Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 115


CHAPTER ONE HUNDRED AND FIFTEEN

MORNING.

I heard knockings came from the door, asking if I'm awake but I'm not answering. I'm walking back and forth. Kinakabahan akong lumabas ng kwartong 'to dahil hindi ko alam kung paano sila papakiharapan.

May narinig na naman akong katok. Tatlong beses ito.

"Mam Klyzene, gising na daw po ba kayo? Pinapababa na ho kayo sa ibaba!"

Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang orasan. It's seven fifteen na at kanina pang alas siete may kumakatok sa pintuan.

Pinagpag ko ang kamay ko bago tuluyang naglakad papunta sa may pinto. Binuksan ko 'yon. Ngumiti ang maid sa'kin.

"Baba na daw po kayo," anito.

Tumango ako.

Naunang bumaba ang maid at sumunod ako dito. Humawak ako sa may baradilya para umalalay pababa. Pilit kong kinalma ang sarili ko habang papalapit ako ng kusina. Wala naman akong ibang gagawin kundi ang kumain, kakain ka kasama nila.

Nang nasa pinto na kami ng kusina ay napatigil ako.

"You can do it, Zene," bulong ko sa sarili ko tapos lumakad papasok.

Napatigil silang lahat at dumako ang mata sa'kin. Hindi na ako nagtataka kung bakit, suot ko kasi ang kulay itim kong hoodie at skinny jeans. Nakita ko lang 'to sa cabinet ko, hindi rin nila inalis ang mga damit ko doon at pati na ang iba kong gamit kaya nakapagpalit ako kaninang maligo ako.

Awkwardness is in the air and grabe 'yung atmosphere.

"Hehehe..."

Klyzia smile widely at me and point the seat in front of her. Katabi nito ang asawang si Hunter na katapat naman si Kuya Jake. Si Mom ay nasa right side ni Mr. Anderson at ang katabi nitong upuan ay bakante.

"K-Klyzene... sit,"natatarantang anito.

Sumunod ako. Umupo ako sa katabi nitong upuan. Tahimik ang hapag namin sa ngayon.

"W-what do you want to eat, s-sweetie? I-I cooked your favorite..."

Kinuha ni Mom ang isang putahe ng ulam tapos ipinaglagay ako sa plato. Aligaga ito. Naiilang akong nag-iwas ng tingin.

"I help Mom to cook and bake, Zene. Try it!" panghihikayat ni Zia sa'kin.

Tumingin ako dito at tipid siyang nginitian. Madaming handa ang nakalatag sa lamesa, may mga sweets sa pinaka-dulo nito. May mga cookies rin akong nakita, a lots of it.

"She will surely like it, mom."

"Of course, she will!"

Gumatong pa sina Kuya Jake at Henry.

Nag-umpisa kaming kumain, tahimik lang ako kumakain samantalang sila Zia at Henry ang gumagawa ng usapan. Halatang pinapagaan nila ang tension sa pagitan naming tatlo nila Mom, at Mr. Anderson.

"Ahm—kumusta ka na Klyzene? I-It's been years, hehehe..."

"I'm okay."

"D-did you take Mechanical Engineering?"

Tumango ako.

"Ahh... okay! How your f-father treats you?"

Napatigil ako sa pagsubo ng huling pagkain ko dahil sa tanong nito. Tiningnan ko siya. May pag-aalangan itong nakatingin sa'kin. Para bang natakot si Mom dahil sa sarili niyang tanong. Hindi sadyang napatingin ako kay Mr. Anderson, nakatingin rin sa'kin.

Ibinalik ko ang tingin kay Mommy.

I smile at her.

Hindi gano'ng kalaki pero sapat na para maipakitang masaya ako sa mga taong kasama ko sila Papa at Kuya Ivan.

"They treat me like a Queen. We always visit Abuela in Spain, sometimes we travel just to relax..." pagkwe-kwento ko. I bit my lower lip. "Last time we travel in Russia."

She nod, and pilit na ngumiti sa'kin.

"That's good to hear..." humina ang boses nito.

Nilingon ko si Mr. Anderson na malamig ang tingin sa'kin na may halong lungkot.

Lungkot? Para saan?

"D-dito ka na ba ulit magi-stay sa Pilipinas?"

Umiling ako.

"No. Maybe next month I will go back in New York. I lived there." Kinuha ko ang baso ng tubig at uminom ako.

I wipe my lips using the table cloth.

"B-bakit hindi ka mag-stay na lang dito? I-I mean..."

"My life is there, I study there."

"You can transfer naman dito sa Pilipinas."

Magsasalita sana ako nang unahan ako ni Mr. Anderson. Tiningnan niya ako.

"Don't force her. Let her."

Napayuko ako dahil sa lamig ng boses nito. Wala talagang nagbago sa paglipas ng mga taon, huh. Miski ang mga kasama namin sa mesa ay napatahimik nang magsalita ang lalaki.

Kahit hindi ko nakikita ay nararamdaman ko ang mga tingin sa'kin ni Mr. Anderson na mas nakapagpakaba sa'kin.

Nang matapos kaming mag-almusal ay nagpaalam na akong aalis na. Hinatid ako sa labas nila Mom at Zia. She almost crying.

"H-hindi ka na ba talaga pwedeng mag-stay ka pa dito?" mahinang tanong ni Mommy.

Umiling ako sa kanya.

"Sorry but I can't po. I need to go back the the resort na rin," ani ko.

Pilit na tumango si Mom bago ako niyakap ng mahigpit. Tumingin ako kay Zia nang humiwalay siya sa'kin.

"Take care there, Zene. I will follow your after a week," anito.

Tumango ako at binigyan siya ng light hug tapos nag-wave ako. Tinalikuran ko sila para lumapit sa may Grab na binook ko kanina. Sumakay ako sa loob, tumingin ako sa labas at binigyan sila ng huling kaway bago umayos ng upo.

"Saan po tayo, ma'am?"

"I will guide you na lang po,"

Sumandal ako ng upo saka dumeretso ng tingin. Umandar na ang sasakyan paalis. Nang masiguradong malayo na ako sa bahay ay tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang tanawin sa labas.

TANGHALI na nang makarating ako sa resort namin. Nagbayad ako ng malaki sa driver para hindi naman lugi sa lagay nito dahil pabalik pa 'to ng Manila.

Huminto ako sa pagpasok ng resort at tumingala ako. I'm finally back here. In my safe place. Dumilat ako at pumasok sa loob ng Hotel. Napangiti ako nang makita si Ate Riley nan aka-upo sa may sofa habang kaharap si Kuya.

Ibinaba ko ang bag ko. Tumikhim ako.

Sabay silang napalingon sa'kin. Namilog ang mga mata ni Kuya at ngumiti naman si Ate sa'kin. Patakbo siyang lumakad palapit sa'kin.

She hugged me.

I hug her back.

"Ang tagal mong nawala, babae ka!!" ani Ate nang maglayo ang katawan namin.

Napatawa ako. "I miss you too!"

Lumapit sa'min si Kuya saka ako binigyan ng mahigpit na yakap. Gumanti ako. Hinalikan ako ni Kuya sa pisnge bago humiwalay.

"I miss you, Kuya!" bulong ko.

He laugh then kissed my forehead before pushing me slightly away. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay binalik sa mukha ko ang mata.

"Namayat ka! Kumakain ka pa ba do'n?!" puna niya sa katawan ko.

Umirap ako sa kanya.

"I'm not payat, I'm sexy kaya!" sagot ko.

Lumayo siya sa'kin.

"Sexy?! Where?!" nag-aasar niyang tanong.

Tinuro ko ang katawan ko bago tinulak sa balikat ang lalaki. Nginisihan ko siya.

"This body is nice and not thin! Ang gusto mo kasi is 'yung malaman!" makahulugang wika ko saka pasimleng tumingin kay Ate Riley.

"What?!" namimilog ang matang ani Ate Riley.

Umiling ako sa kanya.

"Pupuntahan ko muna si Papa, nasaan siya?"

"In his room. Nagpapahinga. Mamaya ay bababa na rin 'yon."

"Did he know I'm coming home?"

Umiling sila sa'kin. Ngumiti ako bago kinuha ang bag ko at naglakad palapit sa elevator. Pinindot ko ang open button at pumasok sa loob ng bumukas 'yon. Pinindot ko ang penthouse. Ilang sandali akong naghintay. Lumabas ako at pumasok sa loob ng penthouse.

Dumeretso muna ako sa kwarto ko. Inilagay sa kama ang malilinis kong damit at sa laundry basket ang mga madumi. Nagbihis na rin ako.

Nagpunta ako sa kwarto ni Papa at kumatok.

"Papa!" I call him and knocked again.

Hinawakan ko ang doorknob at pinihit 'yon pabukas. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar nang makapasok ako. Sinarado ko ang pinto. May ingay na nanggagaling sa banyo kaya na-sure kong naliligo ito.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Umupo ako sa kama. Sumandal ako headrest tapos ay kinalikot ang cellphone ni Papa. He doesn't mind at all if I'm using his phone. Madalas nga'y ako pa ang may hawak nito lalo na kapag magkasama kaming dalawa.

Pinindot ko ang gallery icon nito sa phone at chineck ang mga pictures.

Napangiti ako.

Mga pictures kasi namin ni Kuya ang nandoon, mas marami ang pictures ko—naming magkasama.

Nag-selfie muna ako bago binitawan ang phone.

Fifteen minutes akong naghintay bago bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Papa na nakasuot nan g damit at nagpupunas ng buhok.

I wave my hands at him while smiling widely.

His eyes widened.

"Sweetheart!!" he called me.

I bit my lips and then run to hug him. He hugged me back, kiss my head then looking at my eyes.

"Kaylan ka pa umuwi?!" gulat niyang tanong.

"Kadarating ko lang, Pa."

Tumango ito at hinila ako palabas ng kwarto. Nasa sala kami. Magkatabi kaming umupo sa couch. Sumandal ako sa dibdib nito at pumikit. I can say I'm finally feel safe...

"How are you, sweetheart?" pabulong niyang tanong.

I shook my head.

"I'm not good, Pa..." I gulped, "l-last night I sleep in Anderson's residence... in m-my old room..." pagu-umpisa ko ng kwento.

"What do you feel then?"

"I feel scared.... Anxious... a bit happy but sad."

"Did they treat you bad?"

Umiling ako.

Nag-umpisang tumulo ang luha ko. Dumiin ang pagkakapikit ng mga mata ko.

"N-no... b-but I can't stay there, Pa... I cannot. I-I feel not safe... memories are rushing into my head. Falling like a waterfalls and I can't stop thinking about the past."

Inilayo niya ang katawan ko sa kanya tapos ay pinunasan ang luha ko. I pouted my lips.

Gamit ang hintuturo ay pinalis niya ang luha ko.

"Are you ready to forgive them?" mahinang tanong niya.

I shrug my shoulder.

"I don't know, Pa. I don't know..."

"How about your Daddy—"

"Pa!"

He smiled at me.

"Hija, matagal ko nang natanggap na may iba ka pang nakilala at tinuturing na ama bukod sa'kin. And that's okay... I understand if you call her Dad again. It's fine."

Napapikit ako't naalala ang malamig na tingin sa'kin ni Mr. Anderson kanina pati na malamig nitong boses.

"He's still the same, Pa," pabulong kong sagot bago iniyuko ang ulo ko.

Wala akong ibang narinig kay Papa. Hinila niya lang ako payakap, sumandal ako sa dibdib nito at nagpahinga.

MADILIM na ang paligid ng magising ako. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid para malaman kung nasaan ako. I'm in my own room. Alone. Papa bring me here siguro nung nakatulog ako and to sleep comfortably.

Bumangon ako. Hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod bago naglakad papunta sa labas. Nakapatay na ang ilaw sa salas pagdating ko. Ang nagbibigay nang liwanag sa labas. Nagtuloy ako sa kusina.

Binuksan ko ang ilaw at saka lumapit sa may ref. Binuksan ko ang pinto, kinuha ko ang ref sa may gilid saka nagsalin sa basong kinuha ko sa may cabinet. Sumandal ako sa may counter habang umiinom.

Tiningnan ko ang orasan. Seven thirty pm na.

Nagtataka ako kung nasaan sila Papa at Kuya, kapag ganitong oras kasi ay palagi silang nasa kusina at nagluluto ng hapunan namin. Nang maubos ko ang gatas sa baso ay lumapit ako sa bowl na puno ng prutas na nasa gitna ng lamesa.

Kinuha ko 'yung apple.

Lumabas ako ng penthouse at dumeretso sa may elevator. Bumaba ako sa may lobby.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya lumabas ako. Tumingin ako sa paligid. Walang tao? Kumunot ang noo ko saka tumalikod. Nagpunta ako sa may pool side area. Sumalubong sa'kin ang malamig na simoy ng hangin.

Napayakap ako sa sarili ko. Hinaplos ang sariling balikat para maibsan ang lamig.

Lumapit ako sa may gilid ng hagdan. Nakatingin ako sa medyo maalong dagat. Napansin kong may ingay na nanggagaling sa may beach. Siguro'y nandoon sila at nagsasaya. Tumalikod na ko't bumalik sa loob ng hotel.

Papasok na sana ako sa may elevator nang may marinig akong paghinto ng makina ng kotse. Tumingin ako sa labas. May black na Raptor na nakahinto sa tapat. Lumakad ako palapit do'n.

Babatiin ko sana ang bagong dating nang makilala ko kung sinong dumating. Nag-cross arm ako at seryosong tumingin dito.

"Anong ginagawa mo dito?!" inis kong tanong sa kanya.

Malapad siyang ngumiti sa'kin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos ay inabot sa'kin ang isang box ng cake.

Tiningnan ko 'yon.

"Anong gagawin ko diyan?" mataray kong tanong.

Nawala ang ngisi siya at seryoso na ring tumingin sa'kin, pero hindi pa rin naalis ang kislap sa mata nito.

"It's a cake with cookies and cream toppings," aniya na idiniin pa ang cookies and cream na salita.

Sinimangutan ko siya.

"I don't eat cookies anymore!"

"Well, sa'yo na 'to." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang cake. "Eat it or throw it bahala ka kung anong gusto mong gawin."

Tinalikuran ko ang lalaki't pumasok sa loob ng hotel, naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin.

"Nag-dinner ka na?" tanong nito.

Hindi ako sumagot. Ipinatong ko ang cake sa may ibabaw ng table. Nilingon ko ang lalaki.

"What are you doing here?" pag-uulit ko ng tanong.

"Nagch-check lang ng kung ano nang nangyayari sa resort mo," nag-iiwas tingin nitong sagot.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"At this hour?" hindi makapaniwalang tanong ko.

He pouted his lips then scratched his nape.

"Y-yeah..."

Nakangising inilingan ko siya. Kung ano na lang ang maidahilan niya ha.

"Leave na. It's late na," utos ko.

Umiling siya.

"Ireallywanttoaskyououttonight."

Namilog ang mata ko. Umawang ang labi dahil sa bilis ng pagsasalita ng lalaki kaya hindi ko maintindihan.

"Can you repeat again?"

Yumuko ito.

Tumikhim ako.

"Repeat, Hunter. Hindi ko naintindihan. You talk so fast!" pagre-reklamo ko.

He laugh a bit.

Nagpakawala ito ng hininga tapos nag-angat ng tingin sa'kin.

"I said, can I ask you out tonight?" ngayon ay mabagal at malinaw niyang pagkakabigkas.

Namewang ako sa harapan niya.

"And where are we going?"

"In my resort, if you want... or in city...?"

Napalabi ako at tumango.

"Okay. Wait me here, magpapaalam lang ako." Tumalikod ako at patakbong nagpunta sa may beach. Nakita kong nag-iihaw si Ate Riley kaya lumapit ako sa kanya.

"I will go with Hunter, nandoon siya sa labas. And punta daw kami sa resort niya," wika ko.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin saka ngumiti.

"W-what?"

"I will go out with Hunter, babalik ako mamaya." Ngumiti ako sa kanya. Tumalikod na ako't bumalik sa loob ng hotel.

Naabutan kong nagbabasa ng magazine.

"Let's go!" aya ko sa lalaki.

Nilingon ako ng lalaki, tapos ay binaba ang hawak na magazine. Tumayo ito para lapitan ako.

"Ladies first," anito saka inilahad ang palad papunta sa kotse niya. Nagkibit balikat ako tapos ay naglakad na. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka sumakay.

Si Hunter na ang nagsarado ng pintuan para sa'kin. Umikot ang lalaki papuntang driver seat. Umalis na kami.

"Gaano kalayo ang resort mo dito?"

Curious kong tanong habang nakatingin sa labas ng bintana. Medyo nakikita pala dito 'yung ilaw na nanggagaling sa mga kabahayan. Binuksan ko ang bintana.

Sumilip ako sa labas at tiningnan ang buwan pati na ang mga bitwin.

Na-realize ko ang isang bagay.

Sumama ako sa kanya. Kay Hunter...

"Malapit lang dito. Mga ten to twenty minutes of ride kapag naka kotse ko, almost one hour kapag palakad," pagpapaliwanag nito.

I suddenly remember the night we spend...

Ganito rin 'yon, madaming bitwin at maliwanag ang bilog na buwan. Napapikit ako.

"You will enjoy there, Black..."

Lumingon ako kay Hunter at nakita ko siyang nakatingin sa'kin. Our eyes locked, then my heart beats faster than usual...

Uh-ow... this is bad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro