Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 118

CHAPTER ONE HUNDRED AND EIGHTEEN

PARA bang naparalisa ang buo kong katawan, hindi ako makagalaw. Kumakabog pa rin ng malakas ang dibdib ko at nanghihina ang mga tuhod. Kung hindi siguro ako yakap ni Hunter ay dadausdos ako pababa.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang labi nito sa likod ng tenga ko. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para humawak sa braso niyang nakapalibot sa bewang ko.

"A-ano bang—"

Humigpit ang yakap niya sa'kin. "Sandali lang. Please. D-don't be mad at me after," pabulong nitong paki-usap.

Dumilat ako at nilingon ang lalaki, nakapikit ito saka mahinahon ang paghinga pero panay ang marahas na pag-angat ng Adams apple.

Naramdaman niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya nagdilat siya. Our eyes met and I think, everything became slower than usual. I gulped when I saw his gray eyes. At that moment, I'm already drowning in it.

Gradually the man's dace approached. I stiffed. When there was only a few inches between our faces, I closed my eyes. My grip on his arms tightened as a soft object touched my lips.

Nakikiliti ang tiyan ko't nagwawala ang mga paru-paru sa loob. Inumpisahang igalaw ni Hunter ang mga labi niya. Nung una'y hindi ako makasunod sa galaw ng labi nito hanggang sa sinunod ko ang instinct ko.

Hinarap ako ni Hunter sa kanya tapos ay inilagay ang kamay sa batok ko. Itinagilid niya ang ulo ko para mapalalim ang halikan namin. Ipinalibot ko ang braso ko sa leeg nito at gumanti ng halik kahit 'di ako marunong.

Pareho kaming walang pakialam kung may makakita man sa'ming dalawa.

Naghiwalay lang ang mga labi namin nang maubusan na kami ng hangin sa katawan. Dumilat ako at nagtama ang mata namin ni Hunter. Namumungay ang mga mata niyo, malambing siyang ngumiti sa'kin at hinawakan ako sa pisnge.

Nag-init ang mukha ko ng ma-realize na nakipaghalikan ako sa lalaki.

Yumuko ako.

Narinig ko ang mahina niyang tawa at ang pag-baba ng isang kamay sa bewang ko para alalayan ako. Ramdam ko ang paghalik nito sa ulo ko. Mariin akong pumikit saka napasubsub sa dibdib niya.

"I won't say sorry for kissing you," bulong niya.

Hindi ako makasagot.

"Hey..." tawag niya sa'kin.

"Hmm."

"A-are you mad at me?"

Kinagat ko ang labi ko. Dahan-dahan akong umiling. Nag-angat ako ng tingin, nakangiti sa'kin ang lalaki.

Nanlalaki ang mata kong napahawak ako sa labi ko. Umawang ang labi ko ng mapagtanto ang isang bagay.

I LOST MY FUCKING FIRST KISS!!!!!

Nang makabawi sa nangyari ay tinulak ko siya palayo sa'kin.

Nagulat siya.

"Bwisit ka!!! Kiss stealer!!" nainis kong sigaw sa lalaki.

Nag-taas siya ng kamay sa ere kasabay ng mahinang pagtawa. Dahil sa inis ay kinurot ko ang katawan nito, umaaray ito pero tinatawanan lang ako.

"I thought hindi ka galit? Bakit ka nangungurot?!" natatawang nasasaktang tanong ni Hunter sa'kin.

Ikinuyom ko ang kamao ko at sinuntok ito sa balikat at dibdib.

"Kanina 'yon no'ng hindi ko pa nare-realize 'yung ginagawa mo!!" inis kong wika.

Tinawanan niya ako. Hinuli niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. Umiwas ako ng tingin.

Naglakad ako patalikod sa kanya pero bago pa ako maka-isang hakbang ay nahawakan na niya ako sa braso at muli akong hinarap sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto ko ng umalis dahil hiyang-hiya na ako sa mga nangyari.

"Iiwanan mo na naman ako," nagtatampong anito.

Inirapan ko siya at binawi ang braso ko. Nag-cross arm ako.

Bakit 'na naman' ang ginamit niyang salita? Kaylan ko ba siya iniwan? Napa-irap ako sa isip ko bago seryosong humarap sa lalaki. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Unti-unti ng bumalik sa dating tibok ang puso ko.

"Ano ba kasing gusto mo?!"

"I-tour mo ko."

"At bakit?"

"Syempre, ako lang naman ang business partner mo. 'Di ba dapat alam ko rin ang pasikot-sikot dito."

He has a point.

Nagbuntonghininga ako bagao tumango. Sumilay ang nagwawaging ngiti sa labi ng lalaki. Nauna akong tumalikod at naglakad sa kanya, ramdam kong nakasunod siya sa'kin. Hindi ko muna siya dadalhin sa hotel, madalas naman kasi siya do'n.

Nasa may beach area na kami kung nasaan ang mga in-order ni Kuya na cottages. 'Yung iba do'n ay two rooms and 'yung iba'y two beds ang kaysa sa loob.

Sumabay nang paglalakad sa'kin si Hunter.

"Who made this cottages?" curious niyang tanong habang naglilibot ng tingin.

"I don't know. Kuya ordered this when I was in Manila kaya I don't know kung sino 'yung gumawa," sagot ko.

Tumango ito.

"When did you have this resort?" sunod nitong tanong.

Nagpakawala ako ng hangin saka naglakad ulit. Ngayon ay papunta kami sa may activity area dito sa may beach. Dito makikita 'yung speed boats, boats, and iba pang gamit na pang-dagat.

"This is my father's gift to me on my eighteenth birthday."

"Wow."

"Yap."

I am already used to that reaction. Every time I tell people that my resort is a debut gift, they will be shocked or amazed.

"This is where you can find the equipment's, things, and everything," medyo tamad kong wika. Hinarap ko ang lalaki. "Do you want to check inside?"

"Kung pwede."

Humarap ako sa pinto. Binuksan ko ang pinto at tinulak ito pabukas. Pumasok ako sa loob. Nakita ko kaagad ang mga gamit sa loob. Medyo malaki kasi ito at ang un among makikita ay 'yung mga malalaking gamit.

"Nasa dulo 'yung gamit pang diving, snorkeling, scuba diving," ani ko.

Naglakad kami pahiwalay ni Hunter, sa kanan ito dumaan at sa kaliwa naman ako. Pinabayaan ko lang siyang maglibot-libot.

Hinawakan ko ang mga gamit. Tiningnan ko ang likod ng palad ko, nangitim dahil sa alikabok. Umiling ako.

Later, sasabihan ko si Ate Riley na palinisan 'tong mga gamit dito.

"Matagal ng hindi nagagamit ang mga ito," puna ni Hunter.

Ipinagpag ko ang kamay ko.

"Oo. Nag-uumpisa na kasing malugi ang Resort dahil kakaunting tourist ang nagpupunta kaya iilan lang din 'yung nagagamit."

"That's why you go back here? Dahil nalulugi na ang resort?"

"Oo." Humarap ako sa likod, nakipagtitigan ako sa malaking Bangka na para bang nakikita doon si Hunter. "After this, babalik na rin ako sa New York."

"Babalik ka pa?" gulat niyang tanong.

Napatawa ako ng mahina.

"Oo naman. I still have one year left." Lumakad ako papunta sa lalaki. Nakita ko itong nakatayo sa harapan ng mga gamit pang scuba.

Humarap siya sa'kin.

"Uuwi ka pa ba dito pagkatapos mong mag-aral sa New York?" medyo kinakabahan niyang tanong.

Kumunot ang noo ko.

Anong problema ng lalaking ito? Bakit kung makapagtanong ay—huminga ako ng malalim. Umiling ako. Tama na 'to.

Bored akong tumigin sa kanya.

"Let's go," yaya ko.

Nauna akong maglakad palabas ng lugar. Hinayaan ko ng bukas ang pinto. Naglakad ako pabalik sa Hotel. Narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Hunter.

"Klyzene!! Wait for me!!"

"Faster!"

Mabilis namang nakasunod sa'kin si Hunter. Sabay kaming naglakad papunta sa may kabilang bahagi ng beach. May rock formation sa may dulo. Medyo delikado na kapag iikot ka sa kabilang bahagi ng mismong island kung nasa'n ang hotel ni Hunter.

Umupo ako sa buhangin.

Si Hunter naman ay tumayo malapit sa may tubig. Nababasa na ang paa nito.

Huminga ako ng malalim at malungkot na napatingin sa dagat. Pumasok sa isip ko ang text message sa'kin ni Mommy kanina. Napapikit ako. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Dumilat ako saka tumingin sa paligid. Nagbuntonghininga ako ulit.

"Are you okay?"

"Y-yeah."

Hunter chuckle a bit, umupo ito sa tabi ko't tiningnan ako sa mata. Napanguso ako.

"My mom invited me to attend their 'family dinner'. I don't know what to answer," I said.

"Okay. Ano bang nararamdaman mo? Can you face them?"

Nagkibit balikat ako at nag-iwas ng tingin. "I don't know. I-I can naman pero... uncomfortable kasi..." pabulong kong ani.

"That's understandable, pero hanggang kaylan ka magiging uncomfortable na makita or makasama sila? It's been four years na, Klyzene. Kung hindi ngayon, kaylan mo sila haharapin?" tanong niya.

Napa-isip ako sa sinabi nito.

He is right. Kaylan ako magiging comfortable if hindi ngayon? Napakagat ako sa labi dahil sa isang ideyang pumapasok sa isip ko.

Bahala na.

"Can you accompany me that night? Just give me support."

Umawang ang labi ni Hunter dahil sa sinabi ko. Halatang nagulat siya dahil ako ang naki-usap para samahan niya ako. Bumaba ang mata ko sa tenga nito, namumula ang tenga nito. Gamit ang kaliwang kamay ay hinawi nito ang sariling buhok papunta sa likod bago tumayo at nagsusuntok sa ere sa ilang layo.

Napatawa ako sa inakto nito.

Patakbong lumapit siya sa'kin. Nag-lean sa harapan ko.

"Are you really asking me to accompany you to your family dinner?" naninigurong tanong niya.

Tumango ako.

Bago pa ako makapagsalita ay mabilis na niya akong nayakap. Nagulat pa ako at hindi na ako makahinga sa sobrang higpit nito. Ang saya naman niya ata ng dahil lang sa gano'n.

Ihiniwalay niya ang katawan sa'kin.

Akma niya akong hahalikan ulit nang may galit na boses ang nagsalita sa likuran namin.

"TRY TO FUCKING KISS MY SISTER, AND I WILL BLOW YOUR BRAIN, HUNTER WINCHESTER!!"

Pagulat kong natulak ang lalaki at mabilis na tumayo. Nanlalaki ang matang nakatingin ako sa nagsalita sa likod.

Si Kuya Ivan, may hawak na isang shotgun habang nakatutuk kay Hunter na ngayon ay nakatayo na rin sa tabi ko.

Napalunok ako.

Ano bang nangyayari sa kapatid ko? Ganito ba talaga kapag hindi siya pinapansin ni Ate Riley nagiging bayolente? Halata naman kasi sa mukha ni Kuya na hind siya nagbibiro. Baka mamaya ay barilin niya talaga si Hunter, gastusin pa namin.

"Lumapit ka nga sa'kin, Klyzene Black! Lumayo ka sa lalaking 'yan!" pagalit na utos ni Kuya.

Tumalima ako at dinalawang hakbang ang pagitan namin magkapatid. Pumuwesto ako sa likuran niya. Natatakot akong tumingin kay Hunter na kalmado pa rin ang expression hanggang ngayon.

Mamamangha sana ako kung hindi ko lang alam na dating nagtra-trabaho sa isang agency si Hunter.

Hinawakan ko sa balikat si Kuya para pakalmahin siya.

"Kuya, ibaba mo na 'yang baril!" kinakabahang utos ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama.

"Anong ginagawa mo dito kasama si Hunter?! Hindi ba't magkasama lang kayo kaninang umaga tapos magkasama na naman kayo ngayon?!"

Ngumiwi ako.

"Kuya, business partner ko si Hunter. Nandito sira para maglibot—"

"At anong lilibutin niya?! 'Yang mga labi mo! Kitang-kita ko kayo kanina dito, kung hindi pa ako nagsalita baka mamaya may kababalaghan na kayong ginagawa!" akusa niya.

Pagalit ko siyang tiningnan.

"Grabe ka naman sa'kin!!"

"Talaga! Be thankful na ako ang nakakita sa inyo at hindi si Papa kung hindi yari 'yang lalaki mo."

Sinimangutan ko siya.

"Hindi ko lalaki si Hunter!"

"Ivan, huwag mo ng pagalitan ang kapatid mo. Ako ang nag-insist na i-tour niya ako sa palogid," pagpapaliwaag ni Hunter.

Bumalik ang matalim na tingin nito kay Hunter.

"Wala akong pakialam! Dumadalas ang dalaw mo dito, Hunter. Huwag ka lang magkamali," banta ni Kuya Ivan.

Napakamot ako sa batok ko bago hinawakan ang braso ni Kuya. Ipinilit kong maibaba 'yon para hindi siya makabaril ng kung sino. Ibinaba naman niya.

"Kuya, stop it! Wala kaming ginagawang masama!"

"Let him, Klyzene. I'm not scared of guns," singit ni Hunter.

Tumingin ako sa lalaki at pinanlakihan siya ng mata. Tinaas nito ang dalawang kamay sa ere tapos ay ngumiti sa'kin.

"Kung hindi pa ako dumating ay baka mamaya may ginawa na kayo—"

"Do you trust me?" biglang tanong ko.

Tumigil siya at tiningnan ako.

"Of course—"

"Then I can't see it!" binitawan ko siya saka nag-tatampong lumayo.

"Klyzene—"

Huminga ako ng malalim tapos ay tinuro ko si Hunter habang nakatingin kay Kuya.

"Andito ka na naman. Ikaw na lang ang mag-tour kay Hunter, aalis ako," ani ko dito.

Nakita ko ang pag-angal sa mukha niya pero hindi ko 'yon pinansin. Nilingon ko si Hunter.

"I will tell you na lang kung kaylan and what time mo ako susunduin," pagkasabi ko no'n ay lumakad na ako palayo sa kanilang dalawa.

Bahala silang magsama do'n, kahit magbarilan sila okay lang sa'kin basta 'wag lang sa harap ko.

Mabilis akong nakabalik sa Hotel. Nasa may pool area si Klyzia kaya do'n ako nagtuloy. Tinabihan ko siya ng upo dahil double lounge chair ang inuupuan niya. May kausap ito sa phone, mukhang asawa niya dahil kinikilig ang babae.

"Oo na. I miss you too, babe.... Of course. Malapit ka naman ng umuwi dito, right?" nakita ko ang pag-ngiti ni Zia sa kausap at ang unting panlalaki ng mata kasabay ng pagpula ng labi. "H-hoy!"

Umiling ako.

Inilabas ko ang sariling phone at nagpunta sa Instagram. Matagal-tagal na rin simula nung huli akong nakapag-post ng update. Gaya ng dati ay dagsa ang notifications ko. Tiningnan ko ang iba do'n tapos ay umalis na rin. Nag-scroll ako.

Unang bumungad sa'kin ang post ni Linda.

Naka-swimsuit na pula ang babae habang nakatayo may tubig. Kitang-kita mo ang magandang hubog ng katawan ng kaybigan ko.

What if mag-post din ako? Hmm... nasa beach naman ako, pwede. Yes, mamaya kapag nagyaya akong mag-swimming.

Nilingon ko si Klyzia na kabababa lang ng cellphone. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"What are you doing down here?" tanong niya.

Sumandal ako sa sandalan ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Na-bored ako sa taas... plus Hunter came para magpa-tour. Nakipagpalit ako kay Kuya," pagpapaliwanag ko.

Matamis niya akong nginitian tapos inakbayan. Medyo may kaba sa mata nito. Mukhang alam ko na kung bakit.

"Mom called me kahapon. She asked me your number—"

"I know. She texted me this afternoon," pagpuputol ko sa sasabihin niya.

Umawang ang labi niya.

"A-are you not mad?"

Umiling ako. "Why would I? I mean... that's okay. It's not that... Uhm... big deal."

Para namang nakahinga ng maluwag ang babae. Nakita ko ang pag-kagat ng labi ni Zia. Lumayo siya sa'kin.

"Edi nasabi na sa'yo ni Mommy 'yung family dinner na mangyayari?" tanong niya.

"Yes."

"And... what's your answer?" curious niyang tanong.

Tumingin ako sa dagat.

"I will go..." mahinang ani ko saka tumingin sa kapatid.

Impit na tumili si Zia at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. Halata mo ang saya sa mukha niya dahil parang mapupunit na ang pisnge niya sa lawak ng ngiti niya.

"Really?!"

"Yeah."

"Yey!!!" mabilis niya akong hinila palapit sa kanya, mahigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

Gumanti ako ng kaunti, ang hindi na makahinga ay natawa na ako. Tinapik ko siya.

"Hoy! Hindi na ako makahinga, sobrang higpit ah!" natatawang puna ko.

Tumingin siya sa'kin. Malamlam ang mga mata niya, may tipid na ngiti. Parang may kung anong humaplos sa dibdib ko dahil sa hitsura nito.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"I know... 'yung sasabihin ko sayo, baka isipin mo inuutusan kita pero... sana mapatawad mo sila Mommy and Dad," pa-umpisa nito.

Hindi ako nagsalita at pinakinggan lang ang sasabihin niya.

"Like me, I know may iba silang rason kung bakit nila nagawa 'yon." Nag-iwas siya ng tingin. "And I hope, sana masabi rin nila 'yon sa'yo kasi you deserve it. Alam kong mahirap. Pero I hope talaga."

Tumango ako.

Malungkot siyang ngumiti sa'kin.

"Minsan gusto kong masaktan kasi kakambal kita pero hindi ko inintindi 'yung nangyayari sa'yo, I feel like I left you behind and hindi kita minahal."

Umiling ako sa kanya.

"If hindi nangyari sa'kin lahat ng pinagdaanan ko siguro hindi ako ganito katatag ngayon. Wala siguro ako sa kinakalagyan ko ngayon," ani ko. "I do deserve the explanation but I will not asked them anymore. Hahayaan kong sila ang kusang magbigay no'n kasi I am now okay with or without it."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro