Chapter 119
a/n: shirt update lang po muna dahil busy talaga 'yung sched ko sa school ngayon. Andami nilang pinapagawa kaya kaylangan kong mag-focus do'n. Susubukan kong mag-update ulit pero hindi ko alam kung kelan na, medj sabog din ako sa walang tulog nitong mga nakaraang araw, hehehe.
thank you! enjoy reading! hope you like it.
CHAPTER ONE HUNDRED AND NINETEEN
PAGKATAPOS naming mag-usap ni Klyzia ay tahimik kaming pinanood ang kalmadong dagat. Nang medyo dumilim na ay nagpaalam itong papanik muna sa second floor dahil may importanteng gagawin na hinayaan ko naman.
Tumingin ako sa may labas, nandoon pa rin ang kotse ni Hunter, ang ibig sabihin ay hindi pa rin siya umaalis. Nasaan kaya sila ni Kuya?
Natawa ako sa naisip ko.
Baka kaya naglunuran na doon ang dalawang lalaki o kaya naman ay nabarilan na?
Tumayo ako at akmang susunduin na sila Kuya ng makita ko silang papalapit na. Mukha namang kalmado at walang pilay ang mga ito. Hawak ni Kuya sa kanang kamay ang shotgun.
"I'll support you but if you hurt her I will break your neck..."
Humarang ako sa harapan nila.
"Anong pinag-uusapan niyo?" curious kong tanong.
Sabay tumingin sa'kin ang dalawa, si Kuya ay inirapan ako samantalang si Hunter ay ngumiti ng matamis. Tumabi ang lalaki sa'kin.
"Wala naman," sagot nito.
Hindi naniniwalang tumingin ako sa kanila.
"Buti hindi kayo nagpatayan," sarcastic kong wika. Kinuha ko sa kamay ni Kuya ang baril saka tumingin dito. "Lagot ka kay Papa. Kanina ka pa hinahanap," pagsisinungaling ko.
Kumunot ang noo niya.
"Bakit daw?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know. Puntahan mo na siya."
Ni hindi ko nga alam kung nasaang parte si Papa ng resort, hindi ko pa siya nakaka-usap simula nung makabalik ako dito. Hindi na nagsalita si Kuya saka umalis na't iniwan kaming dalawa.
Pareho kaming nakasunod ng tingin sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin namin.
"Hindi siya hinahanap ng father niyo, right?"
Napalingon ako sa natutuwang nagsalita. Kagat labi akong ngumiti dito. Inilingan niya ako.
"Naughty," anito.
"Anong ginawa niyo't gano'n kayo katagal?" nagtatakang tanong ko.
Ngumiti siya sa'kin at inakbayan ako.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako umangal. Naglakad-lakad kami pampalipas oras.
Makikita mo na sa kalangitan na magtatapos na ang araw. Nagiging kulay kahel na ang kulay ng tubig. Lila na at itim ang ibang bahagi ng kalangitan. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Nagiging maalon ang dagat.
"Ano nga?" pangungulit ko.
Tiningnan niya ako.
"Sa'min na lang 'yon," sagot nito at kinurot ang pisnge ko.
Napanguso ako.
"WHY?!"
"Kasi I said so!" aniya.
Inirapan ko siya at tinulak.
"Don't talk to me!" inis kong sabi bago tumingin sa babae at namulot ng kabibe.
"I will tell you soon, promise."
Lumingon ako.
"Promise?"
"Yes." Tinaas pa niya ang kanang kamay na parang nananako.
Binalik ko ang tingin ko sa hawak na kabibe. Maganda ang kulay niti at ang hugis. Katulad nung sa Moana na inilagay sa ibabaw ng mga bato. Umupo ako at saka kinuha ang pinakamalapit sa'king shells.
Umupo siya sa tabi ko.
"Anong ginawa mo pagka-alis mo kanina?"
"Nakipag-usap ako kay Zia. Sinabi ko sa kanyang pupunta ako sa family dinner."
"What's her reaction?"
Binitawan ko ang hawak ko.
"Happy."
Tumingin ako sa kanya.
"I'm actually scared," pag-amin ko.
Kinunutan niya ako ng noo.
"Why?"
"Mahirap i-explain..."
Hinila niya ako payakap. Wala ng naging usapan sa pagitan naming dalawa. Ang alam ko lang ay pareho kaming nakatingin sa dagat habang pinapanood ang tuluyang paglubog ni Haring Araw. Tahimik kaming lumakad pabalik sa Hotel. Inanyayahan ko siyang sabayan na kaming maghapunan pero tumanggi siya. May gagawin pa raw siya sa resort kaya mauuna na siya.
Sa kusina ako nagpunta. Naabutan ko si Ate Riley na nagluluto habang nanunuod sa cellphone ng Mexican Novela.
Tumabi ako sa kanya.
"Wag mo kong tanungin," pangunguna niya sa'kin.
"I didn't say anything."
"Hmp! I know nandito ka para magtanong!"
"Hindi kaya..."
"Hindi daw."
Tiningnan ko ang niluluto nito. Squid Adobo with Gata ang niluluto ni Ate. Kinuha ko ang isang kutsara saka tinikman ang sabaw ng niluluto nito. Napatango ako. Ang sarap.
"Basta magka-away kami ng Kuya mo huwag ka ng magtanong ng ibang detalye," anito.
Tumahimik na lang ako at napanguso. Siguro si Kuya na lang ang tatanungin ko mamaya. Dahil wala akong magawa, gumawa na lang ako ng sawsawan ng inihaw na tilapia. Lumapit ako sa ref at binuksan 'yon. Kumuha ako ng kalamansi saka sinarado ang pinto. Mula sa used na cutting board, hiniwa ko ang kalamansi saka piniga sa isang mini bowl. After no'n, kinuha ko ang toyo at nilagyan ng siling labuyo.
Inayos ko ang table sa may dirty kitchen. May mahabang table kasi do'n kung saan usually kumakain ang staff tuwing break nila. Naglagay ako ng plato sa ibabaw gano'n na rin ng mga spoons and fork. I called Zia to tell her the food is ready, she said okay then I hang up. I didn't bother to call Dad and Kuya because I know Ate Riley will do that na.
Mabilis lang kaming kumain, walang pansinan ang dalawang magkaybigan. Si Dad ay hindi bumaba dahil gusto na daw nitong magpahinga. Kaya apat lang kaming kumakain. Hanggang matapos kami walang kibuan.
PARANG tinangay lang ng hangin ang mga oras. Nasa Syudad na ulit ako. Araw ng biyernes at hindi ako mapakali. Umupo ako sa sofa para lang tumayo ulit. Nakagat ko ang kuku dahil sa inis.
"Argh!!!"
Upang maiwasan ko ang pagkaburyong ay kinuha ko ang shoulder bag ko saka sinuot. Naglakad ako palabas ng unit. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang basement. Lumabas ako ng lift, nilapitan ko ang kotse ko saka sumakay sa loob.
Nag-drive ako paalis.
Kagabi pa ako naririto. Maaga akong umalis dahil traffic sa daan. Bukas ay start na ng pagmamahal ng gas, para makamura nagpa-full tank na ako bago magmahal. Kasama ko dapat si Hunter na luluwas pero sinabihan niya akong mahuhuli, sinabi niyang sabay na kami aalis kaya lang ay ayoko kaya nauna na 'ko.
Si Zia naman ay sinunod ng asawa nung nakaraang araw gamit ang private helicopter nila dahil may naging emergency. Ni magpaaalam ay hindi ko na nagawa.
Ngayon pa lang siya luluwas.
Sabihin ko kaya magkita na lang kami sa labas? Kinakabahan kasi ako para mamayang gabi. Ayoko man pero 'yon talaga ang nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim saka bumaba sa kotse ko ng mai-park ko 'to sa may gilid. Sumandal ako sa pinto saka tumingin sa langit.
Damn!
Pumikit ako ng mariin saka tiningnan ang café na nasa harapan ko. Lumakad ako papunta do'n. Dito na lang ako magpapalipas ng oras habang hinihintay si Hunter. Nag-order ako ng isang cake at chocolate drink dahil wala naman silang milk.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin ang mga pwedeg mangyayari mamayang gabi. Nago-overthink na naman ako. God! Hindi ko maiwasan. I-I want to be civil with them but I still have issues...
"Something seems bothering you," ani Hunter habang naglalakad kami paalis ng mall.
Nung dumating siya ay inaya niya akong mag-mall to buy some present na dadalhin namin mamaya. He bought an expensive red wine and a matcha cake. I don't know why he take that cake. Hindi naman masarap.
Sumakay ako sa passenger seat ng kotse ko. Yes, we are going to use my car. He left his car in the parking lot. I bit my lower lip while looking at Hunter. He's putting the wine and cake in the backseat.
Naglakad ito papunta sa driver seat. Nag-suot ng seatbelt bago tumingin sa'kin.
"Are you ready?"
Kagat labi akong tumango sa tanong niya. Tumingin ako sa labas ng bintana. Narinig kong nagbuntonghininga si Hunter, umandar na ang sasakyan paalis. Kung pwede ko lang pabagalin ang oras ay ginawa ko na.
Habang papalapit kasi kami sa bahay ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa dinner mamaya. Sumandal ako sa upuan.
Naramdaman ko ang paghawak ng isang mainit na bagay sa kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mga hita ko. Tumingin ako sa katabi ko.
"Your hands are cold..." puna niya.
"I'm scared," pag-amin ko.
Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Hunter pagkatapos niyang tumingin sa'kin. Kinuha niya ang palad ko't hinalikan ang likod no'n na lumikha ng tunog. Umawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya.
Ngumiti siya sa'kin bago ibinalik ang tingin sa kalsada.
Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. Sinasabi ng utak kong alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero ayaw gumagaw ng katawan ko. Hindi kumikilos ang katawan ko. Imbis na hilahin ay bumalik ako sa ayos ng upo ko kanina. Nakatingin ako sa labas ng bintana.
This is bad. So bad.
Nagiging komportable na naman ako kay Hunter... masama 'to. Ang gusto ko'y makapag-let go pero walang communication.
No communication pero nakipaghalikan ka? He got your second kiss. Ani ng isang bahagi ng utaka ko.
Bumalik na naman sa isip ko ang pagdampi ng labi niya sa'kin.
Kaylan ko ba makakalimutan 'yon?!
At bakit ko siya hinayaang halikan ako? Hindi na ba talaga ako nadala?! Nung unang beses niyang nakuha ang mga labi ko, wala ring paalam pati ba naman sa second kiss gano'n pa rin?
Pero nag-enjoyy—
Mabilis akong umiling dahil sa naiisip. Nope! Hindi ako nag-enjoy.
Nagising na lang ako sa malalim kong pag-iisip ng huminto ang sinasakyan naming kotse. Tumingin ako sa harapan. Naka-red light pala kaya nag-stop. Base sa lugar kung nasaan kami ay malapit na 'to sa bahay.
Ramdam ko ang pag-pisil ni Hunter sa palad ko.
Tumingin ako sa kanya. Nag-aalala siyang nakatingin sa'kin.
"What?" tanong ko.
"How are you feeling?" malambing niyang tanong.
Napakamot ako sa noo ko tapos binalik ang tingin sa labas.
"Nervous," mahina kong sagot pero alam kong umabot 'yon sa tenga niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro