Chapter 117
CHAPTER ONE HUNDRED AND SEVENTEEN
AFTER kong mag-shower ay lumabas ako ng banyo wearing white robe and my undergarments then nakita ko na lang sa ibabaw ng kama ang damit na suot ko kahapon. Kinuha ko 'yon at mabilis na nagbihis. Lumabas ako ng kwarto ng makapag-ayos na ako.
Nakita ko sa sala si Hunter, nagbabasa ng magazine habang naka-upo sa may sofa. Nang isarado ko ang pintuan ay lumingon siya sa'kin. Nagulat pa ang binata saa dali-daling ibinaba ang hawak, lumapit siya sa'kin.
"Are you ready?" marahan niyang tanong.
"Yes," sagot ko.
Sabay kaming naglakad palabas ng unit. Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang buong sala ng dahil mabilis kaming umalis. Sumukas kami ng elevator. Ako ang pumindot sa lobby button sa may gilid. Nasa likuran ko ang lalaki.
Mula sa may salamin sa harapan namin, nakita kong nakatitig siya sa'kin. Soft ang expression ng mukha nito, hindi nakangiti pero hindi rin naman galit. Calm lang. Nag-iwas ako ng tingin.
Nang bumukas ang pinto ng lift ay lumabas kami. Madaming bumati kay Hunter, madaming ngumiti. Ang daming tao ang nagkalat sa paligid. Siguro dahil umaga na nga't mga gising ang tao.
Nagpunta kami sa may beach. May nakahandang lamesa na roon na may dalawang upuan na magkaharap. Napangiti ako sa ganda ng set-up nito. Inalalayan niya 'kong makababa sa may hakbang, nakapunta kami kaagad do'n.
Ipinaghila niya ako ng upuan.
Umupo ako do'n.
"They give us American breakfast, but if you want to eat seafood I can tell them," he said.
"This is good for me," ani ko.
Kinuha ko ang plato ng bacon at naglagay sa plato ko. I'm famished.
Napatingin ako sa gilid ko ng iniwang maliit na bagay do'n ang lalaki. Kumunot ang noo ko. Inabot ko 'yon saka binasa ang pangalan.
It's a medicine.
"For headache," pabulong nitong sabi.
Something touched my heart. Yumuko ako.
"Thanks," pasasalamat ko.
Mahabang katahimikan ang namayani sa'ming dalawa habang nag-umpisa na rin siyang kumain. Ipinaglagay ako ng melon juice sa baso ni Hunter. Tapos ay ipinaglagay nito ang sarili. Tahimik akong kumain, rinig na rinig ko ang huni ng mga ibon pati na ang alon na nanggagaling sa dagat.
This is what they called calmness.
Ang sarap sa pakiramdam.
Nag-angat ako ng tingin kay Hunter, kalmado lang itong kumakain. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa mukha nito bago ilang beses kumurap dahil sa napagtatanto.
PAGKATAPOS naming kumain ay niyaya na akong umalis ni Hunter para ihatid ako sa hotel namin. Sumakay ako sa passenger seat at sa driver seat naman ang lalaki, then he drive away.
Habang nasa byahe ay nakatingin ako sa labas ng bintana. Medyo nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa araw. Sumandal ako sa upuan at pumikit. Napangiti ako.
Namalayan ko na lang na nasa harapan na pala kami ng Hotel ko. Inalis ko ang suot kong seatbelt, saka binuksan ang pinto sa gilid ko. Bumaba ako. Napalingon ako sa kaliwa dahil narinig kong bumukas at sumara ang pinto do'n.
"Where are you going?" nagtatakang tanong ko.
"Inside."
"And why?"
He frowned. "Ayaw mo ba 'kong papasukin? I need to talk to your father to explain."
Tumango ako. Lumakad na ako papunta sa Hotel, walang tao as usual pero naririnig dito sa labas 'yung ingay. Mukhang nasa second floor pa rin sila. Pumasok kami sa loob. Nakita ko si Ate Riley na nakatayo sa likod ng front desk.
Nag-angat si Ate ng tingin sa'ming dalawa. Namilog ang mata nito pero kaagad rin 'yong napalisan ng malisyosang tingin at mapang-asar na ngisi.
"Uyyy... good morning!" pa-kantiyaw nitong bati.
Pinandilatan ko siya.
"Morning," tipid kong bawi.
Nilapitan namin si Ate. Binitawan ni Ate Riley ang ginagawa tapos nag-cross arm.
"Nasaan sila, Papa?" nagtatakang tanong ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid.
"Tulog pa yata. Pero 'yung hudas mong kapatid umalis at nagpuntang bayan," aniya.
Tumango ako.
"Okay—"
"KLYZENE!!!!"
Muntikan na akong mapatalon sa gulat dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan ko. Napalingon rin si Hunter.
Nakatayo sa may pinto si Zia, hawak ang isang basket.
Naka-suot siya ng isang two piece na kulay pink. Patakbo siyang lumapit sa'min. binitawan ang hawak niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Gumanti ako.
Humiwalay ako sa kanya.
"Kaylan ka pa naka-uwi?" nakangiting tanong ko.
Ipinalibot nito ang braso sa bewang ko.
"Last night. Ihinatid ako ni Henry pero bumalik din siya sa Manila."
"Ow..."
Umangat ang tingin ni Zia sa balikat ko. Sinundan ko ang matalim niton tingin. She's looking at Hunter.
"What are you doing here?" masungit na tanong ni Zia.
Napakamot sa noo si Hunter, mukhang problemado ang lalaki.
"Hinatid ko lang si Klyzene—"
"At bakit mo naman hinatid—" namilog ang mata ni Zia nang mukhang masagot nito ang sariling tanong. Gulat siyang tumingin sa'kin. "YOU SLEPT WITH HIM?!"
"OF COURSE NOT!" malakas kong sagot.
Tinakpan ni Klyzia ang bibig at para bang hindi naniniwala sa'kin.
Hinarap ko si Hunter.
"Tell her I didn't sleep with you!!" pamimilit ko.
Mukha itong nabigla. Hinampas ko siya sa braso.
"Hunter!!"
"Yes!!" hinarap nito ang kakambal ko. "I didn't sleep with her. Mayroon siyang sariling kwarto kagabi."
"Hmp! Sure ka?!"
"Yes. I will not do that to her kung hindi siya ang nag—" nag-iwas ng tingin ang lalaki.
Namula ang pisnge ko.
Hinampas ko ulit ang lalaki tapos naiinis na humarap sa kambal ko.
"Wala ngang nangyari sa'min! Stop na! Ayoko na!" tumalikod ako sa kanila at pumunta ng elevator. Sumakay ako sa lift saka pinindot ko 'yung penthouse button.
Narinig at nakita ko pa silang nagtawanan bago tuluyang sumara ang pinto. Sumimangot ako. Damn! Nakaka-inis!
Pagdating ko sa kwarto ko ay humilata ako ng higa sa kama at nagpahinga. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
HAPON na ng muli akong bumaba ng hotel. Naabutan kong umiinom ng kape sina Papa at Kuya, lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan sa may gilid. Mapanuri akong tiningnan ni Kuya na ikinakunot ng noo ko. Si Papa naman ay binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
"Good afternoon, sweetheart. You have a good nap?" malambing nitong tanong.
I nod.
"Yes. My head is bit hurting but I can handle it."
Inabot sa'kin ni Papa ang tasa nito ng kape. Mukhang hindi pa naman nagagalaw dahil mainit pa. Humigop ako. Tiningnan kong mabuti si Kuya na nagla-laptop rin.
Ibinaba ko ang laptop ko sa may gilid, binuksan ko 'to pagkatapos ay nag-open ng email para mag-check. Medyo malapit na rin akong bumalik sa New York kaya dapat mag-ayos-ayos na ako ng mga gawain para ipa-pass ko na lang if hindi aabutin sa deadline.
"Where did you sleep last night? You look so tired," puna ni Kuya.
"He bring me in one of his room in the Hotel. I swim kasi last night so I look so tired," sagot ko dito.
Mukha kasing pinagdududuhan niya ako.
"How sure are you na iniwan ka niyang mag-isa do'n?" pang-iimbestiga pa nito.
Bumuntonghininga ako saka siya tiningnan sa mata. Seryoso ito ngayon at walang kangiti-ngiti sa labi.
"I am sure..." pag-uumpisa ko. "I t-trust him," medyo may alinlangan kong ani.
"Good."
Inirapan ko si Kuya at kay Papa tinuon ang atensyon. Bahala nga siya diyan. Ang sungit-sungit niya. Ano kayang nangyari sa lalaking 'to?
Inilapit ko ang upuan ko kay Papa.
"Bakit masungit siya?" I asked.
My father laughed while looking at me. Ibinaba niya ang hawak na newspaper at umakbay sa'kin. Sumandal ako sa dibdib nito.
"He fights with Riley, and I think she doesn't want to talk to him," pabulong nitong sagot.
"¿De Verdad? ¿Por qué?" tanong ko (Really? Why?)
He shrugged his shoulder. "¿Quién sabe? Acabo de verlos peleando en la playa."
Tiningnan ko si Kuya. Kaya pala bugnutin ang lalaki kasi hindi pinapansin ni Ate Riley. Ano kayang pinag-awayan nilang dalawa? Isang gabi lang akong nawala pero mukhang marami ng nangyari.
Umayos ako ng upo. Malokong tumingin sa kapatid.
Hmm...
"Ay!! Hindi pinapansin ni Ate Riley!" mahinang pakantang pang-aasar ko.
Napansin ko ang pagtigil nito sa pagtipa. Nag-angat siya ng ulo at masama akong tiningnan na mas lalong nagpangisi sa'kin.
"Nakita mo si Ate Riley, Kuya?" pa-inosente kong tanong.
Hindi niya ko sinagot.
"Nasaan si Ate Riley?"
"Ba't di kayo magkasama ni Ate?"
"Galit siya sa'yo?"
"STOP. IT. KLYZENE," madiin niyang wika.
Nang-aasar ko siyang tinawanan. Tumayo ako at patakbong pumasok sa Hotel. Pumunta ako sa second floor kung saan may nagre-renovate.
Pagbukas ng lift ay lumabas ako. Mabilis akong umilag sa ambang mahahampas sa'kin ng mahabang tubo. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kung sino man 'yon.
Bumaha ng takot ang mukha ng isang trabahador. Mabilis nitong nabitawan ang hawak na tubo at nanginginig na lumapit sa'kin.
"P-pasensya na po, m-ma'am!! H-hindi ko po sinasadya!" kinakabahan niyang ani.
Tumigil sa ginagawa ang ibang tauhan, 'yung iba'y napapatingin sa'min.
"O-okay lang," tipid kong sagot bago umayos ng tayo.
"What's happening there?" narinig kong tanong ng isang malambing na boses galing sa kung saan.
Umiwas ang mga tauhan sa pagdaan ng kung sino. Namilog ang mata ni Zia habang nakatingin sa'kin. Naka-suot ito ng fitted jeans at white na blouse. May suot rin siyang hard hat pam-protekta sa ulo kung sakaling may bumagsak na kung ano.
"Black, what are you doing here?" tanong niya sa'kin.
"Nagtingin-tingin lang ako dito," ani ko.
"Give me helmet," utos nito sa isang tauhan. Inabutan naman siya ng isa saka sinuot sa'kin. "Gusto mong makita ang improvement ng second floor?" tanong niya.
"Yes."
Nagpunta kami sa unang kwarto. Nakabukas ang pinto kaya naman nakita ko kaagad ang loob. Tumango ako bilang pag-sang-ayon.
"Marami na palang nagagawa dito."
"Yes, actually next week papunta na kami sa third floor. Nagpatawag pa ako ng ibang tauhan para magawa agad ang fourth floor ng sabay."
"That's a great idea."
"I know."
Nagpunta kami sa veranda ng pinaka-huling kwarto sa right side. Ang sariwa ang simoy ng hangin.
"Can you finish it before I leave the country?"
She looked at me.
"I cannot say it right now pero I will try."
I nod.
Ngumiti ako sa kanya bago nagpaalam na bababa na. Tinanguan naman niya ako. Lumakad ako papuntang elevator, sumakay ako sa loob. Pinindot ko ang lobby saka naghintay.
Sa kusina ako nagpunta pagkalabas ko. Nag-luto ako ng meryenda kong okoy. I remember Ate Riley, making one kaya alam ko kung paano gumawa. Hindi man perfect pero at least I still can eat it.
May nakahiwa ng squash or kalabasa and kamote kaya iluluto ko na lang. Kumuha ako ng cornstarch saka nilagyan ng tubig. Pinaghalo ko ang dalawa para hindi mag-hiwa-hiwalay ang mga ito.
Pagkatapos kong magluto ay bumalik ako sa penthouse at do'n kumain. Nanunuod ako ng video lesson namin nang tumunog ang alert tone sa cellphone ko.
Mabilis kong ini-pause ang video. Tiningnan ko ang nag-message. I frowned when I saw it came from an unregistered number. My hands become shaky when I open her message.
Why do I feel something I don't like will happen?
09*********
Klyzene, my sweetie, this is Mom. I get your number to your sister... don't be mad at her. Gusto lang sana kitang i-invite sa Friday na dito na mag-dinner sa bahay. We want to have another family dinner. Ipapakilala namin sayo si Jaime.
Text back if you are interested to come. We will surely be happy if we can see you here.
I love you <3
Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng mag-sink in sa'kin lahat ng nabasa ko. Binitawan ko ang phone saka napatingin sa screen ng laptop. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko para basahin 'yung messages.
Napapikit ako.
Hindi ko alam ang isasagot ko kay m-mommy. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako dahil 'di naman ako kabahagi ng pamilya nila.
Napasabunot ako sa sarili ko.
Hindi ko na natapos ang pinapanood ko dahil lumabas na ako ng kwarto para makapag-isip-isip ng maayos dahil kung magi-stay pa ako sa kwarto ay baka tuluyan na akong mag-break down.
Sa dalampasigan ako nagpunta upang tahimik. Medyo malayo 'to kumpara sa madalas napupuntahan ng mga tao at sa madaling makita. Hinayaan kong makipag-laro ang mga alon sa paa ko. Ipinatong ko ang ulo sa tuhod ko.
Kung pupunta ba ako do'n ay anong mangyayari?
Kaka-usapin na ba nila ako?
Magagalit ba sila?
Madami pang naging tanong sa isipan ko habang nakamasid sa dagat. Sumasakit na ang ulo ko. Humiga ako sa buhangin saka pumikit.
Isang oras yata akong nasa may gilid ng dagat bago nagpasyang bumalik na sa kwarto. Tumigil ako sa paglalakd ng makita ang isang sasakyan na nakaparada sa harap. Kilala koi yon dahil do'n ako sumakay para maka-uwi kanina.
Patakbo akong lumapit sa sasakyan, saktong pagbaba ni Hunter. Iba na ang sout na damit, naka-simpleng t-shirt na lang at khaki shorts. Malapad siyang ngumiti sa'kin.
"Hello," bati niya.
Tumaas ang isang kilay ko.
"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko. "Andito ka lang kanina ah," puna ko pa.
Sumimangot ang lalaki.
"Bakit ba ayaw mo 'ko dito? Gusto mo na bang palayasin ako?" medyo masungit na may kahalong pagtatampong anito.
"Of course not, I'm just nagtataka," sagot ko.
Huminga siya ng malalim at tipid akong nginitian. Tumingin ito sa dagat saka humarap ulit sa'kin.
"Gusto kong maglibot sa beach niyo. Pwede?"
"Oo naman. Ipapatawag—"
"Gusto kong ikaw ang mag-tour sa'kin," pagpuputol nito sa sasabihin ko.
Sinimangutan ko siya. Namewang ako.
"Bakit kaylagan ako pa?"
Nginisihan niya ako.
"Kasi gusto kita..."
Namilog ang mga mata ko't kumabog ng malakas ang dibdib ko sa binitawang salita ni Hunter. Parang nag-slow motion lahat sa'kin, ang ngisi ni Hunter na nauwi sa halakhak. Ang pag-init ng buong mukha ko dahil sa hiya.
Yumuko ako at pinaglaruan ang kuko.
"A-anong pinagsasabi mo?!" kunwaring naiinis kong tanong hbang naka-iwas ng tingin dito.
Nakita ko ang pag-angat ng paa ni Hunter papunta sa'kin, indikasyon na naglalakad ito palapit kaya napa-atras ako.
Tumigil ang paa nito.
Hindi ko alam kung anong hitsura o emosyon ang meron sa mukha ni Hunter dahil nakayuko ako pero hindi naka-iwas sa pandinig ko ang paghinga nito ng malalim at ang mainit nitong tingin sa ulo ko.
"Kasi gusto kitang maka-usap about sa Partnership natin," sagot nito pagkalipas ng ilang segundo. "Bakit? Ano bang naiisip mong ibig kong pakahulugan?" medyo may pang-aakit na nitong tanong sa dulo.
Matapang akong nag-angat ng tingin sa lalaki.
Nagtama ang mga mata namin.
"WALA!" laban ko dito.
Nginsihan niya ako.
"Anong wala? Eh, bakit gano'n 'yung reaction mo kanina?" may pang-aasar niyang tanong.
Napanguso ako. Ano bang klaseng tanungan 'to?!
"Hindi ka ba hinahanap sa hotel mo? D-do'n ka na lang. nakaka-istorbo ka dito!" taboy ko sa lalaki.
"Grabe ka sa business partner mo makapagpalayas ah!" akusa nito.
Nainis ako.
"Hindi grabe 'yon!" madiin kong wika.
Imbis na makipagtalo ay tinawanan ako ulit ng lalaki. Malapit ko ng isiping isa akong clown sa past life ko dahil lagi na lang nila akong tinatawanan. Ano 'yon? Ako ang kanilang dose of happy pill?!
Dahil sa inis kaya Hunter ay tumalikod ako at akmang aalis na para iwanan ang lalaki ng may matigas na bagay ang pumalupot sa aking bewang. Humampas din ang katawan ko sa malaking dibdib.
Natigilan ako ng ma-realize kung anong ginawa ni Hunter.
Niyakap niya ako patalikod.
Ipinatong ng lalaki ang baba sa balikat ko kaya ramdam ko ang maiinit nitong hininga sa leeg ko.
Maraming beses akong lumunok at nabibingi sa kabog ng dibdib ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro