya siguro gutom," ani naman ni Katherine.
Tumayo ako at umirap.
"No one cares," pabulong kong sagot bago naglakad sa kitchen. Naramdaman ko ang pagsunod ni Hunter sa'kin dahil ramdam ko ang paghawak nito sa'kin bewang.
Pagpasok ko ng kusina ay bumungad sa'kin ang mesang puno ng pagkain. Naghanda talaga siya para sa gabing ito.
Ipinaghila ni Mr. Anderson si Mom ng upuan sa kanan. Si Zia naman ay umupo sa kaliwa ni Mr. Anderson, tapos may iniwang isang bakante para siguro kay Henry. Ipinaghila ko ni Hunter ng upuan sa pinaka-dulo. Umupo naman sa harapan namin sina Kuya, Jaime at Katherine.
"Kumain ka ng madami, Klyzene, niluto ko lahat ng paborito mo and I hope you like it, sweetie," malambing na sabi ni Mom.
Tumingin ako dito at tipid siyang nginitian.
Inabot ni Hunter 'yung isang klaseng ulam at ipinaglagay ako sa plato ko. Nilingon ko siya at nginitian.
"Thank you," mahinang sabi ko.
"So, where's Henry? Bakit late yata siya?" puna ni Mr. Anderson.
"May importante lang pong ginawa. He will be here."
Hindi ko na napansin ang pinag-uusapan nila dahil busy ako sa paglalagay ng kaunting pagkain sa plato ko. Napatigil ako ng magsalita si Katherine.
"Kaylan ka aalis ng Pilipinas, Klyzene?" malamig na tanong ni Katherine.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Wala ka ng pakialam do'n," mataray kong sagot bago nag-umpisang kumain.
"Ha." Nakita ko ang pag-taas niya ng kilay. "Actually meron. I'm a family, ikaw?" mang-asar niyang tanong.
Sasagutin ko sana ang babaeng 'to ng biglang marinig namin ang malakas na pagbagsak ng kubyertos ni Mr. Anderson. Walang emosyon ang mukha nito nang harapin si Katherine.
"Stop talking."
"What? I'm just saying the truth," pagdadahilan pa ni Katherine.
"At least hindi ako nang-agaw ng may asawa ng may asawa," pagpaparinig ko.
"Klyzene Black!" ani Kuya.
"What?!" pasigaw kong tanong dito nang lingunin ko siya. "Totoo naman ah. She's a bitch and a mistress, flirt, a sl—"
"And what do you think to yourself?! An angel? Anak ka lang naman sa ibang lalaki ng nanay mo—"
Kinuha ko ang baso ng tubig sa gilid ko't binuhos ko sa mukha niya. Naramdaman ko ang paghawak ni Hunter sa tuhod ko pero hindi ko 'yon pinansin.
"Don't talk to my mother like that," madiing banta ko.
"STOP IT, YOU TOO!" mariing sigaw ni Mr. Anderson.
Sabay kaming tumingin sa kanya. Padabog na siyang nagpupunas ng bibig niya.
"Nasa harapan tayo ng pagkain at nagtatalo kayong dalawa! This is supposed to be a great night for my wife and yet you're ruining you too!" pagalit niyang sabi.
I shook my head. If I was nervous back then, now I am mad. This is not what I think will happen pero nangyari na.
Aalis na dapat ako nang magsalita si Mr. Anderson.
"Stay there, Klyzene Black. Give this night to your mother," he said in an almost pleading voice.
I look at my Mom.
She's sad. Her eyes are shouting all the emotions she cannot say. I nod. I saw a relief in her eyes then.
Pasimple akong tumingin kay Hunter, tahimik lang siya at nagmamasid lang.
"What's a bitch?"
Napatingin kami sa bata na nakikinig pala sa'min. Curious ang mga mata niyang nakatingin sa'min.
Umawang ang labi ko bago nag-iwas ng tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro