Chapter 116
CHAPTER ONE HUNDRED AND SIXTEEN
AFTER ten minutes ay nakarating na kami sa resort ni Hunter, it has a name "Paradise of Fantasy."
"Yeah."
"Why did you name your resort like that?"
Naglakad kami papunta sa may isang mansion. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. May Hotel sa kanang bahagi. Nagtatakang tumingin ako kay Hunter.
"Bakit dito tayo?" naguguluhan kong tanong habang panay ang tingin sa may hotel.
Nilingon niya ako.
"Andito 'yung pinaka-office namin. May kukunin lang tayo sandali pagkatapos ay pupunta tayo sa hotel," anito.
Hindi na ako kumibo.
Pinagsawa ko ng tingin ang sarili ko. May mga cottages sa may bandang beach. Ano kaya 'yon? Room din?
Madaming puno ng niyog sa paligid na may mga duyan sa pagitan ng dalawang puno. May mga tao pa ring nasa beach kahit gabi na. 'Yung iba ay nagpa-party at 'yung iba ay kalmado lang sila do'n.
Pumasok kami sa Mansion. Wala ng tao pero bukas ang mga ilaw. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. May pa-spanish style ang bahay. Mukhang gano'n na 'to kaluma pero matatag pa rin. Huminto kami sa gitna ng salas, tapos ay tinuro ni Hunter ang couch.
"You can sit there while waiting. I will be quick," anito.
Tumango ako saka lumakad palapit sa couch. Umupo ako. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag-alis nito para pumanik sa second floor ng mansion. Sumandal ako at nag-relax.
At kagaya nga ng sinabi ni Hunter ay mabilis lang ito. May dala nang maliit na paper bag ang binata pagbaba niya. Sunod naming pinuntahan ay ang mismong hotel nila. And I can say na super sulit ng ibabayad ng tourist dahil sa ganda nito.
May malaking chandelier sa may gitna ng mismong lobby na may yellowish na ilaw sa itaas.
"Sir Hunter!!"
Sabay kaming napalingon ni Hunter sa sumigaw. Nang galing 'yon sa may elevator. Nakatayo ang isang maliit na lalaki, may hawak na isang folder. Patakbo itong nagpunta sa'min.
"Bakit, Bobby?" rinig kong tanong ni Hunter.
Nakita ko ang pag-abot ni Hunter sa hawak na folder ng lalaki. Binuklat 'yon ni Hunter.
"Okay na po 'yung lunch niyo. Nasa may rooftop na," ani nung lalaking may pangalang Bobby.
Tumango si Hunter dito.
"Okay." Ibinalik nito ang folder sa lalaki bago tumingin sa'kin. "Tara?"
Nauna na akong maglakad sa kanya. Sumakay kami ng elevator. Si Hunter ang pumindot ng last floor sa itaas, tumapat siya sa'kin. Nakatingin ako sa harapan, samantalang si Hunter ay nasa may floor numbers sa itaas.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumukas na ang elevator at lumabas kami ni Hunter. Hinawakan ako ng lalaki sa braso. May hagdan pa kaming aakyatan kaya naman naka-alalay sa'kin ang lalaki.
Tinulak ko pabukas ang pinto.
Bumungad sa'kin ang isang cute na table, may kandila sa ibabaw ng table, may mga pa flowers din.
Tumaas ang kilay ko.
"Anong meron?" naglibot ako ng tingin sa paligid.
Kitang-kita ang malawak na dagat sa pwesto ko. Naglakad ako sa may gilid at saka tumingin sa ibaba.
"Dinner."
Hinila niya ako papunta sa table. Ipinaghila pa niya ako ng upuan. Umupo naman ako. Umupo sa harapan si Hunter.
"Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin pero nagpahanda ako ng mga best-selling namin dito."
Tumango ako.
Kumuha ako ng sarili kong pagkain, gano'n rin ang ginawa niya. Beef with broccoli ang kinuha ko. Ipinagsalin pa ko ni Hunter ng juice sa baso ko.
Nag-umpisa kaming kumain.
"Madaming activities ang nagagawa ng mga tourist kahit na gabi," puna ko.
"Yes. This is suggested by my business adviser."
"You have business adviser?" gulat kong tanong.
Tumango siya.
"Before, pero ngayon ay wala na," anito.
Nagpatuloy kami sa pagkain.
NANG matapos kami ay nagpadala pa si Hunter ng halo-halo as our dessert. Ayoko kasi ng ice cream dahil masyadong common and nakakasawa. Mabuti nang kumain neto, madalang naman ako makatikim.
Kinuha ko ang baso ng tumig at uminom after kong maisubo ang last bite ng pagkain ko.
Tiningnan ko si Hunter na hanggang ngayon ay pinapanood ako.
Naiilang akong nag-iwas ng tingin dahil sa maiinit nitong titig. Tumingin ako sa dagat, kung kanina'y maalon ngayon naman ay kalmado na ito.
Napangiti ako.
"The sea is so calm," puri ko habang nakatingin sa dagat.
"It is."
Nilingon ko si Hunter, 'di ko man lang namalayang nakatabi na pala siya sa'kin. Pareho kami ngayong nakatingin sa dagat. Walang nagsasalita sa'min, tahimik lang kami. Sinusulit at dinadama ang sandaling naririto.
"Gusto mo bang mag-swimming?" tanong niya.
Namilog ang mata ko sa tanong niya. Tumango ako na ikinangiti ng lalaki. Hinawakan niya ako sa braso at hinila ako pababa. Sumakay kami sa elevator, si Hunter ang nagpindot ng lobby. Sumandal ako sa may gilid.
Ilang sandali kaming naghintay bago bumukas ang elevator. Lumabas kami ng lift. Patakbo akong lumabas ng hotel ng binata. Hinubad ko ang suot kong damit saka lumusong sa tubig. Malamig ang tumig, dahil malalim na rin ang gabi.
Sumisid ako sa ilalim nang nasa gitna ng tiyan ko ang tubig. Napatili ako nang umahon ako. Tumingin ako sa dalampasigan. Naka tayo siya doon habang nakamasid sa'kin. I wave my hands at him, before diving at the sea.
Pinagsawa ko ang sarili ko sa ilalim, umahon lang ako nang mauubusan na ako ng hininga. Masaya sana mag-skinny dipping ngayong gabi kaya lang ay may mga tao sa paligid. Madami-dami rin sila kahit na madilim na.
Nag-floating ako sa ibabaw ng tubig. Nakatingin ako ngayon sa madilim at malawak na kalangitan, napupuno ito ng mga kumikinang na tala at ang bilog na buwan ay siyang nagsisilbing pandagdag liwanag.
Nang magsawa ako ay tumingin ako sa dalampasigan ulit. Kumunot ang noo ko ng walang nakitang Hunter.
"Nasaan kaya siya?" tanong ko sa sarili.
Lumangoy ako paahon para hanapin ang lalaki. Ayoko namang mag-stay mag-isa dito mag-isa, wala naman akong kakilala dito.
Pag-ahon ko'y namataan ko kaagad ang damit kong nakatabi sa isang towel, may dalawang bote rin ng tubig dito. Kinuha ko ang towel at nagpunas ng katawan. Umupo ako sa buhangin. Malamig pero kaya ko pang magtagal.
"Nakaahon ka na pala."
Napalingon ako sa nagsalita.
Si Hunter, nakatayo ilang dipa mula sa'kin. Bumaba ang mata ko sa hawak niya sa magkabilang kamay. May tig-dalawang bote sa palad nito.
Tumaas ang kilay ko.
"Anong—"
"I want to enjoy the night, uubusin ko ang mga ito kapag hindi ka uminom," pangunguna niya sa'kin.
Hindi na ako nagsalita't umayos na lang ng upo. Tumabi sa'kin si Hunter, inalisan ng takip ang bote saka nag-aalangang inabot niya sa'kin ang bote. Kinuha koi to at saka tumungga. Dumaan ang pait sa lalamunan ko, umubo ako ng kaunti.
Nginisihan ako ni Hunter saka tumungga rin.
Tumingin ako sa dagat. Ginaya ako niya ako.
Tumagal ng isang oras at kalahati ang pag-tambay namin sa may beach. Nakaka-ilang bote na rin kami ng beer.
Ang init na ng pakiramdam ko, nahihilo na rin ako. Natawa ako. Mukhang tinamaan ako ng limang boteng beer.
Namumungay ang matang nilingon ko si Hunter. Nabitawan ko ang hawak kong bote at napahiga sa buhangin. Tumawa ako habang nakatingin sa langit.
"Ang ganda ng mga stars!" puri ko dito.
"Yeah... maganda nga."
Lumingon ako sa kausap ko. Nakatingin siya sa'kin habang namumungay ang mga mata. Tinawanan ko ang hitsura nito. Binato ko siya ng kaunting buhangin bago tumalikod ng higa. Naging malalim ang paghinga ko. Hindi ko na namalayang nadala na pala ako ng antok.
HUNTER'S
NAKATITIG ako sa likuran ng dalaga. Makinis ang likuran nito, nakasuot lang ng two piece ang babae kaya sigurado akong nilalamig ito. Hinubad ko ang polong suot ko pagkatapos ay ipinatong sa katawan ni Klyzene. Ayoko naman siyang magkasakit ng pulmunya.
Napangiti ako ng tumagilid paharap sa'kin ang babae.
She pouted her lips and it went slightly open. She look so calm while sleeping. I can see her long eyelashes, thick eyebrows... god.
My heart is beating fast.
Napangiti ako.
Maingat kong inangat ang kamay ko para haplusin ang mapula nitong pisnge. Napaganda talaga niya kahit kaylan.
May kakaibang pakiramdam ang bumalot sa dibdib ko. Para siyang pamilyar na hindi, dahil, hindi ko mapangalanan pero ay naramdaman ko na noon. I feel contended.
Huminga ako ng malalim at saka nag-lean para halikan ang babae sa noo. Gusto ko siyang yakapin ngunit natatakot akong magising siya't isiping inaabuso ko ang kahinaan niya. Bumaba ang mata ko sa mukha nito.
Naharangan na naman ng ilang piraso ng buhok ang mukha nito kaya inalis ko 'yon.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Madaming lasing ang nagkalat kaya minabuti ko ng buhatin si Klyzene na parang bagong kasal pagkatapos ay naglakad ako papunta sa Hotel. Nagtatakang nakamasid sa'min ang mga tao. 'Yung iba'y mukhang kinikilig pa.
Pumasok kami sa elevator at pinindot ko ang sixth floor. Naghintay ako ng ilang minuto para bumukas ang lift, lumabas ako. Binuksan ko ang pinto ng room thirty eight. Pumasok kami sa loob.
Ihinaga ko sa queen size bed ang babae. Itinaas ko ang covet hanggang sa leeg nito.
Kinuha ko ang phone ko nang mag-ring iyon. Nag-register ang pangalan ni Ivan. Sinagot ko ang tawag.
"What is it, Ivan?"
"My sister is with you. What time will you bring her home?" strikto nitong tanong.
Napatingin ako sa nahihimbing na Klyzene.
"She's already sleeping. Nag-inuman kami kaya nalasing," saad ko.
Matagal na hindi nagsalita ang lalaki sa kabilang linya. Napakamot ako sa batok ko.
"I'm sorry, I didn't know na hindi siya marunong uminom at mabilis malasing. I don't want to wake her up but if you want to. I will do it," ani ko.
I know, maybebad shot na ako sa kanila dahil hinayaan kong maglasing ang babae imbis na pigilan.
Rinig ko ang pag hinga ng malalim ng lalaki.
"Don't wake her up. Please, let her stay in one of your rooms and I'll pay it. Leave her alone," anito.
Napatawa pa ako.
"Okay. Huwag ka ng magbayad. Nasa kwarto na rin si Klyzene and I will leave her na. I will tell to my crew na huwag gisingin or istorbohin ang babae."
"Thanks."
Ibinaba ng lalaki ang tawag pagkatapos ay ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko. Binuhay ko ang ceiling fan upang hindi mainitan ang babae kahit papaano. Tumingin ako kay Klyzene, yumuko ako saka siya hinalikan siya sa noo.
Nang makontento ay lumabas na ako ng kwarto nito. Naka-lock ang pinto at may isinabit akong 'do not disturb' sa may doorknob para walang istorbo sa mahal ko.
KLYZENE'S
WHEN I woke up I have this splitting headache. When I feel like I'm going to throw up, my eyes wide open, and left the bed to run in the bathroom. I vomit in the sink.
Madiin akong napapikit nang matapos akong sumuka. Nanghihinang napa-upo ako sa tiles. Sumandal ako sa may bowl saka dumilat ng kaunti. Tiningnan ko ang paligid. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilala kung nasaan ako.
Sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang magpagtantong wala ako sa sariling banyo. Mabilis akong napatayo at hindi ininda ang sakit ng ulo. Patakbo akong lumabas ng banyo. Nanlalaki ang matang inilibot ko ang tingin sa silid. Hindi pamilyar sa'kin ang kinaroroonan ko.
Mas lalo akong natakot dahil wala akong suot na damit kundi two piece. Nanginginig ang mga kamay ko habang naghahanap ng damit sa paligid. Inaalala ko ang nangyari kagabi—wait—napa-upo ako sa kama.
I was with Hunter yesterday! Yes—I remember it now! I look around again and sigh. Maybe, I'm in one of his hotel rooms.
Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Maganda ang silid. May isang queen size bed sa gitna ng kwarto, merong maliit na lounge area sa may gilid malapit sa sliding door palabas ng balcony. May isang ceiling pa na nagbibigay ng malakas na hangin, may AC rin sa gilid.
May dalawang side table, at dalawang pintuan rin. 'Yung isa'y papuntang banyo na nilabasan ko kanina, 'yung isa ay siguradong palabas na ng silid. Umupo ako sa may gilid ng kama.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ako sa loob ng banyo para kunin ang bathrobe at sinuot 'yon. Saktong paglabas ko'y ang siyang pagpasok naman ni Hunter. May hawak na dalawang paper bag sa kanang kamay.
Nagulat pa ang lalaki nang makita ako pero mabilis siyang nakabawi para nginitain ako ng malapad.
"Good morning! Gising ka na pala," bati niya.
Nakita kong ibinaba ni Hunter ang hawak nitong paper bag sa may ibabaw ng kama. Tinaas nito ang long sleeve hanggang sa siko nito.
He gave me a sweet smile.
"We can have breakfast outside the hotel, in the beach."
"Why didn't you bring—"
"Don't panic! Don't be mad at me!!" mabilis niyang ani habang nakataas ang kamay na para bang pinapatigil ako. "Y-your brother called me last night. Sinabi kong hindi ka makaka-uwi dahil lasing ka na't ayoko namang gisingin ka pa."
Nag-cross arm ako.
Tiningnan ko siya ng mabuti. Sinuri ko kung talaga bang nagsasabi siya ng totoo.
"Don't look at me like that. I'm saying the truth," habang sinasabi niya iyon ay inilalabas nito ang cellphone saka inabot sa'kin. "Look at my phone, there is no password. You can see the call history."
Inirapan ko siya at padabog na kinuha ang cellphone. Binuksan ko 'to, kagaya ng sinabi ng lalaki ay walang password. Ang wallpaper nito ay isang babaeng nakatalikod habang nakaharap sa beach nanunuod ng sunset. Sumingkit ang mata ko dahil parang pamilyar ito sa'kin.
Iwinaksi ko 'yon sa isipan ko.
Pinindot ko ang call history nito at nag-swipe pataas. Kumalma na ako. Tama nga ang sabi nito, tumawag si Kuya at two minutes silang nag-usap. In-exit ko ang app saka inabot sa lalaki. Hinarap ko siya.
Ngumiti siya sa'kin.
"Naniniwala ka na?"
Tumango ako. Kinagat ni Hunter ang pang-ibabang labi saka itinuro ang mga paper bag sa kama.
"I washed your clothes and hinihintay na lang ma-iron. Those are your undergarments."
"Thanks."
Tipid itong ngumiti at saka tumango't pasimpleng nag-iwas ng tingin.
"Okay—I will let you have your privacy. Ipapadala ko na lang 'yung damit mo dito. You can take a bath and we will eat breakfast outside," anito.
Tinanguan ko na lang siya. Tumalikod ang lalaki tapos naglakad palabas ng kwarto. Nakasunod ako ng tingin sa kanya hanggang sa mawala na siya. Mag-isa na ulit ako sa silid. Lumapit ako sa mga paper bag. Inabot ko 'yung isa't tiningnan ang laman sa loob.
Isang bikini na kulay black at isang lacey bra na kulay black din.
Kaagad namula ang pisnge ko sa isiping si Hunter ang namili't bumili ng mga ito. How did he know my size?!
Mabilis kong ibinalik ang mga undergarment sa loob ng paper bag tapos kinuha 'yung isa pa. Ang laman naman nito ay branded na flip-flops, color white.
Bakit naman ako bibilhan ng flip-flops ng lalaki? I have my—napatingin ako sa paligid. Where is my shoes?!
Hinanap ko sandali ang suot kong sapatos kagabi pero wala sa loob. Nasaan naman kaya 'yon?
Huminga ako ng malalim.
Kinuha ko ang undergarments tapos pumasok ng banyo. Ini-lock ko ang pintuan. Hinubad ko ang suot kong robe pati na rin ang undergarments kong suot. Tumapat ako sa ilalim ng shower. Binuhay ko 'yon at naligo.
"I'm having breakfast with Hunter," bulong ko sa sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro